Parte na ng daily early morning routine ko ang mag-jack off to get rid of my morning wood...
Ha? Ano? Nakakadiri? Pwede ba, tigil-tigilan mo 'yang pagmamalinis at pagpapainosente mo! Alam nating lahat na normal na 'yon sa sistema ng pamumuhay ng mga lalaki. Kung lalaki ka at 'di mo ginagawa ang bagay na 'yon, ikaw na ang susunod na ika-canonize ng Pope!
Kung babae ka naman, sorry nalang. Kunwari 'di mo nabasa 'yon at wala kang nalalaman. Sorry nalang if you had to see that.
Pero sa panahon ngayon, bilang nalang siguro ang mga malilinis na tao. Ewan ko ba, sa mga kilala ko at mga kaibigan ko, si James lang ang alam ko na hindi manyakis, hindi nanonood ng porn or kahit ano pang kahalayang pwedeng gawin. Siguro ginagawa n'ya, hindi lang s'ya nag-oopen up sa akin, baka 'pag may katanungan s'ya, kay Google n'ya itinatanong.
Tama talaga na hindi lahat ay itinuturo ng guro sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan. Minsan sa tropa mo matututunan ang mga bagay-bagay, minsan through internet mo malalaman ang mga "makamundong-bagay" at mga "makamundong-gawain" ika nga.
'Yan, isa 'yan sa mga nakaugalian ko. Dahil greenminded akong nilalang, hindi na ako magmamalinis at magpapa-virgin pa, totohanan tayo. 'Di tayo fake.
Hindi ikinakahiya ang kaalaman, kaalaman kahit sa anong bagay pa man 'yan. Knowledge pa rin 'yan kaya ipangalandakan mo sa buong sambayanang Pilipino ang mga nalalaman mo!
Pareho kami ng ringtone na gumigising sa amin kada umaga, gusto ko kasi pareho kami. Kaya kahit gaano ka-corny ng kan'ya, 'yun rin ang naka-set sa akin.
Pero aaminin ko, medyo cute naman.
Okay, tigil na 'yan. Medyo nakakarami na yata ako ng inom. Pero ha, pero 'di pa ako lasing. 'Di pa ako lasing!
So ganito na nga, 'yung kaibigan ko, kilala mo si James? Oo, si James, kaibigan ko s'ya simula pagkabata pa naming dalawa.
Akalain mo 'yun, s'ya, si James hinalikan ko!? Hirap isipin no?
Ako rin ay hindi makapaniwala na ginawa ko 'yon! Sa loob pa ng mall!
Bakit ko ginawa 'yon, tinatanong mo? Aba, malay ko rin ba! I don't fucking know, I don't know what bloody hell came in my mind and I did that.
I don't freaking know what came in my mind...
But it was what my heart desires at that time...
So I did what I did...
Alam ko na mali, pero ginawa ko pa rin.
Teka, mali ba ang magmahal?
The last time I checked, it said "make love, not war." Was I looking at it differently? Did I understand it fuckin' wrong?
Fuck. Shit.
Bakit ngayon pa nangyari 'to? Kung kailan malapit na ang examination?
Hoy, kaya ako nagkakaganito hindi dahil wala akong makokopyahan! (Konti lang naman kinokopya ko. 'Yung mga numbers lang na wala akong sagot.)
Kaya ako nagkakaganito kasi kakagaling ko lang sa panahon na hindi kami nagkakausap at natatakot akong lapitan s'ya baka galit s'ya sa akin or something else na magiging dahilan ng hindi n'ya pakikipag-usap sa akin o hindi n'ya pagpansin sa akin.
Pero nung nakaraan naman kinausap n'ya ako, hindi naman pala s'ya galit sa akin. Ngayon kasi... ngayon kasi iba...
Hindi tulad ng dati na nag-walkout s'ya dahil sa sinabi ko at pagiging all-knowing son of a bitch. Ngayon kasi, *sigh*, let's not even get in detail again.
Bakit kasi hindi pwedeng mag-rewing nalang at itama ang mali.
I'm not saying na mali 'yung ginawa ko.
Pero hindi ko rin sinasabing tama 'yon.
Ayoko lang s'yang mapunta sa iba.
Ayoko lang s'yang mapunta sa isang taong tulad non.
Tyaka, mawawalan ako ng kasama, mawawalan ako ng kaibigan, mawawalan ako ng iinisin at aasarin!
Kaya hindi ako makapapayag na mawawala ulit sa akin si James. Ang closest friend ko, my childhood friend, my almost-brother friend!
Mapapatawad pa kaya n'ya ako?
Maaga akong gumising ngayon kasi nakaugalian ko na 'to kada malapit na ang mga examinations, nag-aayos ng gamit para makapag-review.
Pagkatapos kong kumain ng agahan at uminom ng kape, nakaligo na rin ako at nakapag-ayos na ng mga gamit ko, kinuha ko na ang susi ng kotse ko at lalabas na ng bahay.
Hawak ko na ang doorknob ng main door nang matandaan ko na...
May nagawa nga pala ako na isang bagay na hinding-hindi namin makalilimutang pareho at wala pa ring eksplenasyon at usap kaming napagkakasunduan hanggang ngayon.
Kaya ngayon, mukhang hindi muna masusunod ang nakaugaliang gawin tuwing sasapit ang examinations.
Sorry ka nalang muna, Kevin, mukhang solo flight ka muna ngayon. Sariling-sikap nalang pati sa pagrereview.
- Kevin
♦♦♦♦♦♦♦♦♦