Chereads / Godly Gene: Another World / Chapter 12 - Chapter 11

Chapter 12 - Chapter 11

"So you mean na ang customer range niyo lamang ay mga normal customers lamang, Binibini?" Sambit ng binatang si Sylvan Darvell nang malaman niya sa dalaga ang sinasabing kaisa-isang rules ng Amaranth Gene Capsule Store na ito. Dina-digest niya pa ang nalalaman niya lalo na at hindi kasi siya makapaniwala na may ganitong rules dito.

"Oo Ginoo, talaga naman iyon ang nag-iisang rules. Either they take it or leave it. There are no such thing na makaka-order ka dito ng hindi tataas sa 100 Capsule. Iyon na ang pinakasagad na order at pwede kang umorder ng isa or dalawa lamang basta hindi lalagpas sa pinakalimit nito." Sambit ng babaeng Gene Staff habang ikinikwento pa nito ang further instructions ng Amaranth Gene Capsule Store. Karapatan din kasing malaman ito ng binatang customer nila sa kasalukuyan. 

Bigla namang napangiti ang binatang si Sylvan Darvell lalo na at alam niya ang ganitong klaseng kalakaran. Parehas sa Earth ay meron kasing target ang pagnenegosyo. Meron yung target customers nila ay puro mayayaman. Meron din ang target nila ay mga average customers lamang o di kaya ay pangmasa talaga ang target customers nila. Pero meron ding isang uri pa ng target customers at yun ay gumagawa ang isang negosyo ng rules to limit and priotize other customers. Merong limitasyon at merong mga certain rules na dapat sundin.

"Gets ko na haha... Para hindi magkaroon ng hoarding o monopoly." Sambit ng binatang si Do Eun na animo'y nakuha na nito ang pinupunto ng store na ito.

"Para ganon na nga hehe..." Sagot naman ng magandang babaeng Gene Staff habang tila sinasakyan niya nalang ang sinasabi ng binatang lalaking customer niya.

Ngunit bigla namang lumungkot ang mukha ng binatang si Sylvan Darvell nang maisip nito ang isang bagay na pinoproblema niya at iyon ay ang pagkakaban niya sa Amaranth Gene Capsule Store.

Tila napansin naman kaagad ng babaeng Gene Staff ang naging kilos ng binatang si Sylvan Darvell na siyang customer niya kanina lalo na at panay tingin nito sa repleksyon niya sa Glass Wall ng Amaranth Gene Capsule Store.

"Kung pinoproblema mo ang pagkaka-ban mo sa Amaranth Gene Capsule Store namin ay wag kang mag-aalala dahil may solusyon ako diyan!" Sambit ng babaeng Gene Staff habang makikita ang saya sa maamong mukha nito. Hindi naman niya maaatim na hindi makakabili ang lalaking customer niya ng alinmang Gene Capsule na gusto nito partikular na rito ang Normal Gene Capsules na kinakailangan daw nito. 

Nangunot naman ang noo ng binatang si Sylvan Darvell sa sinabing ito ng babaeng Gene Staff lalo na at hindi nito alam ang ipinupunto nito. Labis naman siyang nagtaka lalo na at ang dalawang pagka-ban sa kaniya ng dalawang Gene Capsule Store ay talagang liliit ang chance niyang makabili pa ng mga produktong kinakailangan niya.

Mabilis namang inilabas ng magandang babaeng Gene Staff ang Gene Banning Button sa kamay nito. Ipinakita pa ng magandang babaeng ito ang tila maliit na green button sa tabi lamang ng isang malaking Red Button. Para bang natuod ang binatang si Sylvan Darvell at parang hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita.

"Isang undo button ba yan? So you mean is temporary ban lang ang nangyari sa akin kanina?!" Tila hindi makapaniwalang sambit ng binatang si Sylvan Darvell habang makikita ang tuwa sa mga mata nito. Masasabi niyang may chance pa siyang makabili ng Normal Gene Capsules sa mismong tindahan na ito ng Amaranth Gene Capsule Store.

"Yes. Tsaka di mo siguro binasa ang user manual ng Virtual Gene Mall patungkol sa banning system noh? May tatlong uri kasi ng Banning System ang Virtual Gene Mall pero tanging dalawa lamang ang karaniwang alam ng lahat. Temporary banning na pwedeng i-lift o tanggalin ng isang Virtual Gene Store at ang permanent banning na hindi na pwedeng tanggalin ng isang Virtual Gene Store. Ang pinakahuli ay ang Ultimate Banning na kulay black meaning ay magiging Blacklist ka sa Virtual Gene Mall. Once the Virtual Gene Mall detected a threat or suspicious activity sa online ng isang customer, they cannot log in here para magvirtual shopping."mahabang salaysay ng magandang babaeng Gene Staff habang mabilis nitong pino-point out ang patungkol sa banning system. 

"So yun na yun?! Kaya pala." Sambit ng binatang si Sylvan Darvell habang nagkakamot pa ng kaniyang batok. Hindi naman talaga niya binasa yung Terms and Agreement ng isa sa mismong Virtual Gene Mall.

"Haha di mo nga binasa yung Terms and Conditions. Isa pa ay even you are permanent ban sa specific store dito ay malaya ka pa ring makakagala sa Virtual Gene Mall na ito. Di man ito gaanong kalakihan kagaya ng iba pang Virtual Gene Malls ay masasabi mong worth it din ang mabibili mo dito." Sambit ng babaeng Gene Staff habang nakangiti. 

"Hindi ko nga binasa pero di ko aakalaing pwede pang gumala dito kahit puro Red Button na ang nasa uluhan kong to hahaha." Tila natatawang sambit na lamang ng binatang si Sylvan Darvell lalo na at pakiramdam niya ay masyado siyang naging pabaya sa simpleng bagay na ito. Sa Earth kasi puro agree nalang pinipindot yun bang scoll tapos pipindutin agad yung Agree na hindi nagbabasa man lang. Kaya maraming naloloko o na-scam palagi lalo na pag online.

Tick!

Narinig na lamang ng binatang si Sylvan Darvell ang pagtunog ng nasabing button kung saan ay nakitan iyang bumalik sa dating green light ang tila nasa uluhan niya. Na-lift na din sa wakas ang temporary ban niya sa Amaranth Gene Capsule Store. This will enable him to complete his transactions?!

"Maraming salamat. So pwede na kong makabili ulit ng Gene Capsules dito?!" Sambit ng binatang si Sylvan Darvell habang makikita ang labis na kagalakan sa mukha nito.

"Yes pero sa susunod ay wag kang bibili nang mga bagay na mamahalin at ibalandra sa publiko o di kaya ay sa Amaranth Gene Capsule Store dahil siguradong malilintikan ako sa boss ko na may-ari ng tindahang ito." Seryosong paalalang sambit ng babaeng Gene Staff habang makikita ang labis na pagguhit ng pagkabahala sa mukha nito.

Tila nagulat naman ang binatang si Sylvan Darvell sa sinabing ito ng magandang babaeng Gene Staff lalo na at parang may kung ano itong gustong ipahiwatig na mas malalim pa sa sinabi nito.

Napatango naman ang binatang si Sylvan Darvell sa sinabing ito ng babaeng Gene Staff at muling nagsalita.

"Sige. Sang-ayon ako sa iyong sinabi tsaka salamat sa payo mo. Kung di dahil sa'yo ay hindi ako makakabili ng Gene Capsules." Sambit ng binatang si Sylvan Darvell habang nakatingin sa gawi ng babaeng Gene Staff. 

Pinaningkitan naman ng babaeng Gene Staff ang binatang si Sylvan Darvell at nagwika.

"Sabihin mo yan kung nakapili ka na haha... Di pa ko nakabenta sa araw na ito at sinayang mo ang mahalaga kong oras." Pabirong sambit ng babaeng Gene Staff habang makikita pa rin sa kaniya ang pagiging propesyunal nito o di kaya ay dedikasyon niya sa kaniyang sariling trabaho.

Napatawa naman ang binatang si Sylvan Darvell sa sinabing ito ng magandang babaeng Gene Staff. 

"Sige. Mamimili na ko haha." Sambit ng binatang si Sylvan Darvell habang mabilis nitong nilapitan ang mga Normal Gene Capsules nang malapitan. 

Masayang pinagmasdan at obserbahan nito ang mga Normal Gene Capsule. Marami rin siyang natipuhan sa mga uri ng Gene Capsules. Ilang minuto din siyang namili sa mga ito at selected lang ang binili niya lalo na at hindi naman kasi lahat ng mga nakkkita niya ay mabibili niya. Only 100 Gene Capsules.

Nakatulong ng malaki ang Gene Lens na suot niya para masuring maigi ang bibilhin niya.

Iminungkahi di ng magandang babaeng Gene Staff na bawal gumamit ng Gene Lens dito lalo na sa pagsuri ng mga Gene Capsules dahil isa iyon sa mga mamahaling bagay na ikakapahamak niya kapag malaman o nalaman ito ng kaniyang sariling boss. Bawal ang mayayaman dito at tanging normal na customers lamang ang binebentahan nila.

Wala namang nagawa ang binatang si Sylvan Darvell kundi tanggalin ito. Hindi naman kasi masusuri ng Gene Lens ang properties ng paggawa ng Gene Capsules o kung saan gawa ang nasabing mga pambihirang kapsula. Ayaw niya namang mawalan ng trabaho ang babaeng Gene Staff na tumulong sa kaniya at nagbigay ng ideya sa kaniya sa pagpili ng mga Normal Gene Capsules na bibilhin niya.

Hindi naman nabigo ang binatang si Sylvan Darvell dahil halos napili niya din ng maayos ang mga Normal Gene Capsules at karamihan sa mga ito ay ang pangunahing bibilhin niya patungkol sa paggamot, pagrestore ng geno points niya, panangga laban sa mga makakamandag na mga lason at mga recovery gene capsules. 

Nalaman niya din na ang mga nakahanay na pareho-parehong mga Gene Capsules katulad ng mga Recovery Gene Capsules ay subsets ito kung saan ay mayroong iba't-ibang kategorya. Halimbawa na lamang ng Recovery Gene Capsules ay ang Green Crane Recovery Gene Capsules na may kakayahang paiksiin ang oras ng pagkapagod mo na two-times ang epekto sa mismong ordinaryong recovery gene capsules. Ganon ito kabangis.

Ang mga subsets na ito ay mga epekto lamang sa eksperimento ng nasabing Recovery Gene Capsules pero hindi lahat ay puro dagdag o may extrang epekto dahil ang iba ay mababa ang epekto nito sa gagamit. Mayroon din kasi itong downside lalo na kung gagamit ay masyado ng mataas ang lebel ng mismong Gene Cultivators, natural lamang na di ito tatalab at baka magreresulta lamang ito ng di maganda sa iinom ng partikular na Gene Capsules. This will only bring harm to certain Gene Cultivators lalo na ang mga pasaway.

Kaya kinuha na rin ng binatang si Sylvan Darvell ang mga subsets ng mga Normal Gene Capsules lalo na at mas epektibo rin ang mga ito. Meron din siyang panggagamitan nito bago niya tuluyang gamitin ito sa oras na kinakailangan niya ito. Siyempre sinuri niya rin itong maigi lalo na at hindi kasi lahat ng mga ito ay epektibo o bagay sa panggagamitan niya. 

Pumili rin ang binatang si Sylvan nang mga Special Gene Capsules. Nagtataka man ang nasabing babaeng Gene Staff sa kaniyang naging alsyon ay minabuti na lamang nitong hindi magtanong lalo na at desisyon ito ng binatang lalaking customer nila. 

"Ang 100 gene capsules na binili mo ay nagkakahalaga lahat ng 95,000 Gene Coins. Nilagay ko sa iba't-ibang account para di tayo mabuko hahaha..." Natatawang sambit ng magandang babaeng Gene Staff. Hindi nga kilala ng binatang lalaking si Sylvan Darvell ang nasabing Gene Staff lalo pa at bawal sa mga ito ang magbigay ng personal na impormasyon. Isang rules nila bilang isang Gene Staff. Naiintindihan naman ito ng binatang lalaking si Sylvan Darvell lalo na at ito ang karaniwang rules ng mga Gene staffs. 

"Maraming salamat talaga Binibini. Kung di dahil sa'yo ay di ako makakabili ng mga Gene Capsules. Sambit ng binatang si Sylvan Darvell.

Tila kinumpas naman ng magandang babaeng Gene Staff ang kamay nito at nagwika.

"Wag kang umiyak binata. Ang laki mo na noh hahaha pero sa totoo lang ay dapat ako ang humihingi ng paumanhin. Eh bawal talaga eh hahaha!" Sambit ng magandang babaeng Gene Staff habang di nito mapigilang magbiro sa huli.

"Pinapakonsensya mo ko Binibini. Pero pwede ko pang i-extract ang mga binili kong Gene Capsules?" Sambit ng binatang lalaking si Sylvan Darvell habang nagkakamot ng kaniyang batok.

Tila nabigla naman ang magandang babaeng Gene Staff sa sinabing ito ng binatang lalaking customer nila. Hindi makapaniwalang tiningnan nito ang binatang lalaking customer nila.

"Wag mong sabihin tototohanin mo ang sinabi mo binata? Pwede naman talagang gawin iyon at hindi iyon ipinagbabawal lalo na at binili mo na iyon. At the end of the day, ikaw pa rin ang gagamit niyon." Simpleng sambit ng babaeng Gene Staff habang pilit itong nakangiti. Hindi niya aakalaing susubukan ng lalaking customer niya na diskubrehin ang loob ng Gene Capsules. Hindi niya alam kung may pagkasaltik ito sa ulo lalo na at extractions ang mangyayari at pag-aaralan nito ang loob ng Gene Capsules which is mga pambihirang mga scientist lamang ang may lakas ng loob ng pag-aralan ito. Even ordinary persons cannot make it. 

Natawa din siya dahil madaldal din ang lalaking customer niya. Biruin mo ay pinagmamalaki pa nito na naka-20 geno points na ito sa edad niyang ito pero nakikita niyang geniune naman at di naman ito nagmumukhang mayabang. Sinabayan niya nalang ang trip nito lalo na at hindi niya aakalaing may nag-eexist pa palang ganitong klaseng lalaking nag-aaral sa Gene School na 20 geno points palang.

Paano pa kaya kung nalaman ng magandang babaeng Gene Staff na 5 Geno Points lang ang meron ito talaga at hindi 20 Geno points habang hindi ito nakagraduate dahil sa kakulangan ng Geno points nito upang makapag-evolve.

O siya, mauna na ko magandang Binibini." Magalang na sambit ng binatang si Sylvan Darvell matapos nitong makapagbayad. Nilagay niya sa loob ng virtual black plastic niya ang mga pinamili niyang Gene Capsules. 

Agad na pinindot ng binatang lalaking si Sylvan Darvell sa kaniyang bagong Gene Watch ang logout shopping button kung saan ay mabilis na naglaho ang kaniyang sariling katawan sa mismong Amaranth Gene Capsule Store.