Chapter 37 - Commit

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV

Pagkatapos kumain, nagligpit na kami ng pinagkainan.

"Ako na ang maghuhugas ng plato." Sabi ni Kevin.

Si Ursula naman ay pumunta sa sala, sumunod ako sa kan'ya.

Nang kami ay nakaupo na, tinanong ako ni Ursula, "bilis mo naman yatang napatuwad ni Kevin?"

"Ursula!"

"Naku, este magpatawad! Oo, magpatawad! Bakit ang bilis mo naman yatang pinatawad 'yang si Kevin!"

"'Wag ka nang magtanong, nabigla lang ako sa mga pangyayari."

"Napakashocking naman pala pag nabibigla ka, James! Napapa-eut!"

"Ursula, ano ba! Kababae mong tao, gan'yan ka magsalita!"

"Oh, come on, James! Anong taon na ba? Wala akong time para maging conservative! At isa pa, wow ha? Coming from you? You na amoy chlorine ang mukha at leeg!"

Wala akong nasabi sa mga sinabi ni Ursula.

Dahil...totoo naman.

"Pero seryoso, sigurado ka na ba sa pinapasok sayo? Ay sorry, I mean, sure ka na ba sa pinapasok mo na 'to?"

"Oo, Ursula. Sure ako. I'll give this a go."

"Walang iyakan ah! Sabihin mo lang sa akin 'pag ginago ka ng Kevin na 'yan! I'll send some resbak! He'll never see the light of day when that happens!"

"Salamat, Ursula." Niyakap ko si Ursula ng mahigpit.

"Thank you rin, I needed a little bit of drama in my life. Nag-enjoy ako na naging part ako ng story n'yo. Kung alam mo lang, mas complicated 'yung naging story ng kapatid ko at ng best friend ko, pero, in the end, they still ended up together."

Tumayo si Ursula at pumunta kami kay Kevin na naghuhugas ng plato.

"Hoy, ikaw lalake!" Sigaw ni Ursula kay Kevin.

"Anong problema mo?" Tanong naman ni Kevin.

"Wala. Subukan mo lang saktan ulit 'tong si James, dudurugin ko ang Junjun mo at ipapakain ko sa'yo! Malinaw?"

"Masasaktan lang 'yan sa simula, pero sisiguraduhin kong sarap ang mararamdaman n'ya mamaya, bukas, at sa mga susunod pang mga araw na magkasama kami. At gagawin ko ang lahat ng makakaya ko mapasaya lang ang taong mahal ko, at s'ya 'yon. Hindi ko na itatangging si James ang mahal ko."

"Make sure of that, napakadaling sabihin, pero mahirap gawin, Kevin."

"Walang perpektong tao, at mas lalong walang perpektong relationship. Pero tulad ng sinabi ko, I will make this relationship work."

Lumapit ako kay Kevin at niyakap ko s'ya, "no."

"We will make it work, together."

Nagtinginan kami ni Kevin.

"Mahal na mahal kita, James."

"Mahal na mahal rin kita, Kevin."

"Sana all!" Sigaw ni Ursula.

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Kinabukasan, nakipagkita kami ni Kevin kay Greg sa isang computer shop.

"Nakakamiss naman maglaro, 'yung tayong apat nila Greg at Dexter." Sabi ko kay Kevin.

"Pwede naman tayong maglaro eh, ikaw lang naman 'tong nagpapakasanto na ayaw nang pumasok sa computer shop!" Sabi nito.

"Ayoko, baka kasi makasira ng pag-aaral. Ayaw ko namang mapahiya sa mga magulang ko no!" Sabi ko.

"Kahit ngayon lang?" Nag-aaya si Kevin na maglaro kami sa computer shop.

"Eh, ano pa nga bang magagawa ko, eh nakaupo ka na d'yan. Nakakahiya naman sa'yo na nakapwesto na!" Tanong ko, "saan naman ako pupwesto?"

Tinapik n'ya ang kan'yang kanlungan.

"Gago, mahiya ka naman kahit konti! Landi mo!" Umupo ako sa bakanteng pwesto sa tabi n'ya.

Binuksan ko ang PC at nag-log in sa account ko sa computer shop.

"Wow, natatandaan mo pa 'yung account mo? Ang tagal mo nang 'di nakakabalik dito pero parang fresh pa sa'yo 'yung mga bagay-bagay!" Sabi nito.

"Ganon talaga, madali lang naman matandaan password ko." Sabi ko.

"Bakit? Ano bang password mo?" Tanong ni Kevin.

"Ba't kailangan mong malaman?"

"Wala lang, sakin kasi madaling hulaan. Siguro birthday mo 'yung password mo!" Sabi nito.

"Ewan ko sa'yo. 123 password ko sa account sa computer shop, hindi ko pinapalitan 'yung default para di ko makalimutan." Tiningnan ko 'yung kamay n'ya habang tina-type n'ya password n'ya para sa account sa computer shop. Napansin ko na ito ay napakahaba.

Tinanong ko s'ya, "Kevin, ang haba naman yata ng sa'yo!"

"Mahaba talaga 'to, nakita mo naman kagabi, nasarapan ka nga eh, sarap nga ng ungol mo eh, nakakagana." Sagot nito.

"Kevin! Ano ba! Nakakahiya! Ang daming tao dito sa computer shop, ang daming bata sa paligid tapos magsalita ka ng gan'yan!" Sigaw ko.

"Eh, nakaheadphones naman 'yang mga 'yan! Bingi lahat n'yan 'pag naglalaro na!" Tumawa ito, "saan ka ba kasi nakatingin? Akala ko kasi sa footlong ko ikaw nakatingin!"

"Anong footlong? 'Wag ka ngang feeling! 'Di ka daks! Sa keyboard ako nakatingin, okay? Ang haba ng password mo! Doon ako nahabaan, hindi sa space bar mo!"

"Gusto mo talaga malaman? Hindi ko rin pinapalitan simula nung nagkaroon tayo ng account dito sa computer shop na 'to."

"Oo. Nakakacurious, baka kalibugan password mo, hindi ako magtataka." Sabi ko.

"Pangalan mo." Sagot ni Kevin. Binuksan n'ya ang Garena app at nag-log-in.

Binigkas n'ya ang password n'ya habang tina-type ito sa log-in page.

"Password ko, ayan, listen, look, listen and learn, hahaha, 'iloveyoujamesxoxo' walang space." Tiningnan n'ya ako na may ngiti sa kan'yang mga labi, "ano, happy ka na ngayong alam mo na password ko?"

♦♦♦♦♦♦♦♦♦