"Yun ang inaakala niya dahil hindi ko hahayaang manakawan tayo dahil mananagot tayo sa mismong nakakataas sa atin sa Red Beryl Gene Capsule Store mismo. Tapos na ang pagtitimpi kong ito!" Sambit ng magandang babaeng Gene Manager ng Red Beryl Gene Capsule Store ng branch na ito sa loob ng Virtual Gene Mall. Feeling niya kasi ay hindi gagawa ng mabuting bagay ang binatang nakasuot lamang ng napakalumang damit habang wala man lang itong dalang kung ano. Kapansin-pansin din ang dala nitong malaking supot na kung hindi siya nagkakamali ay laman lamang nito ay puro mga nakaakdiring mga cheap na bagay.
Ang nakakainis kasi sa Virtual Gene Mall ay pwede kang magdala ng mga basura dito kahit na ipagbawal pa ito kasi ito lang naman ang nakakalusot. Ang mga patlaim o anumang deadly weapons ay kahit magdala ka pa dito ay hindi mo pa rin mapipinsala ang sinuman dito dahil hindi aktuwal na katawan mo ang pumapasok sa Virtual Gene Mall. Parang replika lang dahil sa mataas na antas ng teknolohiya ng mundong ito.
Napangisi naman ang malaking bulto ng lalaking Gene Guard maging ang ilan sa mga Gene staffs na nakatingin lamang sa binatang lalaking napakadukha tingnan sa suot nito.
Matagal na sila sa kalakalan sa virtual selling kung kaya't nasisiguro nilang marunong silang kumilatis ng mayayaman at mahihirap sa unang tingin pa lamang nila. Ang mga simpleng mayayaman kasi ay kahit naka-casual attire lamang ang mga ito ay branded ang mga suot nilang mga damit mula ulo hanggang talampakan. Nagsusumigaw ang mga ito ng karangyaan kahit sa pagkilos pa lamang nila.
Ang mahihirap na mga tao o Gene Cultivators ay masasabi nilang sila yung pala-tanong, pala-utos o di kaya ay pala-tingin lamang ng mga binebenta nila. Sigurado din ang magandang babaeng Gene Manager maging ang iba pang kasamahan niya sa Red Beryl Gene Capsule Store na mahirap pa sa daga ang binatang hanggang ngayon ay nakatingin at palipat-lipat pa ang pwesto nito sa mga binebenta nilang mga pambihirang Gene Capsules.
Talagang masisira ang araw nila dahil sa paglitaw ng binatang lalaking kala mo ay talagang bibili. Nasa isip na nilang baka walang hiyang kawatan ang binatang pumasok sa Gene Capsule store nila.
Agad na inilabas ng magandang babaeng Gene Manager ang isang tila isang pa-square na bagay sa bulsa nito.
Nakita naman ito ng lahat ng staffs ng mismong Red Beryl Gene Capsule Store. Mas natuwa pa nga ang Gene Guard dito dahil sa nakita niyang inilabas ng Gene Manager nila.
"Sigurado akong walang kawala ang binatang yan dahil mamarkahan siyang bawal ng pumasok sa loob ng kahit na ano'ng klaseng branch ng Red Beryl Gene Capsule Store hehe!" Nakangiting sambit ng malaking lalaking Gene Guard habang halos patayin niya na ng tingin ang binatang si Sylvan Darvell na tila namamangha pa sa nakita nito na parang ngayon lamang nakakita ng mga pambihirang Gene Capsules.
"Buti nga sa binatang hampas-lupang iyan para maturuan ng leksyon. Ano'ng akala niya sa Red Beryl Gene Capsule Store, ka-lebel ng kadukhaan niya!" May pagkamalditang sambit ng nagmamagandang Gene staff ng nasabing Gene Capsule Store na ito.
"Mabuti pa at pindutin mo na iyan Gene Manager nang matauhan na ang binatang hampas-lupang iyan para na rin masampulan na rin ang ibang mangangahas na gumawa ng gulo sa Red Beryl Gene Capsule Store natin!" Sambit ng isang pang babaeng Gene Staff na halatang hindi na rin natutuwa sa presensya ng binatang lalaking napadukha kung titingnang maigi. Wala man lang hint na may pera o kayamanan man lang itong dala.
Wala namang inaksayang oras ang magandang babaeng Gene Manager nang mabilis nitong pinindot ang Gene Banning Button para tuluyang mamarkahan na ban ang binatang nakasuot ng napakalumang damit na hindi pa branded sa alinmang branches na pagmamay-ari ng Red Beryl Gene Capsule Store.
Tick!
Kasabay ng pagpindot ng Gene Banning Button ay siya ring naramdaman ng binatang si Sylvan Darvell ang paglaho ng katawan.
Nagulat naman ang binatang si Sylvan Darvell nang makita niya ang kaniyang sariling nasa labas ng store.
Tiningnan naman ng binatang lalaking si Sylvan Darvell na pinagtitinginan siya ng mga taong nasa labas.
"Pati ba naman dito, maraming mala-ala Marites (Chismoso't-Chismosa). Kala ko sa Earth lang madami eh dito din pala?!" Sambit ng binatang si Sylvan Darvell. Naalala niya naman ang nababasa niyang mga cultivation novels, yung napakaraming mga umaaligid sa bida. Napatawa naman ang nasabing binata sa kaniyang naiisip.
Masasabi niyang hindi siya bida ng mundong ito. Kahit minor role lang ay hindi siguro niya magamdapan. Napakaraming mga Gene Cultivators dito at nag-iisa lamang siya. Unlike sa mga naababaass niyang mga bida na naghihirap o di kaya ay mula sa mahirap na pamilya. Eh siya nga ay hindi na niya porpoblemahin ang pera dahil sobrang yaman niya na. Perks of being the only child of his Family. Kaya niya ngang bilhin ang lahat ng produkto sa Virtual Gene Mall nang hindi man lang nababawasan ng malaki ang savings ng magulang niya. Ganon siya kayaman pero hindi siya yung taong gagastusin lang ang lahst ng perang ito para bilhin ang Virtual Gene Mall na ito dahil hindi naman siya isang Gene Businessman at di niya planong maging negosyante.
Narinig naman ng binatang si Sylvan Darvell ang sinasabi ng mga nakapaligid sa kaniyang mga tao. Talagang ang lakas pa ng pagkakasalita ng mga ito na animo'y parang wala lang siya dito.
"Buti naman at na-ban na ang binatang lalaking iyan na pumasok sa Red Beryl Gene Capsule Store!"
"As expected sa Red Beryl Gene Capsule Store, hindi sila nagpapasok ng mga maralitang mga nilalang!"
"Kaya nga ako ay hindi nga sinubukang pumasok sa Red Beryl Gene Capsule Store na yan kasi alam kong wala akong perang pambili!"
"Hala bawal na ba ang Virtual Window Shopping dito?!"
"Siguro ay yun na nga. Wala na ngang pambili pero pumasok pa sa Red Beryl Gene Capsule Store!"
"Katakot din pala ang Red Beryl Gene Capsule Store noh!"
"Sinabi mo pa! Bigatin kaya ang may-ari ng Red Beryl Gene Capsule Store!"
Ilan lang iyan sa mga naririnig ng binatang si Sylvan Darvell matapos siyang mapalabas ng sapilitan sa loob ng mismong branch ng Red Beryl Gene Capsule Store.
Agad namang tiningnan ng binatang si Sylvan Darvell ang kaniyang sariling repleksyon. Nakita niya sa ibabaw ng uluhan niya ang nakalutang na isang red light. Kanina ay tatlong green light yun pero ang isa ay naging kulay red na. Isang banning system ito sa Virtual Gene Mall para magvirtual shopping ang mga tao. Nakakonekta pa naman sa mismong identification card ng sinuman ito. Ang Virtual Gene Banning System ay ginawa ito upang ma-ban ang mga manlolokong Virtual Shoppers dahil sa violations o paglabag. Kapag pumula na ang lahat ng tatlong Green Light ay tanda na permanent ban na ito sa Virtual Gene Mall. Isang kahihiyan na ito sapagkat mamarkahan kang isang Gene Shopper Violator. Ang mga Virtual Gene Shopping Store na nagban sa iyo ay hindi mo na pwedeng pasukin ang Store na iyon.
Agad namang hinanap ng binatang si Sylvan Darvell ang settings ng individual Virtual Shoppers sa Gene Watch niya. Nakita niyang hindi na niya magagamit ang special functions ng pagiging customer niya dito na ikinanlumo niya.
Pero nag-isip naman ang binatang si Sylvan Darvell nang paraan baka sakaling magkaroon pa siya ng pag-asa na magkaroon ng special functions.
Agad namang nagliwanag ang mukha ng binatang si Sylvan Darvell nang maalala niyang may binili pala siyang pinaka-latest model ng Gene Watch na isang gene device na higit na mas advance ang technolohiya niyon at mas maraming functions kumpara sa napakalumang Gene Watch na meron siya ngayon.
Mabilis na nangukay ng pinamili niyang mga mamahaling mga gamit na nasa loob ng malaking virtual black plastic. Hindi naman nahihiya ang binatang si Sylvan Darvell na hukayin at hanapin ang binili niyang latest model ng Gene Watch at alamin kung sulit ba ang pagbili niya rito.
Nang makita niya na ito ay mabilis na niya itong binuksan ang box na naglalaman ng mamahaling latest model ng Gene Watch na binili niya. Pagkakita niya ng mismong Gene Watch ay namangha siya at agad na rin niyang sinuot.
Nang masuot niya na ito ay kusang nag-on ang Gene Watch na suot niya at lumit ang tatlong pabilog na bagay sa ibabaw ng mismong Gene Watch.
Hindi naman mapigilang mamangha ng binatang si Sylvan Darvell sa nabili niyang latest model ng Gene Watch na ito. Maraming nakasulat pero hindi niya na ito pinansin dahil agad niyang hinanap ang settings ng Virtual Gene Shoppers na maihahalintulad sa isang Customer Service sa Earth. Naka-sync na din kaagad ang lahat ng data niya nang i-auto connect niya ito sa Gene device earpiece niya. Compare sa lumang Gene Watch niya ay walang panama ito sa bagong bili niyang Gene Watch.
Labis na madismaya naman ang binatang si Sylvan Darvell dahil hindi niya magagamit ito sa ibang branch ng Red Beryl Gene Capsule Store dahil permanently ban na siya.
Agad namang inilagay ng binatang si Sylvan Darvell ang lumang Gene Watch niya sa loob ng malaking virtual black plastic niya ang pinamili niya. Meron naman siyang Gene Virtual Storage pero feel niyang bitbitin itong pinamili niya. Nasanay siyang may bitbit ng supot o ilagay sa plastic eh. Hassle din kung ilalagay niya sa Gene Virtual Storage niya dahil kakabili niya lang ito kanina at by categories ng binibili ang dapat ilagay. That will takes time lalo na at napakaignorante niya sa ganitong ka-high tech na bagay na di niya aakalaing ma-eexperience niya.
Agad namang umalis ang binatang si Sylvan Darvell sa lugar kung saan pakiramdam niya ay napahiya talaga siya lalo na at hindi naman siya naman pumunta sa loob ng Red Beryl Gene Capsule Store upang manggulo. He just want to choose Normal Gene Capsules na bagay sa kaniya. Tumingin din siya sa mga Gene Capsules na bibilhin niya sa susunod na mga buwan.
Nang makaalis ang binatang si Sylvan Darvell ay hindi nito napansin na maraming mga mata ang kanina pa nakatingin sa kaniya na parang luluwa na ang mga mata.
Sino ba namang hindi. Nakita lang naman nila ang laman ng virtual black plastic na hinalukay ng binatang lalaking si Sylvan Darvell kung saan ay makikita nila sa unang tingin pa lamang na mga mamamahaling mga produkto ang mga ito na kahit na pag-ipunan pa nila buong buhay nila ay hindi nila maa-afford bilhin.
"Totoo ba ang nakita ko sa loob ng Virtual Black Plastic ng binatang inaakala nating dukha?!" Sambit ng isang may edad na lalaki habang nanlalaki pa ang pares ng bilugang mga mata nito.
"Saan kaya galing ang mga produktong nasa loob ng virtual black plastic ng binatang iyon. Ang mamahal ng mga iyon!"
"Iyon ba ang mahirap na Virtual Gene Shopper? Mukhang nagkakamali lang tayo!"
Tila sasang-ayon naman ang iba nang magsalita ang isang tila kapwa nila Virtual Gene Shopper din.
"Hmmp! Sa anyo pa lang ng binatang iyon ay siguradong eksperto iyon sa pagnanakaw kahit sa online. Talagang talamak na talaga ang gawaing iyon para makapagnakaw ng high end na mga produkto."
Tila sinang-ayunan naman ito ng lahat lalo na at hindi naman talaga sila naniniwala na mayaman ang binatang lalaking iyon na walang ka-class class ang dating nito. Sa kilos at postura nito ay walang bahid ng pagiging mayaman.
Isa pa sa gusto nilang iligtas ay ang ego nila lalo na at hindi sila dapat na maging inferior o i-admit ang pagkakamali nila sa pag-judge ng binatang nakasuot lamang ng napakalumang damit.
Sa kabilang banda naman ay napangiti na lamang ang lahat ng mga nagtatrabaho sa mismong branch ng Red Beryl Gene Capsule Store na pinasukan ng binatang si Sylvan Darvell na pagbibilhan niya sana ng mga Normal Gene Capsules ngunit nagkaroon pa ng aberya.
Masasabing tila nabunutan sila ng tinik nang makita nilang umalis na ang binatang si Sylvan Darvell sa tapat ng Gene Capsule Store nila.
Ni hindi nga nila tiningnan ang kinalat ng binatang humalughog ng gamit nito dahil alam nilang puro basura lamang iyon.
"May iniwan bang basura ang binatang yun?! Baka tayo pa maglinis ng iniwan nitong kalat." Sambit ng babaeng Gene Manager habang wala itong planong lumabas at icheck ang kung anumang kalat na naiwan niyon.
"Wala namang naiwang kalat iyon. Subukan niya lang dahil ipapakain ko sa bunganga niya ang kalat na iniwan niya. Pasalamat siya dahil wala!" Sambit ng malaking Gene Guard habang tila nagpapatunog pa ng mga buto sa kamay nito.
"Good! Great work guys!" sambit ng babaeng Gene Manager habang mabilis itong pumasok sa maliit na opisina nito sa loob lang rin ng branch ng Gene Store nila.
Napahinga naman ng maluwag ang lahat. Sa isip-isip nila ay talagang na nabunutan sila ng tinik dahil tuluyan na nilang nataboy ang napakadukhang binatang nakasuot ng napakalumang at maduming damit nito.