Mikaella’s Unreciprocated Love (Filipino)

🇵🇭Aybeeming
  • 46
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 58.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - C1

"Eya, this is Marilou, my girlfriend."

Muntik na akong ngumiwi pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Luis sa harap ko. Mabuti na lang at nakabawi ako agad. Ngumisi ako na usual expression ko na bilang pag-uumpisa ng pang-aasar ko sa kanya.

My gosh!

"Sinagot mo ang baliw na doktor na 'to? You must be out of your mind!" Sabi ko sabay iling ng paulit-ulit na akala mo sobrang disappointed sa ginawa ng babae.

"Eya!" Saway ni Luis agad habang natawa lang ang girlfriend niya.

Nag peace sign na lang ako kay Luis bago ko nilahad ang kamay ko kay Marilou.

"I'm just kidding! Its nice to finally meet you, Marilou." I said out of courtesy kahit kabaligtaran niyon ang nararamdaman ko.

"Likewise! Parati kang kinekwento ni Luis sa 'kin." She replied after our handshake.

"Oh, really? I hope magaganda naman ang kinekwento niya sa 'yo about sa 'kin." I said habang pinanindilitan si Luis who just smirked at me in return.

Tumawa lang ng mahinhin si Marilou, the girlfriend, sa sinabi at actuations ko. Nakakatawa ba talaga ako? Ang galing ko namang artista kung ganoon.

"Don't worry. He said that you're the greatest friend anyone can ask for." She replied.

I almost rolled my eyes kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.

So, kailangan talagang ipamukha na magkaibigan lang talaga kami ni Luis. Eh 'di fine, siya na ang girlfriend, ako lang ang friend. Teka "greatest friend" pala.

Hay.

"Good then!" I replied enthusiastically and eyed Luis who's still smirking beside her.

"Let's order now, Eya. Kanina pa kami nag-aantay sa 'yo." Luis interrupted.

He held Marilou's chair and agad na tumawag ng waiter pagkaupo namin.

Nakakainggit.

Uminum na lang ako ng tubig habang pasimpleng nagmamasid sa dalawang mag-irog sa harap ko.

"What do you want, love?" Tanong ni Luis sa girlfriend niya in a very lambing way habang hawak-hawak ang menu.

Isang menu book lang ang hawak nila kahit binigyan naman kami ng tig-isa.

Oh, please.

Kung pwede lang umuwi at takasan at kalimutan ang gabing 'to baka kanina ko pa ginawa.

Umarte kaya akong masakit ang tiyan? Or may emergency?

Darn!

As if maloloko ko ang kapwa kong doktor! Shit!

I'm not 'effin ready for this!

Sinurprise talaga ako ng gago!

I know that he has been courting this certain girl named Marilou for over a year na. Pakipot masyado si ate girl! Buong akala ko kasi ay papaasahin lang siya at babastedin lang din siya sa huli. Kaya nga hindi ko na rin naisipang iresearch or ipa-imbestigahan si babae kasi akala ko ay walang pag-asa ang "greatest friend" ko.

But, damn! Sinagot nga siya!

Kaya pala biglang nag-ayang magdinner!

Kahit nga galing pa ako sa trabaho at pagod na pagod ako dahil dagsaan ang mga pasyente ko kanina ay sinikap ko talagang pumunta. Nawala din naman kasi ang pagod ko ng mabasa ko ang text niya.

Excited pa naman ako tapos eto pala ang bubungad sa 'kin?

Ipapakilala pala ako sa babaeng kinakabaliwan niya na ngayon ay official girlfriend na niya sa mismong araw na 'to.

Tss.

Isusumpa ko talaga ang araw na 'to! Promise!

Pero in fairness, bagay nga silang dalawa. Sadyang bitter lang ako.

Marilou is really pretty, very lady-like and pareho pa silang kayumanggi ang balat. Truly a pinay beauty. She looks simple but sophisticated at 'yan talaga ang tipo ni Luis. At mukhang mabait din.

Hay naku.

Ang naalala kong kwento ng loko dati ay nagkakilala daw sila sa hospital. Apo daw ng isang pasyente niya na may signs ng sakit na dementia. Mabuti na lang at nadetect ng maaga kaya naagapan pang hindi lumala. Sinasamahan daw talaga ni Marilou ang lola niya every check-up kaya nga nakagaanan na ng loob ni Luis hanggang sa tuluyan na siyang nanligaw dito.

He's an intern specializing in general internal medicine. Habang ako naman ay pinili ang pediatrics. Sa parehong hospital lang kami nagtatrabaho pero magkalayo nga lang ang mga department namin.

Pero ang landi lang talaga niya. Apo talaga ng pasyente niya eh.

Alam niya yatang kokontrahin ko na naman ang babaeng nagugustuhan niya kaya tinago niya talaga sa 'kin si ate girl. Sinabi niya lang na may nililigawan siya and didn't specify any more details except for the first name and how they met. At ngayon ko lang naisip na seryoso pala talaga siya dito kay Marilou kasi ayaw nga niyang pakialaman ko siya.

I could've stopped this from happening, you know. I always do and I never failed.

Dati kasi kapag may nagugustuhan siyang babae ay parati kong sinisiraan sa kanya hanggang sa maturn-off na siya. But I'm stating facts naman dahil pinapaimbestigahan ko nga talaga. In the end ay tinitigil nga niya ang panliligaw.

Ayoko lang kasing masaktan siya ulit, kagaya ng naranasan niya sa first and last girlfriend niya noong highschool pa lang siya. To cut the long story of his first heartache short ay ginamit lang siya ng babae para makakuha ng honor roll sa graduation nila. Matalino kasi ang loko.

I only want the best for my dearest friend kaya nga tinulungan ko siya sa pagkilala at pagkilatis ng mabuti sa mga babaeng natipuhan niya.

Pareho lang naman kami.

'Yon din naman ang ginagawa niya sa mga manliligaw ko, lalo pa't alam niyang wala pa 'kong experience sa pakikipagrelasyon. Walang nagtagal na manliligaw sa 'kin simula noong naging kaibigan ko si Luis. I think ang pinakamatagal ay dalawang linggo lang tapos basted na agad.

Hay naku!

I've known Luis for almost a decade now. We met during college. Naging magclassmates kami sa Nursing na eventually ay ginawa naming pre-med course.

Honestly, trip ko lang talagang kunin ang Nursing sa kadahilanang uso 'yon sa panahong 'yon at hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang pangarap ko sa buhay. Luis was my seatmate on the first day of school. Then nagusap na, hanggang sa naging magkaibigan na talaga. We were inseperable, especially at school.

Actually, wala na sana sa plano ko ang mag proceed pa sa med dahil huli ko na narealize kung ano talaga ang gusto ko sa buhay which is ang magdesign ng damit at magkaroon ng sariling clothing line and brand. The funny thing is, narealize ko lang ang dream job ko after watching a reality show on the internet na nagfifeature ng mga baguhan and aspiring fashion designer.

Si Luis talaga ang may pangarap na maging doktor dahil 'yon ang huling habilin ng lola niyang nagpalaki sa kanya. He's technically an orphan, but he managed to finish med school with the help of his lola's inheritance plus scholar din siya.

And since he encouraged me to continue along with him ay pumayag na lang din ako. So basically ay nakigaya lang ako sa pangarap niya at sinet aside ang totoong pangarap ko talaga.

Masaya ako sa naging desisyon ko. I don't regret following and mimicking his dream dahil narealize ko along the way na napakahalaga pala talaga ng propesyon namin sa buhay ng mga pasyente namin at sa mga pamilya nila.

Sa 9 years ng pagiging magkaibigan namin ay hindi talaga namin napag-usapan ang tungkol sa madalas na tinutukso sa 'min ng mga kaklase at kahit ng mga professors namin. They usually teased us na maiinlove din daw kami sa isa't-isa lalo pa't bagay daw kami.

Kape at gatas daw.

Kami rin daw ang magkakatuluyan at aabot din daw sa kasalan ang pagkakaibigan namin. 'Yong iba nga ayaw maniwalang friends lang kami ni Luis dahil nga sa sobrang closeness namin at pareho pa daw kaming single. Hindi ko naman sila masisisi kasi malambing talaga kami ni Luis sa isa't isa at natunghayan din nila ang pag-aasaran namin na minsan ay nauuwi pa sa tampuhan at pikonan pero mabilis lang din nagkakaayos.

Tinatawanan at dinededma na lang namin ang mga tukso nila dahil siguradong-sigurado na nga kami na hanggang pagkakaibigan lang ang meron sa 'min at hindi na 'yon lalampas doon.

Ang kaso ay nagbago ang lahat, lalo na sa 'kin after ng graduation namin. Specifically, sa after party namin with our batch.

He kissed me that night. Torridly. Passionately. Fervidly. And nangyari 'yon sa isang public place! Habang nasa parking area kami ng hotel dahil ihahatid ko na siya pauwi sa bahay niya.

He 'effin stole my first kiss! My first kiss!

But I don't know what got into me that night dahil tumugon din ako sa kanya. Ni hindi ko siya pinigilan hanggang sa natigil na lang 'yon ng nakatulog na siya sa sobrang kalasingan.

I can't blame it on the alcohol on my part because I wasn't drunk that night. Nakaisang baso lang ako dahil ayaw akong payagang uminum ng loko lalo pa't nandoon 'yong isang head ng OR department na binasted ko. Pero ang kaganapang 'yon ang nagparealize sa 'kin na mahal ko na pala siya. Nakatago lang pala sa kaibuturan ng puso ko.

Pagmamahal na hindi lang para sa isang kaibigan kundi bilang isang babae sa isang lalaki.

The problem is sobrang lasing nga siya ng time na 'yon at wala na siyang naalala noong nahimasmasan na siya. Hindi ko din naman directly tinanong sa kanya kung naalala niya ba ang nangyari ng gabing 'yon. Nahihiya ako at mas gusto ko na lang iwasan ang pagkakaroon ng awkwardness sa pagitan namin. Ang ikinakatakot ko pa ay baka masira lang ang friendship na matagal naming inalagaan.

Ngayon, ay magtatatlong taon ko ng sinasarili ang lihim kong pag-ibig sa kanya. I tried to suppress it at kalimutan na lang ang realizations ko that night pero ang hirap talaga. Kaya nga kinimkim ko na lang and act naturally as if walang nagbago sa 'kin. Umasa na lang ako na baka sa huli ay magkakatotoo nga ang mga tukso sa 'min ng mga classmates and professors namin.

Pero minsan ang hirap din magpigil ng damdamin lalo na ang kilig kapag magkasama at magkausap kami kahit sa phone. Lalo na kapag nilalambing niya 'ko. Ilang beses na 'kong muntikang bumigay sa damdamin ko sa kanya.

I don't know if nahahalata niya ba or what, kasi ang mga magulang at kapatid ko ay nahalata na eh. Baka magaling lang akong magtago or sadyang manhid lang talaga siya.

Hay naku talaga.

Napalalim na pala ang pag-iisip ko kaya nagulat talaga ako ng bigla niyang pinitik ng malakas ang dulo ng ilong ko. Tss!

"Aray!" Reklamo ko sabay hawak sa ilong ko habang tinitingnan siya ng masama.

"Napatulala ka, Eya." He uttered at bigla na lang siyang tumayo at nilagay ang palad niya sa noo ko. "Are you not feeling well? Tired?"

Tinampal ko nga ang kamay niya. I have to para mapigilan ang pamumula ng mga pisngi ko.

"I'm perfectly fine! Pagod lang siguro." I reasoned out then glanced at Marilou who looked at me with a shocked expression written all over her face.

Nakakagulat yata sa kanya ang pagiging bayolente ko sa boyfriend niya. Hindi yata sanay si ate girl. Eh 'di sorry siya. You'll get by eventually, girl!

"Fine. Nag-aalala lang baka mamaya magpapababy ka na naman." Dinig kong sabi ni Luis with that menacing look on his face and he proceeded to tell the waiter for their orders. "How about yours, Eya?"

"Cobb salad."

"And?"

"'Yan lang. I'm not hungry, so." Sabi ko sabay kibit ng balikat.

Ramdam ko ang pagningkit ng mga mata niya kaya iniwas ko ang paningin ko sa kanya. I focused my eyes on the glass of water in front of me.

Alam ko na ang susunod niyang sasabihin. He's going to rant about my order again na siyang parati niyang ginagawa kapag kumakain kami sa labas.

"You're skin and bones! You should eat more! Stop being so conscious about your body! Mas bagay sa 'yong maging chubby kaya kumain ka lang ng kumain! Blah. Blah. Blah."

I was waiting for any of it to come out from his mouth but instead ay dinismiss na niya ang waiter pagkatapos niyang ulitin dito ang order ko.

May nagbago na.

Napaangat tuloy ako ng tingin sa kanya na pinagsisihan ko din agad. Naabutan ko talaga ang paglambing niya kay Marilou. Inayos niya ang buhok ni Marilou na tumatabing sa kaliwang mata nito. Then they gazed into each other's eyes in a very intimate and loving way.

It hurts.

Terribly.

Alam kong kailangan ko nang iiwas ang mga mata ko sa kanila pero hindi ko magawa kahit na ramdam ko na ang unti-unting pagkawasak ng puso ko na baka hinding-hindi na mabubuong muli.