"She's with Zean."
Napahampas naman kaagad sa noo si Yam ng sabihin ni Gin kay Grim kung nasaan si Light pagkadating na pagkadating ng boss nila mula sa clinic ni Apollo. Kitang-kita sa mukha nito ang gulat at ang kaagad na pagdilim ng aura nito.
Umikot kaagad ito palabas ng bar ngunit kaagad naman napahinto bago pa marating ang pintuan ng makita nilang pumasok mula doon si Light. Bago pa makapagsalita si Gin at Yam ay tinakpan kaagad ng dalaga ang bibig ni Grim ng akmang bubungangaan nito ang dalaga.
"Not now, Grim." Sabi nito at nilampasan ito papuntang Employees Lounge.
Kaagad itong sinundan ng binata. Lumapit naman kaagad si Yam kay Gin. Mabuti na lang at sarado na ang bar dahil abot hanggang sa bar counter ang lakas ng boses ng boss nila. Hindi nga lang nila maintindihan ang sinasabi nito dahil na rin siguro sa sound proof ang lugar, medyo malabo ang mga salita nito.
"Bakit mo sinabi kay Sir Grim?" Tanong ni Yam sa kasama na kasalukuyang inaayos ang mga ibabangkong pera kinabukasan.
"Halata namang iba si Light sa ating lahat para kay Boss. Tanga na lang ang hindi makakapansin noon. Kaysa ipahamak ko si Light sa hindi pagsasalita, mas maganda nang alam ni Grim. Paano kung may nangyari sa kaniya na hindi natin alam tapos hindi pa natin sinabi kay boss, tigbak na tayo... may apektado pang iba." Paliwanag ni Gin ngunit hindi naman makita sa mukha nito ang concern.
"Sabagay."
"Mas matagal ka na dito ah. Hindi ka pa nasanay sa bungangaan ng dalawang iyan?" Tanong ni Gin kay Yam.
"Wala naman kasing ganyang eksena dati. Ngayon lang 'yan nangyari."
Diretso lang na pumasok ng Employees Lounge si Light kahit pa nagpupuyos sa galit si Grim na nakasunod sa kaniya.
"Ang bilin ko, huwag mong papapasukin si Zean. Hindi nga nakapasok, sumama ka naman sa kaniya! What are you trying to prove, Light?! Huh?! I told you not to get close to that bastard and here you are going with him when I'm not around?!"
"Mr. Marquez, as far as I know, there's nothing in our contract that says I must tell you to whom I go with and to where. And as far as I remember, I am not your property to follow everything you say."
"But you are on duty, Ms. Dela Fuerte!"
"Guilty. I will just absent myself on the payroll for that."
"That's not the point, Light!"
"I know. You're damn point is because I went with Zean. Point taken, okay?" Naiinis na din na sagot ni Light pagkatapos ay nagtungo sa kusina upang linisin ang natapon na kape sa damit niya kanina.
Naiinis siya dahil pagkatapos niyang lumabas ng sasakyan ni Zean kanina ay nakabangga siya ng dalagang may dalang starbucks. Binayaran pa niya ang inumin nito bago niya nalaman na pasakay din pala ito sa sasakyang pinanggalingan niya. Doon niya nalaman na kaya doon nag-park si Zean dahil may susunduin ito doon. Nakita pa niya kung paano hinalikan ng babaeng iyon ang lalaking kasama lang niya kanina bago tuluyang sumara ang bintana ng sasakyan.
Pero hindi siya naiinis dahil doon. Naiinis siya dahil sa ibinayad niyang 350 para sa kape na nanira ng puting uniform niya. Tapos dumagdag pa si Grim na kung makakatak, akala mo boyfriend.
"You don't get my point."
Pabulong lamang iyon pero nakarating iyon sa pandinig niya. Naramdaman niya sa boses nito ang nakaraang pinanghuhugutan ng binata ng galit. Hindi naman lingid sa kaniyang kaalaman ang brief history nito at ng kapatid. Isa ring dahilan iyon kung bakit siya sumama kay Zean; para malaman kung bakit ayaw nitong tigilan ang kapatid kahit pa si Grim na ang umiiwas.
Itinapon niya ang tissue na ginamit sa pagpunas sa damit niya pagkatapos ay nilapitan ang binata at hinuli ang mga mata nito.
"Kalimutan mo na si Zean, okay? Wala namang nangyari eh. See? Buo pa ako. Nag-usap lang kami."
"Anong pinag-usapan niyo? Anong sinabi niya sa'yo?"
Hindi sumagot si Light. Umuurong na lang si Grim at iniwan siya. Dahil sa ginawang iyon ng binata ay biglang siyang nag-aalala kaya sinundan niya ito. Ngunit bago siya umakyat sa ikalawang palapag , kinausap muna niya ang kanilang guard na si Yam at si Gin at sinabing maaari na silang umuwi. Nang umalis na ang mga ito, dahan-dahan siyang umakyat at tahimik na binuksan ang pintuan ng opisina ni Grim. Nandoon nga ito at nababalutan ng kadiliman.
Mula noong nagtrabaho siya sa bar ng binata, ngayon pa lang niya ito nakitang ganito... ganito kalungkot. Dahil gusto niyang kahit papaano'y samahan ito, isinara niya ang pintuan at tahimik na tinahak ang daan papunta sa binata ngunit bago pa siya tuluyang makalapit ay nagsalita na ito.
"Go home." Malamig na saad ni Grim ngunit walang diin iyon. Sa halip na umalis, nanatili lang sa kinatatayuan ang dalaga. Naramdaman siguro ni Grim na wala siyang balak sundin ang utos nito kaya muli itong nagsalita. Narinig niya ang pagsusumamo sa tono nito. "Please, Light. Just go home for now."
"Okay, I will. But remember this Grimnard, I have already seen you in your worst. Nothing could keep me away from you." She said with a gentle smile before turning around to leave.
Bago pa mabuksan ni Light ang pintuan, naramdaman na lamang niya ang mga bisig ni Grim na nakayakap sa kaniya. Dahan-dahan din nitong ipinatong ang noo sa kaniyang kanang balikat na para bang nagsasabi na huwag niyang iwan ito.
"Grim. Paano ako uuwi niyan?"
"I change my mind. Stay the night. Stay here… with me."
Nadurog na ang puso ni Light sa sinabi ng binata. Hinawakan niya ang mga kamay nito para alisin ang pagkakayakap sa kaniya upang magawa niya itong harapin. Niyakap na lamang niya ang lalaki.
----
Nang maramdaman niya ang pagluwag ng pagkakayakap ni Grim sa kaniyang mga hita, alam na ni Light na nakatulog na ito. Nakasandal kasi siya sa headboard ng higaan dahil ang nais lamang niya ay patulugin ang binata ngunit hindi na siya pinakawalan nito. Bawat akma niyang pag-alis ay nararamdaman nito at lalo lamang humihigpit ang yakap nito sa kaniya.
Sa pagkakataong iyon, malaya niyang napagmasdan ang binata. Hindi siya lubos na makapaniwala na sa kabila ng pinapakita nito sa mga tao, may parte ng pagkatao nito ganoon kahina lalo na kung ang usapan ay tungkol na sa ina nito. Sa pagkakasabi ni Zean kanina, hindi man nakasama ni Grim ang kaniyang ina, alam naman ng binata na mahal na mahal siya nito dahil sa mga iniwan nitong video clips. Kahit video clips lang iyon, iyon ang naging sandalan ni Grim noong musmos pa lamang ito.
Her hands slowly brushed away some hair strands that covered his eyes and rest her hand on his head. Then she remembered her conversation with Zean earlier.
"Kailangan pa talaga kitang takutin para lang sumama ka?" sabi nito pagkasakay niya sa passenger seat ng sasakyan nito.
"May kailangan lang akong malaman na sa'yo ko lang maririnig kaya ako nandito."
"Really?"
"What do you want to talk about?" She asks. Zean glanced at her and sighed.
"I would like to clear myself from all the misunderstandings, okay?" Zean answered.
"Anong misunderstanding?"
"Ikaw ang makakasagot niyan. Bakit ba kulang na lang i-ban niyo na ako sa Bar?" Tanong ng binata.
"Well, basically, you are a prosecutor. Sinong prosecutor ang pupunta sa ganoong klaseng bar kung wala siyang balak magmatyag at hanapan ng butas ang bar para maipasara iyon?" Balik na tanong naman ni Light.
Nagulat na lamang siya ng bigla itong tumawa ng malakas. Mabuti na lang at red light at nakasara ang lahat ng bintana ng sasakyan nito kundi baka pag-isipan pa sila ng mga katabing sasakyan na baliw sila.
"See! That is what I'm talking about."
"Tama naman ako, hindi ba? You've been going there once a week for five years. Walang palya. Just give up already. Wala kang makikita doon." Pagsusungit ni Light sa binata.
"Saan niyo ba nakuha 'yung ideya na ipapasara ko 'yung bar?" kunot-noong tanong ni Zean pagkatapos ay iniikot ang manibela pakanan at nag-park sa harap ng isang restaurant.
"Kay Apollo."
Kung hindi lang alam ni Light na kasinglala ni Grim si Zean pagdating sa babae dahil palagi niya itong nakikita sa bar na may kaakbay at iba't-ibang babae iyon ay iisipin niyang bakla ito sa paraan ng pag-ikot ng mga mata nito pagkarinig sa pangalan ng Family Doctor ng mga Marquez.
"I'm going to kill that bastard."
"So, gusto mong sabihin na hindi totoo yung sinabi niya?"
"It was just one of my angst. I didn't know he already sold me out. 4 years na pala itong pesteng misunderstanding na ito. Kung alam ko lang."
"Wait. I don't really get it." Light said in confusion. She can't believe what she was hearing at the moment.
"I'll explain one by one. Before that, let's eat first. I'm starving."
We all have misunderstood him like he said.
'Yung sinabi ni Apollo noon kay Grim tungkol sa pagmamatyag ni Zean sa Bar ay once-in-a-blue-moon outburst lang nito. Parehong kaibigan kasi ni Zean at Grim si Apollo maliban sa family doctor ng mga Marquez ang mga Zule. Nasobrahan ng inom si Zean isang gabi pagkagaling nila sa Soul Vengeance at 'yung galit niya kay Grim dahil sa pagkamatay ng nanay nila ang naging trigger para masabi niya na ipapasara niya ang bar sa kahit anong paraan. Tumawa pa ito ng napakalakas. Ito namang si Apollo, ibinalita kaagad kay Grim ang balak nito ng hindi muna sinisiguro kung totoo nga iyon o hindi.
She's also guilty of misjudging Zean because of his looks; particularly, his eyes. Dahil tuwing nakikita niya ito na nakatingin sa kaniya o kay Grim sa bar, lagi niyang iniisip na may masama itong balak kahit na ang totoo niyan, pareho lang naman kung paano tumingin ito at si Grim. Nakumpirma niya ang katotohanan ng sinasabi nito dahil kitang-kita niya sa mukha nito ang lungkot habang pinapaliwanag nito ang sarili dahil napag-isipan nila ito ng masama.
"I hate to admit it but we got these killer eyes from our father. Kahit sa trabaho, kakaunti ang nagtitiwala sa akin dahil tingin nila ako 'yung tipong kayang baliktarin ang sitwasyon at gawing biktima ang criminal and vice versa dahil lang ganito ako tumingin. Palagi na lang na ang criminal ang pumupunta sa akin para lang mabaliktad ang kaso nila. Kapag ngingiti ako, para sa kanila, nakangisi na 'yun. Do I really look that bad?"
Standing lean and proper in 5'9 feet who always wears black from head to toe, hairs that are always in a brushed up style, long eyelashes, pointed blue eyes and pointed evil like brows like Grim's… he will be really judged immediately… badly judged.
Hindi niya magawang pigilan ang pagngiti ng mga oras na iyon na pinapakinggan niya si Zean sa mga litanya nito habang kumakain sila. Mukha kasi itong nagsusumbong na bata. Hindi tuloy siya makapaniwala sa sarili na inisip niyang masama ang motibo nito sa pagpunta sa bar nila kahit na ang talagang gusto lamang nito ay 'yung special mixed drink niya na siyang patok sa bar. May isang linya pa itong sinabi na pumasok sa isip niya habang tinitingnan si Grim. It made her proud.
"Yes, I'm a prosecutor. It's not normal to be seen inside of those clubs. Kaya nga kailangan ko pang pumorma para lang hindi kaagad makilala. Can I blame myself? I'm just a normal guy. I like to hangout sometimes. And even though Grim is the owner, his bar is unexpectedly the most decent bar around."
Naalala tuloy niya ang mga pagkakataon na pakiramdam niya ay gusto nitong lumapit sa kaniya sa bar counter o iyong mga pagkakataon na parang may gusto itong sabihin. Nang dahil sa misunderstanding na iyon, ilang taon din nilang napagdudahan si Zean. Dahil doon, nasabi na lang ni Light ang isang mahinang "sorry" sa binata. Nginitian lamang siya nito.
But after dinner while they we're having a cup of coffee; Zean's face become more serious.
"I did hate, Grim, Ms. Dela Fuerte. And because of that, I have neglected him since he was a kid. Destroying him has also crossed my mind." Zean suddenly told Light when she was about to sip on her cup of coffee. She stopped midway then put it back on the table. She looked at him and saw behind those aggravating eyes his true feelings.
____TO BE CONTINUED____