Hindi namalayan ng binatang si Sylvan Darvell na nakarating pala siya sa pinagtatrabahuan ng kaniyang Tito Timon Finch. Isang pharmaceutical company din ang pinagtatrabahuan nito ngunit nasa Testing Department ito nabibilang. Maraming specialization ang pagiging Gene Scientist at isa lamang ang Gene Doctor sa branch ng nasabing category ng pagigng Gene Scientist. Ang isang normal Gene Doctor kasi ay karaniwang makikita sa mga ospital dito ngunit iba ang Tito Timon Finch niya lalo na at nasa personal na laboratoryo niya ito nag-eeksperimento ng mga bagay-bagay upang eeksamin ang mga kakaibang bagay patungkol sa propesyon nito.
Ang pagiging Gene Doctor ay naka-clasify sa dalawang kategorya. Iyon ay ang pagiging doktor sa mga pasyente at ang pangalawa ay ang pag-aaral sa body structures mga nabubuhay na nilalang. Both are really important lalo na sa pagpapaunlad ng pamumuhay sa mundong ito. Without Gene Doctors ay maasabing marami na siguro ang namatay sa iba't-ibang mga komplikasyong nararamdaman ng isang tao sa kanilang katawan. Hindi rin magiging malakas at patuloy na umuunlad ang mga Gene Cultivators kung wala ang tulong ng siyensya. Produkto ng siyensya ang kagamitan o sandatang pangpaslang sa mababangis na Geno Beasts sa mundong ito. There's no way na magiging ganito ang mundong ito sa kasalukuyan kung walang scientists dito. Kaya nga nakaya ng mundong ito na maka-survive kahit na may mga banta ng mga mababangis at mapamuksang Geno Beasts sa kapaligiran nila. Nabubuhay ang Geno Beasts at ang mga lahi ng tao sa mundong ito ng sabay. It's either to kill or to be killed.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binatang si Sylvan Darvell nang mabilis siyang pumasok sa loob ng nasabing Pharmaceutical building na ito na napakalaki sa labas at napakataas lalo na at ilang palapag ng gusali ito nakadesinyo. Sa labas pa lamang ay masasabi mong hind rini basta-basta ang Pharmaceutical building na ito dahil sigurado siyang gawa sa pambihirang materyales ang paggawa ng building na ito. Ni wala man lang siyang nakitang bakas ng crack sa labas ng gusali ng pharmaceutical company na ito. Kung ano mang klaseng materyales ang ginamit dito ay talaga namang nakakamangha ito.
Pagkapasok niya pa lamang ay bigla na lamang bumukas ang malaking sliding door ng nasabing entrance ng Pharmaceutical building na ito. Nakakamangha naman talaga ito lalo na yung tila x-ray na pagdaan mo ay parang ina-identify ka kaagad. Talagang lumabas lahat ng information mo at automatic na makikita mo ang personal data mo lalo na sa district na pinagmulan mo.
Namangha naman ang binatang si Sylvan Darvell sa mga nakita niya. Though it's a normal circumstances lalo na at high tech nga pala ang lahat sa mundong ito na nakalimutan niya. Magrereact pa sana siya na namangha siya ngunit nakita niyang nangunot ang noo ng isang babaeng tila maihahambing sa mga nasa 30's na edad sa Earth. May salamin din itong suot habang mayroong inaayos sa malawak na desk nito.
Napatawa na lamang ang binatang si Sylvan Darvell sa kaniyang sariling isipan. Masyado kasing napatagal ang pagtitig niya sa lumitaw na data niya.
Habang papalapit naman ang binatang si Sylvan Darvell sa kinaroroonan ng magandang ale ay kita niya kung paano siyang sinuring maigi ng magandang ale kahit na mukhang matanda na ito. Nakataas pa ang kilay nito na animo'y gustong magkumpetensya sa Mt. Everest sa pataasan. Ngunit nagulat siya na tila nangunot ang noo nito. Naalala niya naman yung pelikulang sikat na napanood niya yung "Narah: Ang munting prinsesa." Hindi yung bidang si Narah yung naalala niya kundi yung kontrabidang titser nitong si Miss Memchin. Ganon na ganon ang awrang inilalabas ng pisikal na anyo nito. Nakaramdam naman ng tila pagka-intimidate ang binatang si Sylvan Darvell.
Nang makalapit siya ay mabilis namang nagkatinginan silang dalawa. Sylvan Darvell put a straight face.
Napatayo naman ang nasabing babaeng nasa malapit sa daanan ng hallway na ito.
"Ano'ng ginagawa ng isang binatang may 55 Geno Points dito?!" Sambit ng babaeng kanina pa sumusuri sa kaniya. Talagang may diin ang huling sinabi nito sa Geno Points nito.
Bahagyang nagulat naman ang binatang si Sylvan Darvell sa paunang pambungad sa kaniya ng magandang babaeng ale.
"Magandang araw po. Bakit niyo po alam ang Geno Points na meron ako?!" Nagtatakang sambit ng binatang si Sylvan Darvell. Hindi niya aakalaing madali lamang mababasa ng magandang babaeng ale ang kaniyang sariling Geno points na meron siya.
"Dahil isang Pharmaceutical Company ito binata. Hindi ko aakalaing ang lakas ng loob mong pumasok sa loob ng building company namin na ganyan lang ang Geno points mo? Nakakatawa ka!" Sarkastikong sambit ng magandang babaeng ale habang hindi nito pinigilan ang mga naiisip nito at gustong sabihin sa binatang lalaking nasa harapan niya.
"Anong ganyang Geno Points? Porket mababa ang Geno points ko ay hindi naman nangangahulugan na mahina ako noh Tsaka pwede namang pumasok dito hindi ba?!." Sambit ng binatang si Sylvan Darvell. Walang buhay ang pagkakasabi niya. He jsut plainly said it.
"There's no wrong in your Geno Points pero masasabi ko na hindi nararapat sa edad mo ang kasalukuyang Geno points mo. Do you really cultivate or you just plainly want to enjoy your remaining life here in this world." Sambit ng magandang babaeng ale na halatang iniinsulto siya nito.
Napanguso na lamang ang binatang si Sylvan Darvell habang tiningnan ang magandang babaeng ilang dipa lamang ang layo mula sa kaniyang pwesto.
Nagkasukatan pa ng tingin ang dalawa nang biglang napahagalpak ng tawa ang magandang babaeng ale na kanina'y iniinsulto siya nito.
Kasabay niyon ay lumabas sa hallway ang isang pamilyar na bulto ng lalaki na kilalang kilala ng binatang si Sylvan Darvell. Wala na ngang iba pa kundi ang kaniyang tito.
"Timon, ito na pala ang anak ng Bestfriend mo ha. Hahaha!!!" Sambit ng magandang babae habang maarte pa itong tumawa.
"Ate naman, ba't mo naman pinagtripan si Sylvan. Pinapasakit mo talaga ang ulo ko sa kalokohan mong to!" Sambit ng bagong dating na lalaking si Gene Doctor Timon Finch habang mahina itong napatampal sa kaniyang noo.
"Wow ha?! What's with your attitude little brother. Ito pala ang nag-iisang anak ng pamilya Darvell. Do you really think that's his capable to m-----!" Maarteng sambit ng magandang babaeng kapatid nitong si Gene Doctor Claire Allyson Finch. Kahit na may class ang pagkakasabi nito ay talagang makikita pa na walang preno-preno ito sa mga sinasabi nito. Bago pa niya matapos ang sasabihin niya sana ay mabilis siyang pinutol sa pagsasalita nito ng kapatid nitong si Gene Doctor Timon Finch.
"Ate naman, pati ba naman yan ay sasabihin mo. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko." Tila frustrated na sambit ng lalaking si Gene Doctor Timon Finch habang nahihiyang nakatingin sa binatang si Sylvan Darvell ngunit mabilis nitong tiningnan ng makahulugan ang ate nitong si Gene Doctor Claire Allyson Finch na pasimple lamang na nakangisi sa kaniya na ikinainis niya.
"Oh, hindi ko aakalaing may anak ang magiting na mag-asawang Darvell na isang lampang lalaki. Sa edad nitong labing anim ay di man lang nakatungtong sa Level 1 at halos lagpas kalahati lamang ang Geno points nito. Nakakaawa ngunit nakakatawa hahahahahaha!" Sambit ng magandang babaeng si Gene Doctor Claire Allyson Finch. Kung gaano ito ka-class magsalita ay ganon din ang pagiging prangka nito kung magsalita.
"Ate naman, hanggang ngayon ba ay may galit ka pa rin sakin ha? Hindi yung ibubunton mo nalang sa anak nila ang kinikimkim mong pagkapoot sa amin!" Makahulugang sambit ng lalaking si Gene Doctor Timon Finch habang bakas sa mukha nito na hindi na natutuwa sa sinasabi ng kaniyang sariling nakakatandang kapatid.
"Ah talaga ba? Ipakita mo nga kung paano magalit ang isang Timon Finch ng pamilya Finch. Ipakita mo nga?!" Makahulugang sambit ng magandang babae habang nanlilisik ang pares ng mga mata nitong nakatingin sa kapatid nitong si Gene Doctor Timon Finch. Tila ba may kung anong gustong ipakahulugan ang mga tinging ipinupukol nito sa nakababatang kapatid nito.
Nang marinig ito ng lalaking si Gene Doctor Timon Finch ay mabilis nitong ikinalma ang kaniyang sarili upang magpigil ng sobrang inis. Hindi niya pa rin kinakalimutan na nandito sa lugar na ito ngayon ang anak ng Bestfriend niya na siyang ama ni Sylvan Darvell.
"Hindi ko hahayaang idamay pa ng ate ko ang binatang si Sylvan Darvell na anak nila. Ipinangako ko pa naman sa kanila na gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang anak nila pero alam kong hindi ko sila kaya. Sooner or later ay sasabog na ang katotohanan. Ano'ng gagawin ko." Seryosong sambit ng lalaking si Gene Doctor Hak Ye-jun sa kaniyang sariling isipan lamang habang napapikit pa ng kaniyang mga mata. Sari-saring emosyon ang namumuo sa kaniya. He just can't handle anything on his will lalo na at ang sariling kapatid niya mismo ang naghirap at sumalba sa kaniya.
Gulong-gulo siya sa totoo lang. Wala silang receptionist dito o kung anuman. This is also trigger his own sisters distress and anger sa kanilang tatlo lalo na sa pamilya Darvell. Alam niyang ang ate niya ang halos nagsakripisyo ng lahat yet she just full of hatred in her heart. Parang bomba na bigla-bigla na lamang sumasabog.
"Pumasok ka na doon ate sa loob. Mag-uusap lang kami ni Sylvan Darvell. Kung maaari." Malamig na sambit ng lalaking si Gene Doctor Timon Finch habang masasabing nakikiusap talaga ito. He don't want to make things gets worse lalo na at ang paglitaw ng anak ng Bestfriend nito ay hindi magandang simula. Ayaw niyang i-spill ng ate niya ang mga nalalaman nito sa binatang si Sylvan Darvell na wala naman talagang kinalaman sa nangyari noon.
Napangiti naman ang magandang babaeng kapatid nitong si Gene Doctor Claire Allyson Finch. Hindi mo talaga alam kung ano ang takbo ng utak nito. Mabilis kasing nagbago ang ekspresyon sa mukha nito na parang natutuwa o nasisiyahan.
"Sure little brother. I don't want to stay in this stench hallway." Nakangiting sambit ng magandang babaeng si Gene Doctor Claire Allyson Finch. Mabilis itong lumakad papasok sa mahabang hallway.
Nang masiguro naman ng lalaking si Gene Doctor Timon Finch na wala na ang presensya ng ate niyang si Claire Allyson ay mabilis niyang tiningnan ang binatang si Sylvan Darvell at nagwika.
Pagpasensyahan mo na ang tita Claire Allyson mo Sylvan. She's just bitter about the past. Kung magkita ang landas niyo sa susunod ay iwasan mo nalang siya at hindi mo papakinggan ang sasabihin niya. There's no way na totoo ang sinasabi nito." Sambit ng lalaking si Gene Doctor Timon Finch na siyang tito nito. Halatang gusto niyang pagaanin ang atmospera.
"Ano po bang nangyari Tito noon? May mali po bang nagawa ang magulang ko sa kaniya? Parang mas malalim kasi ang pinagmulan ng galit nito. Kaya ba pinagsalitaan niya ako ng masama dahil nalaman niyang isa akong Darvell?!" Sunod-sunod na sambit ng binatang si Sylvan Darvell na halatang kanina pa naguguluhan. Sa totoo lang ay wala siyang alaala patungkol sa kapatid ng Tito Timon niya. Kung saan man nagmumula ang galit nito ay sigurado siyang damay na siya rito.
Tila nabahala naman ang lalaking si Gene Doctor Timon Finch sa mga katanungan ng binatang si Sylvan Darvell na anak ng matalik na kaibigan niya.
"Hinid ko masasagot ang lahat ng katanungan mo Sylvan sa kasalukuyan. Kahit malaman mo man ay siguradong madadamay ka. Kahit ako ay baka hindi ko magawang protektahan ka o maging ang sarili ko kapag nagkataon." Makahulugang sambit ng lalaking si Gene Doctor Timon Finch habang makikita ang labis na lungkot sa mukha nito.
"Ano po ba ang maaari kong gawin Tito para malaman ko ang katotohanan patungkol sa nakaraang nangyari Tito? Hindi maaaring di ko alam iyon at sigurado akong damay na ako dito dahil isa akong tunay na nagmula sa pamilya Darvell. Wala ba kong karapatan na malaman ang katotohanan?!" Emosyunal na sambit ng binatang si Sylvan Darvell. Even though he really are not the real Sylvan Darvell of this world, he really wants to know what happen to this tragic family of Darvell. Siya na lamang ang natitirang nabubuhay sa Do Family. Ano nga ba ang pamilyang kinabibilangan niya. Ang tiyahin niya kasi ay hindi naman niya ito kadugo talaga. Ampon at sampid lang sa pamilya Darvell ito.