Chapter 5 - Chapter 5

Xyzrielle's PoV:

Mabilis lumipas ang mga araw. Ganon pa rin naman ang sitwasyon. Estudyante sa umaga, Magdalena sa gabi. Chos lang. Waitress sa gabi.

Meron pa lang nadagdag. Sa tatlong linggong nakalipas ay hindi mawawal ang pambubully sa akin. Yes at iyon ay base sa utos ni Athena Louise Sarxel a.k.a. si Arts. Sya ang babaeng ilang beses ko nang nababangga.

Mild pa lang naman 'yung ginagawa sa akin ng mga alalay nya. Hinahabaan ko na lang ang pasensya ko.

Nandyan 'yung tipong papatirin ako habang may dala akong pagkain sa buong school habang recess. At syempre, tawanan naman ang maririnig sa cafeteria matapos ang nangyari. Diretso sa mukha ko ang pagkaing sana'y kakainin ko. Sayang naman.

Gusto sana akong tulungan ni Erin at ng mga bago kong kilalang kaibigan. Kaso sabi ko ay wag na dahil baka mamaya ay madamay pa sila sa galit nitong si Arts. Mahirap na.

May time nga na nagtataka ako kung bakit andaming sumisipa sa akin habang naglalakad ako. 'Yun pala eh may nakadikit sa likod ko na "Kick Me Pls" at si Athena na naman ang may gawa non.

Ang hindi ko malilimutan na ginawa nya ay 'yung may red paint na inilagay sa upuan ko at nagmukha akong may tagos. Mygosh. Hiyang-hiya talaga ako non. Buti na lang at may extra akong palda sa locker ko that time.

At yes, kaklase ko sya at nagkataong seatmate pa. Buti na lang at hindi lahat ng subject ko ay kaklase ko sya. Remember nung first day na nagtataka ako kung sino 'yung katabi ko? Sya pala 'yon. Hindi ko nalang sya pinapansin sa tuwing magkatabi kami. 4 subjects lang naman eh.

May dalawa akong bagay na natutunan sa mga nagdaan na araw.

1. Be alert and ready.

2. Always bring extra clothes.

Ayan. Tulad nga nang sinabi ko kanina ay hindi ko na pinapatulan pa. Napakachildish ko naman pag ganon. I need to be mature in situations that I encountered. Joke lang po. Tinry ko lang mag-english. Kaya ko pala.

"Guys, una na kayo. May dadaanan pa kasi ako sa locker ko." Paalam ko sa mga kaibigan ko.

"Hala sge, babye! Uwi agad ha. Ingat sila sayooo!" Sabat ni Kathrina. Newfound friend ko hehehe. Actually, 3 silang nadagdag sa set of friends ko. Kaibigan kasi nila si Erin. Kapag daw ganoon ay kaibigan na nila ako. Tsaka ko na sila ipapakilala.

kakaunti na lwng ang tao sa school. Bukod kasi sa kanina pa ang uwian ay Friday pa ngayon. Excited ang lahat na umuwi. Kahit ako rin dahil wala akong pasok every Friday. Oh diba, ang saya talaga.

Nasa may bandang dulo ang locker ko. Wala na akong makitang tao. Okay lang naman. Hindi ako natatakot. Kampante ako dahil may mga cctv naman dito.

Inilagay ko na ang mga libro at gamit na hindi ko kailangan. Para mabawasan din ang bigat ng bag ko. After that ay isinarado ko na agad ang aking locker.

Ganon na lang ang aking pagkagulat nang may nakita akong pigura ng isang babae na nakasandal sa katabing locker at matamang nakatingin sa akin.

Nanlaki ang aking mata. I'm stunned in my spot. Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng aking katawan.

Lagot na. Si Athena huhuhu..

RiP, Xyzrielle.

Athena's PoV:

Gulat na gulat ang mukha ni Brownie. Her reaction is so priceless. She was bullied this past few days by the fabulous me, myself, and I. Satisfied naman ako sa naging result.

That's what she get for bumping the great Athena. Hmp. But iistop ko na because I think, that's enough. Tao pa din naman ako at may awa. Duh. Mabait talaga ako.

"Mag-isa ka ata ngayon. Nasaan 'yung mga frenny mo ha?" Nang-aasar kong tanong sa kanya. She snapped into reality because of that.

"Anong kailangan mo sakin? Hindi pa ba sapat 'yung mga ginagawa mo?" I know that she's just trying to hide her nervousness. I can feel it. Nagkukunwari lang syang matapang.

Pagak akong napatawa. "Hindi ko alam kung saan ka nakakakuha ng lakas ng loob na sagot-sagutin ako."

Unti-unti akong lumapit habang sya naman aay umaatras. Very Wrong, Brownie dahil dead end ang nasa likod mo. At tayo lang ang tao rito. Pwede kong gawin kung anong gusto kong gawin sa iyo. *insert evil laugh*

Teka. Bakit parang may ibang meaning 'yon?

Tsk. Bahala na. I am now pinning her against the wall. The tables are now turned. Kung noong last time ay ako ang ginaganto nya. Pwes, ngayon ay sya naman ang nasa kalagayan ko. Hindi sya nagpupumiglas at nakatingin lamang sa akin ng diretso. At ako naman bilang isang palaban ay tinignan din sya.

"You're just a piece of trash here. A scholar. A nobody. Hindi ka man lang nagsorry sa akin. Walang respeto!" Nagsimula na akong sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya. Sa sobrang haba ay hindi ko na matandaan lahat nang pinagsasasabi ko.

Nag-init ang ulo ko nang makitang parang hindi naman sya nakikinig sa akin. She's looking at me with a bored look on her face.

"Hey, nakikinig ka ba? Magsalita ka nga! Napipi ka na ba? Don't you dare to ignore me!" Tuloy-tuloy kong turan nang mapansin ko 'yun. Sayang lang laway ko.

She was still looking at me.

"Hindi pa naman ako napipi. Tsk. Isa pang salita mo, hindi mo magugustuhan kung anong gagawin ko sayo." Saad nya na parang wala lang ang ginawa nyang pagbabanta sa akin. Aba't! Sumasagot sya ngayon ha.

She even gave me a threat huh?! Sa tingin nya ba ay matatakot ako roon? Pwes, nagkakamali sya.

"You think I'll get scared because of what you've said? Well, to te---" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil agad niyang hinila ang aking collar. Naramdaman ko na lang na may isang malambot na bagay ang dumampi sa aking labi.

Nanlaki bigla ang aking mga mata dahil sa ginawa nya. Fuck.

What the hell? She's... kissing me?!

It lasted for only seconds pero ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang lambot ng lips nya. I was still in shocked.

Fucking shit! Wala na ang first kiss ko. At sa isang babaeng kinaiinisan ko pa talaga napunta.

I clenched my fist. Damn. That Brownie is a Kiss Stealer! Talagang ginagalit nya ako!