Chereads / Pusong Nahulog sa Tulay (Pinoy BL) / Chapter 34 - The More You Meet, The More You Love

Chapter 34 - The More You Meet, The More You Love

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV

Pagkatapos kong kumain at magligpit ng pinagkainan, nag-drop in na ako sa mga magulang ko through Amazon Echo Show na nasa living room.

Nang mag-connect ang video, agad akong kinumusta ng aking ina, "kumusta na ulo mo, anak?"

Sinagot naman s'ya ng ama kong katabi n'ya, "'yon, matigas pa rin. Matigas na matigas na, 'do ba 'nak?"

Hay nako, hindi ako tumatawa sa joke ng aking ama na medyo green.

"Bastos ka talaga!" Binatukan s'ya ng aking ina.

"Ayos lang ako ma, pa. Bukol lang naman 'yung natamo ko, walang sugat o bali. Hindi naman rin masakit, sanay na ako sa sakit."

"Aba, natuto na yatang humugot ang único hijo namin ah!" Sabi ni mama.

"Mas masakit palo mo, ma." Sabi ko.

Sumingit si papa, "malakas talaga papalo mama mo anak, pinapalo ako n'yan gabi-gabi! Nagpapaluan kaming dalawa!"

"Dun ka na nga!" Tinulak s'ya papaalis ni mama. Nang wala na si papa, nagpatuloy sa pakikipag-usap sa akin si mama, "James, anak. Napagdesisyunan namin ng papa mo na kailangang may kasama kang nakatira d'yan sa bahay. Nabalitaan kasi namin na dumarami 'yung kaso ng nakawan at akyat-bahay d'yan sa atin at sa mga kalapit-baranggay."

"Okay lang naman siguro, ma. Kaya ko naman ipaglaban sarili ko kahit hindi ako pinaglalaban!"

"James, seryoso. Intindihin mo nalang kaming mga magulang mo, gusto lang namin safe ka! Nag-iisa ka lang namin na anak, ayaw naming mapahamak ka!"

"Ma..."

"May nakausap na kami, sa totoo nga n'yan kaya ka namin tinawagan kanina ay para ipaalam na papunta na s'ya d'yan eh."

"Sino naman? Kamag-anak ba natin 'yan?"

"Nak, hindi. Basta, alam kong matutuwa ka!"

"Mama naman, 'wag na ba gang pabitin! Sino ba kasi 'yan? Sabihin na kasi!"

"Si Kevin!"

*doorbell rings* 🛎🔔🛎🔔

Napasigaw nalang ako sa gulat at aking pinindot ang End Call.

Dafuq? You've got to be kidding me?

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Kevin's POV

THANK YOU TALAGA LORD!

Para tuloy kaming magiging live-in partners ni James! Live-in lang pala, hindi pa partners.

Salamat, Lord! Promise, magsisimba na ako!

Pinindot ko ang doorbell sa gate ng bahay nila James at bukod sa pagtunog mg doorbell, nakarinig ako ng isang malakas na sigaw.

Takte, si James 'yon ah!

Sabi ni tita talamak raw mga magnanakaw at uso ang akyat bahay dito sa subdivision nila!

Anong gagawin ko? Baka nasa panganib si James!

"James!" Sigaw ko, pero walang response.

Hindi.

Hindi ako dapat sumigaw, malalaman ng magnanakaw na nandito ako.

Dahil naka-lock ang gate, inihahis ko ang mga gamit at bag ko over the bakod ng bahay nila. Umakyat ako sa bakod nila para makapasok, ano ba naman kasing bakod 'yan? Napakababa, kahit na bata pwedeng luksuhan 'to.

Nang ako'y nakatawid na ng kanilang bakuran, sumilip ako sa mga bintana, kita ko ang sala, walang tao.

Inikot ko ang bahay, hanggang sa makarating ako sa likod ng bahay nila kung saan may pintuan papuntang kitchen.

Bukas ito pero may screen door.

Bukas rin ito, hindi naka-lock.

Dahan-dahan akong pumasok.

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV

Nang marinig kong binabato ni Kevin ang gamit n'ya papasok ng aming bakuran, agad akong nagpunta sa aking kwarto.

Shia!

Nakalimutan kong i-lock ang pintuan sa kitchen!

Tanga mo James! Napakabobo mong tunay!

Dahan-dahan ngunit mabilis kong binaba ang hagdan para makapunta sa kitchen, ngunit natanaw kong paparating na s'ya ng kitchen, nakita ko sa bintana ng kitchen kaya't nagtago ako sa banyong malapit sa hagdanan at pinatay ang ilaw dito.

Makikita ko s'ya kung lalampasan n'ya ang banyo o hindi. Hindi n'ya ako makikita dahil madilim ang aking pinagtataguan at ang banyo ay hugis letrang L.

Narinig kong pumasok na s'ya ng kitchen.

Nakakaramdam ako ng init at nagsimula na akong pagpawisan.

Rinig ko ang kan'yang mga yapak na papalapit.

Maingat kong tiningnan kung s'ya ba'y nakalampas na ba ng lugar kung saan ako naroroon.

Nakalampas na s'ya.

Kaya dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya hanggang sa nasa likod na ako ni Kevin.

Stealth mode talaga.

Sinakmal ko ito, sinubukang itumba pero lumaban ito...

Ang ending...

Natumba kaming pareho...

Napatong ako sa kan'ya...

Hindi ko lubos maisip kung papaano na nakahiga na s'ya at ako naman ay nakadapa sa kan'ya.

At higit sa lahat, how in the world did my lips become touching his lips?

Napaka-cliché pero that's the situation now.

But the twist is...

Sinubukan kong tumayo pero pinipigilan ako ni Kevin.

Ibinalik n'ya ang pagkakadantay ng aking labi sa kan'yang labi. Hawak ng kan'yang kanang kamay ang likod ng aking ulo, ang kan'yang kaliwang kamay naman ay nasa aking bewang.

Sinimulan n'yang igalaw ang kan'yang mga labi kasaba'y ang paghagod n'ya sa aking likod.

Hindi ko namalayang nilalabanan ko na rin pala ay kan'yang mga halik.

Ramdam ko ang pusok na kan'yang gustong iparamdam habang iniikot n'ya kaming dalawa sa sahig hangga't sa ako na ang nakahiga at s'ya naman na ang nakaibabaw sa aming dalawa.

Bumaba ang kan'yang halik sa aking leeg at nang maramdaman kong tatanggalin n'ya ang suot n'yang belt, sinubukan ko 'tong pigilan, sinubukang kong kumawala at s'yang aking maitulak papalayo ngunit hinawakan n'yang pareho ang aking mga kamay at para bang ipinako n'ya na ako sa sahig.

Muli n'yang binalikan ang aking labi at hinalikan.

Matapos nito, ako'y kan'yang tinanong, kapos-hininga n'yang sinambit...

"Ano, ha, hindi mo pa rin ba ako naaalala?"

Hinalikan n'ya akong muli, "James..."

Tinitigan ko si Kevin at napansing lumuluha na pala s'ya.

"Naaalala mo na ba ako?"

♦♦♦♦♦♦♦♦♦