Chereads / "BREAK" / Chapter 3 - CHAPTER 3: LIGHT'S SOLACE

Chapter 3 - CHAPTER 3: LIGHT'S SOLACE

Mag-iisang linggo nang umiiwas si Light kay Grim dahil nahihiya siya dito. Pagkatapos kasi nang nangyari sa VIP Room kung saan ipinaalala ng binata ang isang condition sa kontrata nila at bigla siyang natauhan sa paghawak niya sa kamao nito ay naikulong niya ang binata doon. Nang ibagsak niya ang pintuan paglabas ay hindi nila parehong alam na sira pala ang doorknob nito.

Dahil nakatulog ang binata doon at nakalimutan din niya na iniwan pala niya si Grim sa kwartong iyon, nakauwi na sila at lahat. Nalaman na lang nilang may tao sa VIP Room kinaumagahan, noong nasira na ni Grim ang pintuan para lamang makalabas.

Mula naman ng gabing iyon ay hindi na dumalaw pa si Zean sa bar pero may iniwan itong mensahe para kay Grim na hindi niya ikinatuwa.

'I'll be back.'

Hindi alam ni Light kung anong nakaraan meron ang magkapatid para patuloy na hanapan ni Zean ng butas ang business ni Grim para maipasara ito pero wala din siyang lakas ng loob para tanungin si Grim tungkol doon. Personal na buhay na din kasi iyon ng binata.

Pero minsan, kahit alam din niyang hindi maipapasara ni Zean ang bar ng kapatid dahil lahat ng papel ng bar ay maayos at legal, hindi pa rin niya maiwasang mapaisip tungkol sa gulo sa pagitan nito at ni Grim. Minsan, napapabuntong-hininga na lang siya.

Parang ngayon.

"Ate? Nandito ka ulit?"

Nawala sa isip ni Light ang tungkol sa magkapatid ng makita niya ang batang si Mia. Wala nang nakakabit na oxygen dito dahil under observation na lang ito. Dinala ito doon ng orphanage na pinagdalhan niya sa bata noong nakaraang linggo dahil bigla itong inatake ng hika. Dahil alam ng mga nangangalaga doon na parang kapatid na ang turing niya dito ay ipinaalam nila sa kaniya ang kalagayan ng bata.

"Oo. Para naman may kasama ka. Busy daw si Sister Elisa para sa recovery party mo bukas kaya ako muna ang papalit sa kaniya. Dadating din si Sister Margarette mamaya." nakangiti niyang sagot bago naupo sa bangko na nasa tabi ng kama ng bata.

"Thank you po." Sabi nito na may kasunod na napakagandang ngiti. Nakurot tuloy niya ito sa pisngi dahil sa kakyutan nito.

Mia was the one who save her five years ago from death even though the little angel was still a baby that time.

Mia was burning with fever when she took her from a pile of trash. She looks so awful; covered with flees and dirt. When she cried loudly in her arms, Light knew immediately that she wanted to live. She immediately brought her to the hospital. The doctor who looked after Mia was glad that she was immediately taken there because if not, she would have died from dengue.

Nagtatrabaho lamang siya noon sa bakery kaya hindi din niya alam kung saan kukuha ng pera pambayad sa hospital noong natanggap niya ang bill. May sumagot man na in-house charity sa kalahati ng kanilang bill, hindi pa rin kaya ng sahod niya ang kalahati niyon.

Nagkataon naman na dahil sa pagod, napili niyang umuwi muna at bibisitahin na lamang niya ang bata kinabukasan ngunit pagkadating niya sa tinutuluyan niyang paupahan, nakita nga niyang nakatayo sa harap ng pintuan niya si Grim na mukhang inip na inip na. Noong mapansin siya nito ay kaagad itong lumapit at nag-alok ng trabaho.

Noong una ay hindi pa niya pinaniwalaan ang binata nang sabihin nito na hindi ilegal ang sinasabi nitong trabaho dahil ang huling pagkikita nila ay noong araw na hinila niya ito sa isang eskinita at mukha lamang itong spoiled brat pero binigyan pa rin niya ito ng pagkakataon para ipaliwanag ang trabahong iniaalok nito sa kaniya.

He was a blessing for her that time when he made sure that the work he offers her doesn't involve something illegal or such. He just needs a trustworthy bartender for his bar.

Hindi rin basta-basta ang sahod na ibibigay nito kung papayag siya, bagay na isa sa ipinagtaka niya noon dahil walang bar sa Pilipinas ang kayang mag-offer ng ganoong kalaking sahod sa isang hindi lisensyadong bartender. Nang sabihin niya iyon kay Grim, dalawang linya lang ang isinagot nito;

"Then get a license. I'll take care of your school expenses."

Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib ng mga oras na iyon lalo na at ang unang pumasok sa isip niya ay si Mia. Matutustusan na niya ang pamamalagi ng bata sa hospital para tuluyang gumaling. Sapat na ang kikitain niya sa bar at sa bakeshop para malampasan iyon.

Habang nasa hospital noon si Mia ay naghanap na din siya ng pwedeng pagdalhan sa bata dahil wala pala itong pamilya at walang nakakakilala dito dahil walang nakakita kung sino ang nag-iwan dito sa basurahan.

Nagdesisyon siyang dalhin na lamang ito sa resident orphanage nila at kaagad naman itong tinanggap ng mga nandoon. Pero paminsan-minsan ay dinadalaw din niya ang bata.

Naging malapit din ito sa kaniya habang lumalaki. Mabait din ito, maalaga at masiyahin kahit bata pa. Iyon lang talagang mahina ang katawan. Kaya nasa ospital na naman. Kung siya lang ay gusto sana niya itong ampunin ngunit sa katayuan niya ngayon, hindi niya pa kayang buhayin sila pareho.

While looking at Mia and listening to her stories right now, she knew to herself that she made the right decision that day. She was glad that she was the one who save Mia because in return, Mia also saved her.

Mia gave meaning to her life that moment when she was about to just go with the flow of the world and be a constant human being; who just work and go home and vice versa. Now she has someone to spend her time with specially that in the near future, she want her to be her own sister.

Maya-maya ay sabay silang napatingin sa may pintuan nang marinig nilang bumukas iyon at pumasok doon si Sister Margarette. Nginitian niya ito bago niya muling ibinaling ang tingin kay Mia upamh nagpaalam.

"O, Magpahinga ka na ha? At huwag kang magpapasaway kay Sister. Babalik dito si Ate bukas, okay?"

"Opo."

Hinaplos muna ni Light ang buhok at pisngi ng bata bago nagpaalam kay Sister Margarette at umalis.

Lakad-takbo papunta sa bar si Light dahil nasobrahan niya ang tulog pagkagaling niya sa hospital. One hour late na siya at first time iyon. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag kay Grim kung sakali. Dahil sa pag-iisip ng dahilan ay hindi nga niya napansin ang isang lalaking kalalabas lang ng isang restaurant, ilang dipa lamang ang layo sa bar kaya nabangga niya ito.

"Aray!"

"Sorry! Sorry!" Hingi ng paumanhin ni Light sa lalake. Pero nagulat siya at napaigik ng marahas nitong hinila ang kaniyang kamay.

"Sorry? Hindi ako basta-basta nagpapatawad, Miss." marahas nitong sagot bago siya marahas na muling hinila upang mas mapalapit dito at binulungan, "Bakit hindi mo na lang hilutin ang parteng nabangga mo?"

Kaagad na nag-panic ang dalaga dahil base sa hilatsa ng lalaki, kitang-kita ni Light na hindi lang basta simpleng hilot ang gusto nito.

Kaagad siyang nagpumiglas dahil may ibang mukha na kaagad pumasok sa isip niya; mukha ng demonyong nais na niyang kalimutan ng tuluyan. Naiiyak na siya ng ayaw siyang bitawan ng bastos na lalake.

Maya-maya ay naramdaman niya na may umakbay sa kaniya. Lalo siyang nataranta at nahirapang huminga dahil sa takot. Hindi niya alam na may kasabwat ang hayop.

Handa na sana siyang sumigaw ng biglang magsalita ang umakbay sa kaniya. Nakilala kaagad niya ang boses nito. Nilingon niya ito at kaagad siyang kumalma.

"Apollo?" naluluha niyang saad. Kaagad naman rumehistro ang pag-aalala sa mukha ng doktor.

"Naman babe, pinahabol mo ako ha? Huwag ka ng magtampo." pagpapanggap nito na para siyang sinusuyo pagkatapos ay tumingin ng masama sa lalaking may hawak sa kamay niya; na para bang isang maling galaw lang nito ay putol ang kamay nito, "You better let her go, Sir." mariin nitong banggit sa huling kataga.

Kaagad siyang marahas na binitawan ng lalaki pagkakita nito kay Apollo pagkatapos ay nagmamadaling umalis. Paglingon ni Light kay Apollo ay nakangiti na naman ito ng usual na ngiti nito.

"Okay ka lang?" Tanong ni Apollo sa dalaga pagkatapos ay kinuha ang kaniyang kamay at tiningnan iyon. May marka ng marahas na paghawak roon. "Magagalit si Grim kapag nakita ito."

"Okay lang ako." Sagot ni Light sabay bawi sa kamay niya. "Thank you."

"You're always welcome, angel." sagot nito sabay haplos ng konti sa kaniyang ulo, "Anyway, ano palang ginagawa mo dito? Kanina ka pa hinahanap ni Grim ha?"

"Galing ka sa bar?" Kabadong tanong ni Light ng maalala ang trabaho.

"Yup. Medyo bwisit na nga iyong boyfriend mo noong umalis ako."

"Hala. Kailangan ko na ngang umalis. Salamat ulit, Apollo!" nagmamadali niyang takbo pero sandaling tumigil at nilingon ang binata, "And by the way, hindi ko siya boyfriend."

"Whatever. Take care." taas ang kilay na sagot ni Apollo sabay kaway.

Exactly 8 o'clock pm, Light reached the bar.

Pagpasok niya sa back door, ang unang nakita niya ay ang nakakamatay na tingin ni Grim habang nakapangalumbaba sa mesa.

"Sor-"

"Shut up. Get to work, now."

Ramdam ni Light ang galit ni Grim kaya kaagad siyang pumunta sa locker na nakalaan sa kaniya. Dahil sa pag-aakalang umalis na ang binata ay nagsimula na siyang magbihis pero habang nagbibihis siya, ramdam niya na may nakatingin. Paglingon niya ay kaagad niyang naibaba ang sana ay aalisin na niyang T-Shirt.

"Uy Grim!"

"Ano?"

"Magbibihis na ako." Paalala niya dito.

"Eh di magbihis ka."

"Seryoso ka? Nandiyan ka kaya?"

"I won't go unless you explain what happened? Bakit ka inakbayan ni Apollo?"

"How did-"

"He told me."

Nagulat naman si Light. Sa isip niya ay iniisip na niya kung paano kakatayin si Apollo dahil ginatungan pa talaga nito ang init ng ulo ng kaibigan nito at hindi rin niya maisip kung bakit nagagalit si Grim ngayon.

"Pwede ba, Grim. Akbay lang 'yon?"

"Akbay lang? Samantalang hinawakan lang kita, nahimatay ka. Nakaka-offend ha."

Akala niya ay nagbibiro ito sa huling sinabi ngunit napansin niya sa ekspresyon ng mukha nito na na-offend nga ito. Nilapitan niya si Grim; close enough para marinig nito ng maayos at pumasok sa utak nito ang sasabihin niya.

"Alam mo ba ang nangyari?"

"Hindi eh. Care to explain?" And he's saying it as if it's about nothing. Napahinga na lang ng malalim ang dalaga.

"I was in trouble and I'm glad he is there to save me. Okay na ba?"

"That's it?"

"That's it. Now, will you excuse me? Magbibihis pa po ako?"

"Then why did you faint when I touched you but you didn't when he did?" tanong nitong muli na parang batang nakanguso. Napakamot na lang sa ulo si Light. Para siyang may kausap na bata.

"Talaga 'tong taong 'to oh. Hindi ko rin alam. Tigilan mo nga 'yan. Mukha kang boyfriend na nagseselos. Magbibihis na ako, labas na." pagtataboy ng dalaga dito pagkatapos ay tumalikod.

Narinig na lamang niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Nang masigurong wala na nga ito ay nakahinga na siya ng maluwag at nakapagbihis. Tapos bigla niyang naalala na may atraso pa pala siya sa binata. Napakamot na lang siya sa ulo.

Mula noong dumating siya hanggang sa maisara niya ang bar ay hindi na niya nakita pa si Grim. Ni hindi niya narinig ito mula sa intercom. Ang hula niya ay nakatulog na ang binata. Dahil gusto na rin naman niyang humingi ng tawad dahil sa pagkakakulong nito sa VIP Room ay nagdesisyon siyang puntahan ito sa opisina. Pero kapag wala ito doon ay uuwi na lamang siya.

"Light, una na kami ha." Paalam ng mga ka-shift niya sa duty.

"Oo, sige. Good job guys!"

Kumaway na ang mga ito at isa-isang lumabas sa back door. Dahil medyo inaantok ay hindi muna siya umakyat sa second floor. Naupo muna siya sa upuan sa Bar Counter at yumukyok sa mesa. Siguro dahil na rin sa pagod, kaagad siyang nahila ng antok.

Nang maalimpungatan siya ay kaagad siyang tumingin sa suot na wrist watch. Seven a.m. na. Pupungas-pungas pa siya bago biglang napatayo ng mapagtantong limang oras na pala siyang nakatulog. Doon niya napansin ang nahulog na kumot mula sa kaniyang likod. Sakto namang sumilip ang kanilang guard na si Yam.

"Uy Light. Buti gising ka na."

"Sorry Kuya. Nakatulog na pala ako dito."

"Sus wala iyon. Di na kita ginising kasi mukhang pagod na pagod ka. Anyway, diyan lang ako sa labas ha."

"Sige. Ay sandali! Salamat pala dito sa kumot, kuya." Sabi niya sabay taas ng kumot. Ngumiti naman ng may kahulugan ang guard.

"Hindi ako naglagay niyan sa'yo, Light."

"Huh? Eh sino?"

"Si Boss." Sagot nito.

Nagulat man sa isinagot nito, hindi pa rin niya maiwasang mapangiti.

"Nasaan siya?"

"Nasa opisina yata niya. Doon ko siya nakitang pumunta kaninang mga alas tres pa." sagot ni Yam sabay inat habang humihikab. Doon niya naalala na nakita na niya si Yam na naka-duty noong dumating siya kagabi at mukhang wala pa ang kapalit.

"Salamat, Kuya."

Nang makalabas na si Yam ay inayos ni Light ang pagkakahawak niya sa kumot at tinahak ang hallway papunta sa opisina ni Grim. Sa pagpasok niya, nawala lahat ng sasabihin niya dahil sa nakitang itsura ng binata.

Nandoon ito sa sofa at nakahiga. As usual, topless na naman ito at nakababa ang kanang paa sa upuan. Halatang-halata na hindi ito kasya doon. Maraming papel ang nakakalat sa lapag. Pumulot si Light ng isa at ng isa pa at doon niya napansin na papeles iyon na may kinalaman sa Soul Vengeance; Sales Report, Inventory, Monthly Budget and all. May mga sticky notes iyon at highlight. May mga nakasulat din na mga nota gamit ang lapis.

Napangiti siya sa sarili dahil mukhang nagkaka-interest na ang kaniyang Boss sa tamang pagpapatakbo ng business nito. Nilapitan niya ang binata na may hawak pa na papel kaya dahan-dahan niya iyong kinuha pagkatapos ay ipinatong ng maayos dito ang kumot na dala. Isa-isa niyang pinulot at isinaayos ang mga papel sa mesa nito bago nagdesisyong umalis. Ngunit bago siya umalis ay muli niyang nilapitan ang binata.

For awhile, she felt like touching his face but she remembered the same scene happened in the past so she withdrew and turned on her heels to leave.

Hindi na siya papayag pang mahuli muli ng binata.

To her surprise, before she could leave she heard him call her name and that stopped her. When she thought she just heard it wrong, she carefully went closer to Grim once again. Light heared him mumble a little but it was not clear. She waited for a couple of seconds but he did not say anything anymore.

Nagkibit-balikat na lamang siya. Kaso noong paalis na siya, narinig na naman niya itong nagsalita ulit at natigilan na siya ng tuluyan dahil sa sinabi nito.

"Light is mine."

____TO BE CONTINUED____