Chereads / "BREAK" / Chapter 2 - CHAPTER 2: CONTRACT

Chapter 2 - CHAPTER 2: CONTRACT

Paunti-unting tumigil sa pagtawa si Grim at naupo sa kama ng ibagsak ni Light pasara ang pintuan. Ang kaniyang halakhak ay napalitan ng ngiti.

He couldn't believe Light's effect on him. Everything she does really amazes him. It makes him want her more but he can't do that because they have a contract. They signed a 10 year contract for Soul Vengeance and for both of them as well.

Yup. He wants her. But his desire just stops there.

Kanina, nang mahimatay ang dalaga, kinabahan siya ng sobra. Unang pagkakataong kinabahan siya nang ganoon kaya kaagad niya itong binuhat at dinala sa kwarto niya bago tinawagan ang kaibigan niyang doktor na si Apollo. Labing limang minuto lang ang lumipas bago ito nakarating. Kinakabahan siya habang tinitingnan ni Apollo si Light at nakahinga lang siya ng maluwang noong sabihin nitong wala naman daw problema sa dalaga. Sadyang pagod lang daw ito kaya hinimatay.

Dahil binigyan siya nito ng kakaiba at mapang-asar na tingin, sinipa niya ito palabas. Hindi naman literal. Binugaw lang niya ito pagkatapos nitong bilinan siya ng ibang bagay kung sakaling may kakaiba kay Light pagkagising nito.

Pagkaalis ni Apollo, nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdan si Light habang natutulog kaso nahawa siya sa malumanay nitong paghinga kaya tinabihan niya ang dalaga. Dahil hindi siya sanay na matulog ng may damit, tinanggal niya ang pang-itaas niya at nahiga sa tabi ni Light. Pagkagising niya, tulog pa rin ito kaya pinanood niya itong muli.

Sayang lang dahil limang minuto lang ang dumaan ng magising ito at mahulog sa higaan.

Sighing, he laid down ang stared at the ceiling. He can't erase the smile on his lips because he never felt so refreshed like that since six years ago. The first time he felt like that was when he met her.

He was about to sleep again when he heard his angel call him.

"Hoy Grim! Nandito 'yung flavor-for-the-week mo! Bumaba ka dito!"

Napakunot ang noo niya sa sinabi nitong flavor-of-the-week pero tumayo pa rin siya at kinuha ang hinubad na T-shirt kanina para isuot pagkatapos ay bumaba sa bar area. Nang makita niya si Zia, ang kasama niyang babae kagabi, doon lang niya naintindihan ang ibig sabihin ng flavor-of-the-week. Napailing na lang sa sarili si Grim dahil sa unique ng pag-iisip ni Light.

"Anong ginagawa mo dito?" walang gana tanong niya sa babae. Wala kasi siyang maalalang usapan nila na magkikita sila ng umagang 'yon.

Medyo nainis kasi siya dito kahapon noong nag-ingay ito pagkapasok ni Light sa VIP Room. Lihim tuloy siyang napasulyap sa kaniyang bartender bago nagdesisyon na kakausapin ito mamaya pagkaalis ng babaeng nasa harapan niya ngayon. Nakapagdesisyon na kasi siya na hindi na ito ang aasikaso sa kaniya sa VIP Room sa mga susunod na araw.

"Hindi ko na ba pwedeng puntahan ang boyfie ko?"

Mula kay Light ay ibinalik ni Grim ang tingin kay Zia. Katulad ng dati, hinaplos nito ang dibdib niya pero wala siyang naramdaman dahil wala siya sa mood at inaantok pa.

"Umuwi ka na."

"Hindi mo man lang ba ako dadalhin sa bahay mo after getting all the way here? Diyan lang naman 'yun sa taas hindi ba?" paglalambing nito na medjo nakanguso. One of the things he hates about girls is this; pabebe.

"Kailangan mo ba akong pangunahan kung gusto ko o hindi?" he said in a very cold tone and that made her slowly back off.

"Okay. Sabihin mo lang naman na hindi."

Medyo naramdaman naman ni Light ang tension sa pagitan ni Grim at ng flavor-of-the-week nito kaya inilagay niya ang special mix drink niya sa counter; sa tapat ng kaniyang boss. Kinuha iyon ng binata at ininom tsaka hinawakan ang mukha ni Zia at hinalikan ito. Katulad ng inaasahan, nabigla ang babae at napatunganga. Napapailing naman siya sa public display ng dalawa kaya tumalikod na lamang siya upang asikasuhin ang mga natitira pang orders ng ibang customers.

"Tomorrow." Tanging sabi ni Grim pagkabitaw nito kay Zia. Para namang tinaman ng kung ano ang babae na napangiti ng matamis sa binata.

"O-okay. I'll... Go home... For now."

At lumabas na nga ito ng bar habang kumakaway. Napailing na lang si Grim dahil hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganoon ang mga babaeng nakakasalamuha niya kapag nahalikan. Napili na lamang niyang umupo ng maayos sa bar counter at ininom ng tahimik ang natitira sa Bartender's Mix na ginawa ni Light para sa kaniya.

"Nasaan na iyong babae mo?" narinig niyang tanong ni Light kaya napataas siya ng kanang-kilay.

"Babae ko talaga? Lumayas na."

"Bakit? Hindi ba? Hinanda ko pa naman itong tequilla niya."

"Ibigay mo na lang sa kung kanino diyan. Sa opisina na ako." Walang gana niyang utos pagkatapos saidin ang iniinom.

Habang papunta siya sa hallway na kumokonekta sa bar area at hagdan paakyat sa second floor ay may nabangga siya. Hindi na sana niya ito papansinin dahil wala siya sa mood pero kinuwelyuhan siya nito at marahas na hinila.

"Hoy! Ano bang problema mo? Namamangga ka?" mayabang nitong asta na akala mo ay teritoryo nito ang teritoryo niya. Isang nakamamatay na tingin ang binigay niya dito.

"Kung ayaw mong masaktan, bibitawan mo ako." Banta niya dahil umiinit na ang ulo niya. Pinipigilan lang niya ang sarili dahil nakatingin si Light sa direksyon niya ng mga oras na iyon. Isa pa, wala siyang balak gumawa ng eksena.

"Ikaw yata ang gustong masaktan?" nakangisi nitong sabi at akmang sasapakin na siya pero naunahan niya ito ng mabilis na suntok na siyang naging dahilan para bitawan nito ang damit niya at mapaatras.

Dahil na din sumagad na ang init ng dugo ni Grim ay papasundan pa sana niya ito ng sapak nang maramdaman niya na may humawak sa braso niya. Paglingon niya ay si Light iyon. Kaagad siyang kumalma ng tingnan siya nito ng matalim.

"Sir, handa na po ang VIP room. Heto po ang susi."

Napakunot-noo siya sa sinasabi ni Light dahil hindi naman niya pinahanda ang VIP Room. Bago pa siya makapagsalita ay nahila na siya nito. Sinigawan na lang niya si Gin na kalalabas lang mula sa opisina ng manager.

"I-Ban mo 'yan ha. Ayokong makita ang pagmumukha niyan sa teritoryo ko."

Hindi na niya nakita kung ano ang ginawa ni Gin dahil nagawa na siyang hilain ni Light sa VIP Room. Pagpasok nila doon ay pinili na lang niyang umupo sa kama at tingnan ng malamig ang babae.

"Bakit mo ako pinigilan?" Naiinis niyang tanong.

"Kasi nasa labas ang kapatid mo, Grim." Sagot ni Light na lalong nakapagpainit ng ulo ni Grim.

"Bakit mo siya pinapasok?"

"Costumer siya. Hindi ko siya pwedeng hindi papasukin. He paid for the entrance."

"Kahit na! Sinabi ko naman sa'yong huwag na huwag mo siyang papapasukin dito sa bar ko hindi ba? Tabi diyan. Kung hindi mo siya kayang paalisin, ako ang gagawa." Nagtitimping sabi ni Grim sabay tayo para lumabas. Humarang si Light sa pintuan at ini-lock iyon.

"Ayaw."

"Light." Madiin niyang banta.

"Ayaw ko." Determinadong pigil sa kaniya ni Light.

"LIGHT!" Bulyaw na ni Grim.

Bago pa makagalaw si Grim ay nakalapit na sa kaniya ang dalaga. Ikinulong nito ang kaniyang kamao sa mga palad nito bagay na alam niyang nagpakalma sa nag-iinit niyang dugo.

"Kahit anong gawin mo, kahit saktan mo ako, hindi kita palalabasin dito para lamang gawin ang isang bagay na pagsisisihan mo sa huli. Soul Vengeance is important to you. You did everything to make it this successful. Kahit minsan iresponsable ka, inuuna mo pa din ang mas makabubuti dito. Soul Vengeance is your pride. I will protect it even over your own selfishness. Zean's eyes are on you right now. Isang maling galaw, mawawala sa'yo ang bar na ito. He can make everything possible because he is in power. Please Grim, listen to me."

When she took his hand under her jaw and pressed it hard, making it calm, his anger vanished. Hurting her have never crossed his mind. He may hurt everyone but not her. He slowly removed her hands on his fist and pulled her closer until his cheeks are already leaning over her head.

That very moment, he remembered that one incident that made them cross each other's path.

His mom died after giving birth to him and his dad hated him for that. The older Montero doesn't care at all in whatever Grim does with his life. For his father, he was and will always be a trash. Zean, his older brother doesn't care as well. He doesn't even look at him. If ever they cross path, he ignores Grim like he doesn't even exist. He is never a part of their family because for his brother, Grim took the very person Zean loves the most. He was never wanted.

Since no one cared, He decided to just do what he wants to do. Since 13 years old until he reached the age of 18, his life had always be in his own hands.

Alcohol, cigarette and different kinds of drugs, he tasted them all within those six years.

Lagi siyang napapaaway at kung saan-saan siya nakakarating dahil sa barkada. Kahit ang makulong, naranasan na niya. Ang paaralan ay hindi naging parte ng buhay niya. Oo, nakarating naman siya ng college dahil likas na matalino siya. Hindi naman siya basta tambay lang. Paminsan-minsan nagbabasa din siya at marami namang tumatatak sa isip niya pero ayaw lang talaga niyang pumapasok kahit na naka-enroll siya. Nang minsang pagbigyan niya ang isang guro niya na halos magmakaawa na para lamang pumasok siya ay kinastigo naman siya ng Dean nila kaya nasuntok niya ito.

His life was pure hell and he had come to like it as time passes by. He began to totally rebel against his dad and used his family's money in everything he could use it for.

But one day, a month before he turned 19, he met a girl. Her name was Oval. She taught him many things. And that made him like the other side of life. He stopped his hellish life and started building anew to deserve her but it is already late when he learned that she's only using him for money. Grim had already fallen hard for her.

Kaya nga niyang kalimutan ang katotohanang pera lang ang habol nito sa kaniya at ginagamit siya nito. Mahal niya eh. Sa puso niya, kaya niya itong tanggapin at patawarin dahil umaasa siyang kapag ginawa niya iyon, matututunan din siyang mahalin ni Oval.

But he was wrong.

One night, when he decided to pick her up from her work in the restaurant to surprise her, he was the one surprised. He found her in the alley behind the restaurant making out with some other guy. He couldn't contain his rage anymore. His mind went blank and before he knew what he did, his girlfriend and the bastard of a guy are already on the ground. He was kneeing the bastard down while raining blows of punches at him.

"Screw this shitty life."

His mind was full of that thought. Yeah, Grim almost killed the guy who was with Oval until... A hand stops his blood covered fist.

Hinihingal niyang tiningnan ang mukha ng lalakeng halos hindi na makilala dahil sa binigay niyang sunud-sunod na suntok. Halos hindi na rin nito maibukas ang mga mata. Noon niya nagawang tingnan si Oval na umiiyak sa isang gilid. Parang sunud-sunod na bumalik sa alaala niya nung pagkakataong iyon ang lahat ng pagpapanggap ng babae dahilan para maintindihan niya ng tuluyan na hindi siya minahal nito kahit kailan.

Katulad ng pamilya niya.

He was so numb; so messed up that he didn't know how but when the person who stopped him from killing the bastard pulled him away, his body just responded.

He didn't even looked back as they left the dark alley and just followed the owner of the soft hand that's pulling him away from that crowded corner of the city until they reached her apartment.

Sa totoo lang, sa sobrang hungkag ng kaniyang pakiramdam, nawalan na siya ng pakialam sa lahat. Ni hindi niya magawang magsalita kahit pa kinakausap siya ng babaeng humila sa kaniya palayo sa impyernong lugar na iyon. Hinayaan lang niya itong gamutin ang sugatan niyang kamay.

Umayos lang ang daloy ng kaniyang diwa ng maramdaman niya ang mga bisig ng babae na nakayakap sa kaniya habang umiiyak.

That night, for the very first time, Grim slept in a lady's house without touching her… her name is Lita Dela Fuerte.

For Grim, Light was the one who saved him; saved him from everything. Because of what she did, he reconsidered what he had been doing all his life. All she did was hugged Grim and stop him from killing someone. But that simple touch… He knew right there and then that it touched something within him. The next day, he left her without saying anything. He was still disappointed with himself.

He went home for the first time but his father just threw money in his face with some cards and told him to never come back. It didn't faze him and yet, because he knew he cannot stand alone yet, he swallowed his pride, took everything his father threw at him and left the house. He decided to at least fix his damn life.

Pagkatapos ng isang taon na pagsasa-ayos sa buhay niya sa tulong na din ni Apollo at Lucifer, bumalik siya sa tirahan ni Light para alukin ito ng trabaho.

At first, she was hesitant but the next day she said yes. Though she demanded for a contract.

Ang laman ng kontrata ay sampung taon itong magtatrabaho sa bar bilang bartender dahil marami itong alam tungkol doon. Bilang kapalit ng kagustuhan nito, tuwig nasa bar naman siya, ang babae lang ang aasikaso sa kaniya at susundin lang nito ang mga ipag-uutos niya.

Sa side naman ni Light, gusto nito na wala itong day-off pero kung kailangan nitong huwag pumasok ay papayagan niya ito. Noong una, ayaw niyang tanggapin ang sinabi nito ngunit nang sa pakiramdam niya ay hindi naman ito 'yung tipong mapagsamantalang tao at napatunayan naman niya iyon sa buong limang taon na nagtrabaho ito sa kaniya. Lumiliban lang talaga ito sa trabaho kapag may sakit ito.

The next is, her salary will increase by 5% per year. Wala namang problema kay Grim iyon dahil malaki naman ang kita ng bar at lalo pang nadagdagan iyon dahil sa na inirekomenda ni Light na services noong magsimula ito sa trabaho.

Inilagay din doon ng dalaga na wala nang mamamagitan sa kanila. Employee-Employer relationship lang dapat.

Intimate touching is prohibited.

Literal na natawa noon si Grim dahil noon, wala namang siyang pagtingin dito at hindi niya naisip na mag-iiba ang pagtingin niya sa dalaga. Pero ngayon ay pinagsisisihan niya iyon

Aminado naman kasi siyang mahalaga na ang dalaga sa kaniya.

May mga iba pa itong kundisyon at demand na pinag-usapan nila hanggang sa nagkaroon na nga sila ng agreement. Mula noon, hinding-hindi na nawala sa isipan niya ang huling isinulat ng babae sa kanilang kontrata; mga katagang noong una, sa tingin niya ay masyadong imposible pero sa paglipas ng panahon, kusa na lang na nangyayari.

The one written on the last condition she made is 'When you feel overpowered by anger, you will listen to me and only me. I will stop you.'

He can't help smiling right now after remembering those words because whenever he is angry, he just couldn't listen to anyone; he only listens to her. Even when his mind was so clouded, whenever he hears her voice, his mind becomes clear in an instant. She was like his limiter.

And he knows that it was not just because of her last condition that he agreed with. It's because she is the only one who can make him calm down just by seeing her face or hearing her voice.

"Ah! I'm doomed!" litanya na lamang niya sa sarili bago hinigpitan ang yakap kay Light.

____TO BE CONTINUED____