Chereads / Godly Gene: Another World / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

"Gaano kaya kalakas ang atakeng maaari kong mapatikim sa pesteng pinsan kong ito na si Tad Naalala ko pang binugbog ako palagi ng walang awa nito noong nagkakamali ako sa pinapagawa nito hmmp!" Sambit ni Sylvan sa kaniyang sariling isipan lamang na may halong panggigigil. Ramdam niya pa rin ang bawat sakit sa mga pasang natamo noon ng original owner ng katawang ito lalo na kapag mali-mali ang nagagawa niya. Kung hindi siya makakakita o nakakalakad ay hindi siya titigilan nito. Ngayon na siya naman ang may upper hand ay ipapatikim nito sa kaniya na mali siya ng kinalaban. Kahit pa pinsan niya ito ay wala siyang ni katiting na awang nadarama sa pinsan niya daw at tiyahin.

Nakatalikod ang lalaking si Tad matapos na nagmintis ang atake nito. Walang alinlangang pinagsalikop ni Sylvan ang dalawang kamao niya at mabilis na pinatama ito sa likod ni Tad

BANG!

Isang malakas na pagbagsak nito sa tiles na siyang sahig ng pamamahay ni Sylvan ang pinalasap nito sa pinsan nitong si Tad. 

Makikitang tila hindi gumalaw si Tad sa pwesto nitong binagsakan.

"Arrgghhh! Peste ka talaga kahit kailan Sylvan! Hindi ko aakalaing may maibubuga ang mahinang katulad mo!" Sambit ni Tad at masasabing may pasa o pinsala itong natamo sa pagkakabagsak niya matigas na sahig.

Masasabing napakatibay ng malaking bahay na ito ng mga magulang ni Sylvan Darvell. Masasabi niyang hindi basta-bastang masisira lamang ang bahay na ito. 

Gusto sanang bumangon ni Tad mula sa pagkakabagsak niya ngunit nang subukan niya ay talaga namang hindi niya nagawa sapagkat mabilis na tinapakan ni Sylvan ang ulo nito gamit ang mamahalin nitong sapatos na suot. Kahit na napakaluma na nitong sapatos niya ay isa ito sa paboritong koleksyon ng sapatos ng ama nito. Siyempre sa kaniya ang punta nito sapagkat pinapatapon sana ito ng magaling niyang tiyahin ngunit tinago noya lahat ng mga ito. 

Ngayon ay alam niya na ang isa sa mga purpose ng sapatos na ito, ang tapakan ang mga taong hindi karapatdapat na bigyan ng respeto. Hindi niya aakalaing mapapaaga ang paghihigante niya sa tiyahin niya at sa mga mapang-aping anak nito. Kung hindi siya lalaban sa mga ito ay mamemeste lang ito ng mamemeste sa buhay nila.

Nagpupumiglas naman si Tad habang mahigpit pa ring nakatapak sa ulo nito ang paa ni Sylvan na palagi niyang inaapi at sinasaktan ng pisikal. Sa araw na ito ay parang bumaliktad ang sitwasyon nila, siya naman ang wlaang laban sa bagsik ng pinsan nitong si Sylvan.

"Humanda ka sakin Eun kapag makaalis ako dito. Hindi ko palalagpasi--- AHHHHHHHHH!!!!!" galit na galit na sambit ni Priscilla habang nagpupumiglas ito sa pagkakatapak sa kaniya ni Sylvan. Makikita sa nagpupulahang mata nito ang nag-aapoy na galit. Ngunit hindi iyon umubra kay Sylvan dahil hindi pa siya nakontento at tinapakan pa nito ang kanang kamay ni Tad na siyang ikinasigaw ng huli.

Mabilis namang nakarecover ang mag-inang Priscilla at Elton nang makita nilang nahihirapan si Tad at pinahihirapan ito mismo ni Sylvan. Ang kasalukuyang Sylvan ay pakiramdam nila ay ibang-iba sa pagkakakilala nila. Ang nasa harapan nila ay parang isang demonyong umalpas patungo sa bahay na ito. 

Kahit nagpapanic na si Priscilla ay mabilis itong nagsalita habang nakaharap sa kay Sylvan.

"Bitawan mo ang anak ko, Sylvan. Walang kasalanan ang anak ko sa'yo. Kung nabubuhay lang ang ina at lalo na ang ama mo ay baka naturuan ka na ng leksyon sa pinanggagawa mo!"pangongonsensyang sambit ni Priscilla habang mataas ang tono ng pananalita nito. Hanggang ngayon ay mas nagagalit siya sa pesteng binatang ito na natitirang buhay sa pamilya Sylvan. Naalala niya ang pesteng kapatid nito lalo na ang ina ni Sylvan Darvell na namatay sa isang aksidente. Wala siyang pakialam sa mga ito. Tanging ang kayamanan lamang ang habol niya sa yumao niyang kapatid.

Agad namang sinunod ni Sylvan ang sinabi ng tiyahin niya. Nakabulagta na lamang ang si Tad sa sahig. 

Mapapangisi lamang si Tad maging ang ina nitong si Priscilla at kapatid nitong si Elton sa naging kilos ni Do Eun na sa wari'y nila'y natakot ito sa sinasabi ng kaniyang ina ngunit nagkakamali sila ng inaakala nang...

BANG!

Malakas na sinipa ni Sylvan ang bandang tiyan ang nagmamamgaling niyang pinsan na si Tad patungo sa pwesto ng kaniyang tiyahing si Priscilla.

Mabilis namang dinaluhan nina Priscilla at Elton si Tad na medyo malala ang lagay dahil namumutla ito. Sa lakas ba naman ng pagkakasipa rito ay talaga namang parang umalpas pa ito sa sahig ngunit matagumpay pa rin nilang nasalo ang pinsan niya.

"Umalis na kayo sa pamamahay ko dahil hindi ako mangingiming idaan sa dahas ang pag-papaalis ko sa inyo. Ginamit niyo pa talaga ang pangalan at pangaral ng ama't ina ko para bantaan ako upang magmukha akong masama. Tandaan niyo kung saan galing ang kinakain niyo at mga luho niyo over this year dahil lahat ng iyon ay galing sa dugo at pawis ng pagtatrabaho ng mga magulang ko. Kung sinuman ang dapat mahiya ay kayo yun dahil puro perwisyo lang ang hatid niyo." Marahas na sambit ni Sylvan sa seryosong tono ng boses nito habang pinapamukha niya sa mga ito ang kakapalan ng pagmumukha ng mga ito. They are just a parasite in his eyes. Wala siyang makitamg mabuti sa mga ito dahil labis ang kasamaan ng mga ito lalo na sa dating nagmamay-ari ng katawang meron siya ngayon. Kung alam lang nila na patay na talaga si Sylvan na original owner ng katawang ito ay siguradong matutuwa pa ang mga ito dahil nagtagumpay sila ngunit nandito na siya ngayon para sa panibagong yugto ng buhay niya. Sisiguraduhin niyang hindi niya sasayangin ang pagkakataong ito.

"Siya nga pala tiya, may Isa pa akong sasabihin. Alam ba talaga nila ang dahilan kung bakit hiniwalayan ka ng asawa mo? At alam ba ng mga anak mo na hindi nila ama ang dati mong asawa? Sambit ni Sylvan habang malademonyo pa itong nakangisi. Feel niyang maging kontrabida eh kaysa maging bida-bida. Natuto na siyang maging matatag at maging mautak. Hindi maaaring hindi siya makaganti sa tiyahin niyang hilaw na mala-marites ng Earth ang galawan at role sa buhay. 

Nanlaki naman ang mata ng tiyahin nitong si Priscilla sa narinig niya. Halatang tila nanginig pa ang bibig nito. Natawa naman si Sylvan habang tiningnan nito ang natamemeng ala Marites niyang tiyahin. Natawa siyang isipin na bala pasmado na ang binig nito kaya di makareact at makapagsalita agad.

"Ma, anong sinasabi ng pesteng Sylvan na to? Totoo bang may itinatago ka sa amin?!" Puno ng pagtatakang sambit ni Tad Bates. Halatang parang nawala ang sakit na nadarama dahil sa sinabing ito ni Sylvan maging ang sinabi nitong nagpatahimik sa bungangera niyang ina.

"Oo nga ma, ano ba ang pinagsasabi ng binatang lalaking si Sylvan. Tiyak akong isa na naman itong paratang galing sa nagmamagaling na pesteng anak ng kapatid mo ma haha!" Sambit ng lalaking si Elton habang makikitang hindi ito naniniwala sa paratang ni Sylvan. Alam niyang nagsisinungaling ito at napakasinungaling nito.

Tiningnan naman ng masakit ng babaeng tiyahin nitong si Priscilla Bates si Sylvan na nasa isang direksyon malapit sa pintuan at nagwika.

"Hahaha... Wala kang ebidensya binatang Sylvan. Hindi ko aakalaing gagamitin mo ang hinala mo para pagtakpan ang kasalukuyan nating alitan. Do you really na magagawa mo ang lahat ng gusto mo?!" Mapanghamong sambit ng tiyahin nitong si Priscilla. Halatang confident siyang hindi siya matatalo lamang o mapapaamin ni Sylvan na anak ng kapatid nito sa pesteng asawa nito.

"Talaga bang hinahamon mo ako Tiya? Paano kong sabihin ko sa kanila ang tunay nilang ama kalakip ng testimonya ng tunay na ama nito maging ang DNA GENE TEST nila?! Kakasa ka ba?!" Mapanghamon ring sambit ni Sylvan. Hindi niya patatapusin ang araw na ito na isasampal niya sa butihin niyang tiyahin ang kasinungalingang itinago nito ng mahabang panahon patungkol sa mga anak niya maging sa mga baho nitong tinatago. Ipapakain niya ang sinabi nito sa kaniya at lahat ng pagbabantang ginawa niya sa kaniya lalo na patungkol sa mga magulang niya.

Mabilis namang napaiwas ng tingin ang tiyahin nitong si Priscilla matapos nitong sabihin ito.

"Umalis na tayo dito mga anak! Ayoko ng manatili sa lugar na ito dahil nakuha na ni Sylvan ang mana nito." Maawtoridad na sambit ng babaeng si Priscilla sa dalawang anak nito.

Napabangon naman bigla si Tad at napalayo sa ina nito.

"Umalis? Nasisiraan ka na ba ma? Matagal na nating inaasam ang yaman ng walang kwentang pamilya ng kapatid mo tapos ganon na lamang iyon?!" Reklamo ni Elton na parang hindi ito makapaniwala sa sinabi ng kaniyang sariling ina. 

Malamig na tiningnan naman ni Tad ang kaniyang ina habang pinahid pa nito ang dugong tumulo sa bandang noo niya at mabilis na nagwika.

"Tama ba ang sinabi ni Sylvan, Ma?! Bakit gusto mong umalis kaagad, ayaw mo bang malaman ang katotohanan patungkol sa pagkatao namin?!" Sambit ni Tad habang makikita ang namumuong galit sa sarili nitong inang si Priscilla.

Napatakip na lamang ng kaniyang mukha si Priscilla at malakas na humikbi.

Tumulo naman ang luha sa mata ni Tad. Hindi niya aakalaing nagsinungaling ang ina niya sa kanilang magkapatid. Alam niya na ang sagot ng ina nito na totoo lahat ng sinabi ni Do Eun.

Mabilis nitong tiningnan si Sylvan sa hindi kalayuan. 

"Siguro ay masaya ka na Sylvan sa ginawa mo. Hindi mo lang nakamit ang mana mo sa magulang mo kundi nanira ka pa ng pamilyang hayop ka!" Sambit ni Tad Bates.

"O thank you din tsaka pwede na kayong umalis. Wag kayong magdrama sa harapan ko at sa loob ng pamamahay ko!" Sambit ni Sylvan habang mabilis itong tumungo sa third floor ng bahay NIYA. May diin talaga na "NIYA" kasi nasa kanya na talaga ang bahay na ito. Napakabilis ng proseso ng pagtransfer ng Gene Ban Account dito at ang private investigation ay ilang minuto lamang ay makikita na kaagad ang resulta. Hindi katulad sa Earth na sobrang bagal ng internet at ang paghahanap ng mga magulang mo maging ang DNA test ay akala mo ay aabutin ng linggo, buwan o taon. Para mapabilis ang paghahanap ay kailangan mo pang manawagan o maipalabas sa telebisyon ang kwento ng buhay mo pero dito ay segundo at minuto lamang ay tapos na agad. Siyempre ay nagbayad din siya ng malaki pero sulit naman kasi alam niyang mapapalayas niya na sa buhay niya ang mag-ibamg ito.

Nanatili lamang si Sylvan sa malapit sa hagdan at nakita niyang papaalis na ang tatlong totoong parasite sa buhay niya.

Umalis na ang dalawang anak ng tiyahin niyang sina Tad at Elton habang papalabas na ang tiyahin niyang hilaw. Akmanag lalabas na ang tiyahin niyang si Priscilla nang magsalitang muli ng malakas si Sylvan.

"Wag ka ng babalik sa pamamahay na ito Tiya. Isa pa pala sa nalaman ko ay ampon at sampid ka lang sa pamilya ng ama kong totoo at nag-iisang anak ng Sylvan Family. Ipapadala ko nalang ang mga luho este gamit na binili niyo gamit ang pera ng mga magulang ko na dapat ay sa akin talaga sa bahay niyo. Paki-lock na rin ang pinto ng gate baka pasukan pa ako ng mga pesteng katulad niyo!" Sambit ni Sylvan habang tuloy-tuloy na itong tumungo sa Third floor ng malaking bahay na pagmamay-ari niya na.

Masayang binaybay ni Sylvan ang pangatlong palapag ng bahay na siyang tahanan nila ng kaniyang mga magulang. Hindi niya aakalaing nag-iisa na lamang siya sa buhay. Ang kaniyang amang si Myer Darvell at ang magandang ina nitong si Rheiya Darvell ay bata pa lamang siya ay di niya man lang nakita ang mga ito dahil sa aksidenteng siya lamang ang nakaligtas. Magkagayon man ay maswerte pa rin dahil binigyan siya ng mga ito ng lahat ng pangangailangan niya dahil sa pamanang naiwan niya. Hindi niya maaatim na mapupunta lamang sa wala ang lahat ng pinaghirapan ng mga ito.

Masayang nilibot ni Sylvan ang bawat palapag ng malaking bahay na ito na masasabing mansyon. Ang mga alaalang naiwan ng namayapang si Sylvan Darvell na kapangalan niya rin ay nag-iwan sa kaniya ng magandang impresyon sa kaniya. Itinatak niya sa isip ang maging mabuti lalo na sa mga taong mabubuti sa kaniya.

Kailangan niya ng panindigan na siya na ang bagong nagmamay-ari ng katauhan nito ngunit nangangako siyang sa pangalawang buhay at pagkakataong ito ay sisiguraduhin niyang magiging mabuti pa rin siya ngunit magiging matapang na siya laban sa mga darating na mga problema't-unos ng buhay niya rito sa mundong hindi niya aakalaing nag-eexist talaga.