Kasalukuyang papasok ang binatang si Sylvan Darvell sa isang may kaliitang Gene Capsule Store. Ito ang plan B niya kung saan bibili siya ng mga Normal Gene Capsules at titingin-tingin sa mga Special Gene Capsules o di kaya ay ng mga Rare Gene Capsules na binebentang produkto ng Gene Capsule Store na ito.
Bago siya pumasok ay tiningnan niya ang di gaano takaw atensyon na pahabang karatula ng pangalang ng nasabing tindahan ng Gene Capsules.
"Amaranth Gene Capsule Store hmmm... Not bad!" Nakangiting sambit ng binatang si Sylvan Darvell lalo na at nakumpirma niya ang pangalawang Gene Capsule Store na nakita niya sa internet nitong nakaraang mga araw lamang.
Naengganyo lamang kasi siya sa Red Beryl Gene Capsule Store dahil na rin sa nakita niyang reviews as well as sinabi din ng pinagbilhan niya ng mga produkto kanina na magaganda at pambihira ang kalidad ng Gene Capsules daw nito.
Pero binigo nila ang expectations ng binatang si Sylvan Darvell dahil sa pang-uugali ng mga staffs ng mismong branch ng Red Beryl Gene Capsule Store at hindi lang yun dahil na-ban pa siya sa mismong brand ng Gene Capsule Store. Para sa kaniya na galing sa Earth ay hindi dapat tinatangkilik ang ganitong klaseng pakikitungo sa mismong customers nila. Ika nga nila ay customer pa rin ang masusunod.
Sa lahat ng Gene Capsule Store ay ito talaga ang nakaagaw ng pansin niya lalo na at kahit na konti lang ang customers ng mga ito pero ang feedback ay talaga namang puro positibo mula sa produkto mismo maging sa serbisyo ng mga staffs nito. Siyempre gusto niyang maranasan kung totoo ba ang sinasabi sa feedback ng mganaging virtual customers ng mga ito.
Pagkapasok pa lamang ng binatang si Sylvan Darvell ay mabilis siyang nilapitan ng isa sa mga staffs ng mismong tindahan ng Gene Capsules.
"Magandang araw Ginoo?! Ano ang maipaglilingkod namin sa inyo?!" Nakangiting sambit ng babaeng halos kaedaran lamang ng binatang si Sylvan Darvell.
Napangiti naman ng pabalik ang binatang si Sylvan Darvell sa babaeng staff ng Amaranth Gene Capsule Store na ito.
"Uhm, saan ba matatagpuan dito ang pinakamataas na kalidad ng Normal Gene Capsule? Pwede mo bang maipakita sa akin?!" Magalang na sambit ng binatang si Sylvan Darvell. Hindi niya aakalaing may kaedaran niya din palang nagtatrabaho sa loob ng virtual Gene Mall na ito.
Napangiti naman ng malawak ang magandang babaeng staff dahil sa tinuran ng binatang nasa harapan niya. Tinuruan siya ng mga magulang niya ng tamang asal at pinapaalalahanan siyang palagi ng may-ari ng maliit na Gene Capsule Store na ito na palaging maging magalang sa mga virtual customers nila. Kaedaran niya rin ito kaya alam niyang hindi pwedeng maging intimate sa mga virtual customers nila na ganito.
"Sumunod po kayo sakin Ginoo." Sambit ng magandang babaeng Gene Staff ng Amaranth Gene Capsule Store.
Agad namang nagpatianod ang binatang si Sylvan Darvell. Masasabi niyang hindi man ganoon kalaki ang nasabing Gene Capsule Store na ito ay masasabi niyang gunamit talaga ang bawat espasyo ng lugar na ito. Hindi naman siya ganoon kasikip kung tutuusin. Mas namangha pa nga ang binatang si Sylvan Darvell lalo na at bawat espasyo ng Virtual Gene Mall ay talaga namang nirerentahan at may kaukulang binabayad ang sinumang nagrerentang negosyante rito.
Mas lalong lumawak ang ngiti ng binatang si Sylvan Darvell nang mapansin nito ang bawat nadadaanan niya ay nakahanay ng maayos ang bawat Gene Capsules habang nakaselyo din ang mga ito sa kaniya-kaniyang transparent box nito upang mapreserba ng maayos ang kalidad ng mga Gene Capsules.
"Not bad, ngunit nakakapagtaka lang na hindi man lang pumatok ang negosyong ito ng Amaranth Gene Capsule Store na I think naman ay kaya nitong lumago o di kaya ay lampasan pa ang Red Beryl Gene Capsule Store." Sambit ng binatang si Sylvan habang labis ang kuryusidad niya sa nasabing may-ari at pagkakakilanlan ng Amaranth Gene Capsule Store.
Kasi naman ay hindi din basta-basta ang paggawa ng Gene Capsules nito. Kung kalidad lang ang pagbabasehan ay kayang makipagsabayan ng produkto ng pagbebenta ng Gene Capsules ng mismong Gene Capsule Store na ito sa ibang mga tanyag na mga Gene Capsule Store dito sa loob ng Virtual Gene Mall.
Maya-maya pa ay hindi namamalayan ng binatang si Sylvan Darvell na narating na nila ang isang corner ng tindahang ito kung saan maayos na nakahanay at naka-display ang mga Normal Gene Capsules.
Nakita naman ni Sylvan Darvell ang mga kinakailangan niyang bilhin na mga Normal Gene Capsules kagaya na lamang ng Healing Gene Capsules, Sprint Gene Capsules, Airwalk Gene Capsules, Poison Gene Capsules at ng Recovery Capsules.
Nakaramdam naman ng kakaiba si Sylvan Darvell sa binebenta ng Gene Capsule Store na ito lalo pa't there are something odd na nakikita niya sa mga Gene Capsules na binebentang ng mga ito. Lalo na at kakaiba ang nakikita niyang texture at ang kulay ng mga Normal Gene Capsules ay kakaiba o paiba-iba bawat hanay pero Normal Gene Capsules pa rin ang tatak nito.
Siyempre napaka-awkward naman sa isip-isip ni Sylvan Darvell na sabihan niyang diretsahan ng magandang babaeng Gene Staff ng Amaranth Gene Capsule Store na ito na nasa isang sulok lamang habang nakatingin sa kaniyang gawi.
Normal naman ito dahil ito ang mag-aassist sa kaniya at sa kasalukuyan ay siya lang naman ang pumasok na customer ng mga ito.
For the second time ay nanghalungkat naman ang binatang si Sylvan ng gamit niya. Balahura na kung balahura ang ginagawa niya pero kaya niya namang bayaran kung sakaling pagbintangan naman soya ng kung ano-ano ng mismong Gene Store na ito kung sakali. Kailangan niyang malaman kung tama ang Intuition niya sa mga Normal Gene Capsules lalo na sa mga odd colors ng iba.
Nang mahanap ng binatang si Sylvan Darvell ang Gene Lens na maihahalintulad sa contact lens sa Earth pero high ito. Kakaiba din ang functions nito lalo na at may nakakabit na sariling sa mismong parte ng Gene Lens na ito.
Pagkatapos na maisuot ng binatang si Sylvan Darvell ang mismong Gene Lens na ito ay talagang namangha siya sa special functions ng nasabing bafay na ito. Mayroong Macro-lens functions ito at 1000× to 10,000 zoom capabilities ito even ang ultrawide functions nito ay pwede. Dinaig pa ang sikat na brand ng smartphone sa Earth o yung mga nakikita niyang mga DSLR cameras at iba pang produktong gawa ng teknolohiya o siyensya ng mundong pinagmulan niya.
Nanlaki naman ang mga mata ng magandang babaeng Gene Staff na kaedaran lamang niyang binata na nagngangalang Sylvan Darvell lalo na nang makita nito ang laman ng malaking virtual black plastic nang nasabing binata hanggang ngayon ay tila namamangha ito sa suot nitong Gene Lenes na hindi lingid sa kaalaman niya.
"Hindi ko aakalaing may naligaw na big time na customer sa Gene Store namin. Kung pwede lang mawala sa oras na ito o umabsent ako sa duty ko ngayon ay gugustuhin ko pa." Sambit ng magandang babaeng Gene Staff habang nasa isang sulok ng binatang customer nila. Never in her entire life na gustong makasalamuha ang ganitong klaseng nilalang na hindi maaaring ma-offend. Hindi niya alam kung bakit parang wala lang ang bitbit nitong virtual black plastic na may laman ng hindi niya maa-afford na mga bagay kahit pagtrabahuan niya pa ito ng buong buhay niya.
Mula sa brandless na mga tela ng damit short at iba pang mga nakita niyang tela ay talaga namang wlaang kasing mahal din ang mga ito. Ang Gene Watch nitong tila ordinaryo lamang kung titingnan ay alam niyang latest model iyon ng bagong release na Gene Watch ng isang Gene Company brand na gumagawa ng high end na mga Gene Watches. Idagdag pa ang Gene Lens nito na sobrang napakamahal na hanggang tingin na lamang ang iba dahil nakakalula ang presyo nito.
Tila nagsisisi talagang tinanggap ng magandang babaeng Gene Staff ang binatang lalaking ito sa kanilang Gene Capsule Store lalo na at inaakala niyang mahirap itong binatang ito. Hindi nila afford na magkaroon ng mayayang customers lalo na at alam niyang galit ang may-ari ng Gene Capsule Store nila sa mga mayayaman na mayroong masasama at magagaspang na ugali. Isa sa laging rason ng may-ari ng tindahan nila na ang mayayamang mga nilalang o Gene Cultivators ay hindi gagawa ng mabuti sa store nila pero hindi pa rin niya gets at mas lalong hindi siya kumbinsido sa mga sinabi sa kaniya ng boss niya na siyang may-ari din ng Gene Capsule Store na ito.
Kaya naka-come up siya ng isang ideya na hindi niya lubos aakalaing gagawin niya ngayon lalo na at alam niyang ang binatang lalaking customer niya sa mga oras na ito ay takot siyang ma-offend ito at mas lalong takot siya sa galit o sermun na matatanggap niya sa bibig mismo ng boss niya.
Nakita naman ng binatang si Sylvan Darvell ang tila inilabas ng magandang babaeng Gene staff ang isa sa pamilyar na bagay na siyang tiyak siyang ginagamit sa pagban ng mga customers dahil sa violations o pagviolate ng rules ng mismong store.
"Huuwwwaaaggg!" Malakas na sambit ng binatang si Sylvan Darvell nang makikita nitong mukhang pipindutin na ng magandang babaeng Gene Staff ang Gene Banning button.
Tick!
Tatawirin at aagawin pa sana ito ng binatang si Sylvan Darvell ang pamilyar na bagay para i-ban siya sa store na ito ngunit huli na dahil bigla na lamang niyang narinig ang paghuni ng nasabing pagpinto ng button na hawak ng magandang babaeng Gene Staff.
"Paalam binata. Sorry to disappoint you lalo na at bawal sa Amaranth Gene Capsule Store ang mga mayayamang customer." Prangkang sambit ng magandang babaeng Gene Staff habang mabilis itong tumalikod.
Nagulat man ang binatang si Sylvan Darvell sa sinabing ito ng magandang babaeng Gene Staff. Parang nabingi siya sa sinabi nitong mayamang customer daw pero naalala niya nga pala ang katangahang nagawa niya kanina.
Akmang lalakad na ang magandang babaeng Gene Staff papaalis sa lugar na ito upang bumalik sa kaniyang sariling pwesto kanina malapit sa tapat nang Gene Capsule Store nang magsalita sa likuran nito ang binatang customer nila na hindi niya alam ang pagkakakilanlan nito.
"Hindi ko aakalaing sa pangalawang pagkakataon ay maba-ban ako sa parehong araw na ito. Gusto ko lang namang bumili ng Gene Capsules dahil kung hindi ay hindi ako makagraduate nito!" Sambit ng binatang si Sylvan Darvell sa papaalis na magandang babaeng Gene Staff. Malas niya nga ba ngayon o talagang napakamalas niya palagi?! either sa dalawang ito sa naiisip ay hindi talaga maganda ang takbo ng pangyayari sa araw na ito. Natawa na lamang siya dahil na-ban siya sa unang tindahang pinuntahan niya na walang iba kundi ang Red Beryl Gene Capsule Store dahil sa napagbintangan siyang sobrang dukha, walang dalang salapi o di kaya ay magnanakaw. Pero sa pangalawang tindahan ng Gene Capsule Store na kasalukuyan niyang kinaroroonan na Amaranth Gene Capsule Store ay na-ban ulit siya dahil naman sa pagiging mayaman niya. Hindi niya alam ang logic ng dalawang store na ito kung ano ba talaga ipinaglalaban ng mga ito. Para sa kaniya ay nagnegosyo pa ba ang mga ito kung namimili pa sila ng mga customers nila. This is really funny to think lalo na at sa planetang Earth na pinagmulan niya ay basta may pero o mapera ka ay talagang mabibili mo ang halos lahat ng bagay na kinakailangan mo o gusto mong makuha o bilhin pero dito, He just lost his stance to buy himself something he can afford yet he can't.
Agad naman siyang nilingon ng magandang babaeng Gene Staff habang tila nabigla ito sa kaniyang nakita. Nakita niyang lumitaw sa uluhang bahagi ng binatang lalaking customer niya ang tatlong pabilog na dots. Ang isa ay kulay pula habang nag isa ay tila nagiging pula at green ng salitan habang ang natitirang isa ay kulay green pa.
Masasabi ng magandang Gene Staff na nagsasabi ng totoo ang binatang customer nito na kaedaran nito lalo pa't sa tingin niya ay bagong ban lang binatang estranghero na customer niya. Habang kagagawan niya naman ang muling pagka-ban nito na siyang di niya mapigilang makaramdam ng habag sa lalaking customer niya.
Nakaramdam naman ng guilt ang magandang Gene Staff dahil sa ginawa niyang padalos-dalos na pagdedesisyon upang i-ban ang binatang lalaking customer niya. Hindi naman niya masisisi ang sarili niya lalo pa't iyon naman talaga ang kaisa-isang rules ng Amaranth Gene Capsule Store na pinagtatrabahuan niya at ito ay ang pagbabawal sa mga mayayamang customer na pumunta sa store nila.