Chereads / "BREAK" / Chapter 8 - CHAPTER 8: GRIM'S SECOND LIFE

Chapter 8 - CHAPTER 8: GRIM'S SECOND LIFE

"And you can have me in return."

Sa paraan ng pagkakasabi ni Grim ng mga katagang iyon, hindi maiwasan ng puso ni Light na magwala. Hindi niya alam kung paano nito nasasabi ang mga salitang iyon na parang natural na iyon sa binata. Mula ng makilala niya ito, hindi pa naging ganito ito sa kaniya maliban sa mga araw na may hang-over ito. Kaya malaya niyang nasasabi kay Grim ang kung anong nasa isip niya pero ngayon hindi niya alam kung paano magre-react. Hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya ang sinasabi nito o hindi dahil kilala na niya ang binata kung gaano ito kabilis magpalit ng babae.

Malay ba niya kung ganito ito sa mga babaeng nakasama na nito sa VIP Room. Biglang kumalma ang puso niya ng maalala ang mga babaeng iyon.

"Corny."

"Sa'yo lang." sabi nito. Kumunot na naman ang noo niya at dahil doon, napangiti ang binata. "Anyway, sa sunday, I would like to test Gin once again for his regularization. So I'm planning to leave the bar to him alone for the whole day. Naituro mo na ba sa kaniya ang mixes ng mga inumin?" tanong alam nito sa kaniya pagkatapos umupo sa mesa at kinuha ang isang papel ng leave form at inabot sa kaniya para sulatan.

"I was planning to have him come early everyday starting next week but I think he doesn't need it. Palagi niya akong pinapanood sa ginagawa at lagi siyang nagte-take down notes. Nung iniwan ko siya last week dahil kay Zean, nagawa naman niyang maayos ang lahat ng drinks sabi ng ibang crews. Nakakuha pa siya ng compliments at tips dahil kahit wala ako, nandoon pa rin ang standard ng bawat mix na ginagawa ko sa mga hinanda niya." pagbibigay alam ng dalaga pagkatapos kunin ang leave form.

"Mabuti kung ganoon."

"Anyway, sabihin ko na lang sa kaniya. Balik na ako sa baba." paalam ni Light at tumango naman si Grim bilang sagot. Bago maisara ng dalaga ang pintuan ay muli siyang tinawag ng lalaki.

"Light. Leave your Sunday open. I might need you to do something for me."

Light brown pastel collored denim shorts, peach off shouldered top at light brown boots na may kasamang maliit na sling bag ang suot ni Light ng araw na iyon ng Linggo. Mabilis niyang tinatahak ang daan patungo sa meeting place nila na sinabi ni Grim noong nakaraang gabi pagkatapos niyang tingnan ang suot na wrist watch.

Buong akala niya ay nandoon na ang lalaki at naghihintay sa kaniya dahil limang minuto na siyang huli sa oras na napag-usapan nila ngunit wala siyang Grim na naabutan doon. Medyo dismayadong kinuha niya ang cellphone upang padalhan ito ng mensahe upang ipaalam na nasa meeting place na siya. Wala pang isang minuto ng mamataan niya itong palapit sa kaniya na nakasuot ng puting long sleeve at pantalon habang may dalang frappe. Simple lang ang suot ng binata ngunit malakas ang epekto nito kay Light sa hindi niya malaman na dahilan.

Ang hindi alam ni Light ay nasa malapit na coffee shop lamang si Grim 20 minutes bago siya dumating. Nanatili doon ang lalaki dahil medyo mataas na din ang araw oras ng mga iyon. Doon napili ni Grim na tumambay para kaagad niyang makita ang pagdating ng babae. Nang sa wakas ay dumating na nga doon si Light ay hindi maiwasan ni Grim na pagmasdan ito dahil bagay na bagay nito ang suot at mataas din naman ang kumpyansa ni Light sa sarili sa pagdadala ng ganoong pananamit.

Nang matanggap niya ang mensahe ni Light ay kaagad siyang naglapag ng bayad sa mesa para sa kape at frappe na inorder niya pagkatapos ay pinuntahan na nga ang dalagang naghihintay sa kaniya.

"Ayos ng pormahan ha?" Bati niya sa dalaga sabay abot ng isang frappe dito.

"Kanina ka pa?" tanong ni Light.

"Yah. Bigla lang akong natakam ng frappe kaya bumili ako sandali." Pagdadahilan niya dito. Bigla na lamang siyang natulala ng makita itong ngumiti ng kaunti.

"Thank you dito. Nice hair by the way. It suits you better." pansin ni Light ng mapansing nagpa-itim ng buhok si Grim.

"Thanks!" saad niya sabay awang ng kamay. "Tara?"

"Saan?"

"I want you to meet someone." Sabi niya at hinawakan na nga ang kamay ng dalaga ng maramdamang wala itong balak tanggapin ang kamay niya.

They both ended up at the port.

Nang patuloy lamang na naglakad si Grim pasakay ng isa sa mga nakadaong na yate doon ay napahinto sa pagsunod si Light. Alam niyang mayaman si Grim dahil business man nga ito at isa itong Marquez pero alam din niya ang nakaraan nito. Sa katayuan ng binata ay hindi pa ito makakabili ng sariling yate. Ibig sabihin, kung hindi ito pag-aari ng binata ay maaaring nirentahan nito iyon o hiniram sa kaibigan. Isa-isa niyang inisip kung sino sa mga kaibigan nito ang maaari nitong hiraman ng yate ngunit wala siyang maisip. Private Investigator si Lucifer at doktor naman si Apollo pero wala sa mga ito ang maaaring maging may-ari ng nasabing yate.

Habang nasa malalim siyang pag-iisip ay narinig niya ang boses ng isang matandang babae na tumawag kay Grim gamit ang nakakatuwang palayaw nito. Ang hula niya ay ito ang lola ng kaniyang boss dahil kita dito ang pagka-italiana ng matanda. Only Grandmothers could call their grandchildrens with weird nicknames.

"Grimmy!"

"La. I'm already turning 27. Don't call me with that nickname again."

"Just let me, iho. Let me spoil you and stuff. I just met you recently. I want to make up for the lost times." The old lady said while cupping Grim's face with both hands.

Light saw how Grim's face softened by what the old lady said. She couldn't help but be happy that even little by little, his life is already becoming what it should have been. She was about to leave both of them for awhile when Grim suddenly called her to come closer. Once she got on the yacht, the old lady's eyes focused on her. It was so gentle and loving; same with the eyes of the person looking at them from behind the old lady who she thought is her husband.

"Is she the one you we're talking about last time? Your bartender?"

"Yes, La. She is Lita Dela Fuerte. Light, grandparentsko pala. Mother side." Pakilala sa kaniya ng binata sa lola nito. Nahihiya siyang nagmano sa matanda.

"Nice to meet you, Mam, Sir."

"Naku iha. Huwag ng Mam. Lola Tere na lang. Short for Maria Theresa Constancia Marquez. Ang haba 'no?" biro nito na nakapagpangiti naman sa dalaga. "And his Qior, my husband." pakilala nito sa lalaking nakatayo na sa likuran nito.

"Good morning, Sir." bati din ni Light dito at nagmano. Hinaplos lamang nito ang ulo niya.

"Tara na sa loob. Hintayin na lang natin si Zean doon at nang makaalis na tayo. Or better, check your room first so you could put your things there." Anyaya ni Lola Tere sa kanila.

Hindi naman naintindihan ni Light ang sinabi nito hanggang sa makarating na nga sila sa kwartong sinasabi ng matanda. Tulala na lang na napatitig si Light sa nag-iisang kama sa sinabi nitong kwarto daw NILA ng isara nito ang pintuan pagkatapos silang itulak na dalawa papasok. Samantalang si Grim naman ay parang wala lang na ibinaba ang dalang sling bag sa kama pagkatapos ay nahiga doon.

"Care to explain?" she asked Grim.

"I was surprised also but I don't want to correct her thoughts." He answered.

"That doesn't explain anything."

"Akala siguro nila, girlfriend kita kaya isang kwarto lang ang ibinigay nila sa atin. Well, tatlo lang naman talaga ang rooms dito kaya wala tayong pagpipilian. The other room is for Zean and I won't let you share a room with him." Paliwanag nitong muli.

Napansin ni Light na parang may nakita siyang pagseselos dito kanina pero panandalian lamang iyon. Hindi naman kasi siya manhid. Ayaw lang niyang pangunahan ang binata at natatakot pa siya.

"You mean, we will spend the night here?"

"Hindi ko ba nasabi? Dito tayo kakain ng dinner kaya bukas na siguro tayo makakabalik sa port. Lolo's hobby is fishing so he wants to spend that time doing that with us. We're probably going to swim too."

"Ay sinabi mo. Kaya nga wala akong dalang gamit oh." Sarkastiko niyang balik dito.

"Walang problema. Tara." Sabi nito sabay hila sa kaniya palabas.

Nagpaalam lang ito sandali sa kaniyang lola na may bibilhin pagkatapos ay hinila siya sa pinakamalapit na shop doon. Mabuti na lang at may mall lamang sa hindi kalayuan. Akala niya ay hihintayin na lang siya ng binata sa labas ng stall kung saan niya napiling bumili ng mga gamit pero laking gulat niya ng sumama ito sa loob.

"Anong ginagawa mo dito?" pabulong na kastigo ni Light kay Grim. Parang sanay na sanay ito na pumupunta sa mga ganoong lugar kahit pa nasa lingerie section sila.

"Gusto ko eh. Tsaka hindi bagay 'yan sa'yo. Mas bagay ito." Saad ni Grim sabay kuha ng hawak niyang plain white topper na ibabagay niya sa kinuha niyang black na may pink flowers na design na one piece swimsuit kanina at pinalitan iyon ng black see through beach shole.

"Tatakpan ko nga eh. See through talaga?"

"Kung tatakpan mo lang din, walang kwentang nagsuot ka pa ng one piece. Mag-shorts at T-shirt ka na lang." sagot ng binata.

"O sige, kukunin ko na din 'to." Napilitan niyang sabi.

Sobrang laki naman ng ngiti ng binata ng kinuha ang basket niya at sinamahan na nga siya sa counter. Medyo nahiya siya dahil pinagtitinginan sila ng mga tao kaso parang normal lang kay Grim ang atensyong nakukuha. Nagulat na lang siya ng ito ang nagbayad ng mga kinuha niya. Hanggang sa makalabas sila ng mall ay ayaw ibigay sa kaniya ni Grim ang shopping bag.

"Bakit mo binayaran?"

"Because I can."

"Kahit na. Gamit ko 'yon."

"Just let me, okay?" Sabi nito pagkatapos ay dala pa rin ang shopping bag niya papunta sa yate.

Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa mabilis nitong paglakad. Pagdating nila doon ay nadoon na si Zean at may kasama ito. Nakilala ni Light ang babaeng nakahawak sa braso ni Zean. Ito 'yung babaeng nakatapon ng kape sa kaniya.

"Nakabalik na pala sila. We better go." Sabi ni Lola Tere pagkatapos ay sinabihan nito si Zean na puntahan ang Lolo nito na nasa control room para tulungan ito doon. Sinenyasan din nito si Grim at sumunod naman ang binata.

"Ikaw 'yung last time 'no? Sorry sa uniform mo." Malambing na paghingi ng paumanhin ng babae kay Light.

"Okay lang. May extra uniform naman ako." Sabi niya dito.

"So, magkakilala na pala kayo?" singit ni Lola Tere.

"Not really, Lola. We just bumped at each other one time." Sagot ng babae.

"I see. Anyway, Light, ito pala si Cyrine, girlfriend ni Zean. Cyrine, she is Light, Grim's girlfriend." Pagpapakilala ni Lola Tere sa kanilang dalawa.

Nagulat siya ng malaman na girlfriend pala ni Zean ang babae pero ipinagtaka naman niya ang label niya na binanggit ni Lola Tere. She was about to correct her when she suddenly asked both of them to help her prepare the breakfast she cooked earlier for all of them to share. Ipinagpaliban na lamang niya iyon.

Nasa laot na sila ng itigil ng maglololo ang pagpapaandar sa yate at sinamahan ang mga babae sa deck para kumain ng breakfast. Nakasandal lamang si Light sa kanang rail ng deck dahil apat lamang ang upuan sa table na nasa gitna niyon at nandoon si Zean at Cyrine kaharap ang mag-asawang si Lola Tere at Lolo Qior. Sinamahan naman siya doon ni Grim.

"Sa susunod, kapag may ganito kang planong gawin, abisuhan mo ako," kastigo niya sa binata.

"Para makatanggi ka?"

"Siyempre. Family gathering ito oh."

"Doon din naman tayo mapupunta. Family."

Nang tingnan siya ni Grim ay nakita niya doon ang sinseridad na nakikita niya sa mga mata nito kapag nakakapagbitaw ito ng mga salita na para bang inaangkin siya. Oo, hindi siya manhid sa biglang pagbabago ng turing nito sa kaniya at hindi siya manhid sa mga gusto nitong sabihin sa kaniya na palaging hindi natutuloy. Lalong hindi siya manhid sa mga ginagawa nito para sa kaniya pero hindi pa siya handang tanggapin ang kung ano mang gustong sabihin o ipahiwatig ng binata kaya madalas ay umiiwas siya. Katulad ngayon.

"'Yan ka na naman. Tigilan mo nga ako, Grim."

"Ayoko."

Naputol na lang ang pag-uusap nila ng tawagin ni Lolo Qior ang apo upang makasamang muli sa control room. Naiwan naman silang mga babae upang linisin ang pinagkainan. Nagprisinta si Light na siya na ang maghugas at tinulungan naman siya ni Cyrine sa pamamagitan ng pagpupunas sa mga hinugasan niya. Tahimik namang pinagmamasdan ni Lola Tere ang dalawang dalaga habang umiinom ng fruit juice sa bar counter. Maya-maya ay nagtanong ito.

"Cyrine, can I talk with Light alone?"

"Sige po, La. Maiwan ko muna kayo, Light." paalam ni Cyrine. Tumango na lang si Light bilang sagot bago naupo sa tabi ni Lola Tere sa bar counter.

"You know, Light, we just met Grimnard four years ago. Since he was born, his father didn't let anyone near him. That guy was a very selfish person who wanted to punish the poor kid at an early age. And we we're so devastated when he told us that Grimnard was already dead because of poor health on his 18th Birthday. When we asked him if we could see him for one last time, he finally cut his connection with us. Me and my husband was so heartbroken to lost one of our only daughter's memory."

_____TO BE CONTINUED_____