Biglang nabitiwan ni Light ang dalawang bote na hawak. Kaagad na napalapit sa kaniya si Gin na may pag-aalala sa mukha. Ganoon din ang itsura ni Cifer habang napatingin naman ang ibang malapit na customer sa direksyon nila. Dahil malakas ang musikang tumutugtog ay hindi naman nagkaroon ng komusyon. Humingi na lang ng paumanhin si Light sa mga naistorbo habang nililinis ni Gin at nang isa pang crew ang nabasag na bote.
Nang akmang pupulutin ni Light ang nakitang malaking parte ng bote na naligaw sa may likuran niya ay may pumigil sa kaniyang kamay at hinila siya palayo sa bar counter.
"Gin, kayo muna ang bahala diyan." Ang sigaw nito.
Dinala kaagad siya ni Grim sa Employees Lounge pagkatapos ay pinaupo muna siya bago kinuha ang medicine kit sa tukador. Nang idampi nito ang bulak na may alcohol sa pisngi niya ay doon lang niya napansin na may tumama pala na bubog sa mukha niya ng tumama ang isang bote ng beer sa sink ng bar counter bago tuluyang bumagsak sa lapag.
Kaagad niyang inilayo ang mukha dahil sa naramdamang hapdi. Dahan-dahan namang hinawakan ni Grim ang mukha ng dalaga upang muling mailapit at magamot ang sugat nito. Hindi na ito muling lumayo.
"What happened?"
"Nagulat ako kaya nabitawan ko 'yung beer. Sorry. Ikakaltas ko na lang sa sahod ko 'yun."
"Beer lang 'yon. Maliit na bagay. Wala bang ibang natamaan sa'yo?"
"I think, wala na."
"Mag-iingat ka kasi." Malumanay nitong kastigo sa kaniya habang nilalagyan ng band-aid ang sugat niya.
"Thank you."
Nang maitabi ni Grim ng medicine kit ay hinarap niyang muli ang dalaga. Hawak nito ang parteng may band-aid pero nahalata niyang wala doon ang isipan ni Light kaya kinuha niya ang pagkakataong iyon upang humingi ng tawad dito.
"About the other day, I'm sorry if I made you cry." Mahinang sambit ni Grim.
Blangko lamang siyang tinignan ng dalaga sandali bago nito naalala ang tinutukoy niya at nalaman niya iyon dahil sa pamumula ng mga pisngi nito. Kung hindi lamang siya humihingi ng tawad dito ngayon ay baka nahila na niya ito palapit at napagdiskitahan ang mga pisngi nito.
"W-Wag kang mag-sorry. Wala ka namang kasalanan. Nabigla lang ako. Ako ang dapat mag-sorry kasi... umalis ako nang hindi ko man lang pinakinggan 'yung sasabihin mo."
"It's okay. You have the right to run away. May kontrata tayo na hindi ko sinunod."
Naalala bigla ni Light ang kontrata at kung bakit niya ipinalagay ang Rule No. 6 doon. Ayaw lamang niyang maulit ang nakaraan at siya na naman ang masasaktan sa huli. She doesn't want to be left hanging just because of her damn past. Napatingin siyang muli sa binata ng magsalita itong muli.
"But honestly, I didn't regret it, Light. The kiss."
Kahit mahina ang boses ng binata nang sabihin iyon ay nakarating iyon sa pandinig ni Light. Kitang-kita din niya ang sinseridad nito sa mga sinasabi sa paraan ng pagtingin nito sa kaniyang mga mata. Naramdaman na lamang niya ang pagbuo ng mga luha sa kaniyang mga mata. Yumuko na lamang siya upang hindi nito makita iyon.
"Anong... ibig mong sabihin?"
"I've been thinking this pass days and I only end up with one thing. I know I don't deserve you… but I want you to know that... I... I… damn it!"
Nagulat siya sa bigla nitong pagtayo at pagtalikod sa kaniya na para bang hindi alam kung ano talaga ang sasabihin. Nasa batok nito ang parehong kamay pero kapansin-pansin ang sobrang pula ng mga tainga nito. Natuwa si Light sa nakikita at unti-unti ay nawala ang tensyon sa paligid nila.
"Grim, honestly, you've been so out-of-character this passed days."
"I don't care."
"Well, everybody cares. Pinagpupustahan na nga tayo eh." Pagbibigay alam niya dito. Kunot-noo naman nitong ibinalik ang tingin sa kaniya.
"Ano?"
"Sabi ko, pinagpupustahan na tayo kung sinong unang mangingibo sa isa sa atin."
"Kailangan yata ng disciplinary action ng crews natin." Sabi nito sabay napatingala na parang nag-iisip.
"As if."
Maya-maya ay nagkatawanan na lamang sila. Nawala na nga ng tuluyan ang tensyon sa pagitan nila. Doon nakakuha ng lakas ng loob si Grim para ituloy ang sasabihin kanina ngunit hindi na niya nagawa dahilsumilip si Gin upang ipaalam na nasa labas si Zean at gustong makausap siya. Sinabi ni Light na dalhin nito ang bisita sa opisina ng kanilang boss at susunod na lamang ito doon. Nang muling isara ni Gin ang pinto ay hinarap ni Light and binata.
"Bago ka lumabas dito, ayusin mo nga iyang mukha mo." Kastigo ni Light sa lalaki.
"Maayos pa ito sa maayos. Kaya maraming patay na patay dito, hindi ba?" Mayabang nitong sagot.
"Oo na lang Grim. Sige na. Gwapo ka na. Happy?" Kunwari ay pikon na sagot ni Light.
"Ikaw nagsabi niyan." Nakangisi na nitong sagot. Nawala na ang kunot sa noo nito na lumitaw kaninang marinig ang pangalan ng kapatid.
"Pakinggan mong mabuti si Zean, okay?" Paalala niya sa sinabi niya noong gabing pinigilan si Grim na umuwi.
"Oo na. Sige na. Bumalik ka na sa pwesto mo. At huwag ka nang magbabasag ng beer." Pagtataboy nito sa kaniya habang tinutulak siya pabalik sa bar counter.
Nang akmang isusuot nito ang apron sa dalaga ay kaagad iyong hinablot ni Light mula dito habang nag-iinit ang mga pisngi. Mabuti na lang at madilim doon kaya alam niyang hindi nakita ng binata ang pamumula niya. Binigyan lamang siya nito ng mapang-asar na ngiti.
"Aksidente kasi 'yon." Pahabol ni Light bago ito tuluyang nawala sa paningin.
Nabaling naman ang tingin niya sa mapang-asar na ngiti ni Gin nang marinig niya ang sinabi nito sa intercom na siyang nag-uugnay aa front-of-the-house ng bar at sa kusina.
"Bati na sila. Talo kayo. Kokolektahin ko 'yung panalo ko mamaya." Sabi nito sabay kindat kay Light.
Narinig naman niyang umangal ang mga nasa kusina at ang ilang crew na nakatayo malapit sa divider kung saan lumalabas ang mga pagkain na order ng guests. Napailing na lang siya sa kabaliwan ng mga kasama.
Sa opisina naman ni Grim, nakaupo na sa swivel chair niya si Zean ng makapasok ang binata doon. Malamig niyang tiningnan ang kapatid na ginantihan din naman nito.
"Lakas ng loob."
"Napansin ko lang na parang hindi naman nagagamit itong upuan mo kaya ginamit ko na." Sabi ni Zean. Pilit na isinisiksik ni Grim sa isip ang bilin ni Light para hindi mapigtas ang pasensiya niya.
"Ano bang sasabihin mo ng makaalis ka na?" Tanong niya bago nakapamulsang umupo sa center table na nakaharap dito.
"Bago 'yung gusto kong sabihin, tatanungin muna kita."
"Ng?"
"Masaya ka ba ngayon, Grim?"
There we're two hidden meanings in Zean's question, first is if he is happy today and second is if he is already happy.
Kaagad nabasa ni Zean sa lalong paglamig ng tingin ni Grim sa kaniya na naintindihan nito ang tanong niya. Doon na siya tumayo upang lumipat sana sa sofa pero napahinto siya ng magsalita ito.
"Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa buhay ko?" Ramdam ni Zean ang hinanakit nito sa bawat salitang lumabas sa labi nito.
"Look, Grim... I'm here to apologize for all this years. I'm sorry."
Tiningnan niya ng diretso sa mata si Grim habang humihiling na sana kahit konti, makita nito ang sinseridad niya ngunit umiwas lang ng tingin ang kapatid. Tumayo ito at tinalikuran siya pagkatapos ay pumunta sa may bintana. Ilang segundo din itong hindi umimik bago huminga ng malalim
"Damn it, Zean. Kung nadadaan sa sorry ang lahat, wala tayong batas. Dapat alam mo 'yun. You are an enforcer of the Law, right? And you damn know that 'sorry' won't change anything. Both of us grew up licking our own wounds...alone. That makes it fair, right? You didn't care about me so I didn't care about you as well. Don't apologize. I hate it. Just be true to yourself. I know you hated me. That's fine.The feeling was mutual."
Wala na sa boses nito ang galit pero naramdaman ni Zean doon ang lungkot na dinala ni Grim sa loob ng 20 na taon mula ng makaintindi ito ng mga pangyayari sa buhay nito.
Pareho silang nasaktan sa pagkawala ng kanilang ina pero alam niyang hindi sila pareho ng pinagdaanan. Dahil naranasan niya kung paano magkaroon ng ina at kung ano ang pakiramdam ng mahalin ng isang ina. Nakita niya itong ngumiti, naramdaman niya ang mga yakap at kalinga nito pero si Grim… lumaki ang kaniyang kapatid ng mag-isa. Ang tanging naging tagbuhan lang nito ay ang video clips na iniwan ng kanilang ina para dito dahil alam nito na hindi na nito makikita pa ang bunsong anak na lumaki.
He didn't know how to respond because he was feeling guilty for leaving him alone and for hating him because of a situation he couldn't control.
"We're both old enough already, Zean. May buhay ka na at masaya ka doon. To assure you, I'll answer your question. Yeah, I'm happy right now. So let's just forget everything. Sawa na din akong magpabalik-balik sa nakaraang hindi ko kontrolado. Ang mahalaga ngayon, nandito na tayo. Prosecutor ka na. Businessman ako. We're both successful and can stand on our own feet. You shouldn't feel guilty. We have our own coping up mechanism. Yours was to hate me and mine was to be what you all have thought me to be."
"Grimn-"
Before Zean could finish, Grim's fist already landed hard on his face. He stumbled down.
"Well, at least have that for making me say such embarrassing things." Grim said with a smirk while cracking his fist. Zean stood up and punched his face back.
"And have that at least. Para 'yan sa masasakit na paningin na itinapon mo sa akin dahil naniwala ka sa pinagsasabi ni Apollo ng hindi muna ako tinatanong." bawi niya dito.
There was already light of forgiveness in their eyes that moment.
Dinilaan ni Grim ang dugo mula sa pumutok niyang labi bago ngumisi. He stooped down and aims to attack Zean again. His brother braced his self for it but before he could move, the door opened and revealed Light who's carrying two glasses of Bartender's Mix.
Kaagad umayos ng tayo si Zean na parang walang nangyari na kaagad namang ipinagtaka ni Grim habang itinatago naman nito ang may sugat na labi sa dalaga dahil alam nitong kakastiguhin ito ni Light.
"I'm going." Paalam ni Zean sa dalaga pagkatapos inumin ang dala nito.
"Okay na kayo?"
"I don't know. Better ask him." Zean answered. Nang ibaling ni Light ang tingin kay Grim ay umiwas lang ito ng tingin. Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga. "Anyway, thanks sa drinks. I'll be back next week."
"Okay. Ingat."
Parehong nagulat si Grim at Light ng halikan ni Zean sa noo ang babae bago tuluyang lumabas ng opisina. Wala na ito pero hindi pa rin napoproseso sa isip ng dalaga ang ginawa nito. Natauhan na lang siya ng makita niya ang pagdilim ng mukha ni Grim.
"He better not come back next time." pagbabanta ni Grim habang matalim na nakatingin sa pintuang dinaanan ni Zean.
Kaagad namang nawala sa isip ni Light ang paghalik ng kapatid nito sa noo niya ng makita niya ang sugatang labi ni Grim. Kaagad niya itong nilapitan. Pagkababa niya ng dalang inumin sa mesa ay wala sa sariling iniangat niya ang mukha ni Grim upang makita ng maayos ang sugat nito. Si Grim naman ngayon ang hindi nakagalaw sa biglang pagsayad ng malambot na kamay ng dalaga sa pisngi at labi niya.
"What are you-"
"What happened here?"
Nang mahimasmasan ay dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito at inilayo sa mukha niya. Dahil hindi niya pinakinggan ang sinabi nito na pakinggan lamang si Zean kapag nag-uusap na sila ay umiwas siya ng tingin.
"He just did it to get back at me."
"You mean, you punched him? Didn't I told you to-"
"Matagal ko ng gustong gawin 'yon… noon pa. Gusto ko lang pakawalan kanina. Kaysa sigawan siya at makapagsabi pa ako ng mga salitang pagsisisihan ko sa huli, mas maganda na lang na ganon. At least ramdam niya."
Hindi na lamang nagsalita si Light dahil totoo naman ang sinabi nito. Kaysa mapalala pa nito ang galit nilang magkapatid sa isa't-isa dahil sa mga maaari nitong masabi, mas maganda na nga lang ang isang suntok. 'Words can't be taken back once said' ika nga. Isa pa, mga lalaki din kasi ang mga ito. Kinuha na lamang niya ang panyo sa likod na bulsa ng pantalon niya at idinampi iyon sa dumudugo nitong labi. Tinititigan lamang siya ng Grim. Bigla tuloy siyang nahiya dito.
"Kunin ko lang 'yung medical kit sa baba." Paalam niya dito para sandaling makatakas at makahinga sa lumalalang epekto nito sa kaniya pero bigla na lamang nitong hinawakan ang kaniyang kamay at pinunasan ang kaniyang noo ng manggas ng polo nito.
Nagulat na lamang siya ng halikan nito ang kaniyang noo pagkatapos ay tiningnan siya ng diretso sa mga mata at sinabing...
"Don't let anyone kiss you there. It's mine."
_____TO BE CONTINUED_____