Chereads / "BREAK" / Chapter 10 - CHAPTER 10: WHEN THE PAST SAYS HI

Chapter 10 - CHAPTER 10: WHEN THE PAST SAYS HI

Kaagad na naramdaman ni Light ang pag-init ng kaniyang mukha at ang pagsikip ng dibdib sa bilis ng tibok ng puso niya kaya nahila niya bigla ang kamay mula sa pagkakahawak ni Grim. Nakita niya kasi ang pagiging sinsero nito sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya. Hindi katulad dati na nagbibiro lamang ito.

"Umamin ka nga? Naka-shot ka ano?" Kunwari ay pagbabago ng usapan ni Light dahil alam naman niyang maliban sa Mix Drink na hindi naman tumatama dito ay kape pa lang ang ininom nito.

"Siguro. Nalasing ako bigla sa'yo." Nakangisi nitong sabi at kinindatan pa siya.

"Baliw. Tara na sa loob at malamig diyan."

"Susunod ako." sagot nito sabay higa sa lapag. Pumasok na nga si Light sa kwarto.

Mga isang oras ding nanatili si Grim sa deck para ayusin at pag-isipan ang talagang nararamdaman para sa dalaga Kahit kasi anong gawin niyang pagpapatama dito ay parang ayaw nitong maniwala na totoo ang lahat ng kaniyang sinasabi. Nang makaramdam na nga ng lamig ay pumasok na siya sa kanilang kwarto.

Tulog na Light na ang naabutan ni Grim pagkapasok niya ng kanilang silid. Unang pumukaw ng pansin niya ay ang nakalabas na hita nito sa kumot. Dahan-dahan siyang lumapit sa paanan ng kama at tinakpan iyon bago pa siya matalo ng kaniyang maduming isip. Nasa kaliwang bahagi ito ng kama ngunit nakaharap sa kanan, kung saan ito naglaan ng pwesto para sa kaniya. Naglagay din ito ng unan sa gitna nila. Natawa na lamang siya sa pagiging segurista nito. Pero dahil pasaway siya, tinanggal niya iyon at tahimik na nahiga patagilid sa tabi nito habang nakatukod ang kanang kamay sa kaniyang ulo.

Sa mga oras na iyon ay masaya siya dahil nagkaroon siyang muli nang pagkakataon na pagmasdan ang dalaga habang natutulog. Wala sa sariling nahiling niya na si Light na ang palagi niyang makikita bago matulog at pagkagising. Nabigla siya sa sariling realisasyon at dahil doon ay sigurado na siya sa tunay na nararamdaman.

Unti-unting iminulat ni Light ang mga mata ng maramdaman ang pagtama ng araw sa kaniyang mukha. Nang magising na ng tuluyan ang kaniyang diwa ay napansin niya ang isang mabigat na paa na nakalingkis sa kaniyang hita. Naramdaman din niya ang matigas na braso sa kaniyang pisngi; nakaunan pala siya sa braso ni Grim. Paglingon niya dito ay bumungad sa kaniya ang mga labi nitong nakangiti at ang mga matang bahagyang nakamulat.

"Good morning." bati nito sa kaniya. Wala sa sariling napabangon kaagad ang dalaga papunta sa isang gilid ng kama dala ang kumot na ipinambalot niya sa katawan. Dahil doon ay napatawa ng kaunti ang lalaki sabay sabi ng, "It feels like deja vu. Kaso noong nakaraan, nahulog ka sa kama."

Naalala kaagad ni Light ang pagkakataong sinabi nito kaya pagkakuha niya ng maliit na unan sa gilid niya ay kaagad niya iyon na hinampas sa lalaki. Kaagad namang naharangan ni Grim ang hampas niya pero natutuwa pa rin ito sa pagsimangot niya.

"Ayaw kong patayin mo ako paggising mo kaya nagkasya na lang ako sa pagyakap sa'yo." dagdag pa nito.

"Rule No. 6." paalala ni Light sa binata.

"Sa work lang 'yon." pagtatama ni Grim dito na lalong nagpahaba ng nguso ng babae. Tumayo na lamang siya at nagpunta ng banyo pagkatapos itong iwanan ng isang halik sa noo.

Naiwan naman si Light na hindi kaagad nakagalaw dahil sa biglang pag-atake ni Grim sa kaniyang noo. Wala na siyang nagawa kundi muling damputin ang maliit na unan at itinapon sa pintuan ng banyo kung saan nagtungo ang binata. Malakas na tawa lamang nito ang nakuha niyang sagot.

Napahiga na lamang ulit si Light sa kama at tahimik na kinastigo ang sarili dahil paulit-ulit na lamang nilang nalalabag ang Rule. No. 6 sa kontrata. Ngunit tama din si Grim dahil hindi naman sinabi doon na hanggang labas ng trabaho eh applicable ang rules. Ang isa pang gumugulo sa isip niya ay pagiging komportable niya sa binata. Hindi na siya kinakabahan dito lalo na sa mga hawak nito, hindi katulad dati. Hindi na siya natatakot.

She feels safe in his touch. She feels like he will never do anything to harm her. And because of that, she wants to take the risk... to fall for everything he's been doing. She may deny it as much as she wants, she can't stop her heart from loving the man. It's just that... she doesn't want to feel the pain of his rejection. Compared to the people who courted her in the past, Grim had already entered her heart deeply. Once he rejects her, surely, the wound will never be healed.

Tumayo na lamang siya at inayos ang kanilang hinigaan at mga gamit na dadalhin nila pag-uwi. Sabay na silang lumabas ni Grim ng kwarto pagkatapos niyang maligo at magbihis nang tawagin sila ni Cyrine para sa almusal. Bago sumapit ang pananghalian ay nakabalik na sila sa port.

"Light, iha, I'm glad to meet you. I enjoyed the talk and all. See you again when we return next year. I hope we will have more time." nakangiting saad ni Lola Tere habang hawak ang kamay ni Light. Ngumiti naman pabalik ang dalaga at nagmano bilang tanda ng pagpapaalam.

"Ako din po, Lola. Salamat po."

"Take care of Grimnard, okay?" dagdag na bilin pa nito sabay tingin din sa apo at ibinilin naman ang dalaga dito.

"Of course, La. Kung hindi ko aalagaan iyan, baka mawala pa sa iyan sa akin." sagot ni Grim.

"Ganyan dapat, apo. Alagaan mong mabuti." singit naman ni Lolo Qior.

Iwinagayway naman ni Lola Tere ang kamay na para bang sinasabing huwag na lamang pakinggan ang dalawa. Hindi tuloy maiwasan ni Light na mapangiti. Pagkatapos ng ilan pang bilin kay Grim ay binigyan silang pareho ng yakap ni Lola Tere at malambing naman na tapik sa balikat ang bigay ni Lolo Qior bago sila tuluyang nilubayan at hinarap naman si Zean at Cyrine. Nagpaalam na din siya sa dalawa pagkatapos ay sumunod na kay Grim na mukhang pupunta muna sa mall dala ang kanilang mga gamit.

"Wala ka pa bang balak umuwi? Opening kaya ako mamaya." Tanong ni Light dito.

"Ihahatid na lang kita. Kain muna tayo ng lunch."

"Kakakain mo lang, ha?"

"Alam mo Light, kapag hindi nagawa ng lalaki ang nakasanayan niya, sa pagkain niya ibinubuhos ang lahat ng frustrations niya." Parang wala lang na paliwanag ni Grim.

"Ano?"

"Wala. Kako, huwag ka nang umangal at samahan mo na lang ako."

Hanggang sa hindi lang lunch ang inatupag nila sa mall. Nagpasama pa ang binata na bumili ng polo at slacks. Wala siyang ideya kung saan gagamitin ni Grim ang formal attire na binili nito na siya pa ang pinapili nito ng kulay pero habang sumusubok ito nang iba't-ibang damit kanina, hindi niya maiwasang humanga. Kahit ano kasi ang isuot ng binata ay bumabagay dito. Hindi naman ito model material pero marunong lang talaga itong magdala.

Pagsakay nila sa sasakyan ng binata ay may ipinatong itong maliit na paperbag sa kaniyang hita. Tiningnan niya ito ng nagtatanong.

"Just a little gift. If you don't like it, just throw it away. Don't return it to me." Sagot nito pagkatapos ay pinaandar na nga ang sasakyan. Pagkakuha niya ng hair ornament sa loob niyon ay nabaling muli ang tingin niya sa binata.

"Hindi ba, mahal ito?"

"Price doesn't matter." Sagot nito.

"Sa akin talaga?"

"Ay hindi. Ibigay mo sa isang crew. Para sa kaniya 'yan." Sarkastiko nitong sagot. Natuwa siya bigla dahil ito ang Grim na nakasanayan niya.

"That's the Grim, I know."

"Ano?"

"Wala. Pero thank you, ha? I like it." Sabi ni Light sabay ngiti ng matamis. Kaagad namang itinuon ni Grim ang paningin sa harapan dahil baka itigil pa niya ang sasakyan sa isang tabi para lang mahalikan ang dalaga.

Pagkarating sa bahay ay hindi na bumaba ng sasakyan si Grim ngunit sinabi nito na magpahinga na lamang siya sa araw na iyon at bukas na lamang pumasok dahil dalawang araw naman daw ang inilagay nito sa leave form na pinapirmahan nito sa kaniya. Umoo na lamang siya kahit na nakapagdesisyon na siyang papasok pa din mamaya. Nang wala na ang sasakyan sa kaniyang paningin ay doon lamang siya humakbang papunta sa kaniyang apartment. Paakyat na siya ng hagdan ng marinig niyang may tumawag sa kaniyang pangalan. Paglingon niya ay nakita niya doon si Lucifer.

"Sir Cifer? Anong ginagawa niyo dito?" tanong niya sa lalaki.

"Kahapon pa sana kita gustong makausap kaso wala ka sa bar ng puntahan kita doon. Ayaw ding ibigay ni Gin ang number mo. Bilin daw ni Grim." Sagot ni Cifer. Napabuntong-hininga na lamang siya. Kakastiguhin niya talaga si Grim mamaya.

"Sorry Sir Cifer, ha. Baliw lang talaga 'yung kaibigan mo."

"Yeah. I know. Ngayon ko nga lang siya nakitang ganoon ka possessive. Pero possessive siya in a good sense." Sabi ng binata ng may maliit na ngiti sa labi.

"Anyway, bakit mo pala ako gustong makausap?" pagbabalik ni Light sa unang pinag-uusapan nila.

"I need you to come with me. Someone wants to talk to you." Sagot nito kasabay nang pagseryoso ng aura nito.

"Okay, Sige. Pero tungkol saan? kung okay lang malaman."

"Remember the case I was talking about last time?"

"T-tungkol sa rape case?" nag-aalangang tanong ni Light at tumango naman ang binata.

"Actually, nahuli na namin siya at nakakulong na siya. For a lifetime." Mahinang saad ni Cifer na para bang tinatantya ang magiging epekto ng sasabihin sa dalagang kausap. Huminga muna ng malalim si Cifer bago nagpatuloy. "I'm sorry, Light, but it seems that… you are connected with the case."

Nakaupo si Grim sa may bar counter dahil gusto niyang ang unang makita bago magbukas ang bar ay si Light. Oo, possessive nga siguro siya katulad ng sinabi ni Lucifer kagabi noong magkita sila dahil talagang binigyan niya ito ng matalim na tingin ng malamang nagpunta ito kay Light pagkatapos niyang ihatid ang dalaga sa bahay nito. Gusto man niyang alamin kung anong dahilan kung bakit nito sinundo ang dalaga kahapon pero ayaw nitong sabihin. Ang sagot lamang na natanggap niya mula kay Lucifer ay "It's not my place to answer that."

He was being killed by curiosity but he doesn't want to start their day with awkwardness. That's why he put his questions behind his back. How he wished Lucifer did not told him anything. But he knows that it was just a natural thing about Lucifer because he respects their friendship and because he had been open to him and Apollo about Light since day one. Open in the sense that he always reminds them not to touch the lady because he knows their appetite when it comes to women.

Tulad ng inaasahan, dalawang oras bago ang opening ay dumating na nga si Light. Nagulat pa ito ng makita siya sa bar counter.

"Himala, Grim. Ang aga mo yatang mangialam dito sa bar?" tanong nito pagkagaling sa Employees Lounge na suot na ang uniporme.

"Hindi ba pwedeng gusto ko lang makita kung ano ang mga inaayos at hinahanda mo bago magbukas ang bar? Alam mo na, bilang may-ari, gusto ko may ideya din ako sa ginagawa niyo." Nakatunghay mula sa pagkakayuko sa bar counter na sagot ni Grim dito.

"I'm quite surprised but that's good." Sagot ni Light pagkatapos ay nagsimula nang tiningnan kung ano ang mga dapat dagdagan na supplies sa bar counter para sa hapon na iyon.

"Siya nga pala, anong magandang ipalit diyan sa VIP Room?" Tanong ni Grim na siyang kumuha ng atensyon ni Light. Nilingon niya ang binata. Nagtataka naman si Grim sa tingin sa kaniya ng babae. "What?"

"Ipapatanggal mo 'yang VIP Room?" Parang hindi makapaniwalang tanong nito.

"Oo."

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Kung wala 'yan... saan mo dadalhin 'yung mga babae mo?" Tanong muli ni Light na bumalik na sa ginagawa. Hindi niya tuloy maiwasang singkitan ito ng mata.

"Babae ko talaga?"

"Hindi ba?"

"Well, to ease your thoughts, the next woman I plan to get will be my last. And a she's not for VIP Rooms. She deserves to sleep in MY room; beside me." He explained seriously. Light whistles in awe.

"Lucky her." She said. Grim heard a little uneasiness in her voice that made him want to tease her again.

"Yeah. Lucky YOU." He said and smiled when Light looks back at him again. And then they heard someone clear his throat from the door to the employees lounge.

"Can you guys get a room? Nilalanggam ako oh." Reklamo ni Gin na bagong dating.

"Shut up and get lost, Gin or I'll recall your promotion." Grim said. Gin just looked at their boss like his threat is nothing to worry about then continued towards the office.

"Lagyan kaya natin ng stage tapos kumuha tayo ng DJ. One DJ per night para hindi na lang tayo umaasa sa recorded music ng kaibigan mo. Magkakaroon pa siya ng exposure kung gusto niya." Sagot ni Light sa tanong niya tungkol sa ipapalit sa VIP Room.

"Good idea. Sige, tatawagan ko siya. Kausapin mo na din si Gin tungkol sa budget na gagamitin."

"Okay, Sir."

"By the way, Light. Lunch tayo bukas. My treat. I want to talk to you." Sabi ni Grim bago patakbong umakyat sa second floor.

_____TO BE CONTINUED_____