Nakita ni Light na puno ng kalungkutan si Zean ng mga oras na iyon; na para bang gusto nitong humingi ng tawad at pang-unawa. Kahit pa nakasuot ito ng usual get-up nito bilang prosecutor; brown trousers na may kasamang necktie, na siyang nagpapakita ng awtoridad at kapangyarihan, sa mata ng dalaga ay mahina ito ng mga oras na iyon.
"Pero ngayon, hindi na. You don't hate him anymore?" tanong niya sa binata.
"Not really. Everytime I see him, I see my mom and it kind of still hurt. But as part of growing up, I met a lot of people who partly and slowly healed me. And that made me realize of what we did to him to make him like this. I regretted that. We're not the only ones who lost my mom. He also lost his. But we we're selfish that time and I know that it's not a valid reason of what we did to him." He answered
Light just stared at him in awe of what was happening. He was opening up to her and that was a surprise for her. They don't even know each other and this was the first time they talked. When she saw him hide his face behind his right hand, she realized that she was staring for far too long.
"Damn, woman. Stop that."
"S-Sorry. Ano lang kasi... ang layo-layo mo sa nabuong character mo sa isip ko."
"You already judged me before learning a thing or two about me, that's why."
"Sorry talaga."
"Anyway. To make things short. I don't intend to get in his way or have any intention to close the bar. I'm just going there to have some fun and also maybe to talk with Grim for once."
Hindi talaga siya makapaniwala sa mga sinabi ni Zean. Lahat ng inakala nila tungkol sa binata ay mali. Mabuti na lamang at sumama siya dito upang marinig ang gusto nitong sabihin kahit pa gusting-gusto niya itong tarayan kanina. Hindi naman niya pwedeng hindi paniwalaan ang lalaki dahil kitang-kita naman sa aura nito habang nagpapaliwanag na hindi ito nagsisinungaling.
Nang ihatid siya ni Zean sa bar, magaan na ang pakiramdam niya sapagkat ligtas naman pala ang Soul Vengeance at pinaikot lang sila sa isang maliit na hindi pagkakaunawaan.
Nang bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Light, hinaplos muli niya ang buhok ni Grim bago siya tuluyang nahila ng antok.
Nagising si Grim ng may gumalaw sa tabi niya. Pagmulat niya ng mga mata ay nakilala niya kung kaninong tyan ang yakap-yakap niya. Narinig pa niya ang mahina nitong paghilik at hindi niya naiwasang mapangiti at pagmasdan ito.
She looks like an angel to him right now. Long lashes, a little pointy nose, heart-shape face and thin but kissable lips; her hair was spread all over his pillow. It felt like it was a normal thing that she's there beside him as he wakes up in the morning. Before he could stop himself, he already leaned down and gave her a peck in the lips.
When he looked at her after, he saw her eyes. It was open and she was crying.
Natauhan bigla si Grim sa ginawa ng makitang umiiyak si Light. Ngayon lang niya nakitang umiyak ito. Sa buong buhay niya ngayon lang siya kinabahan ng dahil sa babae. Hindi niya alam ang gagawin ng biglang may pumasok sa isip niya. Rule no. 6 sa kontrata nila ay "Intimate touching is prohibited"
"Light-"
"Sorry. Kailangan ko ng umuwi."
Bago pa niya mapigilan ang babae ay nakalabas na ito ng kwarto niya. Bigla niyang pinagsisihan ang ginawa. Gusto niya itong habulin ngunit mas minabuti niyang huwag ng ituloy ang balak dahil baka lalo lamang siyang kagalitan ng babae.
Hindi na alam ni Light kung paano siya nakauwi. Ang alam lamang niya ay hindi na siya makakatulog ng maayos pagkatapos ng araw na iyon dahil siguradong maaalala at maaalala niya ang halik na binigay sa kaniya ni Grim kapag makikita niya ito. At ang halik na iyon ay may bubuhaying alaala na gusto na niyang makalimutan.
Hindi rin maganda ang pinagdaanan ni Light sa buhay. Naranasan niyang magnakaw at mamalimos para sa pagkain. Wala rin siyang tirahan at kung saan-saan na lang natutulog. Isang partikular na araw ang bumago ng kinagisnan na niyang buhay.
Noong seventh birthday niya ay nagkasakit siya. Umuulan pa noon at wala siyang masilungan. Naglakad lamang siya ng naglakad ng walang pupuntahan hanggang sa mawalan siya ng malay. Pagkagising niya ay nasa hospital na siya. Sabi ng nagpakilalang nurse, may nagdala daw sa kaniya doon at sila ang nagbabayad ng lahat ng nagastos niya dahil sa dengue. Private room pa ang kinalalagyan niya noon sabi nito. Kahit pa bilang bata ay hindi pa niya maintindihan ang mga sinasabi nito, sobrang natuwa siya sa mga nagligtas sa kaniya. Akala niya noon ay mamamatay na siya.
Mag-asawa ang nakapulot kay Light at nakilala niya ang mga ito kinabukasan. May tatlo silang anak na lalaki na kasama ng mga ito sa pagdalawa. Pero isang araw, ang panganay lang nila ang dumalaw sa bata. Nakangiti naman itong pumasok at pinagbalat pa nga nito ang bata ng apple na dala. Pero noong magpapasalamat sana si Light ay tumigil ang binata sa pagbabalat at nangalumbaba sa kama. Tiningnan niya ang bata sa mata.
"Alam mo ba na balak kang ampunin ng parents ko?"
Nagulat si Light sa narinig. Hindi niya alam ang mararamdaman pero alam niyang masaya siya dahil magkakaroon na siya ng pamilya ngunit sandali lamang ang tuwang iyon dahil napalitan agad iyon ng takot. Natakot siya dahil walang emosyon ang mga matang nakatunghay sa kaniya ng mga oras na iyon. Lalong nalusaw ang tuwa sa puso niya sa susunod na sinabi ng lalaki.
"Kaso hindi ako papayag. Tama na kaming tatlong anak sa pamilya. We don't need an extra sibling. Isa pa, malay ba namin kung anong klaseng tao ka? Baka ikaw pa ang manira ng pamilya namin, hindi ba?"
Nakangiti ito habang sinasabi 'yun. He's wearing a poker face mask kaya hindi alam ni Light ang talagang tumatakbo sa isip ng binata. Sa unang pagkakataon sa buhay niya ay natakot siya ng ganoon. Natakot siya sa simpleng ngiti at tingin ng lalaki. Noong na-discharge si Light at sinabi ng mag-asawa ang balak nila ay nais na sana niyang tumanggi ngunit nahiya siya dahil kitang-kita at ramdam na ramdam niya ang kabutihang loob ng mag-asawa.
Pagdala sa kaniya ng mag-asawa sa tahanan ng mga ito ay masaya naman siyang tinanggap ng dalawa pang anak nilang si Aron at Mike. Dalawang taong mas matanda sa kaniya si Mike at limang taon naman si Aron ng mga panahong iyon. Masayang-masaya ito dahil may ate na raw ito. Ngunit hindi niya magawang mapalagay dahil nakangiti man siyang tinanggap ni Justine, ang panganay, at niyakap pa nga siya ngunit ramdam na ramdam niya ang galit nito sa higpit ng hawak nito sa balikat niya dahil sumama pa din siya sa mga magulang nito kahit na binantaan na siya nito.
Mula ng araw na iyon ay hindi na niya muli pang naramdaman ang takot dahil palagi na rin namang may nakadikit sa kaniya na isa sa dalawang bata. Ang kadalasang kasama niya ay si Aron na naging sobrang attached na sa kaniya kaya't unti-unti ay napanatag siya. Hindi rin niya maramdaman na iba siya dahil palagi siyang inaalala ng pamilya.
Ngunit isang gabi noong 14 years old siya at nasa field trip si Aron at Mike at ang mga magulang naman nila ay nasa seminar overseas, sila lang ni Justine ang naiwan sa bahay. 22 na si Justine noon.
Nagluluto si Light noon at nanonood naman si Justine ng TV. Maya-maya ay napansin na lamang niyang lumakas ang TV. Pag-ikot niya ay nandoon na nga si Justine sa likod niya. Kaagad siya nitong hinila at hinalikan. Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay ng kanang kamay at inipit sa pagitan ng dingding at ng katawan nito ang katawan niya upang hindi siya makapalag. Marahas nitong hinawakan ang kanyang mukha upang magkatinginan sila ng mata sa mata.
"Try screaming and I'll kill you."
Bata pa siya noon at dahil sa sobrang takot hindi nga siya pumalag. Umiiyak na lamang siya ng umiyak ng buong magdamag pagkatapos gawin ni Justine ng paulit-ulit ang ginawa nito sa kaniya. Ilang araw din siyang hindi makausap ng pamilya at hinayaan na lang si Justine na humabi ng kasinungalingan. Alam kasi niya na kahit magsumbong siya ay hindi siya paniniwalaan ng mga ito. Para kasi sa mga ito ulirang anak si Justine at mabait.
Dahil sa mga kwento nito sa pamilya nito ay unti-unting lumabo ang relasyon niya sa mga umampon sa kaniya. Kahit si Mike ay naging malayo sa kaniya. Pero nanatiling mahalaga siya para kay Aron. Ito lang ang nakakausap niya nang buong dalawang taon. Kaya nang sabihin niya dito ang balak na pag-alis ay nagtampo ito. Labing anime na taon siya noong magdesisyon siyang umalis sa tahanang iyon at tumayo sa sariling mga paa.
Kumuha siya ng iba't-ibang part-time jobs para maitaguyod ang pag-aaral. Halos magmakaawa pa siya para makuha lang sa trabaho dahil minor-de-edad pa siya kaya laking pasalamat siya ng kunin siyang runner ng mga papeles ng landlady niya ngayon. Ito ang tumulong sa kaniya upang makatayong muli.
But after all those years, she kept everything to herself. No single soul knew what Justine did to her. Although she already had the courage to make him pay, she decided to remain silent because she knows she will never win.
Social media pa lang ang makakalaban niya, siguradong lugmok na siya. Alam niya kasing kakastiguhin lamang siya ng buong mundo kung bakit ngayon lang pagkatapos ng labinlimang tao siya magsusumbong. Hindi na valid reason na natakot siya. Ganun kasi humusga ang mundo sapagkat wala sila sa sitwasyong kinatatayuan niya.
Maaga pa lamang ay nasa bar counter na si Grim at hinihintay si Light upang habang walang tao ay makapag-usap muna sila. Ngunit hindi nangyari ang balak niya dahil dumating ang dalaga na nandoon na si Gin, ang limang kitchen staff at tatlo pang crew. Dahil abala na ito sa paghahanda ng gagamitin sa bar counter ay nagpasya na lamang na umakyat sa opisina niya si Grim upang simulang pag-aralan ang mga papeles na may kinalaman sa Soul Vengeance.
Nang dumaan sa likuran ni Gin si Light upang kumuha ng gatas na ilalagay niya sa ginagawa niyang Ice Coffee Jelly ay hindi na nito napigilan ang sariling magtanong.
"Himala yata na ang aga-aga eh nandito na si Sir? May nangyari ba, Light?"
"Baka tinamad lang lumabas." Sagot niya.
"Hindi eh. Bago pa ako dumating, nandito na siya sa counter. Take note. Early bird ako ngayon." Saad ng binata.
"Sana lagi kang early bird. Keep up the good work." Pag-iiba ni Light sabay pisil sa balikat nito.
"Don't change the subject, Light. Kanina ka pa sinusulyapan nu'n eh."
"Hindi ko rin alam."
Natigil na lamang ito sa pagtanong ng sunud-sunod na dumating ang orders mula sa mga crew. Laking pasalamat naman ni Light dahil hindi na niya alam ang isasagot kung sakali. Mahahalata din kasi siya nito kapag nagsinungaling siya dahil hindi niya gawain iyon.
Maglilimang araw na silang hindi nag-uusap ni Grim pero ramdam ni Light na kumukuha ito ng timing para malapitan siya. Hindi naman niya alam kung anong magiging reaksyon sa ginagawa nito dahil napaka-out-of-character ng pinapakita nito ngayon. Parang nasapian ng ibang kaluluwa.
Hindi naman siya umiiwas dito; sadyang hindi lamang siya ginugulo kaya walang usapang nangyayari. Isang malaking pinagtatakhan din niya, wala siyang nakitang flavor-of-the-week nito. Sa buong limang araw na iyon ay lalabas man ito pero panandalian lang. Kadalasan itong tumatambay sa lounge ng bar at nakikipagkwentuhan sa kakilala pero panandalian din lang. Lagi itong nagkukulong sa opisina. Kapag nagugutom ay bababa at si Gin ang tatawagin. Pero hindi nakakatakas sa mga mata niya ang paminsan-minsang pagsulyap nito sa kaniya. Hindi lamang siya ang nakapansin sa pinaggagagawa ng boss nila kaya hindi na rin siya nagtaka kung bakit pinagpupustahan sila ng mga crew.
Kasalukuyang gumagawa si Light ng dalawang Bartender's Mix ng umupo sa bakanteng upuan sa harap niya si Lucifer.
"Long time no see, Light. One Bartender's Mix please." Sabi nito.
"Naligaw ka yata."
"Nah! Ang sabihin mo, nakabalik na ako sa wakas. Dito agad ako pumunta pagkagaling sa airport. Na-miss ko 'tong special mix mo eh." Nakangiti nitong saad sabay abot ng pasalubong, keychain from Boracay
"Thank you. Pumunta ka pala ng Boracay?"
"Yeah. May kailangan kasi kaming sundan doon." Sagot nito sabay hila ng inilapag niyang inumin sa harap nito.
"Ang hirap ding maging private investigator 'no?"
"Yeah. Lalo na kung ang iniimbestigahan mo eh napakagaling magtago ng ginawang kagaguhan."
Malumanay lang ang pagkakabanggit ni Cifer ng huling sinabi nito pero kitang-kita niya kung paano nito hawakan ang basong kinalalagyan ng order nito. Akala mo'y mababasag na iyon.
"Anong kaso?" Tanong ni Light habang kumukuha ng beer sa chiller.
"Rape."
Palabas si Grim ng opisina niya dahil nakapagdesisyon na siyang kausapin si Light ng makarinig siya na bumagsak at nabasag na bote.
____TO BE CONTINUED____