Athena's PoV:
"Sinabi ko naman kasi sayo kanina diba? Hindi ka nakinig sa akin. Tsk." Saad ni Brownie. Para lang itong pumasok at lumabas sa tenga ko.
Hindi pa kayang iproseso ng utak ko ang sinabi nya dahil sa nangyari. Nasa state of shock pa rin ako hanggang ngayon. I repeat, ang lambot ng lips nya. Her lips also tastes sweet. Parang may naramdaman akong something na hindi ko maexplain.
I want more. I mean, no!
'Baka naman nakuryente ka, girl.' Sabat na naman ng mahadera kong utak.
Nabalik lamang ang ulirat ko nang makita kong papalis na sya. Nag-init bigla ang ulo ko. Dali-dali kong hinabol si Brownie.
Pagkatapos nya akong halikan, aalis na sya agad na parang walang nangyari? Ano 'to? Kiss and Go? Hindi ako papayag! No way!
'Bakit? Gusto mo bang panagutan ka nya?' Pag-extra uli ng mahadera kong mind.
Yes—— I mean, no! Syempre, dapat pag-usapan namin 'yung nangyari. Madami ako tanong katulad ng bakit bigla-bigla na lang syang nanghahalik? And why the hell did she do that?
'So dapat ready ka kapag hahalikan ka nya?' Argh! Bahala ka na nga riyan, mind. I don't care about your thoughts.
"Hey! We're not yet done, yrash!" I shouted ngunit nagpatuloy pa rin sya sa paglalakad.
Is she deaf? Or she's making this on purpose? Talagang iniinis nya ako huh!
Hindi ko maiwasabg mapangisi nang malapit ko nang mahabol si Brownie. Paharap na sya sa akin nang bigla naman akong natapilok.
At hindi ko alam kung bakit pero nakikipaglaro ata sa akin ang tadhana. Tila nagslow motion ang lahat. I think, babagsak ako. Fuck. Kawawa naman ang maganda kong katawan nito.
I just closed my eyes para mabawasan ang mararamdaman kong impact sa aking pagbagsak. I was expecting a rough floor but instead, isang mabango at malambot na bagay ang aking napagbagsakan.
Hindi muna ako gumalaw. Ang bango talaga. Ano kayang pabango nutong sahig? At kailan pa 'to naging foam?
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata and there, I met the tantalizing eyes of this Brownie girl. I can't deny that her eyes are beautiful. Parang nahihypnotize ako.
Hindi ko napansin na nakayakap pala sya sa akin na para bang pinoprotektahan nya ako sa pagbagsak. Ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa aking ulo at baywang.
Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi nang mapansin ko 'yon. Paalala lang na hindi ako nagbablush. Mainit lang talaga ang pwesto namin kaya ganito ang reaksyon ng pisngi ko.
I just found out that we're both staring at each other. Napakalapit namin sa isa't isa na tipong konting galaw lang ay magkakadikit na ang hindi dapat magkadikit.
Speaking of it, my eyes unconciously goes down to her lips. It's so tempting na parang iniimbita ako nito. I saw how she gulped and I mentally smirked because of that. May epekto rin pala ako sa kanya.
I don't know what has gotten into me. And the next thing I knew was I closed my eyes and filled in the remaining distance between us. Magkalapat na ang aming mga labi pero mas matagal ito kaysa kanina.
Naputol ang pangyayaring iyon nang bumalik ang aking katawang lupa. Realization hits me like a truck. Agad akong nagbawi at tumayo. She quickly followed me after that.
"I g-got to go." Nagmamadaling saad nya. She left me here dumbfounded. Mabilis syang umalis hanggang sa hindi ko na sya makita pa.
Fuck. Ang first at second kiss ko ay wala na sa loob ng isang araw lang. Ang tagal kong iningatan 'yon. Tapos matatangay lang ng mortal kong kaaway!
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Wala akong makapa na regret sa dibdib ko. Actually, parang... gusto ko pa uli ng isa?
I quickly erased that thought in my mind.
'Geez. Self, tigil na nga sa pagiging maharot.' Pagsermon ko sa aking sarili. I also decided na umuwi na rin.
Xyzrielle's PoV:
Argh! Why, Xyzrielle? Bakit ganon naman kasi ang naisip mong solusyon? Why did I kissed her? Ang dami-dami namang pwedeng gawin.
Paalala lang na hindi ko lo nagustuhan ang nangyari kanina. Hindi ko alam kung bakit nangyari iyon in the first place. Bigla na lang gumalaw ang katawan ko at ginawa ang bagay na 'yon. No choice raw kasi.
Pero infairness, ang lambot ng lips ni Arts ha. Ang tamis pa. Lasang strawberry. Hindi nakakasawa. Maitanong nga sa kanya kung bakit ganon 'yung lasa.
Naisip kong umalis na since nasa state of shock pa sya. Well, me too pero kailangan ko na talagang umalis. Lagot na naman ako sa kanya.
Mabilis akong naglakad. Baka kasi mamaya ay masampal nya ako bigla or worse, masapak pa. Sayang naman ang maganda kong face kapag nangyari 'yun.
"Hey! We're not yet done, trash!" Rinig kong sigaw nya.
Humarap ako sa kanya at saktong-sakto dahil nakita kong natapilok bigla si Arts. At mukha talagang nakikipaglaro sa akin ang tadhana dahil nadamay ako sa pagbagsak nya.
I quickly accepted my fate na ako ang makakadama ng sahig. I placed my arms on her head and waist na para bang pinoprotektahan ko sya.
Grabe. Ang payat naman nitong babaeng ito.
"Fuck." I cursed under my breath nang tuluyan na kaming bumagsak.
Ang sakit sa likod. Unti-unti kong ibinuka ang aking mata at nakita ko ang mukha ni Athena. She's on top of me.
Wow. Ang ganda nya. Ganon na lang ang aking pagkagulat nang magbukas din ang kanyang mga mata. We're looking at each other. Walang nag-alis ng tingin sa amin. Nakakalunod ang mga titig nya.
Nakalagay pa rin ang aking mga kamay sa kanyang ulo at bewang. Nag-eenjoy na ata sya sa pwesto namin. Kitang-kita ko kung paani bumaba ang mga mata nya sa aking labi. Hindi ko maiwasang mapalunok sa ginawa nya.
Nanlaki ang aking mga mata nang tinawif nya ang distansya naming dalawa. Now, she's the one who's kissing me. I mean, magkalapat lang naman ang mga lips namin.
Mas matagal ang halik namin ngayon. Nakaawang ng kaunti ang aming mga labi. Naputol lang ito nang mahimasmasan sya. Agad syang tumayo pati na rin ako.
"I g-got to go." Paalam ko at walang patumpik-tumpik na umalis. Hindi na ako tumingin pa sa kanya.
Wala namang kaso sa akin ang first kiss na 'yan. Pero feeling, big deal 'yon sa kanya. I'm dead and that's for sure. Sana naman ay makalimutan nya 'yon or palagpasin man lang. Pero, sino nga bang niloko ko?
Mas lalong nadagdagan ang init ng ulo ni Athena sa akin.
Magpapakabait na po ako, Lord. Pabaitin nyo lang po ang dragonang 'yon. Para hindi na magbuga pa ng apoy sa Lunes. Kawawa naman po ako kapag nangyari 'yun.
Nagpahinga na agad ako nang makarating ako sa aking bahay. Muli na naman kaming magkikita ni bed. Yey!
But why do everytime that I closed my eyes ay biglang nagfaflashback sa akin ang nangyaring kiss sa amin ni Athena?
Aish. May mali na ata sa akin.