♦♦♦♦♦♦♦♦♦
James's POV
Teka, hinihingal ako!
Ano bang gagawin ko?
Napakabiglaan naman nito.
Walang build-up, laplap agad?
Muli n'yang binalikan ang aking labi at hinalikan.
Matapos nito, ako'y kan'yang tinanong, kapos-hininga n'yang sinambit...
"Ano, ha, hindi mo pa rin ba ako naaalala?"
Hinalikan n'ya akong muli, "James..."
Tinitigan ko si Kevin at napansing lumuluha na pala s'ya.
"Naaalala mo na ba ako?"
James, mag-isip ka! 'Wag kang papadala kay Kevin! Please!
James! Snap out of it!
"James, please. Answer me, naaalala mo na ba ako?" Tanong n'yang muli.
Hinawi ko s'ya para ako ay makatayo at akmang tatakbo ako ng hagdanan para makalayo sa kan'ya pero nahabol n'ya ako at nahawakan ang aking damit.
"James!"
He gave me a back hug.
"Please, James. Tell me hindi totoong nakalimutan mo ako, sabihin mong naaalala mo ako, please. Hindi ko na kaya. Gusto kita...gustung-gusto kita, James!"
Kumawala ako sa pagkakayakap n'ya. Tinuloy ko ang pag-akyat ko sa hagdanan, pero hindi ako tumatakbo.
Muli s'yang nagsalita, "James, patawarin mo ako sa nagawa kong pagpapanggap with her, 'yung totoo, kaya ko lang naman ginawa 'yon...kasi..."
"Kasi gusto mong malaman kung magiging affected ako? Gusto mong malaman kung masasaktan ba ako?" Tanong ko sa kanya.
Hindi makasagot si Kevin.
Kaya ako nalang rin ang sumagot sa sarili ko, "Kevin hindi. Hindi talaga ako nasaktan, okay na okay lang talaga ako. Sakit? Wala na siguro akong nararamdaman." Binigkas ko ang mga salita na iyon na may tono ng pagiging sarcastic. "Tuwang-tuwa ako ka-normal-an ng ginawa n'yong pagpapanggap. Naluluha ako sa sobrang saya, tears of fucking joy, Kevin! Tears of freaking joy!"
Humarap ako sa kan'ya, "gusto mo ko? Talaga ba? Kung gusto mo pala ako, sana pala kinausap mo ko, 'di ba? Sana ipinaalam mo sa akin na gusto mo ako!"
"James." Lumapit si Kevin, "sorry, James. Natakot ako. Natakot ako na baka hindi mo ako gusto, natakot ako na masira ang pinagsamahan natin."
"Fuck you, ang corny mong gago ka!" Sigaw ko sa kan'ya.
"Seryoso." Sabi nito.
"Kevin. Sana sinabi mo nalang." Umupo ako sa isang step ng hagdan, "gusto rin kita."
Kita sa mukha ni Kevin na nabuhayan rin s'ya ng loob, "talaga?"
"Oo naman, obvious ba? Kaso nga lang..."
"Ano, James? Kaso ano?" Tanong ni Kevin.
"Ang landi mo."
"Ah, malandi pala ah?" Nilapitan ako nito at sinunggaban ng halik.
Dahil ako ay nakaupong nakabukaka sa isang step ng hagdanan, nakaluhod s'ya sa isa pang step at s'ya'y nasa gitna ng aking mga binti.
Pinigilan ko s'ya, "ano, Kevin? Wala ka talagang pinipiling lugar? Hindi ka malandi sa lagay na 'yan?"
Sumagot naman s'ya, "oo, hindi ako malandi. Malibog lang."
Pagkatapos na pagkatapos n'yang sabihin iyon, biglang kumidlat at narinig namin ang napakalakas na kulog na kasunod nito.
Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.
"Yung gamit mo sa labas, mababasa." Sabi ko.
Nag-panic naman si Kevin at dali-daling binuksan ang pinto sa harap ng aming bahay at kinuha ang kan'yang gamit na nasa bakuran.
Pagkabalik nito sa hagdanan kung nasaan ako nakaupo, nilapitan n'ya akong muli.
"Now, where were we?" Tanong nito habang nakangisi.
Tinakpan ko ang mukha n'ya, "libog mo, Kevin! Bahala ka d'yan!"
Tumakbo ako paakyat ng hagdanan at papunta sa aking kwarto, nakita kong kasunod ko s'ya pero pinigilan ko s'yang makapasok ng kwarto.
"James! Ano ba! Kunwari pang ayaw mo!"
"Bahala ka d'yan! Malibog! Ayoko nga!"
"Dali na! Buksan mo 'tong pinto nang malasap mo! Makakalimutan mo ang lahat!"
"Gago! Lock mo muna mga pinto sa baba! Tyaka ka bumalik dito!" Utos ko kay Kevin.
♦♦♦♦♦♦♦♦♦