Chereads / Pusong Nahulog sa Tulay (Pinoy BL) / Chapter 38 - Legends - Finale

Chapter 38 - Legends - Finale

James's POV

Ang tagal ko nang hindi nakakapaglaro, pero 'eto nga pala 'yung paborito kong champion sa League of Legends, si Sona, Maven of the Strings.

Ang sarap pala sa feeling na kasama mong maglaro 'yung taong nagpapasaya sa'yo.

"You know Kevin, on second thought, we should do this more often." Sabi ko kay Kevin, nakita kong napangiti s'ya dahil dito.

Nagsimula na ang aming laro.

πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“

Makalipas ng ilang games, dumating rin ang inaabangan namin, sila Greg at Dexter.

"Sa wakas naman pala! Tagal naming naghintay sa in'yo, saan ba kayo galing?" Tanong ko habang nagfi-fist bump kaming apat, parang handshake na naming apat 'yung ganon. That's how we greet each other nung magkakasama pa kaming apat.

"Si Kevin kasi, sabi n'ya 'wag kaming pumunta agad. Gusto raw kasi n'yang makapagbonding kayong dalawa dito sa computer shop." Sagot ni Greg.

"Oo nga, gusto kang solohin, as usual! Alam mo na, tulad nung dati!" Dagdag ni Dexter sa sinabi ni Greg.

Lumingon ako kay Kevin at nakangisi lang ito at nag-thumbs up. πŸ‘πŸ‘

Hindi ko alam kung kikiligin na ba ako o mata-touch.

Bigla kong naalala na noong highschool pa kami, palagi ring ganto, na kaming dalawa ang nauuna sa pagtambay sa computer shop.

Most of the time, sinasadya n'ya talaga na kaming dalawa lang ang maglalaro, inuutusan talaga n'yang magpa-late ang dalawa.

Bakit?

Una, 'yung password n'ya na nakapangalan sa akin. Ngayon 'eto?

Ibig sabihin ba non, matagal na n'ya akong gusto?

"Tara, G na!" Aya ni Greg.

Saktong bakanta ang upuan sa magkatabi namin ni Kevin, doon ngayon pumwesto sila Greg at Dexter.

Damn.

Just like the old times.

πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“

Nakailang games rin kami bago nagkasawaan, ngayon nasa plaza kami nakatambay.

"Dala mo pala 'yang camera mo, Dexter?" Lumapit si Greg kay Dexter, "kuhanan mo naman ako ng picture oh! Pang-DP lang."

"Aba, ano mo ko? Personal photographer? 'Di ka gwapo, baka masira lang camera ko pag kinuhanan kita ng litrato!" Sabi naman ni Dexter sabay hawi sa mukha ni Greg na nakatapat sa harap ng camera n'ya at nagpo-pose.

Nagpasama si Kevin kay Greg magbanyo sa Center Plaza Mall, ang isa sa maliit na mga mall na nasa plaza ng Balanga, Bataan.

"Greg, tara, banyo." Aya ni Kevin.

"Ba't ako? Ano mo ko? Taga-hawak ng hose? 'Di ka ba makakaihi pag 'di ako 'yung kasama mo?" Tanong ni Greg.

"Gago! Sumama ka nalang, ihahanap kita ng chicks sa banyo!" Sigaw ni Kevin.

"Ulol, banyo ng lalaki tayo pupunta tapos may chicks? 'Wag nga ako, Kevin." Sagot ni Greg.

"Oo, chicks, chicksilog! Chicks na may itlog!" Tawa ni Kevin sabay akbay at pwersahang isinabay sa paglalakad si Greg.

Naiwan kaming dalawa ni Dexter na nakaupo sa isang bench sa plaza.

"So, kayo na pala ni Kevin. Congratulations!" Bati sa akin ni Dexter.

"Thank you, Dexter." Sagot ko.

"Alam mo, ngayon na alam kong in a relationship na kayo at mukhang pareho kayong masaya, masaya na rin ako at kampante." Sabi nito.

Tiningnan ko s'ya ng mayroong pagtataka sa kung ano ang ibig n'yang sabihin sa naging pahayag.

"Ah, sorry. You probably have no idea. I might as well spill the beans and the tea." Napabuntong-hininga si Dexter bago nagpatuloy sa kan'yang sinasabi, "haist, James. Kung alam mo lang, kung gaano kasakit 'yung nararamdaman ko."

Teka, don't tell me na may lihim kang pagtingin sa akin, Dexter. I don't see you as someone I can be with, pang magkapatid lang tayo.

Nagpatuloy s'ya sa kan'yang sinasabi.

"Kung alam mo lang kung gaano kahirap 'yung pinagdaanan ko dahil sa'yo!" Sigaw nito.

Teka, galit ba s'ya?

At ano? Anong ginawa ko?

"James, 'wag kang mag-alala, hindi naman ako galit sa'yo o nabwisit kahit minsan. Pero grabe, kung alam mo lang talaga." Nakikita ko na malapit nang lumuha si Dexter habang nagsasalita.

"Dexter, ano ba. Sabihin mo na kung anong naging kasalanan ko sa'yo. May nagawa ba ako o nasabi na ikakatampo mo? Kaya ba hindi ka na sumasama sa amin simula pa noon? Dahil sa akin?" Binuksan ko ang bag ko at kumuha ng tissue at ibinigay ito sa kan'ya.

Kan'yang kinuha ang tissue at nagpatuloy sa pagsasalita.

"James, ikaw 'yung reason kung bakit nagbreak kami ni Brix." Sabi ni Dexter.

"What do you mean? Teka. Tama ba 'yung narinig ko? Si Brix 'yung ex mo?" Tanong ko.

πŸ•›πŸ•πŸ•‘πŸ•’πŸ•“πŸ•”πŸ••πŸ•–πŸ•—πŸ•˜πŸ•™πŸ•š

FLASHBACK

Ang pagkikita sa Jollibee (Chapter 7)

"Ang tagal mo na kasing hindi nagpaparamdam sa amin nila Kevin at Greg!" Sabi ko kay Dexter.

Inilapag na n'ya ang inorder ko sa table. "Teka lang, hintayin mo ako. Tapos na ang shift ko, sabay na tayong kumain." Pumasok s'ya sa office at pagkalabas n'ya ay naka-uniform na pang-eskwela na ito.

Pumunta s'ya sa may counter at nang bumalik ay may dala na ring pagkain.

"Sayang pala. Sana pala nalibre mo ako, Dexter!" Sabi ko sa kan'ya.

"Sa susunod nalang siguro. Kamusta na ba kayong tatlo?" Umupo s'ya sa tapat ko at ngumiti.

🐒🐒🐒🐒🐒🐒🐒🐒🐒🐒🐒🐒🐒🐒🐒🐒🐒🐒

"Ikaw naman. Kamusta ka? Bakit ka ba nawala?" Tanong ko kay Dexter.

"James, kasi... I had a boyfriend at we recently broke up." Hindi na s'ya makatingin sa akin ng diretso. Ramdam na ramdam ko ang pagkahiya n'ya tungkol sa sinabi n'ya. "Kaya ako lumayo, baka kasi ikahiya n'yo ang pagiging magkakaibigan natin at tingnan bilang isang nakakadiri at kamuhi-muhing tao. Alam ko ngayon na nandidiri ka, naiintindihan ko naman kung lalayuan mo ako pagkatapos nitong pag-uusap natin-"

"Dexter, tumigil ka nga. Wala kang dapat ipag-drama, okay lang sa akin. Walang problema sa akin kung anong nangyari sa'yo. Ang sakin lang, sana hindi naging dahilan 'yon para layuan mo kami. Dex, kaibigan ka namin at bilang kaibigan, dapat tanggapin natin ang isa't isa kahit ano pa man ang pagkakaiba natin."

Hindi pa rin s'ya makatingin sa akin at nakayuko pa rin. Gusto kong ipakita sa kan'ya na totoo ako sa sinasabi ko kaya't hinawakan ko ng mahigpit ang kamay n'ya.

"'Yun lang ba talaga, Dexter?" Tanong ko.

"Salamat sa lahat, James. Actually, hindi pa ako handa na harapin ka ngayon kaso nung nalaman kong sa'yo 'yung order kanina, naglakas loob na ako. Salamat at napagaan mo 'yung nararamdaman ko, hindi mo alam kung gaano kabigat ang naalis sa dinadala ko ngayon." Hinigpitan rin n'ya ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko ang ngumiti habang lumuluha.

"Cheer up! Kain na ulit tayo. Ngayon mabubuo na ulit tayong apat!" Bumitaw na ako at nagpatuloy sa pagkain.

πŸ•›πŸ•πŸ•‘πŸ•’πŸ•“πŸ•”πŸ••πŸ•–πŸ•—πŸ•˜πŸ•™πŸ•š

END OF FLASHBACK

"Kaya mo ba nasabi na hindi ka pa handang harapin ako nung time na 'yon dahil sa breakup n'yo?" Tanong ko kay Dexter.

"Oo, James." Sagot nito. Binigyan ko ulit s'ya ng tissue.

"Pero, Dex, recently ko lang s'ya nakilala. Nung nag-party kami sa bahay nila! At tsaka, wala naman akong ginagawa, hindi ko nga alam na kayo pala!" Sabi ko kay Dexter.

"Alam ko James, pero si Brix, nagkagusto s'ya sa'yo more than he liked me. Masakit pero I had to let him go, the relationship began being toxic na. Ayokong masaktan, pero mas ayaw kong magkasiraan tayong dalawa dahil doon. Kaya ako nalang 'yung lumayo, I know he tried pursuing you pero thank you for not falling for him. Hindi ko yata kayang makita 'yung taong mahal ko dati na minamahal ng kaibigan ko."

"No, hindi ko s'ya gusto. At ngayong alam ko na mag-ex kayo, mas lalong hindi. At tsaka, may Kevin na ako. Tama na pagsasayang ng luha para sa kan'ya, okay? Tahan na." Sabi ko kay Dexter.

"Ulitin mo nga 'yung sinabi mo, 'may Kevin ka na.'" Utos ni Dexter sa akin na sinunod ko naman.

"May Kevin na ako, 'wag kang ano d'yan! Wala kang dapat pagselosan!"

"Kilig naman!" Sabi ni Dexter na nakangiti na. "Ang harot n'yo naman!"

Biglang sumagi sa aking isip si Oxford.

"Oh, ba't nagmukha ka namang seryoso ngayon?" Tanong sa akin ni Dexter.

"Eh, kasi. Si Oxford mo." Sabi ko.

"Oh, ano?" Tanong nito, "anong meron kay Oxford?"

"Mag-ingat ka sa kan'ya." Sabi ko.

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong nito. Maya-maya'y parang nakatumpak sa quiz ang reaksyon n'ya, "ah, gets. Alam ko na. Hay nako, James. Lahat ba ng taong magugustuhan ko, gusto ka?"

"Luh? Wala pa naman akong sinasabi ah, talino mo naman pala!" Natatawa kong sinabi kay Dexter.

"Hayaan na natin sila, hindi sila worth it. Kung he's dating me tapos he's also trying to pursue you, ngayon pa lang nakikita ko nang hindi s'ya worth it." Sabi ni Dexter.

"Hindi ka ba galit sa akin?" Tanong ko.

"Bakit naman ako magagalit? Kasalanan mo bang bukod kang pinagpala? Na maraming nagkakagusto sa'yo? Ako nalang yata at si Greg hindi magkakagusto sa'yo ever, eh!" Sagot nito.

"Biruin mo, dati-rati isa akong tulay para magkagustuhan ang dalawang magkaibang tao. Ngayon, ako na 'yung nasa isang dulo ng tulay na ikinokonekta sa isa pang tao." Sabi ko kay Dexter.

"Love moves in mysterious ways, ika nga ng kanta. Imagine, sinong mag-aakala na dati, tulay ka lang ni Kevin. Dati ginagamit ka lang na tawiran, ngayon ikaw na 'yung pupuntahan, ikaw na 'yung tinutuwad! Este tinatawid!" Biro ni Dexter.

"Loko!" Binatukan ko ito.

Nakabalik na sila Greg at Kevin.

Iniabot ni Kevin ang kan'yang kamay sa akin at sinabing, "tara. Uwi na tayo sa bahay."

"Oh, shit! Live-in partners na agad! Dalawang araw pa lang kayong mag-on!" Sabi ni Greg.

"For you information, guys, since day one, magkasama na kami sa bahay!" Sabi naman ni Kevin. Tiningnan n'ya akong muli at nagsalita, "ano, tara na! May gagawin pa tayo mamaya, 'di ba?"

Inabot ko ang kan'yang kamay at tinulungan n'ya akong makatayo mula sa pagkakaupo sa bench. "Kevin! Mahiya ka naman sa mga nakakarinig sa'yo! Masyado kang SPG magsalita!"

"Uy, ano 'yang gagawin n'yo? Share n'yo naman! Panoorin namin!" Biro ni Greg.

"Mahihiya ka pa ba sa amin? Eh tropa tayo since birth!" Dagdag ni Dexter.

"Tara, iuuwi na kita. Sabi mo kasi kagabi may gusto ka pang i-try na ibang style!" Sabi ni Kevin habang nakaakbay.

"Maganda 'yung ano, 'yung style na ano, 'yung ganto tapos ganon! Masarap 'yon promise!" Sabi ni Dexter habang nagdedemonstrate gamit ang dalawang kamay at mga daliri n'ya.

"Anong style? Wala akong sinasabing ganon!" Nahihiya kong sinabi sa kanilang tatlo.

"Style nung pagkain! 'Di ba sinabi mo 'yon kagabi? Ikaw ah, kung anu-ano iniisip mo! Malibog ka pala?" Asar ni Kevin sa akin.

"Nako, alam ko 'yang style na 'yan, Dex!" Sabi ni Greg. Maging si Greg ay nagmuestra na rin ng kung anu-ano gamit ang kan'yang kamay at daliri.

Hindi na nakuntento ang dalawa, nagtabi pa sila at nag-ungulan habang naglalakad kami papunta sa sakayan.

At talagang next-level na ang pang-aasar nila dahil nagdemonstrate na silang dalawa with their bodies, hindi na nahiya ang mga shuta.

"'Yan tapos 'yung sinasabunutan!" - Greg.

"Oo, tapos pinapalo! Tapos sisigaw, choke me! Harder! Harder!"

"Ano, gusto mo ba 'yon? Gawin natin?" Bulong sa akin ni Kevin.

"Nakakahiya kayo. Ang dami nang nakatingin sa ating apat, oh!" Sabi ko sa kanila. "Konting hiya naman, guys!"

Inilapit n'ya muli ang bibig sa aking tenga.

"Nako, Kevin! Ewan ko sa'yo!" Sigaw ko sa kan'ya pero hindi pa rin n'ya inilalayo ang kan'yang bibig sa aking tenga. "Hindi kita sasagutin, loko ka."

Bumulong s'ya.

"I love you, James."

"I love you too, Kevin."

● The End ●

πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“πŸ“