Chereads / "BREAK" / Chapter 9 - CHAPTER 9: SLOWLY... INTO YOUR HEART

Chapter 9 - CHAPTER 9: SLOWLY... INTO YOUR HEART

Well, Grimnard is here; alive and kicking some ass since she met him. Her mind can't process him being dead. When Lola Tere continued, her face was full of agony, like how Zean looked when he told her how he regretted what he did to Grim.

"It was not Grimnard who died that day. It was his identity as a Montero, his father's family name. He was Luiciano Montero III until he was 18. Muntik na kaming maniwala ng asawa ko sa ginawa ng lalaking iyon, iha. Mabuti na lang at naging fling ni Grim iyong apo ng isa sa mga kaibigan ko na nagbakasyon dito sa Pilipinas. Nang ipakita niya ang litrato ng apo niya kasama ang kasintahan nito, nakilala ko kaagad siya. Kamukhang-kamukha niya kasi ang kaniyang ina.

I immediately hired a local Private Investigator and learned everything that had happened to our grandson. If only we knew that he will grow up without a family, we would have fought our way to him. Anyone will give up once screwed up like that, Light. That's why I want to say thank you. Thank you for pulling him out from that alley. You saved him, Light. I know he knew you saved him. Thank you, iha."

Nang mamuo ang luha sa mga mata ni Lola Tere, hindi alam ni Light ang isasagot. Niyakap na lamang niya ang matanda at hinagod ang likod nito. Hindi niya alam ang isasagot dahil nang makita niya si Grim ng araw na iyon, ang gusto lamang niya ay pigilan ito sa ginagawa. Nakita niya kasi ang buong pangyayari ng gabing iyon at alam niyang si Grim lamang ang maargabyado kung sakali.

Break niya noon kaya lumabas siya para bumili ng makakain. Pabalik na siya sa bakery ng makita niya ang isang lalaki na kasabay niyang naglalakad mula sa kabilang parte ng daan. May nakatagong bulaklak sa likuran ng pantalon nito at kitang-kita sa mukha nito ang excitement sa pupuntahan. Nabulong pa niya sa sarili noon na sana meron ding magbibigay sa kaniya ng bulaklak kahit ngayong birthday lang niya. Nang makita niya itong tumigil at humakbang palikod ng kaunti ay napatigil siya sa paglalakad.

Madilim ang alley na iyon pero ng may dumaang sasakyan, nakita niya ang nakita ni Grim na siyang gumuho sa mundo ng lalaki at sigurado siyang ang babaeng nandoon ang dapat ay pagbibigyan nito ng bulaklak. Nang tumingala ito, alam niyang sumuko na ito sa laban na ito lang ang nakakaalam kaya nang sugurin nito ang mga tao sa eskinita, jaywalking na kung jaywalking, binitawan niya ang pagkaing dala at pinuntahan ang binata para awatin. Hindi niya alam na ganoon ang naging epekto ng pangingialam niya sa buhay ng binata noon.

"Sorry, Light, ha? Masyado akong nadala ng emosyon." Hingi ng paumanhin ng matanda kay Light ng magawa na nitong kumalma.

"Okay lang po, Lola." Sagot ng dalaga pagkatapos ay kumuha ng tubig para kay Lola Tere.

"I know it's up to you and Grim, but I would be really happy if you end up with him." Nakangiti saad ng lola ni Grim na ikinabigla naman ni Light.

"I don't deserve someone like him, Lola. He is better off with a better girl. He's too good for me." Sagot ni Light. Sasalungatin sana ni Lola Tere ang sinabi ng dalaga ngunit biglang pumasok si Zean sa kusina.

"Heart to Heart talk, lola?" bati nito sa kanilang dalawa.

"Oo at istorbo ka, iho." Sagot ng matanda,

"Sorry po. Kukuha lang po ako ng tubig." Hingi ng paumanhin nito. "Siya nga po pala, nandito na po tayo sa favorite spot ni lolo. Baka gusto mong mag-swimming, Light. Pwede ka ng tumalon anytime. Idamay mo na din si Grim para lumamig ang ulo." Pahabol pa nito ng pabiro bago lumabas. Natawa naman siya sa litanya ng lalaki bago tumayo para pumunta sa kwarto.

"Tara na po Lola." Aya nito sa matanda pero sa halip na sumagot ay hinawakan lamang nito ang kaniyang pisngi sa pinakamalambing na paraan. "Lola?"

"Don't be like that to yourself, Light. You're worth is more than what you think of."

She was touched by what Lola Tere told her but she can't agree with it. Because she knew that she doesn't deserve to be loved.

Pagpasok niya sa kwarto nila ni Grim ay naabutan niya itong nagbibihis ng pangligo nito. Kaagad siyang napatalikod.

"Mag-lock ka nga ng pinto!" kastigo niya dito.

"Dapat masanay ka na. Kapag naging asawa kita, araw-araw mo akong makikitang nagbibihis." pang-aasar naman ni Grim sa namumulang dalaga. Tinapunan naman siya nito ng unan mula sa sofa na malapit dito. Tumawa lang si Grim pagkasalo ng unan.

"Asawa agad?!"

"Kapag pumayag kang maging girlfriend ko ngayon din, aasikasuhin ko kaagad ang kasal natin."

"Hay naku, Grim!"

"Magbihis ka na. Hintayin na lang kita sa labas." nakangiti pa ring sabi ng binata habang masayang lumabas ng kwarto. Naiinis namang ini-lock ni Light ang pintuan bago umupo sa kama.

"Huwag mo akong padaplisan ng padaplisan, baliw." bulong niya sa sarili habang pulang-pula dahil sa biglang proposal ng lalaki. Biro siguro ito para sa binata pero unti-unti niyong tinitibag ang dingding na patuloy niyang binubuo para protektahan ang sariling puso.

Kitang-kita ni Zean ang pagkatulala ng kapatid na si Grim ng dumating si Light sa deck suot ang one piece black swim suit nito. Akma niyang pupuntahan ang dalaga para asarin ang kapatid ng bigla niyang maramdaman ang higpit ng hawak ni Grim sa balikat niya. Pilit niya iyong tinatanggal pero paghigpit ng pahigpit iyon hanggang sa naunahan na nga silang dalawa ni Cyrine.

"Ang cute naman ng swimsuit mo, Light! Saan mo nabili?"

"Doon lang sa mall na malapit sa port."

"Marami pa bang design?"

"Oo. Marami."

"Good! Sabihan ko na lang si Zean mamaya na samahan ako bukas doon! Tara!" masigla nitong sabi sabay hila kay Light upang tumalon na sa dagat. Sumama naman kaagad ang dalaga dahil matagal na din noong huli siyang nakalangoy.

Hindi naman inaasahan ni Zean ang biglang paghila sa kaniya ni Grim. Nagulat na lang siya ng itulak siya nito sa dagat kasabay nang pagtawa ng malakas. Pag-angat niya sa ibabaw ay nagulat na lang siya sa biglang pagbagsak ng kapatid sa 'di kalayuan. Nang tingnan niya kung sino ang nagtulak dito ay nakita niya ang lolo nila na nakangisi sa kanila mula sa yate. Halos maiyak naman sa halo-halong emosyon si Lola Tere dahil sa loob ng maraming taon na paghiling, dumating din ang araw na makikita niya ang kaniyang mga apo na magkasama sa iisang lugar at oras ng hindi sinasaktan ang isa't-isa sa pamamagitan ng masasakit na salita.

Ilang minuto din silang nagbabad sa dagat bago nagdesisyong umahon. Umiiyak naman si Cyrine kay Zean habang papasok ang mga ito sa loob ng yate para magbihis dahil sa hindi ito nakapagpahid ng sunscreen bago lumusong. Nang haplusin ni Zean ang buhok ng kasintahan upang patahanin habang natatawa sa pagrereklamo nito, doon lubos na naintindihan ni Light na nagkamali nga sila sa pagkakakilala dito. Napangiti siya ng wala sa oras at napansin iyon ni Grim. Kaagad siya nitong itinulak papasok ng loob ng yate pagkatapos magpaalam sa lolo at lola nito na magbibihis lang sila at babalik din.

"Mauna ka nang magbanlaw." Sabi ni Light sa binata pagkapasok nila ng kwarto.

"Eh kung sabay na lang tayo?" Sabi nito pagkatapos siyang taasan ng kilay. Mahina naman niyang itinapon ang tuwalya na kakukuha lang niya sa tukador sa mukha ng lalaki para hindi nito makita ang pamumula niya.

"Shut up, Grim. That's sexual harrassment."

"That is sexual harrassment if your offended." Nakangising salungat nito sa sinabi niya pagkatapos ibalot sa kaniya ang tuwalya.

"Well, I'm offended." She answered in a low tone.

"Then I apologize." Grim said while looking gently at her face before he pushed her inside the bathroom. "Go first." He added.

Nang maisara ni Grim ang pintuan, kaagad na napaupo si Light sa lapag dahil pakiramdam niya ay nawala ang lahat ng lakas niya. Hindi naman kasi siya manhid at nararamdaman niya na paunti-unti siyang naaapektuhan ng mga ginagawa ni Grim.

At the same time, pagkasara ni Grim ng pintuan ng kwarto nila ni Light, napahawak kaagad siya sa rail ng yate dahil hindi niya maiwasang makaisip ng kalokohan habang paulit-ulit na naglalaro sa kaniyang isipan ang namumulang mukha ni Light.

"I'm totally doomed." He hissed before deciding to swim again for a couple of minutes to calm his self down.

Katulad ng inaasahan ni Light dahil sa mga narinig kanina mula sa katabi nilang kwarto habang naliligo, hindi na nga lumabas si Cyrine. Sabi ni Zean ay nakatulog daw ito. Tiningnan naman ni Grim ng may kahulugan ang kapatid bago kinuha ang pamingwit sa isang tabi ng playa at naupo sa tabi ng lolo nila, ilang dipa lang ang layo. Umiiling naman si Zean na sumunod sa ginawa nito. Maya-maya ay sinimulan na silang kausapin ng matandang lalaki gamit ang lengguahe nito; italyano.

Hinanap naman ni Light si Lola Tere at nakita niya ito sa kusina. Hinahanda na pala nito ang mga gagamitin mamaya para sa lulutuing hapunan. Ilang oras lang ang lumipas ay nakahuli ang tatlo ng dalawang salmon at dalawang tuna na siya namang iniluto ni Lola Tere at Light. Ginising naman ni Zean ang kasintahan at magkasama nilang inayos ang mga gagamitin sa lamesa sa deck dahil masinsinang kinausap ni Lolo Qior si Grim.

They all had a hearty dinner with a hearty conversation as well. Light could feel the happiness of Grim and Zean's grandparents because they have both of them here. Because of that, after dinner, she asked Cyrine if she could once again help her in washing the dishes. She wants them to spend some more time together, only the four of them. Both guys knew immediately what she was thinking when she eyed them as they started standing to leave the deck. They immediately took their sits once again.

"Light, ilang taon ka na?" Tanong ni Cyrine sa kaniya habang naghuhugas sila. Siya naman ngayon ang tagapunas ng mga plato.

"29. Ikaw?"

"Oh! Mas matanda ka pala kay Grim. 24 lang ako." Sagot nito na ikinagulat niya. Sa pagkakatanda niya kasi ay anim na taon ang agwat ni Zean kay Grim.

"Okay lang sa'yo 'yung age gap niyo ni Zean?" tanong ni Light.

Tutal ay nagtataka din siya sa relasyon ng dalawa dahil sa pagkakatanda niya ay babaero si Zean dahil iyon ang nakikita niya sa bar tuwing nandoon ito. Kaya nagulat siya kanina ng ipakilala ito sa kaniya ni Lola Tere na girlfriend ni Zean. Akala niya noong una niya itong makita ay fling lamang ito ng binata.

"Actually, I don't have any choice about that. We are bethrothed already before we even knew what crush means." Cyrine explained.

"Uso pa pala 'yon?"

"Yup."

"Pero paano iyong damdamin mo?"

"Well, fortunately, he became my first love so when I heard about our engagement, I was pretty happy. And he's quite the husband material so I can't ask for more." She happily answered.

"How about him?"

"I don't know and I'm afraid to confirm my status in his life. So I just decided to be satisfied of what I have. As long as he's mine once we're married, I can take everything fate throws at me."

There and then, she knew that they may look like a perfect couple but they also have a complicated relationship. She just bumped Cyrine's left shoulder a little to cheer her up. Cyrine smiled and bumped her too in return. After they wash the dishes, they started talking about random things while Light makes Bartender's Mix for everyone which, fortunately, all the ingredients we're on the kitchen. Cyrine decided to serve it to the family outside and return to continue their talk.

Malalim na ang gabi ng magpaalam ang dalawang matanda na magpapahinga na. Tinawag na din ni Zean si Cyrine para pumasok sa kwarto nila. Naiwan naman sa may deck si Grim na nakatanaw lang sa tahimik na karagatan nang dalhan ito ni Light ng kape. Nagpasalamat ito at tinapik ang bakanteng pwesto sa tabi nito sa lapag. Naupo naman doon ang dalaga.

"Ganito 'yung mga moment na nakikita ko sa movies na napapanood ko kasama nang flings ko noon. Under the moonless sky, in the middle of the sea, two people, woman and man, confessions." Natatawang saad ni Grim pagkatapos ay humigop ng kape.

"Hindi ka din romantic, ano?" litanya naman ni Light.

"Not with them." Sagot nito pagkatapos ay nakangiti man pero seryosong tiningnan siya nito. "But maybe when I'm with the person I like, I can be romantic as such." He sweetly added. Light reached to his face and covered it with her palm.

"Shut it, Grim." She whispered. He gently took her hand and held it tight while looking directly in her eyes. The next thing he said caught her off guard.

"If I say that I love you, would you believe me?"

_____TO BE CONTINUED_____