Chereads / Pusong Nahulog sa Tulay (Pinoy BL) / Chapter 29 - Look What You Made Me Do

Chapter 29 - Look What You Made Me Do

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

"Hello? Kevin? Ano na? Sagot!"

"I'll call you later nalang, Greg! Goodbye!"

"Teka lang, sanda-"

Tinapos ni Kevin ang phone call.

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV

Napuno ang paligid ng katahimikan, matapos ang ilang segundo rin bago bitawan ni Kevin ang aking kamay.

Ang ilang segundo na 'yon felt like years kasi parang tumigil ang lahat...

At sana pati ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Julia ay sumama na sa pagtigil!

Ay, sorry. Nadala lang ng emosyon. Ampalayang pinapaitan yata ang nakain ko kanina bago ako pumunta dito para lang tuluyang madurog ang puso kong nagdurugo.

Bago pa makalapit si Kevin kay Julia, ito'y tumakbo papalayo sa aming lahat.

Pagkatalikod ko kay Ursula, s'ya lang ang naiiba ang facial expression, dahil s'ya, tuwang-tuwa at tila kinikilig pa ang bruha!

"Ursula!" Inambaan ko s'ya pero 'di naman nagbago ang kan'yang expression.

"So kilig kaya!" Bulong nito.

"Tumigil ka nga d'yan, isang pagkakamali lang naman 'yung nangyari!"

"No, no, no, my friend! Hindi 'yon tinatawag na pagkakamali, let's just say na love works in mysterious ways!"

"Ursula, stop it, now! Wala ka talagang pinipiling oras!"

"Sorry, sumusunod lang naman ako sa napapanahon, sa current events! If I were you, susundan ko silang dalawa."

"Ayoko nga, wala naman akong kinalaman sa kanilang dalawa ah. I believe it isn't my problem to handle, their problem, it is on their plate and never going to be on mine!"

"Edi, wow, James. Papalakpak na ba ako? Bahala ka d'yan, basta, I'm telling you, there's something which isn't right about them. Hindi lang ako sure..."

"Hindi ka lang sure na ano? Ano Ursula?"

"Hindi lang ako sure kung bulag ka lang talaga o sadyang tanga ka lang talaga para hindi makita. Good bye! Magbabanyo lang ako saglit."

Anong pinagsasasabi ng babaeng 'to?

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Ursula's POV

James, James, James.

James!

Bakit ang tanga-tanga mo!

Pero, now that I've come to think of it, wala pa naman akong proof na tama nga ang hinala ko.

But I can feel na malapit ko nang mabuko at ma-discover ang tungkol dito. Just you wait my stupid friend, I'll save your heart!

Naparami yata ang inom ko ng tubig kanina, I feel like my water's gonna break! Idagdag pa 'yung nonstop paglamon ko kanina sa mga food stalls, mukhang malaki na ang buildup sa loob ng stomach ko and I can't carry na!

Punyaterang pwetmalung 'to! Banyo, nasaan ka na! Pati ba naman ikaw mahirap hanapin?

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Julia's POV

The pain, it is just too much for me to handle. Ayoko na, I'm done.

"Teka, Julia! Please wait!"

I am so done.

I went in the female comfort room at naiwan sa labas si Kevin.

"Julia, please!"

Napakahirap pala talaga ng pinasok ko. Naguguluhan na talaga ako.

Ano ba talaga, Julia?

Ano ba talaga, Kevin?

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Kevin's POV

"Come on, Julia! Ngayon ka pa ba magkakagan'yan? Julia, you're better than that!"

"No, Kevin. YOU are better than this. Please, itigil na natin 'to!"

"Julia, ano... hindi pwede! No, don't do this now!"

"Kevin, ano ba?! Hindi mo ba nakita kanina-"

"About sa kanina, it was just a mistake!"

"Kevin, no! Please, 'wag na tayong maglokohan! I told you that this... this wouldn't work! Kaya please, itigil na natin 'to."

"Julia naman..." nagmamakaawa ako sa kan'ya na halos lumuhod na ako sa labas ng banyo ng mga babae.

"Nakita ko kanina sa mga mata ni James, 'yung nararamdaman n'yang sakit, hindi biro 'yon, Kevin. Buti ka pa, nasisikmura mong tiisin 'yung taong mahal mo naman talaga... ako, kaibigan n'ya ako, ramdam na ramdam ko 'yung pinagdaraanan n'yang sakit dahil sa atin, dahil sa pinaggagagawa natin. P'wes, kung ikaw, kaya mong maatim na makita s'yang nagkakaganoon, na nadudurog ang puso, ako hindi ko kaya talaga, kaibigan ko s'ya, mahal ko s'ya kaya hanggang dito nalang talaga ako, hanggang dito nalang talaga ang pagpapanggap there's something between us."

"Okay, Julia. I'm sorry I've put you in this situation, I really am sorry. I understood your point, it's just that hindi pa ako ready para harapin 'yung mga nangyari, nangyayari at mangyayari pa. Pero thank you, really. Thank you for your help, Julia. Again, I'm so sorry for what I've made you do."

"Well, I'm sorry rin, Kevin..."

"For what?"

Bumukas ang pintuan ng banyo ng mga babae at bumungad sa akin ay si Ursula.

"Well, I think you're seeing the reason of her apology." Itinuro ni Ursula ang kan'yang sarili.

♦♦♦♦♦♦♦♦♦