"We're here." He announced pagkatapos itigil ang sasakyan sa isang hindi gaanong malapad na talampas na overlooking ang dagat.
"Wow!" I exclaimed at nagmamadaling lumabas ng sasakyan niya para makalapit pa at mas maenjoy ang view na binubusog ang mga mata ko.
Kahit malamig na simoy ng hangin ang agad na dumapo sa balat ko ay hindi ko na ininda 'yon. Masyadong nakakahumaling kasi talaga ang tanawing nasa harapan ko.
May nakita akong umiilaw na parang familiar na gazebo sa malayong kaliwa sa baba. Doon ko lang din napagtanto na malapit lang pala 'yong lugar na 'yon sa magiging beach house ng pamilya namin.
What a coincidence!
"Its breathtaking, isn't it?" He suddenly asked.
Hindi ko na nga namalayang nakalapit na pala siya sa tabi ko sa sobrang pagkakamangha ko.
"Yeah! Galing kami diyan kanina, oh. Hindi ko naman napansin na meron palang ganito sa taas." Sabi ko sabay turo sa gazebo.
"Oh? Sinong kasama mo?" Biglang seryosong tanong niya.
"Huh? Si ate? Uhmm.. Daddy and Mommy bought it para maging private beach house." I answered at napansin ko din ang pag-aaliwalas ng itsura niya sa unang sinabi ko at bigla ay parang lumungkot ng dalawang segundo lang yata bago siya ngumiti.
"Ahh. 'Yan nga ang natatanaw namin dito ni Marilou, nagandahan nga siya sa gazebo. She's the one who told me about this place." He stated which breaks my heart into a million pieces.
So, si Marilou pala ang kasama niyang nagpupunta dito. Baka nga.. dito pa sila nag-anuhan lalo pa't parang hidden spot 'to.
The hell with your dirty thoughts, Mikaella! Hay.
Napadeep-breathing ako ng pasimple para pakalmahin ang puso kong alam kong nagdudurugo na sa nalaman.
"That's nice. Ang galing naman ni Marilou at alam niya ang lugar na 'to. K-Kung gusto mo isama natin siya bukas. We can visit the property. Sa susunod na linggo kasi ay magsisimula na ang construction for some renovation."
Ewan ko ba't nasabi ko 'yon, pero hindi ko naman mabawi na. Pero parang mali naman kasi kung hindi ko sila iimbitahan, 'di ba? Lalo pa ngayong nalaman niyang sa 'min 'yon at nagandahan ang girlfriend niya. Pwede namang hindi na 'ko sumama bukas at magdadahilan na lang na sila na lang dalawa ang pumunta. Pwede pa din naman akong umiwas na masaktan pa lalo.
I don't know if I can endure a whole lot more of heartaches. But maybe kung patuloy pa akong masasaktan ay makatulong pa 'to sa iniinda kong kirot sa puso, 'di ba? What do you think?
Damn it! Kamartyran na talaga 'tong ginagawa mo, Mikaella!
Maybe I should do something about that gazebo... What if i-suggest ko kay ate na ipagiba na lang? Pero nagandahan din naman kasi ako.. Sayang din. Hay. I sound so bitter. Ampalaya pa more.
"Yeah. Pwede din." He simply said and then itinagilid niya ang katawan niya and looked at me in a very serious manner. "Anyway, pag-usapan na natin ang plano mo."
"Plano?"
"Yeah. About your residency? Itutuloy mo na ba talaga ang pagpunta sa Manila?"
"Uhmm.. About that.. I've decided na hindi na ako magdodoktor.." Pag-amin ko sa kanya na siyang ikinalaki ng mga mata niya.
"What?"
I gave him my sweetest smile before I nodded. "I'm going to pursue another profession. My other dream career."
"Okay.. And that is?"
You.
'Yon sana isasagot ko but darn it! Muntik ko ng batukan ang sarili ko.
Estupida, Mikaella.
"Uhmm.. Fashion designing?"
"Oh?" Tanging reaction niya.
Nagulantang talaga siya. Sa tagal naming naging magkaibigan ay hindi niya alam ang pagkahilig ko sa ganito. Kaya alam kong magugulat talaga siya. Well I guess its safe to say na aside sa nakatagong feelings ko sa kanya ay eto pa ang isang sinesekreto ko sa kanya. But its all out now, except for my feelings. 'Yon na lang talaga ang dapat na itago at baka pagsisisihan ko pa sa huli.
"Yeah.. Gulat ka, no?" Sabi ko sabay tawa.
"Yeah.. I didn't know that. So, hindi ka na matutuloy sa Manila? You're going to stay here, right?"
"Nope. I'm still going to transfer to Manila para mag-aral. Nakahanap na nga ako ng institute na papasukan." I informed him.
"Huh? M-May mga school naman yata dito na nag-ooffer ng ganyang course? Short course lang yan, 'di ba?"
"Uhmm.. I'm not sure.. Mas gusto ko nga lang sa Manila.." Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.
"Oh.. I bet mas maganda nga ang standards nila.. B-But you should also check.. Maybe they're offering online classes.." He said that made me looked at him but this time siya na 'yong umiwas ng tingin.
"I.. I think so." Sabi ko dahil nakita ko nga na nag-ooffer nga sila ng online classes sa kursong gusto ko.
Kita ko agad ang pagliwanag ng itsura niya. "Then 'yan na lang ang kunin mo. Mas convenient pa dahil hindi ka na pupunta ng Manila.. You said so yourself, magulo doon. Mas maganda talaga dito sa 'tin, tahimik lang. And you won't be alone there."
"Huh? Ah.. Mikael's there, though. And namimiss ko na din si bunso.." Pagtanggi ko sa suhestiyon niya.
Ba't parang.. ayaw akong paalisin ni Luis? Or baka maling akala na naman ako..
"Oh.. Oo nga pala.." Bigong sabi niya at muling umiwas ng tingin sa 'kin at malalim na napapabuntong-hininga.
Should I ask him? Pwede naman siguro 'yon, 'di ba?
"You.. You don't want me to go?" Bigla siyang napabaling sa 'kin na parang nagulat sa tanong ko.
Pero... ayokong mabigo.
"Asus.. Mamimiss mo ang maganda mong kaibigan, no? No?" Dagdag ko na lang sabay tawa.
"Yeah." Simpleng sagot niya sabay kibit ng balikat at iwas ng tingin sa 'kin.
Napawi tuloy ang tawa ko. Tama nga ako. Mamimiss niya naman talaga ako. Pero bilang kaibigan lang..
Ano ba kasi ineexpect ko? Damn it, I'm such an idiot!
Matagal na katahimikan tuloy ang bumalot sa 'min at nabasag na lang 'yon noong nagring ang phone niya. Mabilis na kinuha niya 'yon sa bulsa ng pantalon at agad na sinagot.
"Hi, love.."
Its Marilou.
"Yeah. I'm here sa favorite spot natin.. with Eya." I heard him kaya napabaling ako sa kanya at agad na ngumiti.
"Hi, Marilou!" Pagbati ko. "Lu, tell her about what I said for tomorrow." Pagpapaalala ko sa kanya.
"Hi din daw, Eya. Oh yeah, love. Uhmm.. About the gazebo.." Pagpatuloy niya ng sinabi ko.
Hindi ko na pinagpatuloy ang pakikinig sa pag-uusap nila. Kumikirot na naman kasi 'yong pinakafragile na parte ng katawan ko.
Ang puso ko.
I needed to get away to stop the pain. Lumakad na lang ako pakaliwa para mas makita ng maayos ang gazebo.
It looks so enchanting as it stood in the middle. Tama nga ang iniisip ko kanina na mas maganda ngang tumambay doon pag gabi, lalo na if matutuloy ang nauna kong planong renovation sa structure niyon.
Pero.. simula bukas.. Paniguradong iba na sa paningin ko ang gazebo na 'yon. It would only brought me excruciating pain. Kaya mas maigi ngang ipagiba na lang 'yon. Or maybe I should just change its location instead?
Siguradong magagalit si ate Michelle if malalaman niya 'tong pinag-iisip at pinaggagawa ko ngayong gabi. For sure, she would scold me and tell me how pathetic I am.
Oh, life..
Ilang minuto pa ang tumagal bago ko naramdaman ang presensiya ni Luis sa likod ko. Agad akong bumaling sa kanya with all smiles. Binalik niya din ang ngiti ko sa kanya with his eyes twinkling while still holding his phone near his ear.
"Goodnight, love. I love you too. I'll text you when I get home." Dinig kong pagpapalam niya pero nanatili pa din ang cellphone niya sa tenga habang nakatingin sa 'kin.
Grabe talaga ang epekto ng love sa isang tao. Lalo na kung may balik ang pagmamahal na 'yon.
Kaso.. in my case.. Hindi eh. Taliwas ang epekto ng love sa 'kin.
Sad.
As I stared on his face while saying his goodbye to his love ay nakaramdam na talaga ako ng labis na pagsuko. I should really let go of this love, dahil ang lalaking minamahal ko ay hindi talaga para sa 'kin. I should finally accept that if I want to stop this myself from hurting.
This will take time, I know, kagaya ng sabi ni ate. Pero at least ngayon ay naging klaro na talaga ang pag-iisip ko.
It may seem like I have wasted a couple of years of my life loving one person who clearly doesn't love me the same way, but at least hindi naman kahit sino ang taong 'yon. He's worth loving naman talaga. Malay natin, baka nga simpleng paghanga lang talaga 'tong nararamdaman ko sa lalaking 'to and mawawala din 'yon sa pagdaan ng panahon.
This time, I swear to myself I will try to open up my heart to other men. Give them a chance to prove themselves. Madali na lang gagawin 'yon kung sakali. Lalo pa't magkakalayo na kami ni Luis na siyang dahilan kung bakit hindi ako maka entertain ng manliligaw. Tama nga ang mga suggestions ni ate Michelle. This time I'm determined to move on now.
I don't know what happened, baka nga epekto din 'to ng malamig na simoy ng hangin kaya namanhid na lang ang puso ko. Or maybe I just woke up and finally saw the reality that is already in front of me.
"She's thrilled for tomorrow, Eya. Mag dinner daw muna tayo bago pumunta doon." Sabi niya pagkatapos niyang ibaba ang phone.
"Sure. Pwede rin magpaayos na lang ako ng dinner sa mismong gazebo. Mas romantic 'yon, panigurado." I even suggested.
I'll fully support their relationship this time. Lalo pa ngayon na nakikita ko kung gaano siya kasaya sa babaeng pinili niyang mahalin. Masaya na din ako dahil masaya siya.
"Hmm.. doon na lang tayo mag-dinner but mag take-out na lang tayo sa resto. I'll order tomorrow morning para ready na lang for pick-up sa gabi."
"Okay.. Ikaw ang bahala." Sabi ko sabay ngiti sa kanya. "We should go home na, Lu? Its really late na yata?"
"You're right.. its almost midnight." He answered.
"Hala! Tara na." Sabi ko at agad ng lumakad papunta sa sasakyan niya.
Mabilis din siyang umagapay sa paglalakad ko at dinig ko ang malalakas na pagbubuntong hininga niya. Hindi ko na nga lang pinansin. Hindi ko na dapat bigyan ng ibang meaning ang pinapakita niya. The more kasi na pinupuna ko 'yon ay the more na umeexpect ako, kaya ang resulta ay pagkadismaya lang para sa sarili ko.
"But Eya, think about what I suggested earlier. I think you should stay here and online classes is more convenient." He finally said pagkarating namin sa harap ng sasakyan niya.
"Okay. I'll think about it, Lu." I answered bago binuksan ang pinto at pumasok na sa loob ng sasakyan niya.
Habang nasa byahe ay patuloy pa din siya sa pangungumbinsi sa 'kin na mag online class na lang. Alam kong hindi talaga siya titigil hangga't hindi ko nasasabi ang gusto niyang mangyari.
"Pag-iisipan ko nga, Lu." Ilang beses ko na yatang nasabi 'yon.
"Think about it thoroughly, Eya. Its really best if you stay here. Marami pang loko-loko doon. Tsaka hindi mo ba nakikita sa mga news? Mataas ang crime rate sa Manila."
Natawa na lang ako ng malakas sa sinabi niya. "Lu, ha? Sinisiraan mo na ang Manila! Papagalitan ka ng presidente ng Pilipinas niyan. Tsaka ang tanda ko na, jusko naman. Its time for me to try and experience something new naman."
"Something new? Like what?"
"Like going to the bar? Do some wild dancing in the clubs? Get drunk until sunrise? Have a boyfriend? Get laid?" Nangingiti kong sabi pero agad ding napahawak sa dashboard ng muntik na 'kong tumilapon sa inuupuan sa biglaang pagbreak niya. Hindi pa naman ako nakaseat belt!
"Ano ba-" Reklamo ko sana pagkabaling ko sa kanya pero biglang natameme ng makita kung gaano siya kagalit ngayon.
This is the first time that I've seen him with bloodshot eyes with his nose flaring continuously.
"What are you planning to do again in Manila, Eya?" Sabi niya with emphasis on each word.
"L-Lu... nagbibiro lang ako. Ano ba.. galit na galit 'to." Sabi ko sabay bigay ng alanganing ngiti sa kanya.
"Like hell! Jokes are half-meant!" Pasinghal niyang sabi sa 'kin.
"Hindi nga, Lu. Nagbibiro nga lang eh. I swear." Sabi ko sabay taas ng isang kamay.
"Tss." Tanging reaction niya at pinaandar na ulit ang sasakyan.
Mas mabilis na ang pagpapatakbo niya ngayon kaya dali-dali kong sinuot ang seatbelt. Pasulyap-sulyap na lang ako sa kanya at kahit noong malapit na kami sa bahay ay hindi pa din siya umiimik at hindi pa din nababawasan ang galit na expression niya.
"Lu.." Tawag ko sa kanya pagkatigil niya ng sasakyan sa labas ng gate ng bahay namin. "Uy, Lu."
Pasuplado niya lang akong sinulyapan at mabilis na binalik ang paningin sa harap.
"Lu naman eh. Hindi ka na mabiro ngayon ha? I won't do it nga, I swear. Pero exempted 'yong pagboboyfriend ha?" Sabi ko na lang sabay tawa pa pero tumigil din ng bigla siyang bumaling sa 'kin with the same expression a while ago.
What is his problem ba? Ayaw niya bang magkaboyfriend ako? Ayaw niya bang mainlove ako sa iba? Ayaw niya bang mag-move on ako sa kanya?
Well, I'll be damned!
Kung alam niya lang ang tinatago kong feelings sa kanya eh paniguradong siya pa mismo ang magtutulak sa 'king magboyfriend. Tss.
Ayoko na nga lang mag overthink. Hayaan ko na lang siya. Maybe he's just overprotective of me. An overprotective friend and a very concerned one too. 'Yon lang talaga 'yon. I should keep that in mind!