Chapter 8 - C8

Halos magtatatlong oras ng natutulog si Luis and its already lunch time. Gusto ko na sana siyang gisingin para kumain dahil nag-aalala akong baka hindi pa siya nakakain habang nasa byahe, pero ang lalim masyado ng tulog niya. Naghihilik pa ang loko.

Tss.

Kahit naiinis pa din ako ay hindi ko maiwasang masiyahan sa pagdating niya dahil nakita ko na ulit siya up-close. Namiss ko nga talaga ang lokong 'to.

Malaya ko pa siyang pagmasdan ngayong tulog siya. Hindi ko nga maiwasang mapangiti habang tinititigan siya. Sa buong tatlong oras ngang 'yon ay nanatili lang akong nakaupo sa mesa ko habang nakatanaw ng diretso sa mukha niya. Ni hindi man lang ako nangalay.

Feeling ko nga ang creepy ko, but I can't help it. I just miss him so much. And if I want to be honest to myself, then aaminin ko ng mahal ko pa din talaga siya.

Pero ayoko ng mahalin siya ng higit pa sa kaibigan. I have to let go of this love. I have to put an end in this insanity.

Napaigtad na nga lang ako ng may biglang tumunog na ringtone sa paligid. It wasn't my ringtone, kaya paniguradong sa kanya 'yon. Kahit ang sobrang ingay niyon ay hindi pa din siya nagigising. Malalim nga talaga ang tulog niya. Napatayo na lang ako at lumapit sa kanya para tingnan 'yon.

Baka si Marilou kasi ang tumatawag at nag-aalala na sa mokong niyang boyfriend. But I doubt it na alam nga ni Marilou na bumyahe tong lokong 'to, kasi kung nagpaalam nga 'tong isang 'to ay paniguradong hindi siya papayagan.

Nahirapan pa akong kunin ang phone niya sa bulsa ng pantalon niya. Patuloy pa din 'yon sa pagriring at ng makitang si Marilou na nga ang tumatawag ay nagdadalwang isip naman ako kung sasagutin ko 'yon.

What if hindi nga nakapagpaalam si Luis sa girlfriend niya? Anong sasabihin ko? Paano ko matutulungan 'tong mokong na 'to para hindi sila mag-away? Hay..

Noong namatay na ang tawag ay nakahinga na lang ako ng maluwag. Mas mabuti pa sigurong i-silent mode ko na lang ang phone niya. I was about to do just that pero tumawag ulit si Marilou, kaya wala na 'kong choice kundi sagutin na 'yon.

"Love?" Dinig 'kong bungad agad ni Marilou. "Hindi ka nagreply kaya nag-alala na 'ko. Nakarating ka na ba sa Manila?"

Phew! Nakahinga ako ng maluwag ng malamang nakapagpaalam nga si Luis sa kanya.

"Love?" Tawag ulit ni Marilou sa kabilang linya.

Ingat akong naglakad palayo kay Luis bago ako nagsalita.

"Marilou, si Mikaella to." Sabi ko sa mahinang boses.

"Mikaella! Ay salamat sa Diyos. Kanina pa ako nag-aalala. Anong oras siya nakarating diyan? Okay lang ba si Luis?" Tanong niyang puno nga ng pag-alala.

"Mag-aalas nuwebe na siya nakarating kanina. Natutulog pa siya hanggang ngayon. He's exhausted, ni hindi siya nagising sa tunog ng pagtawag mo. Hay. Why did you allow him to come here? Ang layo ng binyahe niya, to think na galing pa siya ng hospital at wala pang tulog." Pasermon kong anas sa kanya.

"I-I'm sorry.. Tinext niya lang ako kaninang madaling araw na pupuntahan ka niya. Noong pagkagising ko na lang din nabasa at hindi rin niya nasagot ang mga tawag ko kanina kaya hindi ko siya napigilang umalis. Pasensya na." She softly said which made me feel guilty dahil siya pa talaga ang parang sinisisi ko na ako naman talaga ang may kasalanan.

"Pasensya na din. I didn't mean to put the blame on you. Ang risky kasi ng ginawa niya kaya nag alala lang din ako. Anyway, ang importante ay safe siyang nakarating dito. Baka bukas na kami makakauwi diyan, Marilou, lalo na't hindi ko alam kung anong oras magigising ang isang 'to. Pero baka mamaya din. Not sure pa. Sasabihan ko na lang siya pagkagising niya na tumawag ka. Huwag ka ng mag-alala diyan at mamaya kokotongan ko 'tong boyfriend mo pagkagising."

Natawa na lang din si Marilou sa kabilang linya sa huling sinabi ko. "Sige, Mikaella. Thank you, ha? Pakisabi na tawagan niya ako agad pagkagising niya. Salamat ulit. Mag-ingat kayo." Sabi niya bago natapos ang tawag.

Ang bait talaga ng girlfriend ni loko. Kaya nga hindi ko talaga masisisi ang kaibigan ko kung bakit nainlove siya kay Marilou.

Kahit hindi ko na papaimbestigahan si Marilou katulad ng ginawa ko sa mga dating niligawan ni Luis ay panatag na akong hindi niya sasaktan ang mahal kong kaibigan. Dati kasi pagkakita ko pa lang sa babaeng tipo ni Lu ay agad na 'kong nakaramdam ng pagdududa and I can say that my instincts are mostly accurate. Kay Marilou lang talaga naging panatag ang loob ko. Nasasaktan lang talaga ako dahil sa baliw kong puso, but now, I'll definitely give my blessings and full support on their relationship.

Kanina pa nakahanda ang tanghalian namin sa mesa at kanina pa din kumakalam ang sikmura ko. Paniguradong malamig na din ang mga 'yon, lalo na 'yong bulalo na alam kong paborito ni Lu.

Magdadalwang oras na kasi simula ng hinatid ng sekretarya ko ang mga pagkaing pinaorder ko sa kanya. Its almost 2:30 in the afternoon pero hindi pa din talaga nagigising si Luis. Naghihilik pa din.

Tss.

Ipapareheat ko na lang muna ang mga 'yon bago ko gisingin ang loko. Hirap na kung mas malipasan ako ng gutom baka siya na ang kainin ko. Chos!

"Alice?" Pabulong kong tawag.

"Yes, Ma'am?" Sagot ng sekretarya sa pabulong ding paraan na siyang ikinatawa ko.

"Pakireheat ng mga pagkain dito, please."

"Sure, Ma'am!"

"Thank you, Alice."

"Ay, ma'am, may flower delivery ka na naman daw po sabi sa lobby. Kukunin ko lang po saglit. Galing na naman daw kay PB." Anas niya sabay mahinang humagikhik.

Binansagan na ng mga staff kong PB 'yung PBA player na  makulit. Short daw for playboy. Loko lang talaga ng mga tauhan ko. Kaya nga mas nasiyahan ako sa pagpapatakbo ng business dahil sa kanila. I never treat them bilang mga tauhan lamang, kundi kapamilya na. Ginagaya ko lang sina mommy at daddy dahil sabi nga nila kapag masaya ang mga staff mo habang nagtatrabaho sa'yo ay magiging mas productive and effective sila. In result ay magiging successful din ang business mo. And naprove ko ngang tama nga sila.

"'Kaw talaga! Huwag mo na ipasok ang bulaklak dito, ha? Sa lobby mo na lang ilagay 'yong bigay ni PB." Sabi ko sabay ngisi pero napaigtad na lang ako ng may biglang nagsalita sa harap ko.

"Sinong PB?"

Gising na pala ang loko! Ni hindi ko man lang napansing nakatayo na pala siya sa harap ng mesa ko. Naku! Kakagising nga lang pero nakasimangot na agad. Inirapan ko nga din. Hindi ko naman nakakalimutang inis pa din ako sa kanya.

"Alice, gising na ang hari. 'Yong bulalo na lang ipapareheat ko. Salamat." Sabi ko na lang bago hinarap ang mokong na magkasalubong ang kilay.

"Sino 'yong PB?" Tanong niya ulit.

"Wala! Inis pa ko sa 'yo, ha? Mamaya na kita aawayin pagkatapos nating kumain! Gutom na 'ko kanina pa!" Inis kong hayag sa kanya. "Umupo ka na doon!" Sabi ko sabay pagalit na tumuro sa maliit na hapag kung saan nakalapag ang mga pagkain namin.

May gusto pa sanang sabihin ang loko pero tahimik na lumakad na lamang sa mesang tinuro ko pagkatapos kumatok at pumasok ng sekretarya ko para gawin ang inutos ko sa kanya.

Pinaandar ko na lang muna ang lahat ng mga ilaw at binuksan ang mga kurtina bago ako umupo sa harap niya. Tiningnan ko siya ng naniningkit ang mga mata ko at ganoon din siya sa 'kin. Siya naman din ang naunang sumuko pagkatapos niyang mapabuntong hininga.

"Sorry na." Anas niya habang nakayuko.

"Whatever!" Sabi ko na lang at agad ng binuksan ang mga pagkain namin. Malamig na nga ang lahat ng 'yon pero kung papainitin ko pa lahat ay matatagalan pa bago kami makakain.

"Kumain na tayo!" Pagalit kong utos sa kanya at agad na nilagyan ng malamig na kanin ang pinggan niya.

Hays. Kakamiss nga talaga ng ganito. Ang tagal na pala ng huli ko siyang pinagsilbihan sa pagkain. Feeling maybahay ako ng lalaking 'to eh, lalo na kapag dalawa lang kaming kumakain sa labas. Noong last na kain namin pala sa fave resto namin ay may kasama na siya. 'Yong totoong may karapatang mag ganito sa kanya.

Whatever, Mikaella!

"I miss this." Bigla niyang sinabi habang nilalagyan ko ng spareribs ang pinggan niya. "I miss you." Dagdag pa niya sa napakasuyong boses.

Muntik ko na tuloy nabitawan ang hawak kong kutsara. I was caught off guard, mabuti na lang at mabilisan akong nakabawi.

Remember, Mikaella! May girlfriend siya! Kaibigan ka lang!

"Hmpf!" Pilit kong pag iirap sa kanya. "Kumain ka na! Bilisan mo at kanina pa nag-aalala si Marilou!" Galit kong hayag sa kanya.

Kita ko tuloy ang pagkataranta niya habang kinakapa ang bulsa ng pantalon niya. Hinahanap ang phone niya.

"Your phone's on my table. Nakatatlong tawag na si Marilou. Ina-update ko naman siya na tulog na tulog pa din ang prince charming niya. Tss. Pasaway kasi eh." Inis kong hayag habang mabilis na tumayo si Lu para kunin ang phone niya.

Nagpapanic talaga ang loko. Tinawagan agad si Marilou at sinagot naman agad ng huli. Pasalamat talaga siya at mabait ang girlfriend niya, kasi kung ako 'yon baka ilang suyo pa ang gagawin niya bago ko siya mapapatawad sa ginawa niya.

Ganoon naman talaga dapat 'di ba? Sabi nila dapat mas mapride daw ang babae! Huwag daw maging marupok lalo na kung may kasalanan ang nobyo. Kaya nga 'yon ang inapply ko sa friendship namin eh. Siya parati ang nanunuyo lalo na kapag galit at nagtatampo ako sa kanya. Pero mabilis lang din naman akong bumigay sa panunuyo niya. Ayoko namang mahalata niyang nagfifeeling akong dyowa niya.

Pasalamat na lang talaga siya at hindi ako 'yong girlfriend niya. Mahihirapan talaga siyang suyuin ako kung sakali, pero alam kong hindi naman talaga mangyayari 'yon.. kahit kailan.

"Ano ba kasing pumasok sa kokote mo at nagdrive ka papunta dito, ha? Hindi mo ba naisip kung gaano ka delikado 'yon? Ha, Lu?!" Galit kong tanong sa kanya pagkatapos naming kumain.

Busog na 'ko eh kaya mas mataas na ang energy 'kong sermonan at awayin siya.

"I said I'm sorry, okay? Nag-alala lang ako. Kilalang-kilala na playboy 'yong manliligaw mong 'yon! Paano kung nauto ka niya at nadala ka naman sa pambibilog niya? You're inexperienced when it comes to relationships kaya nag-aalala ako.. Tapos pinatayan mo pa ako ng tawag, at hindi na rin kita macontact kaya paano ako hindi magpapanic, Eya?"

"My gosh naman, Lu! I'm old enough to handle mysef! And do you think may time pa 'ko para mag entertain ng manliligaw? Ni hindi nga ako makauwi sa 'tin! Alam mo kung gaano ako kabusy dito. I was supposed to surpise you! May flight na dapat ako kaninang tanghali, now its all ruined. Tss." Sabi ko sabay irap sa kanya.

Sa totoo lang alam kong ako naman talaga ang may kasalanan kaya nagawa niya 'yon. Pero kahit na! He shouldn't have done it! Dapat inisip man lang niya ang kalagayan niya. Bukas pa naman ang birthday niya at ang sabi pa naman ng iba'y may masama daw na nangyayari sa mga taong malapit na magbirthday.

"Sorry na nga, 'di ba? What do you want me to do para mawala na 'yang inis mo sa 'kin, Eya?" Sabi niya plus pleading facial expression na.

Mahalin mo ako, Lu, kagaya ng pagmamahal ko sa 'yo.

Tss. Kagagahan ko na naman.

"Just promise me you won't do it again. And you don't have to worry about me, Lu. Matanda na 'ko, no! If the time comes na magkakaroon na 'ko ng oras para magkalovelife o may nagustuhan akong manliligaw ay ikaw agad ang una kong sasabihan. So, please stop worrying!" Sabi ko habang pinapaikutan siya ng eyeballs pero ngumiti na din sa kanya pagkatapos.

Pero ang koya niyo, imbes na ngumiti pabalik ay umiwas na lang ng tingin sa 'kin.

"Ano? Hindi ka na umimik diyan?! Magpromise ka na na hindi mo na uulitin!" Pinabalik ko tuloy ang galit ko ng hindi man lang siya nagsalita sa haba ng sinabi ko.

Narinig ko pa ang ilang beses na pagbuntong-hininga niya.

"F-Fine. I promise." Mahinang sabi niya at malungkot na tumingin sa 'kin.

"Good boy." Sabi ko na lang sabay ngisi. "Umuwi na tayo mamaya. Ako na ang magdadrive sa kotse mo."

"Why? Kaya ko naman.. tsaka mahihirapan ka magdrive dahil manual. Hindi ka sanay-"

"Tss. Stop underestimating me, Lu. Kaya kong idrive 'yon! Tsaka mag-iilang stop-overs naman tayo kaya makakapagpahinga din ako."

"B-But-"

Halata talaga sa loko na nahihiya siyang ipagamit ang kotse niya. Isang beses niya lang ipinagamit sa 'kin 'yon at hindi na naulit dahil ayaw ng pumayag ng loko. Mas sanay daw kasi ako sa automatic at nakakahiya daw gamitin 'yong sasakyan niya. Malapit na nga kasing mabulok 'yon. Pwede na ngang ilagay sa museum dahil sa kalumaan. Pero ayoko namang siya pa ang magdrive mamaya. Bukas na ang birthday niya. Kinakabahan talaga ako sa mga pamahiin eh.

"Stop with your argues. Ako ang magdadrive. Period!"