"Hindi ka pa din ba makakauwi? Its my birthday this Friday, Eya.." Parang nagpapaawang sabi ni Luis sa 'kin habang magka video call kami ngayong gabi.
Halos mag lilimang buwan na 'ko dito sa Manila pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din natutupad ang gusto niyang makauwi ako every weekend. Focus na focus kasi ako sa business ko and I can say that I was really born for this dahil sa loob lang ng dalawang buwan simula ng nagcollab kami ay mas lalong naging tanyag ang brand ni Aunt Margaret.
Dalawang collections ko na ang nalabas namin and naging patok talaga siya sa mga tao and even the so-called fashion gurus. Its all thanks to Aunt Margaret, my family and to my reliable employees, kaya naging madali ang pagkamit ko sa pangarap ko at naging gamay ko na din ang pagpapatakbo nito.
Unfortunately, ay na feature ako on one of the most popular fashion magazines in the country. I was grateful for that but the problem is naging kilala ako not just for my works but dahil sa physical features ko and family background lalo pa't sinali ng magazine na 'yon ang ibang personal information ko.
Kaya ang resulta ay naging instant celebrity ako. Mabilis ngang lumaki ang mga followers ko sa mga social media accounts ko, at kahit si ate Michelle ay ganoon din kaya ang nangyari ay napilitan siyang magprivate ng mga accounts niya.
Me and ate Michelle were even tagged as the Hidden Beauties of Ilocos.
Like what the hell?
Luckily for our little brother ay wala siyang social media accounts kaya kahit paano ay nakaiwas siya sa publiko.
Ilang scouts and agencies na ang nagoffer sa 'kin para magmodel ng ilang kilalang brands sa bansa but of course I declined their offer.
Kung magiging model man ako I would rather choose our own brand pero wala talaga sa plano ko ang pagmomodel. Just like my family mas gusto kong manatiling low key sa business world. I don't even attend social events para makaiwas kahit papaano, kahit na kailangan ko nga 'yon kung gusto kong mas dumami ang connections ko, but I'd rather choose to be known for my works and not the other way around.
Isa pang problema simula ng mafeature ako sa magazine na 'yon ay mas dumami din ang nagbabalak na manligaw sa 'kin. Lalo pa ng nilagay ng writer ng article ko ang katotohanan na NBSB ako!
My gosh!
Mga kilalang celebrities, models, at mga galing sa mayayamang angkan ang nagpapahiwatig but I ignored all of them dahil focus nga ako sa business.
And I'm not sure if I'm ready for it yet...
Lalo pa't hindi pa din talaga ako nakamove on ng tuluyan sa lalaking kausap ko ngayon.
Paano ba naman kasi makamove on?
Eh araw-araw pa din kami nag uusap at walang palya 'yon!
Noong unang buwan ko dito ay hindi naman siya ganoon ka grabe kung magcheck sa 'kin, pero simula noong nalaman niya ang tungkol sa magazine article ko and sa mga admirers ko ay naging consistent na 'yon. Kahit na busy din siya ay nagawa niya pa ding tumawag para icheck lang ako every hour simula pagkagising hanggang sa pagtulog!
Like what the hell talaga!
I thought distance and work will help me overcome this, pero hindi pala. But at least alam ko na kung saan ako lulugar at hanggang saan lang kami, kaya hindi na 'ko masyadong nasasaktan lalo na kung pinag-uusapan namin ang tungkol sa kanila ng girlfriend niya.
Hinahayaan ko na lang din siya sa mga gawi niya, dahil minsan ay nakakaramdam din ako ng homesickness lalo pa't mag-isa lang ako dito sa bahay namin. Mikael stays on his penthouse at masyadong busy sa buhay niya, with his school and all. Sa duration ng pagstay ko nga dito sa Manila ay tatlong beses pa lang yata kami nagkita. Well, its understandable lalo pa't third year college na siya ngayon.
"Eya! Ano na? Uuwi ka ba?" Dinig kong pagsusumamo sa boses ni Luis.
He's still on duty sa hospital, pero heto't tumawag pagkatapos niyang magcheck sa pasyente niyang naka-admit.
Sinulyapan ko muna siya saglit at agad na umiwas ng tingin para hindi niya makita ang nakatago kong ngiti.
"Lu, you know how busy I am. But I'll try, I promise." Sabi ko na nilagyan pa ng lungkot ang tono ko habang nag-lalagay ng night cream sa mukha.
"Tss. Its been five months, Eya.. You need to take a break." Sabi niya sabay sapo sa noo niya at hinilot-hilot 'yon.
"Ikaw yata ang mas nangangailangan niyan, Lu. You look stressed out." Nag-aalalang sabi ko at finocus na ang tingin ko sa kanya sa screen. "Ba't hindi kaya kayo magbakasyon ni Marilou? Day-off mo naman bukas."
"You know I don't do day-offs anymore, Eya. Gusto ko ng matapos ang residency ko. And hindi niya rin maiwan si lola." He said habang patuloy pa din sa paghilot sa noo niya.
"Umidlip ka kaya muna? Wala ka naman na ichecheck, 'di ba? Gigising ka naman nila if you're needed or may emergency." I suggested pero umiling lang siya.
Ang tigas ng ulo.
"Ikaw ang bahala. Tss. Anyway, bukas pala, Lu, huwag mo na din ako antayin sa pag-uwi kaya matulog ka ng maaga, okay?"
Napatigil siya sa paghilot at agad na tiningnan ako. "B-Bakit? May lakad ka?"
"Uh-huh." I simply said then smiled at him.
"Where? At sinong kasama mo?"
Napatawa na lang ako. "Basta! Oh, siya. matutulog na 'ko kaya-"
"Wait! Answer me first! Anong basta lang? Does that answer my questions?" Naiinis na anas niya.
"Ah basta! Update na lang kita after ng lakad ko, okay? Goodnight! Ciao!" Pagpapaalam ko at agad ng pinatay ang tawag.
Sinilent ko agad 'yong iPad ko at ganoon din ang phone ko dahil paniguradong mag-aalburoto na naman si koya.
Nangingiti pa ako habang naglalakad na papunta sa kama. Akala niya siguro'y sasama na ako sa anyaya ng isang makulit na PBA player na sinapubliko ang pagkagusto sa 'kin. Ayan tuloy at nalaman ni Luis, kaya naikwento ko tuloy sa kanya na hanggang ngayon ay patuloy pa din 'yon sa pagpapadala ng bulaklak sa office at nag-di-DM sa IG para yayain akong magdinner date kahit ilang beses ko ng tinanggihan.
Kung alam mo lang talaga, Luis.
The truth is ay may lakad nga ako bukas, and 'yon ay uuwi ako sa amin sa Laoag. Sa tanghali pa ang flight ko but I still have to check some papers tomorrow at my office before I leave para tuloy-tuloy talaga ang plano kong pahinga and do my office works at home for two months. I even rescheduled my meetings with some clients that were supposedly scheduled on the next few days. Gusto ko kasing makauwi the day before his birthday.
Present ako parati sa birthday niya for the last nine years, at ngayon ika-10 years na ng pagcecelebrate namin ng magkasama ay hindi ko 'yon palalampasin. I'll always be his greatest friend katulad nga ng sinabi niya and kailangan kong panindigan 'yon.
Bago ko naipikit ng tuluyan ang mga mata ko ay napasulyap pa ako sa mga gadgets ko na nilagay ko sa taas ng dresser. Umiilaw ang mga 'yon kaya paniguradong nag-aalburuto na nga si Doc Luis. Asus! Bukas mawawala din 'yang galit niya panigurado, lalo pa't isusurprise ko nga siya.
Ang sarap tuloy ng tulog ko ng gabing 'yon.
I woke up at exactly 6 in the morning, at pagkabangon ay agad kong chineck ang iPad at phone ko sa tukador. Wala eh, excited lang akong makita kung nakailang tawag si Luis kagabi bago siya napagod. Plano ko lang naman siyang asarin mamaya, pero mukhang ako ang maaasar ngayon dahil parehong lobat ang mga 'yon!
"What the?! Nakailang tawag kaya ang lokong 'yon?!" Nainis ko pang sabi sa sarili ko.
Paanong nalobat ang mga 'yon eh naalala kong full bar 'yong phone ko, while my iPad is 84% yata! Tss!
Napaka-OA ni Lu!
Akala siguro'y maiinlove ako sa makulit na PBA player na kilalang playboy na 'yon? Kaya siguro hindi mapalagay 'yong loko at talagang tinadtad ako ng tawag kagabi!
Tss.
"All done!" Nakangiting sabi ko sa sarili ng matapos ko na lahat ng kailangan kong gawin.
Mas lalo akong napangiti ng tumingin ako sa orasan at nakitang mag na-9 na ng umaga. Timing lang!
Agad kong pinindot ang intercom para tawagin ang secretary kong si Alice. I still need to give her some instructions before I go.
"Alice?"
"Ahh.. Yes, Ma'am?"
"Pasok ka muna dito, may iinstruct lang ako."
"Ahh.. Sige po, Ma'am!" Tapos parang narinig 'kong may kumausap sa kanya sa kabilang linya. "Ma'am may naghahanap daw sa'yo sa lobby sabi ni Cherry Anne, but wala po siyang appointment."
"Oh? Sino daw? Kaso nagmamadali na ako.."
"Si Luis Madrigal daw po, Ma'am?"
"Wh-What?!"
Napatakbo talaga ako palabas ng office at agad na dumiretso sa lobby. Hindi ko na lang pinansin ang gulat at nagtatakang mga itsura ng mga staff ko.
Kahit ako'y nagulat din naman eh!
"Lu! What are you doing here?" Agad kong tanong pagkakita sa kanya.
Haggard na haggard ang hitsura niya! But his face lightened up when he saw me.
"Galing ka pa ba ng hospital? Don't tell me you drive all the way here from Laoag?!" Nahihintakutang tanong ko at agad na hinawakan siya sa braso.
I know he did! Walang flight ng umaga kaya imposibleng nag-eroplano siya!
"Yeah.. I was worried.." Sabi niya sabay sapo sa noo niya.
Bakas din sa boses niya ang sobrang kapaguran.
"Why did you do that!? Napakadelikado ng ginawa mo! Ano ka ba?! Paano kung naaksidente ka?! Darn it! Kumain ka na ba? Let's go to my office! You have to rest first!" Hindi ko na alam kung ano na ang nasasabi ko.
Nagpapanic na din talaga ako, lalo na ng mahigpit din siyang humawak pabalik sa braso ko na para ba'y malapit na siyang mabuwal sa pagkakatayo. Agad akong tinulungan ng mga guards sa pag-alalay sa kanya. Hindi ko kayang alalayang mag-isa si Luis! Mas matangkad at mas malaki ang katawan niya kaysa sa 'kin. Nakasunod naman ang sekretarya ko na siyang inutusan kong kumuha ng kumot.
Pagkapasok namin sa office ay agad kong inutusan ang mga tauhan kong umalalay sa kanya na ipahiga siya sa sofa.
He looks dead tired!
Noong naayos na siyang nakahiga ay agad silang lumabas sa office ko. Mabilis din akong kumilos at kinumutan siya. I also checked his forehead, mabuti na lang at parang hindi naman siya nilalagnat.
Pagod na pagod lang talaga siya. Kita 'yon sa pangingitim ng ilalim ng mga mata niya.
Sino ba naman ang hindi mapapagod? Halos seven hours ang byahe from Laoag! Tapos naka fourteen-hours shift pa siya kanina! But he's supposed to get off from work at four in the morning? Don't tell me nagmadali siya at pinaharurot niya ang sasakyan niya?!
Damn!
"E-Eya.." Mahinang tawag niya sa 'kin.
Nakapikit na siya pero mukhang pinipilit niya pa ding magising.
"Matulog ka na muna, Lu! Pasaway ka! Tss! I'll turn off the lights now!" Sabi ko habang sinasarado ang kurtina sa mga bintana.
"W-Wait.. Matutuloy ka pa ba.. sa date mo?" He ask softly.
"Anong date bang pinagsasabi mo? Uuwi dapat ako ng Laoag ngayon para isurprise ka! Tss!" Inis kong hayag sa kanya.
"A-Ano?" Gulat na sabi niya at pinilit sanang tumayo.
Mabilis akong lumapit sa kanya para pigilan siya. "Matulog ka na nga! Ica-cancel ko na ang flight ko. Bukas na lang tayo umuwi! Sige na! Matulog ka na!" Inis kong anas sa kanya.
"S-Sorry.. Sige.. Matutulog na 'ko.." Nanghihinang sabi niya at agad ng umayos sa pagkakahiga kaya mabilisan ko ring pinatay ang ilaw para makatulog siya ng maayos.
Naiinis talaga ako sa ginawa niya! Pero mas naiinis ako sa sarili ko! Ba't ko pa kasi naisip ang pakulo na asarin muna siya bago isurprise? 'Yan tuloy at sobrang nag-alala ang loko!
Hay!
Nakakatakot talaga ng ginawa niya. Nanindig tuloy ang kalamnan ko sa naisip na mga posibleng mangyari habang nagdadrive siya papunta dito.
Paano na lang kung napahamak siya? Nakatulog habang nagdadrive at naaksidente siya? Hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung nangyari 'yon!
Shit, Mikaella!