Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

"BREAK"

🇵🇭Mayu_Kitamura
12
Completed
--
NOT RATINGS
9.7k
Views
Synopsis
Light Dela Fuerte was once broken by a nightmare that continues to hunt her up until now. No matter what she does, she can't erase it from her life. Grimnard Marquez does have everything a man wants in his life but he was deprived by what he seeks the most… he never had a family. That is why love was also not part of his life. Nang ibuhos niya ang lahat ng hinanakit niya sa mundo at hindi niya alam kung paano titigil, dumating si Light sa buhay niya. Natutunan niya ang salitang pag-ibig dahil dito. Ngunit dahil sa nakaraan nito, pilit nitong inilalayo ang sarili sa kaniya gamit ang kontratang pareho nilang ginawa kahit pa alam namang nilang pareho na mahal siya nito. Magagawa kayang tibagin ni Grim ang pader na patuloy na nagkukulong sa dalaga sa nakaraan nito o mananatili na lang na nakatali si Light sa alaalang gusto na nitong mabura?
VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1: GRIM

Lita Dela Fuerte or Light in short, the bartender of the bar named Soul Vengeance, was wiping some wine glasses when her boss passed in front of her leaving the car key at the bar counter. All Light could do is follow him with her gaze while his little friend clings to him like she owns him.

As usual, he has the weirdest hair she have ever seen. Why? because he is the first person she saw with blue hair, a devil like blue eyebrows and a pair of piercing blue eyes.

Sabi ng mga kakilala niya na kaibigan ng kaniyang boss, pinakulayan daw nito ang buhok at kilay ng asul pero ang mga mata nito ay talagang asul dahil na din siguro sa may dugo itong Italiano.

Madalas ding niyang marinig mula sa mga taong nakakasalamuha niya sa bar ang tawag ng mga ito kay Grimnard bilang present Adonis dahil daw sa pagiging hot, cool and sexy nito. Para naman sa kaniya, malayo ito sa pagiging Adonis o hindi lang niya makita ito bilang isang Adonis.

Indeed, he is sexy but his personality is not... at least for her.

Pagmamay-ari nito ang bar kung saan siya nagtatrabaho ngayon. Noong unang salta niya sa bar, akala niya ay isa iyon sa mga ilegal na bar na madalas niyang makita sa balita dahil parang napaka-ganda at ayos ng lugar. Yung tipong maganda ang face value pero may tinatago pala.

Pero sa limang taong nakatayo ang Soul Vengeance at sa limang taon niyang pagtatrabaho doon, wala pa namang violations na nangyayari. Iyon nga lang, ang mga manager, expected na three months lang ang itatagal. Wala ding nakakatagal na tauhan dito. Siya lang yata.

Ang dahilan? si Grimnard Marquez mismo at ang kakaiba nitong ugali.

May owner bang nanggugulo sa sariling bar?

When she asked him once, he just shrugged his shoulders.

Ang rason nito, sinusubukan lamang daw nito kung talagang may sense of responsibility, alertness at good decision making ang nakuha nilang manager. Kapag hindi naayos ng manager ang gulo bago magpakilala ang kanilang boss ay siguradong tigbak na ito. Kung hindi man, dahil na rin siguro sa pagkapahiya kapag tinalakan na ay nagre-resign ang manager.

Hindi kasi kilala ng mga applicants ang may-ari ng bar kapag nakuha ang mga ito sa posisyon. Makikilala na lamang ng mga ito si Grimnard kapag nakagawa na ito ng eksena.

Siya, bilang bartender lang dapat ng bar, ang inaatasan nitong mag-hire ng mga magiging crew at manager. Hindi naman niya magawang tumanggi dahil tauhan lang siya ni Grimnard. Minsan gusto na niyang magreklamo pero hindi naman niya magawa.

Medyo sumasakit na nga ang ulo niya sa papalit-palit na kasama sa trabaho. Mabuti na lang at ang huling nakuha niyang manager ay mukhang magtatagal na.

Anim na buwan na din naman kasi mula nang makapasa si Gin, ang kanilang kasalukuyang manager, sa interview niya at mukhang wala pa naman itong planong umalis kahit pa nanggulo na ang kanilang boss. Naayos kasi nito ng walang kahirap-hirap ang gulo noong gumawa na naman ng eksena si Grim. Mula noon, ito na ang lagi kasama niya sa bar counter kapag tapos na nito ang trabaho nito sa opisina.

Kaagad namang bumalik ang isipan ni Light sa kasalukuyan mula sa paglilitanya sa sarili ng biglang may magsalita sa suot niyang earpiece. Konektado kasi iyon sa intercom na nasa VIP Room na exclusive para lamang kay Grim.

"Katulad ng dati, walang istorbo. And stay alert. I might call you." Bilin ng butihin niyang boss.

"Yes Sir." sagot na lamang niya hanggang sa mawala na ito sa kabilang linya, "The playboy, badass Grim." bulong pa niya sa sarili.

Napahinga na lang ng malalim ang dalaga ng makitang isinara na nga ni Grim ang pintuan ng VIP Room kung saan dinala nito ang kasama nitong flavor-of-the-week. Nagbilang siya sa darili at iyon na nga ang pangatlong araw ng babae bilang fling ni Grim. Halos hindi na nga niya natatandaan ang pangalan ng babae dahil sa buwan na iyon, ang babaeng iyon na ang pang-apat nitong kasama.

Sexy with curly long hair at model-like ladies ang trip ng kaniyang boss. Wala pang nakikita si Light na babaeng dinala nito sa bar na hindi pasok sa ganoong standard. Pero, hanggang sa VIP Room lamang ng bar ito nagdadala ng babae. Sa bahay nito sa second floor ay walang nakakapasok sa mga fling nito.

"Light, scotch on the rocks please." Nabaling ang tingin ni Light sa kararating.

Lucifer Manuel, a regular in their bar. The guy is wearing a black polo with curled up sleeves until just below his elbows and a cream pair of slacks.

Naka-brushed up din ang itim nitong buhok dahilan para lumitaw ang tahi sa bandang taas lamang ng kanang tainga nito. Hindi na tinubuan iyon ng buhok kaya nagmukha iyong design na lalong nagpa-astig sa itsura ng kadarating na binata.

"Sir Lucifer?"

"Cifer na lang. Nagiging fallen angel kasi ako kapag Lucifer eh." Biro ng binata pagkatapos maupo sa bakanteng pwesto sa harap niya. Napangiti naman si Light.

"Okay Sir. Scotch on the rocks coming right up." Kuha niya sa order nito. Habang hinahanda ang inumin ng binata ay nagtanong si Cifer.

"Light? How's Grim?"

Nagkibit-balikat lamang si Light, "Hayun, Sir, as usual."

"Hindi na nagbago, no?"

"Kaya nga."

"Buti Light, nakakatagal ka dito? Ang tatag mo din, 'no?" tanong ni Lucifer.

Natahimik naman ang dalaga dahil hindi katatagan ang pangunahing rason kung bakit nakatagal siya sa bar pero isa pa din siguro iyon sa dahilan. Pinili na lang niyang sumang-ayon dito.

"Oo, Sir. Kailangan eh. Tsaka kahit paano naman po, mabait pa rin si Sir Grim. Hindi nga lang po masyadong nakikihalubilo sa amin. Pero okay pa din. Kayo nga po, Sir, nakatagal bilang kaibigan niya kahit pa iba siya magsalita. Kailangan lang po talagang basahin siyang mabuti. " Sagot ni Light sabay bigay ng order ni Lucifer.

"Sabagay."

"Anything more, Sir?"

"Wala na. Thank you." saad nito bago inangat ang baso.

"Most welcome, Sir. Have a great night." ngiti niya dito bago siya nagpasintabi upang mag-replenish ng ibang stock sa bar area.

Sandaling nakapagpahinga sa paggawa ng mga order na inumin si Light ng bigla niyang narinig na nag-static ang kaniyang earpiece.

"Light, bring us some drinks; the usual." utos ni Grimnard sa kaniya, halata sa boses ang mabilis nitong paghinga.

Kaagad ginawa ng dalaga ang special mix na laging iniinom ni Grim at ang Tequilla na para sa kasama nitong babae bago mabilis na tinungo ang VIP room. Dahil sa protocol nila ay kumatok muna siya ng tatlong beses.

She was expecting silence when she entered because she knocked three times, as what he and Grimnard have agreed whenever he asks her to serve them their drinks. But her expectation was shuttered when she heard a loud cry of pleasure.

Para siyang ipinako sa kinatatayuan dahil sa seductive na boses ng babaeng kasama ng kaniyang boss.

The drinks she was holding almost slipped out of her tray but she managed to make it steady until she reached the table after she got a hold of herself. She immediately put the drinks on it and rushed outside, locking the door behind.

Sa loob ng limang taon na server siya ni Grim sa VIP Room, iyon lamang ang isang minuto sa buhay niya na nakarinig siya ng ganoon mula sa silid na iyon. Sisiguraduhun niyang kakastiguhin niya ang kaniyang boss mamaya dahil ito ang nagbilin sa kaniya na kumatok ng tatlong beses para alam nito na papasok siya at maitigil ang ginagawa o magawa nitong patahimikin ang kasama pero hindi nito nagawa iyon bago pa siya nakapasok.

Mukhang napansin naman ni Cifer ang pagmamadali ni Light at may ideya ito kung bakit. Pero dahil gusto din nitong asarin ang dalaga ay patay-malisya itong nagtanong.

"Something wrong?"

"No-nothing Sir." namumula niyang sagot.

"You're blushing." napapangiti nitong pansin bago nangalumbaba sa bar counter dahilan para mapatingin siya ng mabilis sa binata.

"PO?!" Bulalas niya. Bigla itong tumawa.

Doon niya napagtanto na pinaglololoko lang siya ni Lucifer dahil madilim ang bar para makita nito kung namumula siya. Napasimangot na lang tuloy si Light.

"Ano bang naabutan mo doon?"

"Sir naman eh! Kailangan pa bang itanong 'yun?!"

"Bakit ba kasi pumayag ka na ikaw ang laging magdadala ng gusto nila doon sa loob? Pwede namang iba, hindi ba? May iba naman kayong crew. Pwede rin si Gin." Medyo seryoso na nitong tanong.

Nilagyan muna ulit ni Light ng scotch ang rock glass ng binata na inumang nito sa kaniya bago sumagot.

"Ako lang po kasi ang binigyan ni Sir ng susi sa VIP room na 'yun. Ayaw niyang ibigay sa iba. No choice."

"Hay naku, Light." Sabi nito at inisang lagok ang alak pagkatapos ay naglapag ng bayad sa mesa at tumayo. "Next time, try saying 'no' to him. It might change something," Pahabol pa ng binata bago tuluyang umalis. Sinundan na lamang niya ito ng tingin pagkatapos ay nagulat sa biglang nagsalita sa bandang kanan niya.

"Kanina pa kita tinatawagan sa intercom pero hindi ka sumasagot."

Paglingon ni Light dito ay bigla siyang natulala, Si Grim... Topless.

"Sir! Anong ginagawa niyo dito ng nakaganyan kayo? Magdamit nga kayo! Tingnan niyo o! Pinagtitinginan kayo ng mga babae na parang dinner nila kayo mamaya." medyo histerical niyang bulalas.

"Ano?" kunot-noo namang tanong ni Grimnard.

"Wala!" iwas niya dito.

Kung pwede lang niyang tanggalin ang suot na apron ay ginawa na niya para lang takpan ang katawan nitong nakabalandra sa harapan niya.

"Lutang ka ba ngayon, Light?

"Hindi."

"Eh bakit hindi mo ako narinig kanina?" taas ang kilay na tanong ng kaniyang boss.

"Sorry."

"Be early tomorrow. I'll give your punishment."

"PO?!"

Kinaumagahan...

Dahil opening si Light, mas maaga pa sa maaga siya pumunta sa bar. Nais niyang takasan si Grim dahil hindi niya alam kung anong klase ng parusa ang sinasabi nito. Pinili niyang dumaan sa likuran ng bar dahil alam niyang hindi napapadpad ang binata doon.

Ngunit pagpasok niya ng pintuan ay may tumakip na kaagad ng bibig niya at humila sa kaniya papunta sa ikalawang palapag. Kahit na magpumiglas siya ay hindi niya kayang kumawala dahil sa lakas ng mga kamay nang humahatak sa kaniya. Nagsisimula na siyang mag-panic.

His arms were too strong that she can't even turn her head to see who it is until they reached Grim's office. That's when she realized who the bastard is. After throwing her in the sofa she heard him lock the door.

"What the hell, Grim?"

"Your punishment starts now."

"Huh?!"

Lumapit ito sa kaniya.

He grabs the arm of the sofa, prisoning Light between him and the soft seat then leaned down towards her. His face was so close that she can even feel his breath brushing her cheeks. The thing that caught her off guard is his scent. He smells like blueberry wine. She felt like she drunk it herself. Her heart started pounding fast as her face burns with embarrassment.

Then she heard him chuckle. Her eyes which closed immediately after he leaned closer flew open. Grim is literally looking down at her.

"Hindi ko alam na namumula ka rin pala."

"Huh?!"

"That suits you. Wear that until the end of the month."

Kaagad na hinablot ni Light and headband na isinuot sa kaniya ni Grim at tiningnan. Cat ears. Naiinis na itinapon niya iyon sa carpeted floor.

"Ayoko! Thats so eww!"

"What? Ang arte ah. Wear that."

"Ayoko Sir! Hindi naman bagay eh. A bartender using cat ears? Anong nangyari sa fashion taste mo?"

"Wala namang mali doon. Its been on the trend recently. And may I remind you, that's your punishment." Sabi nito sabay turo sa headband.

"Pero..."

"No buts. Besides..."

Bago pa siya nakalayo ay nahuli siyang muli ni Grim. Hinaplos nito ang baba niya na parang pusa. Bumalik ang kakaibang kaba niya.

"I didn't know that this part of you is sensitive."

With that, every piece of memories that she wanted to forget came flashing back. She immediately fell into the abyss and everything went blank. The last word she heard was her name.

"Light!"

When she woke up, she immediately saw Grim looking at her. Once again, she panicked and immediately moved away but it was a wrong decision. She fell flat on her back. Its a good thing that the floor was covered with carpet so it didn't hurt that much.

"Aw!"

Pag-angat niya ng tingin, parang wala lang na nakatingin din si Grim sa kaniya mula sa kama. Doon lang niya napansin na wala itong suot na pang-itaas. Kaagad siyang umayos at tinignan ang sarili. Nang makitang nakasuot pa naman ang kaniyang uniform at walang nabago roon ay matalim niyang tinapunan ng tingin si Grim. Ngumisi lamang ito na parang nang-aasar.

"Wala akong ginawa sa'yo. Wag kang umasa." nakangisi nitong saad.

"As if. Teka, nasaan ako?" tanong ni Light ng mapansin na hindi pamilyar ang kwarto na kinalalagyan niya.

"Sa kwarto ko."

"Ano?"

"Umamin ka nga. May sakit ka ba?"

Nagulat ang dalaga sa tanong nito. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang pagkahimatay niya kanina pero sigurado siyang wala siyang sakit.

"Wala!"

"Bakit ka nahimatay kanina? Hindi naman siguro ganoon kalakas ang epekto ko sayo?"

"Yeah right. Asa." Nakairap niyang saad bago naalala ang trabaho. "Hala! Ako ang opening! Ilang minuto na ba akong walang malay?" tarantang tanong niya habang hinahanap ang mga gamit.

"Bukas na ang bar. Limang oras ka ng tulog. Kaya huwag mong isipin 'yun. Deduction na lang sa sahod mo ang pagtulog mo. At huwag mong baguhin ang usapan. Sagutin mo na lang ang tanong ko."

Dahil alam niyang wala na siyang magagawa sa sitwasyon niya at huli na siya sa trabaho, pinili na lamang niyang muling ibaling ang tingin kay Grim habang nag-iisip ng paliwanag. Kaagad siyang kinabahan dahil kitang-kita sa mukha nito na seryoso ito, yung tipong kapag nagsinungaling siya ay maitatapon kaagad siya palabas.

"I don't really know pero wala akong sakit, okay? Nakita mo naman sa medical records ko, hindi ba? I'm even updating it every year kasi 'yun ang nasa kontrata natin."

"Its easy to make fake med records." Parang wala lang na sabi nito. Kaagad na uminit ang ulo ni Light dahilan para mabilis itong mapatayo.

"What? Are you doubting me now? After all these years?"

"Wala akong sinabi."

"Okay, maniwala ka man sa hindi, ikaw pa mismo ang magpa-check up sa akin kung gusto mo."

Tiningnan siya nito ng diretso sa mata at ganoon din ang ginawa niya. Wala siyang inililihim kaya hindi siya magpapatalo dito sa titigan.

Grimnard is the first one to give up by rolling on his bed facing the ceiling.

"Then why did you faint? Don't tell me because I touched you?"

She knew that it was partly that but it wasn't the main reason. She chose silence as an answer. Then she heard him sigh.

"Or maybe the cat ears?" He added while caressing his jaw; as if he was thinking and really making it a part of the option.

Kaagad na natunaw ang inis niya dahilan para matawa na lang siya pero pinigilan iyon ni Light at kunwari ay sumimangot.

"Perhaps... hindi nga kasi bagay. Anyway, ano bang ginagawa ko dito? At bakit ganyan ang itsura mo?" Tiningnan nito ang sarili bago siya muling hinarap.

"Kama ko ang kinahihigaan mo kanina. Hindi ako gentleman katulad ng lagi mong sinasabi. Inaantok ako pero hindi ako natulog sa sofa dahil lang nandiyan ka sa kama ko at hindi ako sanay ng matulog ng nakadamit. Ano ang ginagawa mo dito? Nahimatay ka, hindi ba? Sabihin na nating, hindi ka bagay sa sofa or sa kama sa VIP rooms kaya dinala kita dito. At ngayon ko lang nalaman na bagay ka pala sa kama ko."

Naramdaman niya ang pag-akyat ng dugo sa kaniyang mukha dahil sa sinabi nito. Namumula niyang naisara ang mga palad bago binigyan ng nangigigil na tingin ang binata. Ngunit ngumiti lang ito na lalo niyang ikinainis.

"Well, salamat ha! Hindi mo ako itinulad sa mga babae mo na hanggang VIP rooms lang. Pero... kailanman hindi ako bagay sa kahit na anong kama mo!" bulyaw niya dito at inis na tumalikod upang umalis.

Tumawa lamang si Grim nang malakas hanggang sa makalabas ng kwarto nito ang dalaga.

____TO BE CONTINUED____