Chapter 30 - The Fall

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Kevin's POV

"Tama ba ang narinig kong mga pasabog na mga revelation?" Tanong ulit ni Ursula.

"Ano? Naging silent mode naman yata kayong dalawa? Or hindi lang ako nainform na may telepathic abilities na kayo at through the mind na kayo nagko-communicate?"

"Ano na?! Sagot!"

Bakit ka nakikipagkaibigan sa mga ganitong tao, James?

"Oo na! Okay?! Lahat ng mga narinig mo, totoo!" Sagot ko sa kan'ya. "Hindi totoong may relasyon kami ni Julia, lahat lang ng mga 'yon ay for show lang."

Sinampal ako ni Ursula.

"Akala ko si James na kaibigan ko ang tanga sa sitwasyong ito, pero hindi pala. Mayroon pa palang mas tanga kaysa sa isang taong hinahayaang masaktan ang sarili n'ya dahil nakikita n'yang may kasamang iba ang taong minamahal n'ya. Alam mo ba kung sino?"

Sinampal n'ya akong muli at dinuru-duro.

"Ikaw, Kevin, mas tanga ka, dahil hindi mo inisip kung ano ang mararamdaman ng taong pagpapakitaan mo ng gan'yan na tulad ng ginawa n'yo ni Julia! Hindi mo alam kung anong hirap at sakit 'yung mayroon sa puso at isipan ni James ngayon! In fact, kaya kami nagpunta dito para makalimot naman s'ya kahit papaano sa nararamdaman n'yang sakit, sa nararamdaman n'ya para sa isang taong tulad mo!"

Sinampal na naman n'ya ako sa pangatlong pagkakataon.

Lumingon naman s'ya kay Julia, "at ikaw naman! Ano ang benefits na makukuha mo sa pagiging involved sa panlolokong ito? Pasalamat ka at maganda ka, hindi ko sisirain 'yang pagmumukha mo, pero kung nagkataon, wala nang ibang makakakilala pa sa'yo pagkatapos ng hagupit na mararanasan mo mula sa isang bagyong tulad ko! Bakit nakatakip 'yang kamay mo sa mukha mo? Tinatawanan mo ba akong babaita ka? Kanina ko pa napapansin 'yan sa'yo!"

Nagulat ako nang sampalin na naman n'ya ako, the fourth time, and... which I hope is that last na rin. Mukhang huli naman na, dahil nagsimula na s'yang maglakad papalayo.

"Patikim pa lang 'yan ng hagupit ko, wala pang signal number one 'yan! Thunderstorm pa lang 'yan! 'Eto lang ang masasabi ko, hindi ko maipapangako sa iyo na hindi makakarating kay James ang mga nalaman ko, pero hindi ito nangangahulugang kinukunsinte ko ang panloloko n'yong dalawa sa kaibigan ko!"

Tumigil s'ya saglit.

"Binibigyan lang kita ng pagkakataon na personal na makapagpaliwanag at makahingi ng tawad sa kan'ya dahil once na malaman n'ya ang kagaguhan na ginawa mo, siguradong ni isang bahid ng pinagsamahan, mabubura."

Lumingon s'ya sa aming dalawa ni Julia.

"Think wisely and good luck!"

Bumalik na naman s'ya matapos pa lang n'yang makaliko at pumasok ulit sa banyo.

"Oops, sinampal-sampal kita, naalala ko 'di pa nga pala ako nakapaghugas ng kamay and I also think na nakalimot akong mag-flush ng toilet bowl. Now I know bakit nakatakip 'yang kamay mo. Sorry, girl! Duty calls."

Matapos n'yang maghugas at magpatuyo ng kamay, lumabas na muli s'ya mula sa banyo.

"Pasampal nga ulit!" At sinampal n'ya ako, for a total of five slaps! "'Yan ah, malinis na 'yang kamay kong ipinangsampal ko sa'yo ha! Good bye again!"

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV

Nakita ko sa 'di kalayuan si Ursula, binati ko ito.

"Ano, success ba?"

"Oo, success, James!"

"Bakit inabot ka naman yata ng sobrang tagal? Mahirap bang ilabas? 'Yan, ang takaw-takaw mo naman kasi eh."

"Hay nako, kung alam mo lang..."

"Kung alam ko lang na ano?" Tanong ko dito.

"Ah, eh. Kung alam mo lang, sobrang daming nakapila sa banyo! Kung pwede lang nga na sa male's toilet ako pumasok, gagawin ko na, makapaglabas lang ng sama ng panahon sa tiyan ko! Kaso baka ma-issue pa ako, ayoko matulad sa trans na nabalita sa TV, 'yung 'di pinapasok ng banyo tapos inaresto pa."

Nakita kong parating na rin sila Kevin at Julia, "James!" Sigaw ni Kevin.

"Ursula, umuwi na tayo, ayoko na dito."

♦♦♦♦♦♦♦♦♦