Chereads / Godly Gene: Another World / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

Sa mga nagdaang araw ay nananatili lamang si Sylvan sa malaking mansyon na tinitirhan niya. Sa totoo lang ay napakayaman o napakarangya ng pamuhay ni Sylvan ngunit nabuhay ito sa kakarampot na bigay ng hilaw niyang tiyahing si Priscilla. Masasabi niyang wala naman talagang karapatan sa anumang ari-arian ang pesteng tiyahin niya lalo na ang mga anak nitong mga batugan at maluho. Ngayon na nandito na siya sa mundong ito ay hindi niya hahayaang may makapanakit sa kaniya o kaya ay abusuhin ang kabaitan niya. Ipinapangako niya sa kaniyang sariling magiging matatag siya kahit na anumang mangyari. Siguro ay may layunin talaga siya sa pangalawang buhay niyang ito dito. 

Nalaman niyang ang lugar na ito ay tinatawag na Godly Sanctuary. Isa lugar na maihahalintulad sa lugar ng mga diyos. Ewan niya ba at parang naging ganito ang tawag eh wala namang kinikilalang diyos dito. 

Nag-eexist na ang mundong ito ng ilang daang taon na ang nakakalipas at kasabay nito ay umuunlad at umuunlad ang pamumuhay ng bawat nilalang na nabubuhay rito. Sa malalim niyang pananaliksik sa malawak na library sa loob ng study room noon ng kaniyang yumaong ama ay nalaman niyang ang mundong ito noon at hanggang ngayon ay magulo. Nagkaroon ng kakaibang pangyayari noon kung saan ay nagkaroon ng Gene Mutations ang bawat mga hayop na nandirito sa mundong ito kung saan ay nagresulta ito ng kakaibang pag-mutate ng mga ito lalo na sa taglay nilang Gene. Naging mababagsik at nakakatakot na halimaw ang mga ito. Kahit nga ang mga insekto sa mundong ito ay nagkaroon ng mutasyon. 

Ang mga teknolohiya at maging siyensya noon na gumawa ng imbensyon o naimbento at kahit ang armas na nagawa sa panahong iyon ay nawalan ng silbi at hindi ito tumalab sa mga malalakas na mga halimaw which results to make the human civilization to be powerless. Ang nasa Top food chain na sana'y mga tao ay nalagay na lamang sa pinakahuling bahagi ng food chain. That's is a reality lalo na at walang bakas ng pagkakaroon ng pag-asa ang mga tao. 

Ang ordinaryong mga metal na ginawang mga sandata ay talaga namang walang silbi ang mga ito lalo na ang mga copper, silver or even gold ay hindi kayang balatan ng buhay o masugatan man lang ang mga insektong nagkaroon ng mutasyon ano pa kaya ang mga dambuhalang mga halimaw. Tinawag nga iyong Dark Era sa kasaysayan ng mundong iyon. Ang mga tao ay gumawa ng pamamaraan upang maka-survive sila sa mga bagsik at banta ng mga mababangis na mga halimaw. Kaya nga tinawag na ang mga ito bilang mga Geno Beasts. They are no longer a simple kind of animals but a beasts or an aggressive monsters.

Magkagayonman ay natuklasan ng mga tao na ang mga Geno Beasts ay nagbibigay ng kakaibang katangian at abilidad sa sinumang makakapatay sa mga ito o kakain sa mga karne ng mga ito which is tinatawag na Geno Points. Kapag nakamit mo na ang maximum requirements ng Geno points sa katawan mo ay mag-uundergo ang mismong katawan mo sa tinatawag na Evolution o ang pagkaroon ng pagbabago sa pisikal na pangangatawan mo which grants you an ability or even skills.

Yun nga lang ay ang geno points ay limitado lamang at random points ito. Hindi maaaring mangolekta ng Geno points sa mahihinang nilalang sa buong buhay mo. If you want to ascend into higher phase of evolution or gene mutations in your body, you need fight and hunt powerful beast na compatible o kaparehong lebel mo na kayang pumuno ng Geno points requirements mo. In addition, you need to cultivate and practice your body, mind and spirit to solidify your cultivation. Kaya nga ang tinatawag sa mga tao o nilalang na kayang magcultivate ay mga Gene Cultivators. 

Later on, they discovers the Beast Soul o Beast Souls coming from rare species of the Geno Beasts. It will bring a special functions or additional part of your body. Halimbawa na lamang dito ay kung makakapatay ka ng isang malakas na ibon na mayroong beast souls, this will grant you one of its body parts. Kung susuwertehin ka ay makakakuha ka ng pakpak nito mismo which grants you flighting ability. Makakalipad ka ng malayo at makakatakas ka sa mga kalaban mo kung wala sa mga ito ang kayang lumipad.

Siyempre, lahat ng mga pambihirang bagay sa mundong ito comes with a great price. Hindi mo maaabuso ang mga abilidad mo dito maging ang Geno skills mo. 

Ang Geno points ay siyang magagamit mo upang magamit ang Beast Souls mo. Ngunit mayroong limitasyon ito lalo na kung sobrang lakas ng abilidad ng Beast Souls mo. Ang Geno points ay magkakaroon ng pagbawas ngunit babalik din ito over a period of time. Isa pa ay intangible points ito na nakuha mo pero nababawasan. Kapag nawalan ka ng points sa gitna ng labanan ay asahan mong nanganganib na ang buhay mo. This is how important Geno Points are. 

Sa mga Geno Skills ay mayroon ding corresponding Geno points requirements kahit ang simpleng pag-atake. Natawa na lamang ang binatang si Sylvan Darvell sa nalaman niya. Sa malakas na paraan ng pag-atake niya sa lalaking si Tad Bates na pinsan niya ay 5 points na kaagad ang binawas sa 20 points Geno points niya at ang pagtapak sa ulo nito at kamay ay mayroong corresponding -3 Geno points at -2 Geno points. In the end he still have only 10 Geno points left. Kung sakaling isang tunay na labanan at tatlo ang kalaban niya ay siguradong matatalo siya sa tiyahin niyang hilaw at sa isa pang anak nitong si Elton Bates. Magkakaroon ng exhaustion ang katawan niya kung sakaling maubos ang Geno points niya.

Pagkatapos ng Dark Era ay sumunod naman ang Age of Technological Advancements. Mabuti na lamang at sa panahong rin iyon ay nagkaroon ng pagsilang sa mga malalakas na mga imbentor ng siyensya maging sa pag-unlad ng teknolohiya kaya unti-unting nagkaroon ng puwang o lugar ang mga tao. Kasabay din nito ay nagkaroon ng mga Gene Cultivators kung saan ay nagkaroon ng sanib-pwersa ang mga ito. This have a new era for a stronger humans. 

Nagkaroon ng pagkapawi ng takot ang mamamayan (tao) ng mundong ito at nagkaroon silang muli ng tahanan na later on ay nagkaroon ng pagdami ng naninirahan sa iba't-ibang parte ng mundong ito. Nagkaroon ng mga districts sa bawat lungsod upang panatilihing ligtas ang mga mamamayan ng mundong ito. 

Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay nagkaroon ng iba't-ibang sigalot lalo na ang paglitaw ng mga malalakas na mga Geno Beasts na mayroong napakataas ng lebel ng lakas at kapangyarihan na kahit ang mismong kasalukuyang teknolohiya maging ng mga Gene Cultivators ay hindi matalo-talo ang mga ito. Isang Gene Scientist ang tatay ni Sylvan Darvell maging ang ina nito na nasa hanay ng Gene Pharmaceuticals at Gene Extractions. Kaibahan sa mga gawa-gawa o walang basehang kwento ng bungangera niyang tiyahin ay isa sila sa pinakabihasa sa propesyong ito. Kilala sila bilang isang Gene Cultivators at isang Scientists. Isa din ito sa dahilan kung bakit napakayaman nila at ang savings na ipinundar ng mga ito para sa kaniya ay hindi mabilang ang mga digits nito dahil sa sobrang laki. Kahit ang tiyahin niya siguro ang makakakita niyon ay baka lumuwa lamang ang mata nila pero masasabi niyang imposibleng mapakinabangan o mapasakamay nila ito dahil sa kaniya lamang ito nailaan. Kung hindi ito mapapasakanya ay ihahabilin ito ng magulang niya pabalik sa pinagtatrabahuan nilang Godly Science Association.

Aside sa yamang ipinamana sa kaniya ng kaniyang mga magulang ay mayroon pang sinabi ang Gene Bank ng mga naipundar na kayamanang at mga titulo ang nakukuha niya kaya kaya niya ng mabuhay ng mahabang panahon at hindi nga niya siguro mauubos ang lahat ng mga ito. 

Ngunit hindi ito ang ultimate goal ng binatang si Sylvan Darvell sa mundong ito. Gusto niyang maging malakas na indibidwal sa hinaharap at maging isang Scientists katulad ng magulang ng original owner ng mundong ito. Ayon sa alaala ng original owner ng katawang ito ay nag-aaral si Sylvan Darvell sa isang Gene and Science School na tinatawag na Delta Gene School. 

Karamihan sa paaralan sa mundong ito ay dalawa ang specialization sa pagtuturo at iyon ay ang patungkol sa pagiging Gene Cultivators maging ang pag-aaral ng Syensya. Sa Modern Era ng mundong ito ay nagfuse na rin kasi ang dalawang factors na ito. Nalaman niya ring para maging isang mahusay na Scientists ay kailangan mo ring maging malakas na Gene Cultivator. This will make you a flexible individual. This cannot be broken lalo na at kailangan mo ng Geno Points upang matugunan mo ang paggawa ng scientific method o process para mag-extract ng Genes ng isinagawa mo it is either a living or non-living matters. 

Nalungkot naman si Harrie Hernandez lalo na at hindi makagraduate ang dating Sylvan Darvell dahil hindi pa ito nakakapag-evolve para maging isang Level 1 Practitioner. Sa edad niyang labinganim ay marami pa rin sa kanila ang hindi makagraduate dahil sa kakulangan ng Geno Points para makapaglevel up at mag-undergo sa tinatawag na Evolution Phase.

Kapag malapit na ang end ng School Year at hindi pa sila nakaka-100 Geno Points at makakapag undergo sa Evolution Phase para maging Level 1 Practitioner ay di pa rin sila makagraduate. Talagang napakasaklap ito para sa mga graduation Gene Students Okay lang kasi na kaunti palang ang Geno points mo sa First Year hanggang Third Year sa isang Gene School pero required sa lahat ng School na makapaggraduate na isang Level 1 Practitioner. This is a requirement para makaproduce ng Level 1 Practitioner ang lahat ng Gene School every Graduation.

Nag-excell naman si Sylvan Darvell (Original owner) sa larangan ng Academics pero pasang-awa naman ito pagdating sa mga Physical Activities at sa mga Gene Activities. Hindi na rin kagulat-gulat iyon lalo na at 5 Geno Points lang naman ang meron ito sa loob ng labing-anim na taong nabubuhay ito.alinsunod na din sa kagustuhan ng tiyahin niyang hilaw. 

Isa pa sa ikinaiinis ni Harrie Hernandez ay palaging napagdidiskitahan ng mga bullies ng paaralang pinapasukan nito dahil sa nalaman nga ng mga ito na hanggang ngayon ay 5 Geno Points lamang ang meron siya. 

Malapit na rin ang graduation nila ilang buwan mula ngayon kung kaya't dapat ay makagraduate na siya. Akala din ng lahat ay patay na siya dahil na rin sa insidenteng nangyari nitong nakaraang mga araw. Gusto niyang surpresahin ang mga ito sa muling pagkabuhay niya. Sisiguraduhin niyang he will excelled in this last year para makagraduate na siya ngayong taong ito. He will make sure na tuturuan niya ng leksyon ang mga bullies ng school nila. Hindi naman bawal iyon lalo pa't kailangan ng paaralan ang malalakas na mga Gene Cultivators maging ng malakas ang potensyal sa Gene scientific methods.

DING! DONG! DING! DONG!

Mabilis namang nakarinig ng tunog ng doorbell ang bagong nagmamay-ari ng bahay na si Sylvan Darvell na siyang nagpatigil sa kaniya sa malalim niyang pag-aaral at pag-iisip sa mga bagay-bagay patungkol sa mundong ito at sa buhay ng dating original owner na siyang buhay niya na ngayon.

Nasa Fourth Floor siya ngayon pero may linya ng doorbell papunta rito kaya maririnig niya kung may tao ba sa labas ng bahay nila o hindi. Wala naman kasing pinagkaiba ang mundong ito sa mundong kinagisnan niya noon na Earth. Higit na mas High-tech lang dito at may kapangyarihang taglay ang bawat isa through Gene.

Mabilis namang nakarating si Sylvan Darvell sa labas ng bahay papunta sa mismomg gate ng mansyong bahay niya. Gumamit lang naman siya ng 2 Geno Points na hindi naman ganoong problema dahil babalik din naman ang points niya maya-maya lang.

Nang buksan niya ang gate ay walang ano-ano'y biglang pumasok na lamang ang ang isang lalaking kung titingnan ay parang nasa mid 20's pa lamang.

Nagtataka naman si Sylvan Darvell dahil sa inasal ng lalaking nasa harapan niya na may hawak pang malaking briefcase. Magugulat pa siya kung sasabihin nitong Deal or No Deal to. Ano to Choose your Briefcase? Natawa na lamang si Sylvan Darvell lalo na at pamilyar sa kaniya ang suot ng lalaking pumasok sa bahay niya na akala mo ay siya ang may-ari nito.