♦♦♦♦♦♦♦♦♦
James's POV
I can never look at Brie's brother, Brix, the same way as I ever did before.
At bakit naman ako pa?
P'wede naman si Greg, p'wede rin naman si Kevin!
Ano naman magugustuhan sa akin nung kuya n'ya?
What is there that is likable?
Tanong ko sa aking sarili habang naglalakad sa mga isle sa isang supermarket.
Hindi naman ako hunk... hindi rin naman ako fit... hindi naman ako athletic... hindi naman ako sporty...
Teka, parang pare-pareho lang 'yung mga sinabi ko na 'yon ah.
Hindi naman siguro na masyado kong minamaliit ang sarili ko, pero ano kaya magugustuhan sa akin ng isang tao?
"Mabait ka kasi, at tsaka you care for other people!"
Napatalon ako sa gulat nang may sumagot sa tanong ko. Hindi ko namalayang na na-voice out ko na pala 'yung mga thoughts ko.
"Shit, what the actual fuck, dude! Nasaan ka? Sino ka! Reveal yourself!" Hamon ko dito.
"Hulaan mo!" Tinakpan n'ya ang mga mata ko.
Lambot naman ng kamay ng lalaki na 'to, parang hindi tumutulong sa gawaing bahay. Sinubukan kong tanggalin ang mga kamay n'ya mula sa aking mukha at madali ko itong naalis.
Lumingon ako para alamin kung sinong gago ang nantitrip sa akin...
Pero...
What the fuck is happening?!
Nasa school ako?!
Epekto lang siguro ng kakulangan sa tulog ang nangyari sa akin ngayun-ngayon lang. Nako, aagahan ko na ang pagtulog ko! Mula sa nakasanayang 4AM, gagawin ko nang 2AM!
May lumapit at kumaway sa harap ng mukha ko, si Oxford. "Oh, tulala ka d'yan? Tara, kain tayo sa canteen? Libre kita."
Naniniwala ako sa sinabi ng teacher namin na ang mga Pilipino raw ay mahilig sa isang common na bagay. Mahilig raw sa libre ang mga Pilipino. Sinabi n'ya 'to noong tinalakay sa Rizal Course namin na 'di raw nagdalawang-isip si Rizal na tanggapin ang alok na libreng accomodation sa Japan ng mga Espanyol dahil makatitipid s'ya. Akalain mo nga naman, pati ang Pambansang Bayani natin, naniniwala na hindi dapat tinatanggihan ang libre.
"Ano? Tara." Hinatak nalang ako ni Oxford papunta sa canteen.
Wala namang mawawala sa akin eh, libre naman.
Bumili s'ya ng tig-isang ice cream sandwich para sa aming dalawa, ngayon lang ako makakatikim ng gan'on!
Pagkatapos n'yang magbayad, naglakad-lakad kami sa loob ng campus...
"So, kanina pa kita nakitang nakatulala, actually akala ko nga namaligno ka na eh." Sabi ni Oxford na sinundan n'ya ng isang katanungan, "ano ba iniisip mo?"
Sinagot ko s'ya ng walang patumpik-tumpik, "ano kasi, may nagkakagusto sa akin, ngayon lang nangyari 'to sa akin. Well, not actually ngayon lang, siguro may nagakakagusto naman sa akin dati pa pero hindi ko alam. This is like, the actual first time na alam ko na may nagkakagusto sa akin at kilala ko kung sino."
Binuksan ko ang balot ng ice cream sandwich...
Shit, nakakabighani naman ang ganda ng drawing sa magkabilang gilid nito! De jk lang. Pero ang kauna-unahan ko talagang napansin sa ice cream sandwich ay 'yung chocolate and vanilla na magkadikit.
Bagay na bagay.
Paano kaya 'to ginawa? Parang isang bagay na napakaimposible pero dahil sa pagka-modern na ng panahon, nagiging posible.
Parang sa...
"Pag-ibig?" Tanong ni Oxford sa akin.
Seryoso... nasasabi ko ba mga iniisip ko?
Sure ako na hindi...
Tiningnan ko s'ya at tinanong rin, "Oxford, magsabi ka nga ng totoo, nakakabasa ka ba ng isip ng tao o naririnig mo ba 'yung thoughts nila?"
"Hindi, bakit?" Sagot nito.
"Nevermind nalang." Sabi ko dito, "'eto nalang, ano sa tingin mo ang magugustuhan sa akin ng iba?"
Isang pamilyar na mga salita ang kan'yang isinagot, "mabait ka kasi, at tsaka you care for other people!"
Napatigil ako sa paglalakad, itsura ko'y sobrang shocked at med'yo confused at nag-iisip.
"Bakit? May nasabi ba akong mali?" Humarap s'ya sa akin at mukhang concerned.
"Wala, kasi narinig ko na 'yan kanina sa daydream ko. Ang galing ah..." Inubos ko na ang ice cream sandwich ko.
Binigay ni Oxford sa akin ang ice cream sandwich n'ya na hindi pa nagalaw o kahit nabuksan man lang ang balot nito.
"Ha?" Tinanggap ko 'to, masarap kaya, tatanggi pa ba ako? "Salamat ng marami talaga, Oxford. Sobra na 'yung binibigay mo sa akin!"
"Wala 'yon, ang totoo n'yan, pinapabuksan ko lang sana sa'yo." Natawa s'ya.
Shit, napahiya naman ako don! Patay gutom ka talagang James ka! Rated PG much.
Binalik ko ang ngayong bukas nang ice cream sandwich kay Oxford, "sorry, nadala lang ako ng emosyon ko!" Nagtawanan lang kaming dalawa.
"Gusto mo pa ba? Isang kagat lang ah!" Inilapit n'ya sa akin ang ice cream sandwich.
At ako, dahil patay gutom, kumagat naman.
"Sarap naman ng pagkakasubo mo sa ice cream sandwich n'ya ah!"
Kevin?
Nagulat kaming pareho ni Oxford sa sigaw ni Kevin.
"Kevin?! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kan'ya.
Sinagot n'ya ako ng napaka-sarcastic ang tono, "dito rin ako nag-aaral, nagkalimutan na ba? 'Di mo naman ako nainform, sana ginawa ko na rin ang kalimutan ang pinagsamahan natin."
"Kevin, ano ka ba?!" Sigaw ko dito, "tumigil ka nga, mahiya ka naman kay Oxford, oh!"
"Oh, I just remembered, may klase pala ako right now at lumabas lang for a quick break. James, I gotta go. See you later, goodbye!" Nagmadali itong lumayo sa aming dalawa ni Kevin.
"Ano 'yon, James?" Tanong ni Kevin sa akin, galit ba ang nasesense kong nararamdaman n'ya?
"Wala, inalok lang n'ya ako, tinanggap ko lang naman!" Sagot ko dito, "may masama ba sa ginawa ko?"
Napuno muna ng kaunting katahimikan ang paligid bago s'ya sumagot.
"Basta!"
Basta?! Basta? Basta lang ang naisagot n'ya sa itinanong ko?
Hinablot n'ya ang kamay ko at hinatak papuntang parking lot ng campus.
"Sakay..." utos nito sa akin na nakayuko lang.
Inulit nito ang sinasabi, "James, sumakay ka na, please."
Sinunod ko na ang gago at sumakay rin ako, baka kasi magwala pa na parang bata 'to 'pag pinatagal ko pa.
Nang pagkasarado ko ng pinto, sumakay naman s'ya sa driver's seat at pinaandar ang engine ng kotse.
Inayos ko ang aircon, itinapat ko sa akin at tsaka nilakasan. Todo para malamig.
"James..." tiningnan ako ni Kevin at mukhang naluluha s'ya. "James, sorry. Patawarin mo na ako, pansinin mo na ako! Namimiss ko na ang best friend ko."
"Kevin, ano ba?" Tumingin nalang ako sa bintana sa tabi ko para maitago ang ngiti't tawa ko sa kadramahan ng kaibigan ko. Sasakyan ko ang drama nito, "matagal na kitang pinatawad sa naging kasalanan mo sa akin. Kahit mahirap, hinding-hindi ko kayang baliwalain ang mga pinagdaanan natin bilang magkaibigan. Para na kitang kapatid, Kevin, hindi rin kita kayang tiisin."
"Salamat, salamat, James. I promise, I will not do the same ever again!" Humagulgol na ito ng iyak.
"Lagi ka naman gan'yan, Kevin. Nangangako, lagi namang napapako." Tinakpan ko na ang aking mukha, hindi dahil naiiyak na rin ako, kundi nahihirapan na akong pigilan ang pagtawa dahil sa paghagulgol ng iyak ni Kevin. "Natuto na akong 'wag panghawakan at asahan ang mga pangako mo sa akin. Kailan ka ba matututo sa mga naging pagkakamali mo?"
"James, sorry talaga. Magbabago na ako, promise!" At mas lalo pang lumakas ang iyak ni Kevin.
Hindi ko na mapigilan ang tawa kaya't humagalpak na ako at nagulat s'ya.
"Ba't ka tumatawa?!" Tanong n'ya sa akin.
"Ang drama mo, Kevin! Masyado mong isinapuso at isinaisip 'yung nangyari. Ikaw kaya 'tong 'di lumalapit." Sabi ko dito.
"Ikaw kasi, nakakatakot ka 'pag nagagalit, akala ko galit ka!" Tumahan na s'ya. "Pakikuha nga 'yung tissue d'yan sa may pwesto mo.
Tiningnan ko ang lalagyanan ng mga bagay sa harap ko, pagbukas ko nito, tumambad ang napakaraming tissue...
Gamit na tissue...
Nahulog ang iba sa aking kamay, actually... fresh pa ang iba, mukhang bagong singa...
Pero...
Inilapit ko ang kamay ko sa aking ilong...
Ano 'tong naaamoy ko?
Hindi 'to sipon....
Hindi 'to sipon!
Sigurado akong hindi sipon 'tong naaamoy ko...
Hindi 'to sipon, hindi 'to sipon!
Fucking shit!
Kadiri ka!
Salaula!
"ARGH! KEVIN!!!!"
♦♦♦♦♦♦♦♦♦