♦♦♦♦♦♦♦♦♦
James's POV
Nang makahanap na ako ng litrato ni Brix na maayus-ayos, iniharap ko ang screen ng aking smartphone kay Dexter.
Nanlaki ang mga mata nito, hindi ko alam kung bakit. Parang gulat na gulat s'ya na nakakita ng maligno o kung anong engkantadong nilalang na nakakatakot ang panlabas na anyo. Pero hindi naman mukhang bakulaw o multo si Brix, kaya malamang sa may masasabi 'tong si Dexter tungkol sa kan'ya.
"James..."
Tinaasan ko s'ya ng kilay, sign na naguguluhan ako at wala akong clue sa gusto n'yang sabihin.
"James, s'ya si Brix... ang ex-boyfriend ko."
"Oh, I'm so sorry to know that. I didn't mean to-"
"James, no. Stop it."
"Dex, I'm really sorry... I didn't know-"
"Forget about it, kahit na ikaw nga ang gusto n'ya at posibleng dahilan ng breakup naming dalawa, I'm not blaming you. First of all, you're my friend. Second, wala kang feelings for him, right? So don't worry, hindi kita aawayin at mamaltratuhin na parang nasa teleserye tayong dalawa. Most importantly, I have moved on from it."
"Salamat naman, 'di madadagdagan ang pasakit na mga intindihin ko! Hahaha, ang sarap ng sushi, no?"
Nasundan ng maikling awkward silence ang eksenang ito.
Feeling ko tuloy napakasama kong tao dahil ako pala ang naging dahilan kung bakit nagkalabuan sila Dexter at Brix...
"Oh, natulala ka d'yan? 'Wag mo nang isipin 'yon, sabi ko nga sa'yo, hindi naman s'ya 'yung gusto mo, si Kevin, 'di ba?"
"Ha? Tigilan mo nga ako! Ninanamnam ko lang 'tong nalalabing ilang subo ng sushi ko. Ang tagal naman ng hinihintay natin, darating pa ba 'yon?"
"Sabi n'ya nandito na s'ya sa mall eh, nagtext sa akin nung bago ako magbanyo. Sinabi ko na rin naman kung nasaan na tayo ngayon, kaya alam n'ya na naandito tayo at umorder na ako ng pagkain nating tatlo."
Natulala na naman ako, tinitigan ko ang mukha ni Dexter. Hindi kasi ako mapakali sa kakaisip kung wala ba talaga s'yang nararamdamang galit o magaling lang s'yang magtago ng tunay na poot at emosyon.
Dahil wala ako sa huwisyo, 'di nagtagal, ang nasubo ko ay isang buong wasabi na pala.
OH
MY
GOD
OH
MY
GOD
OH MY GOD
OH MY GOD
OH MY GOD
CHARIZARD, USE FLAMETHROWER!!!!
BWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAARGH!!!!
Nilagok ko lahat ng inumin na nasa table namin ngayon pero hindi pa sapat kaya nanghingi pa kami ng tubig.
Matapos makaubos ng ilan pang basong tubig, naginhawaan na ako.
Tumatawang nakatingin sa akin si Dexter...
Hindi lang pala s'ya...
Maging ang nakapaligid sa amin ay pinipigil rin ang kani-kanilang mga halakhak.
"Namumula ka, James!"
"Ang anghang, Dex. Dahil sa pag-iisip ko, hindi ko namalayang wasabi na pala 'yung isusubo ko."
"Nakita ko nga, nakatitig ka pa sa akin, akala ko nagpapatawa ka lang. Tototohanin mo na pala."
"Ba't hindi mo ako pinigilan, Dexter?"
"Malay ko ba. Ano ba kasing sumasagi sa utak mo?"
"Baka kasi itatago mo lang 'yung galit sa akin, Dexter. Kasi ako pala 'yung taong sinasabi ni Brix na nagustuhan n'ya kaya hiniwalayan ka n'ya. Nakaka-guilty kaya 'yon. Hindi ba n'ya alam na magkaibigan tayo?"
"Alam n'ya, pero hindi ko alam na may nabubuo pala s'yang pagtingin para sa'yo. Totoo, promise, wala akong galit sa'yo. Wala akong galit na itatago o itatanim na sama ng loob laban sa'yo. Kaya tumigil ka na nga d'yan sa pag-iisip, rid your mind with all those negativities bago mo pa masubo 'yang isa pang block ng wasabi na hawak mo na with your chopsticks."
Pagkatingin ko sa aking chopsticks na hawak, wasabi nga na naman ang malapit ko nang isubo...
"Thank you Dexter, kampante na ako. Thank you rin sa pag-warn sa akin na wasabi na naman 'tong maisusubo ko. Order nalang tayo ulit ng drinks, ako nalang sasagot sa bayad."
"Oh, and'yan na pala s'ya." May kinawayan s'ya sa entrance ng Tokyo Tokyo.
"Nasaan?" Lumingon ako para makita kung sino ito. Himala na walang gaanong tao sa labas kaya't nakita ko agad kung sino ang kinakawayan n'ya.
Nang medyo maaninag ko na ang mukha ng taong 'yon...
What?
Si Oxford?
Lumapit ito sa table namin.
"Hi. Sorry it took me quite some time to get here."
"Upo ka na dito sa tabi ko, Ford." Hinatak ni Dexter ang katabi n'yang upuan para upuan ni Oxford.
"Ford? Wow." 'Yan nalang ang nasabi ko dahil nagulantang ako sa kagula-gulantang na pangyayaring 'to.
"Yes, s'ya si Oxford." Sabi ni Dexter.
"No need for introductions, Dexter. Magkakilala na kami ni James." Ani Oxford.
"Talaga? That's great, hindi na tayo magsasayang ng oras, let's eat?"
Nagsimula na kaming kumain.
"Ford pala nickname mo ah. Bakit hindi ko alam 'yon?" Tanong ko kay Oxford.
Pero hindi s'ya ang sumagot ng tanong ko, si Dexter.
"Ako 'yung unang tumawag sa kan'ya ng Ford."
"Ayos pala, talagang tatatak ka sa isipan n'ya, Dexter! Hindi lang pala sa isip n'ya, pati na rin sa kan'yang puso!!!! Ayiiee!"
Pareho naman silang napangiti ko sa aking sinabi.
"So bakit ka pala na-late?" Tanong ni Dexter kay Oxford na agad naman nitong sinagot.
"Actually, kararating-rating ko lang talaga. May emergency kasi akong dinaanan bago 'to."
Nagsinungaling s'ya? Bakit?
"Wala ka bang paboritong mga number?"
"Mga number? Hindi ba dapat isa lang ang paborito? Bakit marami at bakit mo naman naitanong?"
"Tatayaan ko sana, tyaka marami sana, para more chances of winning you."
"James? Natulala ka na naman?" Ikinaway ni Dexter ang kan'yang mga kamay sa harap ng mukha ko para matauhan ako.
"Ha? Wala, may bigla lang akong naalala." Sabi ko habang nakatingin kay Oxford.
"Paano ba kayo nagkakilala ni Ford? Kwento mo nga."
"Tinamaan ako ng bola na sinipa ni Oxford. Dun sa ospital na pagmamay-ari nila n'ya ako dinala. Alam mo ba kung saang kwarto ako inilagay? Sa kwarto sa mental institution n'ya ako inilagay!" Tawa lang ng tawa si Dexter at si Oxford sa kwento kong parang nagrereklamo rin.
"Bakit sa mental institute mo inilagay 'tong si James?" Tanong n'ya kay Oxford.
"Sa ulo kasi s'ya tinamaan, may possibility na magkaroon s'ya ng brain injury dahil sa tama ng bola. Baka kasi pagkagising n'ya magwala nalang s'yang bigla dahil may sira na pala s'ya sa ulo." Sagot nito.
"Wow naman! Alam mo ba Dexter kung gaano ako natakot sa mga pasyente dun? Talagang mababaliw ka kasi sa mga sigaw at pinagsasasabi nila doon! Akala ko na-trap ako sa isang horror na game, 'yung parang Outlast lang! It freaking gave me the chills talaga!"
"Bakit ang daming cups dito sa table natin?" Tanong ni Oxford.
"Kasi 'tong si James, lutang, tuloy nakain n'ya 'yung wasabi."
"Kawawa ka naman pala, James."
"Hay nako, maiwan ko na nga muna kayong dalawa dito. I'll just go and use the restroom for a bit." Lumabas ako para magtungo sa pinakamalapit na banyo.
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Pagkatapos kong maghugas ng kamay, naghilamos ako para mabawasan 'yung init ng mukha ko at pamumula dahil sa napakatagal na epekto sa akin ng pinagsamang anghang ng wasabi at hiya gawa nito sa harap ng napakaraming tao.
Ano kayang mangyayari kung kinuwento ni Oxford ang buong katotohanan kung bakit s'ya nahuli?
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Hinihintay naming pareho si Dexter na lumabas mula sa isang shop.
"Uhm, Oxford-" inunahan n'ya ako sa pananalita.
"It's a small world, ika nga. Who would've thought na ganito kaliit ang mundo natin, James." Sabi nito sa akin. Humarap s'ya sa akin at tinitigan akong mabuti. "I'm trying, really. Pero mukhang matatagalan pa ako bago ko tuluyang magustuhan si Dexter."
"Oxford-" sinubukan kong putulin ang kan'yang sinasabi pero ayaw paawat nitong lalaking 'to.
"Lalo pang humirap nang makilala kita. Do you know that? Paano na ngayon?"
"Oxford-"
"So, do I have to pick between the two of you? Bakit ngayon pa mangyayari 'to. Ngayong pantay na ang nararamdaman ko para sa in'yong dalawa ni Dexter."
"James? Ford?"
Pareho kaming nagulat ni Oxford na tumingin kay Dexter.
Ang mga luha n'ya'y nagsimulang dumaloy mula sa kan'yang mga mata pababa sa kan'yang mga pisngi.
♦♦♦♦♦♦♦♦♦