Chereads / Godly Gene: Another World / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

Hindi niya naman naramdamang masama ang intesyon nito. Pero iba din ang naiisip nito sa briefcase na hawak nito. Napanood niya din kasi yung Death Game ba yun na aalukin siya ng pera para sumali sa death game. Hindi niya alam kumg ano yung title ng palabas na yun.

Agad namang iwinala ni Sylvan Darvell ang patungkol sa naiisip niya dahil imposibleng mangyari iyon lalo na at di naman sila mamamatay dahil sa simpleng machine gun o kahit nuclear weapon pa yan. Maraming malalakas na Gene Cultivator na baon sa utang dito pero hindi mo mapatay-patay dahil kaya nilang ipagtanggol ang mga sarili nila.

Nakita niya lamang ang kaniyang sariling nasa sala ng mansyong ito. Makikitang tila nagbubukas ng briefcase ang lalaking walang hiyang pumasok sa mansyon na pagmamay-ari niya.

Hindi naman mapigilang magsalita ni Sylvan Darvell nang...

"No Deal" Sambit ni Sylvan Darvell nang makita nitong tila may lalabas na numero sa ere.

Napatingin naman sa kaniya ang lalaking nagbubukas ng briefcase at mabilis na humagalpak ng tawa.

"Hahahaha! Ano'ng no deal ka diyan. Hindi ito Gene Game Show hahaha!!!" Natatawang sambit ng lalaking nasa mid-20's nang mahinuha nito ang sinasabi nito.

"Gene Game Show? Meron ba nun?!" Sambit ni Sylvan Darvell sa lalaking humagalpak ng tawa hanggang ngayon. Wala naman siyang maalala sa memorya ng original owner na game show. Siguro nga naapektuhan ang moryang pumunta sa kaniya.

"Uso manood sa Ultra Gene Television. Tsaka hindi mo naman siguro naiisip na recruiter ako ng participants ng Gene Game Show na yun, tama ba ko?!" Sambit ng lalaki habang ang mata ay sa briefcase pa rin.

"Gene Game Show?!" Sambit ng binatang si Sylvan Darvell. Tila parang pakiramdam ni Sylvan Darvell ay baka may komunikasyon ang mundong ito sa Earth.

"Oo, yung pipili ka ng number tapos kung ano yung nasa loob na instructions ay iyon ang susubok na lalabanan ng participants. Ngunit malas lang ng iba kung malalakas na Geno Beasts ang lalapa sa kanila hahaha!" Sambit ng lalaking hindi pa kilala ni Sylvan Darvell.

Tila gusto namang mawala ni Sylvan Darvell sa pwesto niyang ito. Ang feeling na umasa pa naman siya na patungkol sa Earth ang Game Show na iyon pero iba din pala ang Gene Game Show na iyon. Mas brutal pa iyon kaysa sa mga palabas sa Earth. Naalala niya palang maraming Geno Beasts ang mundong ito at imposibleng hindi sila kasali sa brutal na existence ng mundong ito.

Nakita naman ni Sylvan Darvell ang paglitaw ng napakaraming letra sa ere. Hindi lamang iyom dahil parang hologram lang ito na gumagalaw at naglalaho sa ere. Nakikita niya palang kaso ang numero noong sa Earth siya ay talaga namang nahihilo na siya joke! Kailangan niya pa ring matuto ng math noh pero honestly speaking parang napakapambihira ito dahil secured na secured ang briefcase na ito at sobrang high tech. Mapapa-sanaol na sana siya ngunit ayaw niya namang isipin ng lalaking nasa harapan niya na naggdedeliryo at nagsasalita siya ng Alien language.

Nag-umpisa namang pumindot ng pumindot ang lalaking hindi pa kilala ni Sylvan ngunit parang pamilyar sa kaniya ang mukha nito. Nakita na siguro ito ng dating nagmamay-ari ng katawang ito kaya pamilyar ito.

Nakita niya kung paano kabilis ang pagpindot ng mga numero sa ere ang lalaking hindi niya pa kilala kung sinong pontio pilato ito.

"Grabeng bilis ng kamay ni kuya. Daig pa siguro kawatan sa bilis ng pagpindot nito. Pwede na tong professional thief kung magkataon haha!" Sambit ni Sylvan Darvell sa kaniyang sariling isipan lamang. Siguradong kasi siyang hindi matatalo ng mga magnananakaw sa planetang Earth ang lalaking trespasser na to.

Tick!

Tila napakasatisfying ng pagbukas ng malaking briefcase na dala ng lalaking nasa mid-20's na ito.

Siyempre hindi naman mapigilang hindi ma-curious ni Sylvan Darvell sa laman ng briefcase na ito na akala mo walang katapusang numero ang dapat na pindutin para lang mabuksan. Daig pa nito ang vault ng bangko para lang tuluyang mabuksan.

"Ah eh... Sylvan, di mo talaga ako matandaan? Ako to, si Gene Doctor Timon Finch." Pagpapakila ng lalaking nasa mid-20's na trespasser na ito habang nakatingin sa gawi ni Sylvan Darvell.

Agad naman inalala ni Sylvan Darvell ang lalaking nagpakilala bilang Gene Doctor Timon Finch. Hindi pa man tapos ang fusion ng memorya sa mismong consciousness niya ay alam niyang malalaman niya ang katauhan ng lalaking ito.

Agad namang naalala ni Sylvan Darvell ang Gene Doctor na si Timon Finch sa memorya niya. Nasa 180 years old na ang nakikita niyang lalaking doctor na Bestfriend ng ama niya. Masasabi niyang ni hindi naman tugma ang mukha nito sa kasalukuyan. Napakahaba ng buhay ng ordinaryong tao sa mundong ito lalo na at kayang mabuhay dito ng hanggang tatlong daang taon na hindi nag-cucultivate.

"Siguro po ba kayo na kayo si Gene Doctor Timon Finch na Bestfriend ni Papa? Ba't parang con artist lang kayo ha. Alalang-alala ko po kasi si Tito Timon Finch at malayo kayo sa makalyong mukha nito haha!" Seryosong sambit ni Sylvan Darvell sa lalaking nasa harapan nito at hindi mapigilang magbiro sa huling pangungusap na sinabi nito. Para sa kaniya ay talaga namang napakaimposible talaga na ma-reverse ang mukha ng isang nilalang lalo pa at halos nasa 40's na ang mukha nito according to his lifespan.

"Hmmp! Ano'ng makalayo ang mukhang bata ka. Di ko aakalaing sasabihin mo yan sa akin. Binibigyan pa nga kita palagi ng Special Gene Candies noong bata ka pa. Aba'y talagang nakakatampo ka." Sambit ng lalaking nagpakilalang si Gene Doctor Timon Finch.

Napangiti naman si Sylvan Darvell sa sinabing ito ng lalaking nasa mid-20's lamang ang mukha nito at talagang nakakamangha na nasa 20+ din ang bone structure nito.

Napangiti naman si Sylvan Darvell sa narinig niyang rason nang lalaking nagpakilalang si Gene Doctor Timon Finch na siyang Bestfriend ng tatay niya.

"Kayo nga yan Tito Timon pero ano'ng nangyari tito? Bakit parang bumata kayo tsaka di ko man lang maramdaman ang anumang Gene Aura mo o daloy ng anumang Geno Points sa'yo?! Tila nagtatakang sambit ni Sylvan Darvell habang makikitang nagtataka ito.

Nagulat naman si Gene Doctor Timon Finch sa sinabing ito ni Sylvan Darvell na siyang itinuring niyang pamangkin na rin. Nakikita nga niya ang resemblance ng yumao niyang matalik na kaibigan at ang namayapa nitong magandang asawa sa nag-iisang anak nitong si Sylvan Darvell. Hindi niya mapigilang makaramdam ng lungkot dahil pakiramdam niya ay buhay na buhay ang mga ito sa katauhan ng kanilang anak.

"Habang tumatagal ay lumalabas ang pagiging huling miyembro ng Darvell Family sa'yo. Patungkol naman sa tanong mo na bumata ako ay dahil iyon din ang dahilan o may kinalaman sa bagay na ito. You're quite good para matuklasan mo ang malaking pagbabago sa buong katawan ko." Sambit ni Gene Doctor Timon Finch habang nakatingin sa nag-iisang anak ng Darvell Family. Talagang nakakamangha talaga ang anak nina Myer Darvell at Rheiya Darvell. Parang pinag-fuse ang genes ng mga ito sa nagbibinata na nilang anak na si Sylvan Darvell.

"Ano po ba iyon Tito? Pwede bang straight to the point na para hindi na tayo mahirapan." Sambit ni Sylvan Darvell na sobrang kinakabahan na rin. Parang may kung ano kasing nakabara sa tono ng pananalita ng tito Timon niya.

"Oo na, masyado kang atat eh. Pero wag kang magugulat sa ipapakita ko sa'yo ha?!" Seryosong sambit ni Gene Doctor Timon Finch habang seryoso itong nakatingin sa binatang pamangkin niya.

Tamad naman tinuro ni Sylvan Darvell ang tinutukoy nito.

"Hay naku Tito, nakita ko na nga eh yoohoo... Kailangan pa bang magulat ako?! Di naman ganoon ka-appeal ang Gene Capsule na yan." Bagot na sambit ni Sylvan Darvell. Ni hindi nga nakalampas sa mata nito ang dalawang kakaibang Gene Capsule na ngayon niya lamang nakita. Usually kasi ay nakikita niyang Gene Capsule noon ay iisang kulay lamang pero ang Gene Capsule na ipinakita ng Tito niya ay talaga namang ibang iba ito. Nakita niyang tila gumagalaw at buhay ang bagay na nasa loob nito. Sabihin na nating nakakatakot naman talaga ang makita ang ganitong klaseng bagay diba. Pero ang isang Gene Capsule na nakikita niya ay halos one-fourth lamang ang laki nito kumpara sa nauna. Kung siya nga ang tatangunin ay may mas liliit pa dito? Wala ngang masyadong makikita dito liban na lamang sa parang maliliit na crystal like fragments na parang mist sa loob nito. Nasa loob ito ng isang Capsule seal.

Napangisi naman si Timon Finch sa sinabi ng kaniyang anak-anakan. Talagang kuhang-kuha nito ang expression ng tatay nitong namayapa. Ganon na ganon din kasi ang reaksyon nito kapag nakakakita ng bagay na hindi naman masyadong ma-appeal sa unang kita ng mga ito.

"Talagang minamaliit mo ang gawa ng mga magulang mo upang ihabilin ito sa'yo. Pwede ko namang ibigay ito sa iba." Bagot ding sambit ni Timon Finch sa anak ng matalik niyang kaibigan.

Tila parang tinamaan naman ng kidlat si Sylvan Darvell nang marinig nito ang sinabi ng kaniyang Tito Timon Finch. Hindi niya aakalaing gawa pala ng kaniyang sariling magulang ang kakaibang Gene Capsule na ito.

"Haha, nagbibiro lang ako Tito eh. Pwede mo ng ibigay yan sa akin now na hehe!" Awkward na sambit ni Sylvan Darvell upang pagaanin ang atmosphere ng lugar na kinaroroonan nila.

"Sige. Inumin mo na ang mga iyan tsaka tayo mag-usap ng masinsinan. Baka ipamigay ko nga to sa iba para n----" Sambit ni Gene Doctor Timon Finch ngunit mabilis namang naputol ito nang mapansin niyang parang kidlat namang kinuha ni Sylvan Darvell ang briefcase na binuksan.

Wala namang inaksayang oras si Sylvan Darvell at dali-dali niyang binuksan ang Gene Capsule Seal ng dalawang kakaibang Gene Capsules. Agad niyang ininom ito ng walang pag-aalinlangan.

Wala namang naramdamang kakaiba si Sylvan Darvell ilang araw din kasi matutunaw ang Gene Capsule na nasa katawan ng isang tao o kung anumang nilalang. Makikita ang malaking pagbabago kapag tuluyan ng natunaw ang nasabing Gene Capsules sa katawan ng uminom nito. 

May apat na uri ng Gene Capsule ang mundo na ito hanggang sa kasalukuyan. Ito ay ang Normal Gene Capsule, Special Gene Capsule, Forbidden Gene Capsule at Rare Gene Capsule. May iba't-ibang klasipikasyon ang mga ito. 

Ang Normal Gene Capsule ay isang kapsulang kayang gumawa ng visible effect after a minute, an hour or within the expected time to effect. Kagaya na lamang ng Healing ability, sprint ability at iba pa. kahit nga ang pagpapabilis ang oras ng pagdagdag ng nawalang Geno points ay magagawa nito.

Ang Special Gene Capsule ay masasabing Instant Gene Capsule Effect. Nahahati sa sampong level ang nasabing Special Gene Capsule na nakadepende sa bilis at effectiveness nang nasabing Special Gene Capsule ito. Level 1 ang pinakamababa at Level 10 naman ang pinakamataas at pinakamalakas.

Ang Forbidden Gene Capsule ay talamak sa Gene Black Market dito lalo na sa pambihirang magagawa ng uri ng Gene Capsule nito upang mabago ang resulta ng laban o di kaya ay makaligtas sa isang unfortunate events o kritikal na sitwasyon. Ipinagbabawal kasi itong gamitin lalo at malaki ang balik ng nasabing gamot na ito sa sinumang uminom o aksidenteng makalunok nito. Great power comes with a great price, ganito kasama ang nagawa ng pill na ito. Ang pinakamalalang pwedeng maging resulta ng pag-inom ng Forbidden Gene Capsule ay agarang kamatayan o pagkasawi after ng durasyon ng epekto nang nasabing kapsula.

Ang Rare Gene Capsule ang pinakakakaiba sa apat na natuklasang Gene Capsules lalo na at hindi basta-bastang nagagawa ang mga ito at hindi din kayang makita o makamit man lang ng mga ordinayong nilalang sa mundong ito. 

Karamihan sa mga ito ay tanging mga aristocrats o ang mga Elite lamang ang kayang makabili nito. Pahirapan din ang makahanap nito. This is really a treasure Gene Capsule lalo na at hindi lang ordinaryong bagay ang epekto nito na hindi ma-explain sa madaling salita lamang. Kaya nitong gumawa ng miraculous effect sa isang Gene Cultivators halimbawa na lamang ay ang permanenteng pagdagdag ng Geno Points ng isang nilalang na kakain ng Rare Gene Capsule na ito. This is really an insane genetic effects lalo na at isang non-logical ito. This goes beyond anything lalo na at Gene Capsule lamang ito. Isa pa sa halimbawa ng epekto ng Rare Gene Capsule ay kaya ka nitong bigyan ng kahit na isang Beast Soul galing sa isang Gene Extractions ng isang specific Geno Beasts.