I don't know how I survived that dinner without breaking down in front of them.
I really wasn't prepared for that. Pero mabilis akong nakabawi. Umasta pa din akong okay and showed my usual self throughout the whole dinner hanggang sa matapos. I'm such a great actress and a very effective one! I must commend myself for that.
Kasalukuyan na kaming nasa labas ng restaurant, waiting for our cars to arrive.
"Ingatan mo 'tong doktor na 'to, Marilou, ha? I'm really happy na may pumatol pa dito." Pang-aasar ko kay Luis na siyang ikinatawa lang ng dalawa.
I did my utmost best not to look at their intertwined hands. I bravely looked at their smiling faces instead kahit masakit pa din. At least makapagpanggap pa din ako na para bang normal na nag-uusap lang kaming tatlo.
Niloloko ko na lang talaga ang sarili ko.
"Huwag mo 'kong igaya sa 'yo. Malapit ng maging old maid but single since birth." He said cheekily, pero umayos din ng sinaway siya ni Marilou.
How sweet. Tss.
"Bastos! I have high standards, no!" I exclaimed in reply.
"Nope! Not true! Wala lang talagang nagtatagal na manliligaw sa 'yo. Gentlemen see you as a skinny Amazon girl." He teased again.
"Bwisit ka! Ikaw kaya ang may kasalanan!" I said then agad na sinuntok ang braso niya na ikinatawa lang ng gago.
"'Kaw talaga, love." Sabi naman ni Marilou habang nakangiti. "You know what, I really envy your friendship."
Oh, right. Friendship lang talaga. 'Yon lang talaga ang meron kami.
Muntik ng bumigay ang emosyon ko sa naisip pero agad ring nakabawi. I almost smiled bitterly, damn it! But I'm just really good with my act!
"Naku! Huwag kang mainggit, Marilou! You don't know my struggles of having a friend like him. At least ngayong nandiyan ka na ay hindi na niya ako kailangang kulitin at asarin parati. Kaya thank you talaga." Sabi ko sabay gawad ng matamis kong ngiti kay Marilou at sinamungutan naman si Luis.
"Don't worry. I will. Thank you din for accepting me as Luis' girlfriend." Sagot ni Marilou at parang rehearsed na talaga na sabay silang nagkatinginan with huge smiles plastered on their faces.
I will never accept you or any other girl as his girlfriend! Ako lang dapat.. Ako.. Ako na lang sana..
Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero magmumukha lang akong tanga at katawa-tawa kung gagawin ko 'yon. My gosh!
"Sa totoo lang ayokong maniwalang hindi ka pa nagkaboyfriend, Mikaella. Napakaimposible. You're very beautiful and you're kind too, with great sense of humor pa. For sure madami kang manliligaw. Kaya bakit.." Dagdag bigla ni Marilou na agad kong inenterrupt sa pagtawa.
"I'm not yet ready." I said cooly.
"Kawawa lang ang boyfriend niya kung sakali, and she's bound to be an old maid, love. Kaya huwag ka ng magtaka." Pang aasar sa 'kin ni Luis na ikinasimangot ko.
"Bwisit ka talaga! We'll see, then!" Naiinis kong sabi at binelatan pa siya.
Kita ko ang pagkunot ng noo niya with his big eyes turned into slits at ang pagseryoso niya sa sinabi ko. Muntik na kong manginig sa nababasa ko sa mukha niya. Ganyan kasi ang mukha niya kapag napipikon o nagagalit na.
"What do you mean by that, hmm?"
Nataranta talaga ako at pakiramdam ko ay hindi ako agad nakabawi.
Nahirapan tuloy ako sumagot sa tanong niya pero mabuti na lang at napansin ko ang pagdating ng sasakyan ko, followed by his car.
Oh, thank heavens!
"Our cars are here." Pagiinform ko sa kanila just to change the topic. "Salamat sa dinner, Lu, and congrats! And I'm really glad to meet you, Marilou." Nagmamadali kong pagpapaalam.
"Same here, Mikaella. Ingat sa pagdrive ha? See you!" Marilou replied and I just wave my hand at them bago ako nagmadaling pumasok sa sasakyan ko pagkatigil niyon sa harap ko.
Hindi ko na tiningnan si Luis. Baka mamisinterpret ko lang ang gesture na pinakita niya kanina. Kagaya dati. Mahirap na.
I just opened my car's engine and honk once without glancing at them bago ko tuluyang pinaandar paalis sa lugar na 'yon ang sasakyan ko.
I tried so hard not to glance at their direction pero hindi ko talaga napigilan ng tuluyan lalo na ng hindi ako makacut ng line dahil sa traffic.
Sa rearview mirror ako tumingin at pinagsisihan ko din agad 'yon.
Mas lalo lang gumuho ang mundo ko sa nakitang pagbukas ng pinto ni Luis sa girlfriend niya at ang pagsakay din ni Marilou sa loob nang nakangiti. Sa front seat siya naupo, na akala ko ay pagmamay-ari ko. Lalo pa't simula ng binili ni Luis 'yon ay ako lang ang nag-iisang pinapasakay niya sa malapit na niyang maging bulok na kotse.
Pero ngayon nagbago na, meron ng ibang nakasakay doon.
Why am I torturing myself? Damn it! Nababaliw na talaga ako! Am I turning into a full-pledged masochist?
Habang nasa byahe pauwi sa bahay ng mga magulang ay patuloy ko pa ding iniisip ang nangyari sa dinner na 'yon. Ayaw talaga mawala sa isip ko. Lalo na 'yong mga tinginan nila sa isa't isa na puno ng pagmamahal. Kaya nga noong malapit na ako sa bahay ay hindi ko na talaga nakayanan.
I stepped on the breaks and turned off the engine of my car ng maramdaman ko na ang simulang pamamasa ng mga mata ko. Hot and huge tears fell down my eyes as I pushed my forehead on top of the steering wheel while my right hand is clutching my chest.
I cried so hard that I almost ran out of breath. Its my first time to experience this kind of pain. This kind of heartache.
I've never been in love, anyway. Sa kanya lang.
Kaya paano 'to? How can I handle this? How can I stop this pain? They never taught this in med school kaya ano ang lunas dito?
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. I took out my phone kahit patuloy pa din ang pag-agos ng mga luha ko. At tinawagan ang taong alam kong willing makinig sa 'kin. Ang taong alam na alam kung ano ang gagawin kapag umiiyak ako. Ang taong alam ang lahat ng lihim ko kahit hindi ko na sasabihin sa kanya.
"A-Ate.." Sabi ko agad pagkasagot ng sa kabilang linya.
"Mikaella? What's wrong? Where are you? Are you crying?" Dinig kong pagkataranta ng ate ko.
"S-Sa labas ako ng gate natin, ate.. I need you.. It hurts." Sabi ko at napahikbi ulit.
"I'm coming, sis. Teka!" Sabi niya at dinig ko ang pagmamadali niya sa kabilang linya.
Ang laki ng bahay ng mga magulang namin, lalo na kung galing pa ang ate Michelle ko sa kwarto niya but it only took her 5 minutes to get to where I am.
She's only wearing her white night gown and her fluffy slippers. Hinihingal pa siya pagkabukas niya sa pintuan ng kotse ko. She immediately sat beside me and I hugged her automatically. I buried my face on her shoulder at ramdam ko agad ang paulit-ulit na paghaplos niya sa likod ko.
"Its okay, Mikaella. Let it all out. Ate's here.." I heard her soft whisper on my ears.
Mas lalo nga lang akong umiyak ng malakas dahil sa sinabi niya. Nagpalahaw na talaga ako na para bang matagal ko ng kinimkim ang damdamin ko. Which is true, though.
Hinayaan niya lang akong umiyak. She didn't ask any questions and let me cry and pour out all my heartaches on her. She always let me take my time, hanggang sa mapagod na 'kong umiyak at handa ng ikwento ang hinanakit ko.
Halos kalahating oras na yata akong umiiyak sa balikat niya pero ayaw pa din talaga tumigil ng mga luha ko sa pagsungaw but I have to stop now. May trabaho pa ko bukas at ganoon din si ate. For sure, may out-of-town meeting siya bukas.
I know I needed to say it out loud now, ayoko namang mangalay ang ate ko sa pwesto namin sa loob ng kotse ko.
I finally raised my head from her shoulder and she gave me a reassuring smile. She knows I'm now ready to share about my outburst.
Tinulungan niya muna akong magpunas ng mga luha ko at inayos ang buhok ko bago siya nagsalita.
"Its my first time seeing you cry like that, sis. Mas sobra pa sa iyak mo noong frustrated ka sa med school. O noong pinagalitan ka ng sobra nina mommy at daddy. O noong nagkaroon ka ng low grade sa major subject mo. I think.. alam ko kung bakit. Siya ba?" Tuloy-tuloy niyang sinabi.
My sister really knows me.
I nodded my head in response and she let out a heavy sigh.
"Let me guess. May girlfriend na siya?"
Tumulo ulit ang luha ko sa tanong niya pero agad kong pinunasan 'yon.
"Y-Yeah."
She let out a heavy sigh again after that, then a small smile crept on her lips.
"My only sister's first heartbreak." She teasingly said na nagpalabi sa 'kin. "Its okay, Mikaella. There's always a first for everything. Hindi ka isang ganap na tao kung hindi mo mararanasan ang masaktan dahil sa pag-ibig."
Nabigla ako sa sinabi niya. I never knew my ate had already experience it. I really thought that she's an NBSB just like me! Though I know that she went out for a date sometimes pero never siya nagka boyfriend kaya akala ko talaga ay hindi pa niya naranasan ang mainlove.
"I-Is that based on experience, ate?"
She laughed loudly on my question.
"What do you think of me, ba? Single since birth? Alalahanin mong magaganda at popogi ang lahi natin." She jokingly said.
I gasped out loud from her words and she just laughed at my naivety.
"Pero matagal na 'yon. Highschool pa. And I've already moved on." Pagpapatuloy niya.
"Was it kuya Jacob?!" Tukoy ko sa manliligaw niyang galing America.
Sa pagkakaalam ko ay naging classmate niya si Jacob noong highschool. Bumalik lang dito sa Pilipinas last year at agad na nanligaw sa kanya. Ilang beses na niyang binasted pero patuloy pa din 'yong tao. Kahit nga sina mommy at daddy ay boto kay kuya Jacob eh.
She just rolled her eyes at me. "Stop mentioning that man whore."
"Siya nga kung ganoon!" Sigurado kong sabi sa kanya.
"Its all in the past now, Mikaella! Nakamove on na 'ko at hayaan mo na ang taong 'yon. He can rot in hell for all I care." She replied annoyingly.
I was about to tease her more ng maalala ko ang sitwasyon ko at ang mga tanong ko sa sarili kanina.
"W-What did you do to move on, ate?"
Ngumiti siya ng malungkot sa 'kin and looked at me straight in the eyes.
"Well. I focused on my studies and on our family business. I went out with my friends just to kill time. I also tried dating someone else. In short, I kept myself busy hanggang sa nawala na siya sa sistema ko. Though it seemed easy on my case dahil malayo siya. But I tell you, the process of moving on from someones you really love is hard, it takes time but I promise you, you'll get by."
Napatango-tango ako sa sinabi niya.
"Kaya mo yan, Mikaella. Lahat tayo naeexperience 'yan. Just look at our only brother Mikael. He made it through his heartache at a very young age, 'di ba? On your case, you kept mum about your feelings. Wala siyang alam. So, bibigyan kita ng possible options. Its either you tell him about your feelings so you can move on completely or itago mo na lang yan and follow what I did instead. At least you get to keep your pride intact for the latter. May chance pang masave ang friendship niyo. Pero kung iisipin mo ang kapakanan at ang sarili mo then you have to end your connection with him. But its all up to you, sis. Pag-isipan mo ng maigi ang magiging desisyon mo."