Kasalukuyan na 'kong nakahiga sa kama and until now ay hindi pa din ako makatulog. Magdadalawang oras na yata akong nakatingin lang sa kisame ng kwarto ko. Paano ba naman kasi, hindi ko pa rin alam kung ano ang magiging desisyon ko sa problema sa puso na kinakaharap ko.
Ate Michelle gave me another solution for my problem and that is takasan ko ang problem ko. Magpakalayo daw ako kay Luis para maiwasan ko siya and I can finally cut my connection with him.
Pero ang friendship namin? Paano? Ang totoo'y nasasayangan talaga ako. He's my long-time friend. Friend lang. Ayaw kong i-consider na bestfriend ko siya dahil walang may nagtagal sa mga tinuring kong bestfriends dati.
Come to think of it, parang nasira ko na din pala ang pagkakaibigan namin simula ng marealize kong mahal ko na siya.
Sa dami naman kasi ng lalaki sa mundo, bakit sa kaibigan ko pa ako tuluyang nahulog! How stupid of me.
Pero sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa kanya?
He's funny, sweet, thoughtful, patient, understanding, caring, and very loving? Tss. Kaya nga ako nahulog ng tuluyan eh. Pero hindi naman siya ganoon ka gwapo lalo pa't maitim nga siya but meron siyang certain angle na kamukha niya si young Richard Gomez. Kaya nga binansagan din siyang campus hunk dati.
Pero dapat nag entertain na lang talaga ako ng manliligaw eh. Dapat nagtry na lang akong magboyfriend. Baka kung ginawa ko 'yon ay napigilan ko pa ang sarili kong magdevelop ng romantic feelings kay Luis.
Kaso kasalanan din naman kasi niya!
Malakas ang convincing powers niya just to manipulate my decision towards my admirers. He always have negative comments towards them, tapos ako naman si tanga naniniwala at sinusunod agad siya.
Pero ilang beses ko na din naisip to noong narealize kong mahal ko na siya. Rason ko na lang yata 'yong pagsisisi ko kay Luis kaya hindi pa ako nagkakaboyfriend. Kagustuhan ko talaga 'yon and unconsciously ay iniibig ko na siya at umaasa na ako sa kanya.
"What now, Mikaella? Isip.. isip.." I said to myself habang hinihilot ang sentido ko.
Pero hanggang sa nakatulog na lang ako ay wala pa din talaga akong nabuong desisyon.
I woke up the next day with a very painful headache. Antok pa talaga ako and I feel so exhausted. At sigurado rin akong namamaga ang mga mata ko.
Damn!
I need to talk to our head attending physician to call in sick. Mag-aabsent na muna ako. I'll spend this day to finally come up with a solution on my love problem. Binigyan na ako ng mga options ni ate Michelle, ako na daw ang bahalang pumili sa kung ano ang sa tingin ko ang makakabuti sa 'kin.
Kahit masakit ang ulo ko ay tumayo pa din ako para hanapin ang cellphone kong hindi ko na nabuksan kagabi bago matulog.
I was then greeted with two text messages from Luis. Kagabi niya pa sinend 'yon. At parang magic lang dahil mabilis na nawala ang sakit ng ulo ko.
Dr. Lu Baliw😈: Eya, nakauwi ka na ba? I'll call you. We need to talk about what you said last night.
That's his first message.
Dr. Lu Baliw😈: Hey! Nakauwi ka na ba? Or nakatulog ka na? If you're still awake, call me. If tulog na then goodnight. I'll see you tomorrow.
Tss.
Good thing I'm absent today. Hindi ko pa kayang kausapin siya.
But.. maybe I should reply. Baka ano pa ang isipin niya or baka mag alala pa siya.
Hay naku. I'm really an idiot, but whatever.
Dali-dali akong nagcompose ng message para sa kanya. Informing him na nakatulog ako pagkauwi at mag aabsent ako ngayon dahil masama ang pakiramdam ko.
After kong masend 'yon ay tinawagan ko na ang head namin na nagsusupervise sa aming mga resident doctors or interns. Sermon talaga ang inabot ko sa kanya.
"You can't just call in sick, Dr. Edwards. You have a responsibility as a doctor to your patients. Hindi pwede ang ganito lang na bigla ka na lang aabsent. You know how busy we are, right?"
"Pero Doc. I'm really not feeling well and I think may flu pa 'ko. Baka mahawaan ko pa ang mga pasyente." I said then faked a cough para makalusot sana.
"No. I'm not buying that. Wear a face mask if nababahala ka na baka may mahawaan ka. You chose this profession and you chose to be part of our residency program, so you have to take responsibility."
"But Doc-"
"Enough of your excuses. Its either you come here Dra. Edwards and be a responsible physician or mag absent ka pa din and I will take you off from our residency program by tagging you AWOL. Choose."
Damn it! This is absurd! So fucking unfair! I worked hard just to get in on this program! I also did my work very well kaya ang unfair ng ganito! 'Yong ibang mga kapwang residents ay nakakapag absent din naman ah! Ba't ako hindi pwede? Should I use my family's name and connections on her? But that would make me feel so pitiful!
"Well? What's your decision, Dra. Edwards. I don't have all day." Agarang pagdagdag niya.
"You don't have to tagged me with anything, Dra. Valdez. I'll formally resign from the program. Thank you." I said with conviction.
"So disappointing. Goodbye then." I heard her commenting before finally ending the call.
Mabilis kong binaba ang phone ko at hinilamos ang palad ko sa mukha ko. Muli ding bumalik ang sakit ng ulo ko ng marealize ko ang ginawa ko.
Hindi ko na talaga napagisipan ng mabuti ang sagot ko. Pwede pa kaya bawiin 'yon? Pero papasok akong namamaga ang mga mata?
Dapat kasi sore eyes na lang ang sinabi ko para makapagsuot ako ng sunglasses eh! Pero paano kung ipapasuri nila ang mga mata ko sa optemetrist and they found out I was just lying? Tapos malalaman din ni Luis?
Damn!
I won't take back my words now! Marami pa namang hospital pero pangit na nga lang ang records ko. Baka kung anong negative remarks pa ang ilagay ni Dra. Valdez doon.
I'm doomed.
Binagsak ko na lang ulit ang katawan ko sa kama habang hinihilot ang sentido ko. Hanggang sa nakatulugan ko na lang ang alalahanin ko.
Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakatulog, pero nagising na lang ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko.
Nawala na din ang sakit ng ulo ko kaya napabangon na ako sa kama at humakbang na para pagbuksan ang kung sino mang kumakatok sa kwarto ko. Si yaya yata 'yon at ang ibang katulong namin. I can hear them talking pero hindi pa ganoong kaklaro.
"Kunin ko lang ang susi-"
Nabitin sa ere ang sasabihin ni yaya ng tuluyan ko ng binuksan ang pintuan ko. Pero napamulagat na lang ako ng makilala ko ang kasama ni yaya.
Si Luis!
I was stunned on my feet at hindi talaga ako nakagalaw habang nanatiling nakanganga at nanlalaki ang mga mata ko.
"Ayan na pala." Sabi ni yaya Belen.
Mabilis na humakbang papasok ng kwarto ko si Luis at agad na dinama ang leeg ko pagkalapit.
"We were worried! Kanina pa kami kumakatok sa kwarto mo. I called you a couple of times already at hindi mo sinasagot. Akala ko kung napaano ka na kaya sumugod ako dito. Were you sleeping?"
Natauhan na lang ako ng binaba na niya ang kamay niya galing sa leeg ko.
"Ah. Oo. I have a terrible headache this morning." I said then looked away. "I'm okay now."
Naalala ko kasi ang mga mata ko. Namamaga pa kaya?
"Magbabanyo lang ako." Dagdag ko bago mabilis na tumalikod para makapasok agad sa banyo ko.
"Papahatiran kita ng pagkain dito, Mikaella? Hindi ka pa nakakain ng agahan at tanghalian. Mag-aalas dos na ng hapon." Hayag sa 'kin ni yaya.
"Bababa na lang po ako, yaya. Antayin mo na lang ako sa baba, Lu." Sabi ko bago ko nilock ang pintuan ng banyo
I let out a sigh of relief ng makitang okay na ang mga mata ko. Wala ng bakas ng malakasang pag-iyak kagabi.
Thank God!
'Yon nga lang ay naeskandalo ako ng makita ang suot ko. Wala akong bra! And my breast, especially my nipples are showing from the see-through lingerie that I'm wearing! Pati ang panty ko!
Ba't hindi ko man lang naisipang magtanong muna kung sino ang kumakatok bago ko binuksan ang pintuan ng kwarto ko kanina?
I'm such an idiot talaga!
Pero nawala lang din ang pangamba ko ng maalala na mukhang hindi naman naapektuhan si Luis sa suot ko.
Tss!
What am I thinking?
He only sees me as a friend anyway kaya bakit nga siya maapektuhan, 'di ba? Lalo pa't may girlfriend naman siyang may curves talaga.
Unlike me.
Wow. Self-pity na this. Hay naku!
I rolled my eyes on my reflection in the mirror. Napagdesisyonan kong mamaya na lang maligo pagkaalis ni Luis kasi paniguradong may trabaho pa siya ngayon. Ayokong paghintayin siya ng matagal at baka malate pa siya and in result ay magaya pa siya sa 'kin na natanggal na sa residency program.
Naghilamos na lang muna ako at nagsuot ng roba bago ako lumabas ng banyo.
I was expecting him to be downstairs, dahil 'yon ang sabi ko sa kanya pero laking gulat ko ng makita siyang prenteng nakaupo sa gilid ng kama ko. Paharap sa banyo kaya nagkasalubong agad ang mga mata namin.
"Hindi ka bumaba? May trabaho ka pa ngayong 4pm, 'di ba?" Tanong ko sa kanya habang humahakbang palapit sa pwesto niya.
Medyo na awkwardan lang ako dahil nakita ko ang paglakbay ng mga mata niya sa katawan ko. At tumigil pa talaga 'yon sa dibdib ko.
Shit!
Binalik niya lang din ang mga mata niya sa mukha ko ng nakarating na ako sa harap niya.
Napatikhim muna siya bago nagsalita.
"I heard something from the hospital. Sabi ni Mathew ay nagresign ka daw sa program?" He asked habang tinutukoy ang classmate naming kasama ko sa pediatric department.
Nakarating na pala sa kanya.
I let out a heavy sigh before I nod my head once. I sat beside him.
"Why?"
"Ayaw akong payagang mag absent ni Dra. Valdez. Its either papasok daw ako or else she will tag me as AWOL and let me off the program. She's implying that I'm being irresponsible, incompetent and unprofessional. Wala na 'kong choice kaya nasabi ko na lang bigla na magresign na lang ako." Pagkwento ko habang nakayuko.
He sighed then held my right hand softly. Agad na dumaloy ang parang kuryente sa paghawak niya kaya pasimple kong binawi ang kamay ko at nag astang inaayos ang buhok ko.
"I'll talk to Dra. Valdez and the chief to reconsider your resignation. I'll just tell them that you're not really feeling well kaya nasabi mo 'yon."
"Huwag na, Lu. Marami pa namang hospital.."
"Lilipat ka? Where?"
"I-I'm not yet sure. Maybe I should try the ones in.. uhmm.. Manila."
"W-What?"
Ramdam ko ang pagkabahala niya sa sinabi ko kaya napasulyap ako sa kanya. He looks really bothered with what I said that his eyes can't focus.
I can feel my heart wrenching as I looked at him closely. Hindi ko pinag-isipan ng maayos ang sinabi ko sa kanya at basta na lang 'yon lumabas sa bibig ko. Pero ngayong tinitingnan ko siya ay mukhang tama nga 'to. Pumasok kasi agad sa isip ko na para bang blessing in disguise din pala ang pagkaalis ko sa trabaho. Na para bang binigyan na ako ng sagot sa problema ko kagabi.
This is finally my chance to move on without ruining our friendship. May rason na ako kung bakit kailangan kong lumayo muna hanggang sa mawala na ang feelings ko sa kanya. At least ngayon ay hindi ko na kailangang umamin sa kanya ng nararamdaman ko, and our friendship will remain safe and intact.
Tama 'to. And kaya ko 'to.
"Y-You're kidding. Magkakalayo tayo?" He gasped at naging malalim ang pag-iisip niya na para bang hindi siya makapaniwala. "I mean, we can try the one in Mabini. Nandoon sina Jewel, Leonard at Marco. I-I'll call them if they have vacant slots for us two." Sabi niya at akmang kukunin na ang cellphone sa bulsa but I immediately stopped him.
"Huwag na, Lu. Ilang buwan na lang naman at matatapos ka na din sa program. Sayang din if magreresign ka. Maybe if makapasok nga ako doon, then I'll recommend you kung gusto mo. Mas maraming magagandang opportunities sa Manila unlike dito. At... tsaka namimiss ko na din kasi si Mikael." Sabi ko.
Totoo namang namimiss ko na si Mikael na Mimi na ngayon. My only brother or rather new sister is usually alone at our house in Manila kaya nga mas pinili na lang nitong lumipat sa penthouse na binili sa kanya ni daddy. Mas naging busy na ang mga parents namin lalo na ngayong nag expand na ang family business namin in some other asian countries and in the US. Kaso naiisip ko din si ate kasi maiiwan ko siya ditong mag-isa. But I know my ate will understand.
Nanatiling tahimik si Luis sa sinabi ko, then he looked away after letting out a heavy sigh.
"Sigurado ka na talaga sa desisyon mo?" He asked without looking at me.
"Yes." I simply answered but with conviction.