Chapter 4 - C4

"So? What do you think?" Tanong ni ate Michelle pagkatapos naming ikutin ang beach property na plano niyang bilhin sa utos ni daddy.

"Its nice." I simply said, not taking my eyes off from the boardwalk leading to the small gazebo. "Ang ganda. We can enhance that one. Mas maganda yata kung glass 'yong mga walls. Then build an infinity pool, too."

"Ah, there's one pool near the house na po." Singit ng representative ng may-ari ng property.

"Its small, though. And I don't like its location. Mas maganda kung garden na lang doon." I suggested which made my ate nod her head in delight.

"Good idea! Gusto pa naman ni mommy ng ganoon."

"Magdagdag rin tayo ng man-made waterfalls ate sa garden, or some koi fish pond. We need to rebuild the whole beach house, too. Maybe elevate the land a bit para makagawa tayo ng stone stairs pababa ng mismong dalampasigan."

"Oh, my! You're so good with this, sis! Ba't di ka na lang maging construction worker, hmm?" Natatawang sabi niya.

"Baka pwede namang architect. Tss." I rolled my eyes at her then looked at the gazebo again.

"Punta lang ako sa gazebo, ate." Pagpapaalam ko at iniwan na ang ate kong nakikipagusap sa realtor. Alam kong pag-uusapan na nila ang pagbibili nito.

Agad na akong humakbang papunta doon habang pilit na pinapakiramdaman ang sarili.

Its been two weeks simula ng umalis ako sa trabaho at hindi na rin kami nagkita ni Luis after that. Natatawa nga ako minsan sa nangyari kasi imbes na ako ang iiwas sa kanya ay siya na 'yong umiiwas sa 'kin.

I still texted him like the usual though para wala siyang mahalata na kung anuman. At namimiss ko din siya. Pero minsan late na talaga siya nagreply and kahit text lang 'yon ay ramdam ko ang pagiging cold and aloof niya.

Nagtatampo kaya siya sa naging desisyon ko? Pero bakit naman siya magtatampo, 'di ba? O baka naman ay busy lang talaga siya sa girlfriend niya.

I smiled bitterly with my own thoughts.

Simula ng tumigil ako sa trabaho ay binalik ko na ulit ang naging hobby ko simula ng marealize ko ang totoong pangarap ko. Dalawang notebook na ang naubos ko sa mga designs ko and I'm really having a great time doing it. Natutulungan din ako ng ginagawa ko sa paglimot muna kay Luis, at ang mga alalahaning bumabagabag sa isipan ko.

My parents, especially my mommy, were not entirely happy with my decision to resign from the program. Kasi sayang nga naman ng hirap ko, simula sa pag-aaral, sa pagtatapos hanggang sa pagiging resident. But when I told them my plan to go to Manila ay naging okay na din sila.

Si ate ko lang talaga ang hindi umalma sa desisyon ko, and she even defended me from our parents. Sabi nga niya matanda na ako and nasa tamang pag-iisip na kaya dapat hayaan na ako sa mga desisyon ko sa buhay.

Sa totoo lang nagdadalwang isip pa din talaga ako kung itutuloy ko pa nga ang pagdodoktor. For two weeks of staying in the comforts of our family home ay hindi ko na nakikita ang sarili ko na ganoon, instead, ay iba na ang naiimagine ko sa sarili ko.

Its me, sitting in my big office. Designing my own products and running my very own clothing line business.

Hindi ko pa nashishare 'yon sa ate ko dahil hindi pa ako sigurado kung itutuloy ko na ba talaga 'yong pangarap kong 'yon. I needed to be sure of myself first before making another move because this will be a huge life changing decision.

Hinawakan ko ang barandilya sa likod ng gazebo habang tinatanaw ang asul na karagatan. Napakaganda ng view, plus the sound of the waves and the birds chirping. This place is purely breathtaking.

I closed my eyes as I concentrate on the sounds around me. Nakakalma talaga ang sistema ko and I can't help but smile. Lalo na ng pumasok sa isip ko na nakabusiness attire ako habang nakaupo sa swivel chair while checking on the various clothes in my hand which I've personally designed.

Hindi ko na nga lang namalayan ang paglapit ng ate ko sa pwesto ko.

"I like the the way you smile today, sis." She uttered beside me na mas lalong nagpangiti sa 'kin. But then I should tell my ate about my final decision.

"Ate.. What if I tell you na ayaw ko na maging doktor? Magagalit ka ba sa 'kin?" I asked her.

"Yup. I would get mad at you, obviously." Nanglolokong sagot niya. "But sis, I won't stop you. Do whatever you want, as long as magiging masaya ka sa gagawin mo. As long as, hindi ka makakaramdam ng pagsisisi. Alam ko namang hindi ang pagdodoktor ang pangarap mo. Its really fashion designing, right?"

I gasped out loud with her words. My ate does know me quite well or baka siya na ang next na madam auring or something.

"Over naman sa reaction!" Sabi niya sabay tawa which made me pout my lips. "I remember years ago, noong pinagalitan ka nina daddy at mommy sa pagkahumaling mo sa hobby mo 'di ba? At ayaw ka pa nilang payagang magpatayo ka ng sarili mong clothing line dahil plano mong pagsabayin 'yon at ang studies mo. Well, naisip kasi nilang mahihirapan ka kaya umayaw sila. At ang buong akala talaga nila ay pagdodoktor ang pangarap mo and baka naguguluhan ka lang dahil frustrated ka nga sa medschool that time."

"Oo nga, ate. Naintindihan ko naman sila. Imposible nga talaga ng time na 'yon. And I don't think I'm that good either."

"What are you saying? I saw your works, by the way. And honestly, they all look fab!"

"Talaga, ate? Thank you!" I said then hugged her.

She hugged me back and I felt her tapping my shoulder.

"Oo nga! Ang problema kasi sa 'yo, sis, mabilis kang magbago ng isip when it comes to... him. Hindi dapat ganoon. You should live your life the way you wanted it and follow your own dreams, not his."

Napangiti tuloy ako ng mapait sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Aminado na ako doon sa sarili ko.

Habang nasa biyahe kami pauwi ng bahay ay nagsisearch na ako ng mga institutes na nag ooffer ng short course ng fashion design. Isang taon ang inooffer ng isang institute somewhere in Makati.

Maybe I should take this one, but I know that I need to talk to my parents first. I just hope that everything will go smoothly, kaya kailangan na kailangan ko talaga ang tulong ni ate.

Pagkauwi namin sa bahay ay agad ko ng tinawagan at kinausap ang mga magulang ko sa plano kong pag-enroll. They don't sound disappointed this time. Maybe, na accept na talaga nila ang desisyon ko o baka kinausap rin sila ni ate ng hindi ko nalalaman. Si mommy pa nga ang nag volunteer na tatawag sa institute na pinili kong pag-enrollan.

See, how lucky I am with my family? Sa lovelife lang talaga ako medyo tabingi.

Oh, well. Sabi nga nila you can't have everything in life.

Its already past ten in the evening at kanina pa nagdedebate ang isip ko kung tatawagan ko ba si Luis. Hindi ko pa din talaga maikakaila sa sarili ko na namimiss ko na siya ng sobra.

I was about to press the call button when my phone rang and his name and number is shown on my phone's screen.

Tumatawag siya!

Ramdam ko agad ang paglakas ng tibok ng puso ko and pagkakataranta pero dali-dali ko namang inaccept ang tawag niya.

"Lu?"

"Good thing you're still awake. Let's talk." Napakaseryosong sabi niya sa kabilang linya.

"A-Ah.. Sure. H-How are you muna?" Napapakagat-labing sabi ko.

Dinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya bago siya sumagot. "I'm fine. Nandito ako sa labas ng gate niyo."

"W-What?" Sabi ko sabay tayo at lapit sa bintana para dungawin siya.

He's really outside. Prenteng nakasandal sa sasakyan niya.

"Bababa na 'ko. Teka!" Nagmamadali kong sabi sabay patay ng tawag.

Imbes na magmadali na para bumaba at puntahan siya ay napadeep breathing muna ako sabay hawak sa dibdib ko. I need to relax first and control my emotions bago ko siya harapin.

Mahirap na't mabulilyaso pa.

"Lu.." Tawag ko sa kanya sabay kaway noong mga limang dangkal na lang ang layo ko sa kanya.

He looks exhausted. Mukhang galing pa siya sa duty niya.

"Let's go." Sabi lang niya sabay pasok sa kotse niya.

Ang suplado ng mahal ko. Ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto kagaya dati. Kagaya noong kay Marilou...

Hay naku. Sinasaktan ko pa talaga ang sarili ko.

But wait? Alam ko naman kung saan na ako lulugar.. So, doon pa din ba ako sasakay sa front seat na pagmamay-ari na ng iba?

Naku naman, Mikaella.

Hindi pa din talaga ako gumagalaw sa kinakatayu-an ko kasi hindi ko nga alam kung saan ako uupo. Kaya napaigtad na lang ako ng padabog na lumabas ulit si Luis sa kotse niya at mabilis akong nilapitan at hinila papunta sa harap ng passenger seat.

'Yong pwesto na dati 'kong pagmamay-ari. Damn!

"Get in." Matigas niyang sabi pagkatapos niyang buksan ang pinto.

Nagmadali na lang akong pumasok ng makita kong seryoso talaga si koya. Mabilis ko ding sinuot ang seatbelt pagkatapos niyang sarhan ang pinto at umikot papunta sa driver's seat. A sweet-smelling perfume immediately attacked my nostrils. At alam kong galing 'yon sa babaeng nagmamay-ari ng pwesto na 'to. Same girl who also owns the heart of the man I love.

Stop it, Mikaella! Saway ko na lang sa sarili ko as I smiled bitterly to myself.

"W-Where are we going?" Pagkabasag ko sa katahimikan.

Mga 15 minutes na yata kami nagbabyahe pero hindi man lang siya umiimik. Hindi rin niya ako sinagot at patuloy lang siya sa pagdadrive.

Ang awkward. I don't like this atmosphere. I need to do something to break this somehow.

"B-Ba't galit ka yata, Lu? Ako nga dapat ang magtampo eh. Ang cold mo kaya sa mga reply mo sa mga messages ko." Sabi ko sabay nguso.

Pacute kahit paano. This usually works kasi lalo na kung galit si Lu. Pero this time ay hindi man lang siya nagreact at patuloy lang sa pagdadrive.

"Uy, Lu!" Tawag ko sa kanya. "Nagkagirlfriend ka lang kinalimutan mo na ang maganda mong kaibigan." Tunog nagtatampo kong sabi sabay hagikhik.

Best actress ko talaga.

"Tss." Tanging sagot niya.

"Ay, suplado ka na talaga, Doc. Nagsusuplado ka talaga, ha?" Sabi ko sabay tusok ng paulit-ulit sa tiyan niya malapit sa pusod kung saan alam kong malakas ang kiliti niya.

"Stop that! Nagdadrive ako eh." Sagot niyang natatawa na at hinuli na ang kamay ko para patigilin sa ginagawang pagkiliti sa kanya.

Mabilis ko ding binawi ang kamay ko ng makaramdam ng parang kuryente. Ganoon na lang talaga parati ang nararamdaman ko kapag nadidikit ang mga balat namin. Pinilit ko pa ding ngumiti bago umayos sa pagkakaupo.

"Saan nga kasi tayo pupunta?" Tanong ko ulit.

Bago kasi talaga sa paningin ko ang tinatahak namin.

"Basta. We're almost there anyway." Tanging sagot niya.

Hindi ko napigilang hindi buksan ang bintana ng kotse niya ng makita ko ang napakagandang view sa labas. Binibigyan ng sigla ng mga bituin sa langit ang makalmang dagat sa baba. Agad na tumama ang malamig na simoy ng hangin sa mukha ko at nanginig tuloy ako kaya mabilis ko ding sinarhan ang bintana.

Sayang. Maganda sanang nakabukas ang bintana para mas maenjoy ko ang tanawin sa labas. Hindi ko naman kasi alam na malayo pala ang pupuntahan namin.

"May jacket ako sa likod. Wear it."

Napangiti ako sa sinabi niya at mabilis na tumalikod para abutin ang jacket na tinutukoy niya. Pero agad din akong nakaramdam ng pagsisisi at kirot sa puso ng makita ko ang isang pink na duffel bag sa gilid niyon na alam kong pag mamay-ari ng isang babae.

"Hindi mo ba maabot?" Biglang tanong ni Luis na nagpabalik sa huwisyo ko.

Hindi ko namalayang ilang segundo din pala akong natulala habang nakatingin sa duffel bag. Agaran kong inextend ang kamay ko para maabot na ang jacket.

"Eto na. Medyo mabaho ha?" Pang aasar ko pa sa kanya sabay tawa pero sinuot pa din naman 'yon at pasimpleng inamoy.

Hindi naman talaga mabaho. Ang bango nga eh. Its still his usual musky scent. His scent that I'm addicted to.

"Don't wear it then, Eya! Tss! Baka may jacket diyan si Marilou sa bag niya. You can borrow it later." Suggest niya pa na siyang nagpaconfirm ng iniisip ko tungkol sa duffel bag.

"B-Bakit may bag pala siya dito?" I can't help myself from asking. "How is she, by the way? Mabuti naman at nagtiyaga talaga siya sa 'yo." Dagdag ko na lang para hindi naman masyadong usisera ang tunog ko.

"Silly. Its for emergency purposes. And we're very good." Sagot niya sabay tingin sa 'kin at ngumiti.

"Sus." Sabi ko na lang.

Nakaramdam ako ng sobrang inggit at panibugho sa simpleng sagot niya.

Ayoko na ring dagdagan pa ang tanong ko dahil may bumubuo ng sagot sa isip ko. I'm not entirely innocent anyway lalo pa't sa profession namin and they're both of age na. So.. its natural for them to... you know.

Binuksan ko na lang ulit ang bintana at mahigpit na niyakap ang jacket niya sa katawan ko. Nilalamig pa din talaga ako. Pero mas mabuti na 'to para mamanhid na din ang puso ko kahit papaano.