Chapter 8 - Chapter 8

Athena's PoV:

Ang lambot at ang sarap ng lips ni Brownie. Fucking shit. Parang gusto ko p—— I mean, nakakaasar talaga.

Jeez. Why are you like that freaking brain?! Stop na nga sa pag-iisip ng nangyari. Makicooperate ka sakin. Now na!

"Senyorita, kakain na po." Rinig kong tawag sa akin ng isa sa mga maid namin.

I snapped into reality becayse of that. Anyways, simula pa nung Friday ay hindi na mawala sa isipan ko 'yung nangyari. It keeps on flashing on my mind nonstop.

Siguro kasi, first kiss at second kiss ko ang nawala at kinuha ni Brownie. Naging super grumpy tuloy ako nitong mga nakaraang araw. As in napakasama ng ugali ko.

'Ayun ba talaga? O gusto mo pa ng isa? May I remind you na ikaw mismo ang nag-initiate ng move sa second kiss nyo. Hmp.' Sabat ni mind

Shut up. Alam naman natin lahat ang reason kung bakit naging ganon ang mood ko. Stop blabbering na nga.

And oh, I really wonder kung anong nagtulak sa akin kung bakit bigla-bigla ko na lang syang hinalikan. Argh! Probably, nagcast ang Brownie na 'yon ng spell sa akin.

Before I stood up, I closed my eyes. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit mukha pa rin nya ang nakikita ko?!

May sumpa sigurong binigay sakin ang babaeng 'yon. Oh fuck. Agad na binalot ako ng takot. Napailing na lang sa kawalan. Hindi nya naman siguro magagawa 'yon. I guess, she's kind naman after all.

After I took a bath, isinuot ko na ang uniform ko. Today is Monday at siguradong magkikita na naman kami ni Xyzrielle o Brownie sa school. Saktong-sakto dahil magkatabi pa talaga kami.

I need to act professional. Her name was so weird. It's also unique because it's hard to pronounce.

I'm here on our school. Rinig na rinig ko na ang mga fansclub ko. Well, ganon talaga pag maganda *with matching flip hair*.

"OMG! Andito na si Queen. Kyaaahhh?!!"

"Ang ganda nya talaga noh."

"Parang complete package na sya." Ano ako? delata? Hmp. Hindi ko na lang pinansin 'yon at naglakad na muli. Ayokong mabad vibes ha.

"Pre, sana maging boyfriend ako ni Queen." Pinasadahan ko naman sya ng tingin. In your dreams, Mister. Ang chaka mo. Pwe!

"Ang swerte nung magiging jowa nya." Oo, swerte talaga 'yon kapag nagkataon. I'm almost perfect na kaya.

May lumapit sa aking isang lalaki. May dala-dala syang bulaklak at flowers. Gwapo sya but he's not my type. Mukha syang fuckboy. Bahala sya dyan.

Ramdam na ramdam ko ang mga tinging ipinupukol ng mga kapwa namin estudyante. Kami na ang center of attention.

"Athena, I like you so much. Sana tanggapin mo ito." Saad nito na parang nahihiya pa. Sino ba ang lalaking 'to ha? Para syang uod na inasinan.

I faked a smile bago ko kinuha ko dala nya. Nagsimula na ang bulong-bulongan. Hindi kasi ako tumatanggap ng mga bigay na gift kahit kanino. Simple lang naman ang ginagawa ko sa mga nagbibigay nito sa akin.

Naglakad ako papunta sa pinakamalapit na basurahan at shinoot ang ibinigay nya. Bumagsak ang balikat. Agad na gumuhit ang sakit sa kanyang mga mata. After that, nagwalk-out na sya.

Well, alam kong mali ang ginawa ko pero sorry na lang sya. Wala rin akong pake.

Tuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad nang may tumawag sa aking telepono. Mabilis na sinagot ko ang tawag. Hindi na ako nag-abala pang tignan ang name ng caller.

"Bitch, where are you na ba? Ikaw na lang inaantay namin dito, jusko! Miss ka na raw ni Jared. Pumunta ka na agad dito sa tambayan natin."

Boses pa lang ay kilalang-kilala ko na. It was Ella Clarisse Fuentes, my bestfriend. Medyo same kami ng ugali. Mas mabait nga lang sya ng kaunti.

And oh, si Jared Kian Monteverde, isa sa kaibigan ko din. Nagkagusto sya sa akin dati. Sinabi ko na sa kanya na una pa lang ay wala syang chance. Okay lang naman daw 'yon basta't hayaan ko na lang sya. And now, nakamove on na sya. Si Jared ang tumatayong kuya sa amin.

Hindi ko na sinagot pa ang babaeng 'yon at pinatay na agad ang tawag. Dumiretso na ako sa tambayan namin. Maaga pa naman kaya okay lang 'yon.

It's a room na pinacustomize ko pa. Kami lang ng mga kaibigan ko ang maaaring pumasok doon dahil may idetification ito na tanging fingerprints lang namin ang pwedeng magpabukas.

Pagpasok ko palang ay may nakita na agad akong dalawang naghaharutan. Mygosh! Umagang-umaga tapos ito bubungad sayo. Tsk.

"Oh guys, please get a room." Mataray na saad ko kila Stacey at sa lalaking kasama nya.

Hindi ko 'yon kilala dahil lagi naman syang papalit-palit ng kalandian. Sya ang playgirl sa aming magkakaibigan. She said na ineenjoy nya lang daw ang kanyang life kaya ganon.

She just smirked at me. Pinaalis nya na rin 'yung guy. At nagpacute pa talaga ang loka.

"Owemji, girl. Ano 'tong naririnig ko tungkol sa inyo ni Justin? Kawawa naman 'yon. Tinapon mo agad. Sayang naman!" Pagrarant ni Ella. So, Justin pala ang name ng lalaki kanina. Well, I don't care pa rin.

Napabuntong-hininga na lang ako bilang sagot. Ewan ko ba. Parang wala ako sa mood ngayon. Wala akong gana.

'Siguro kasi hindi mo pa nakikita si Brownie kaya wala ka saa mood.' Sabat ni mind.

Argh! Kahit kelan talaga ay paepal ka. Anyways, andoon na kaya ang babaeng 'yun. Don't get me wrong guys, magtutuos pa kaming dalawa dahil sa nangyari noong Friday. Baka kasi maling ideya ang pumasok sa isip nyo.

I checked the time at nakita kong malapit nang magtime. Kaya nagpaalam na ako sa kanila.

"Guys, I gotta go. Kailangan kong pumasok sa subject na 'to dahil terror ang teacher."

"Sige, sige. Aalis na rin kami. Kita-kita na lang tayo kapag break time na." Naghihiwalay na rin kaming lahat para pumunta na sa kanya-kanya naming classroom.

I am expecting na andoon na si Brownie but to my dismay, blangkopa ang upuan nya. Wala pa sya roon. Lagi syang nauuna sa aming dalawa.

I saw her friend pero hindi na ako nag-abala pang magtanong sa kanya. Duh. Over my drop-dead gorgeous body?! Sayang ang oras ko.

It's a little weird. Tapos na ang first subject pero hindi ko pa rin nakikita ni anino ng katabi ko.

Natapos ang buong maghapon na hindi ko man lang nakikita si Brownie. I wonder why. Ano kayang nangyari sa babaeng 'yon?

Hindi ako nag-alala sa kanya. In fact, masaya nga ako. Siguro ay natakot sya kaya hindi sya pumasok ngayon. Scaredy cat.

Hindi ko maiwasang matawa dahil doon. Mayroon na namang plano ang nabuo sa aking isipan. And I think, it's gonna be fun and awesome.

Damn. I can't wait to see that girl. Poor her.