♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Kevin's POV
Naunang pumasok sa hospital room si Julia, nang s'ya'y tuluyan nang nasa loob, lumingon s'ya at tinitigan ako. Hindi ko namalayang nakatitig rin pala sa akin si Ursula.
"Ano? Guilty ka? Hindi ka makapasok?" Tanong sa akin ni Ursula.
Ano, Kevin? Guilty ka? Guilty ka.
Hindi mangyayari 'to kay James kung hindi ko ginawa ang lahat ng kalokoha't katarantaduhan.
Bakit ba kasi kailangan mo pang maging denial? Bakit hindi ka nalang nag-go with the flow? Bakit mas pinili mong manakit?
Tumalikod ako, tumalikod ako sa kanila. Tumalikod ako dahil nararamdaman ko na ang pag-agos ng aking luha mula sa aking mga mata.
Sumigaw si Ursula. "Hoy, lalaki! Don't you dare na talikuran ako! Pumasok ka dito nang makita mo ang nangyari sa kaibigan ko!"
Grabe, pinagtitinginan na kami ng mga taong nagdaraan.
"Ate ghorl, baka pwede namang 'wag mag-eskandalo. Mahiya naman tayo sa mga nakaririnig." Sabi ni Julia. "Kalma ate ghorl."
"Isa ka pang babae ka, anong ate ghorl, ate ghorl? 'Wag mo 'kong maate-ate ghorl!"
Kahit na ako'y nakatalikod, ramdam ko ang nanlilisik na titig ni Ursula sa likod ko.
"At ako pa ba ang dapat mahiya? For your freaking information, kasalanan n'yo 'tong dalawa kung bakit nagkaganito ang kaibigan ko!"
"Cyst, kami ba driver ng tricycle? Hindi naman kami ang may sala kung bakit kayo naaksidente ah. Pwede ba, tigil na ang drama, wala tayo sa teleserye para umastang-" pinatigil ni Ursula si Julia sa pagsasalita gamit ang isang napakalutong na sampal.
"Don't you freaking dare tell me that! Hindi ba't pakana n'yo na um-acting sa harap ni James? Sige, sabihin natin na hindi kayo 'yung nagmaneho ng trike. Pero wala namang mangyayari at wala sanang nangyari kung hindi n'yo ginawa 'yon!"
Sinampal muli ni Ursula si Julia, "and that's for calling me cyst!"
Naririnig ko nang nagbubulung-bulungan ang mga tao sa paligid. Nakakahiya na 'to.
Pero...
I deserve this embarrassment.
I deserve to be shamed.
James, I'm sorry.
Pinagsisisihan ko lahat ng ito.
Sana okay ka lang.
Hindi ko kayang-
"Ano papasok ka ba?" Tanong ni Ursula.
Humarap ako sa kanila, gathering all the courage I have left, converting the feeling of kahihiyan into strength to fight the humiliation and enter the room kung nasaan nagpapahinga ang kaibigan kong si James.
Sa aking pagpasok, ang una kong napansin ay ang mga nakakonektang mga apparatus sa katawan ng aking kaibigan, akala ko sa TV lang ako makakakita noon.
Rinig ko rin ang beeping sound ng machine na nagchecheck ng vitals ng patient, I never would have thought na maririnig ko 'yon at ang vitals ng kaibigan ko ang naririnig ko.
"James, I'm sorry." I walked to the right side of his bed and held his right hand. "James, I'm sorry. 'Di ko dapat ginawa 'yon. Sana mapatawad mo kami, sana mapatawad mo ako. Sorry kung nagpanggap kami na may relationship kami. Sorry kung nasaktan ka dahil doon."
"Tama nga 'yan, mag-sorry kang kupal ka!" Sabi ni Ursula.
Pinipisil ko ang kamay n'ya, hindi ko na napigilan ang aking damdamin, bumuhos na ang luha mula sa aking mga mata. "Patawarin mo ko, James. Hindi ko alam ang mga ginagawa ko. Alam kong hindi tamang pigilan ang nararamdaman ko pero 'yung totoo, nalilito lang talaga ako. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Pero, James-"
Naputol ang sinasabi ko nang nagsalita si James...
"Bakit ka nagso-sorry? Ano bang nagawa mo? Ano bang naging kasalanan mo?"
Nagpatuloy s'ya sa pananalita.
"Bakit ka nagso-sorry? Sorry ha, at excuse me rin, pero pwede bang bitiwan mo kamay ko! Sino ka ba? Hindi naman kayo kilala ng kasama mo, paano kayo nakapasok dito?"
Hindi...
Hindi pwedeng mangyari 'to...
Hindi maaari...
"James, ako 'to, si Kevin." Hinatak n'ya ang kamay n'ya mula sa pagkakahawak ko.
Sinubukan kong abutin muli ang kan'yang kamay ngunit iniiwasan n'ya ito. "James, ako nga 'to, kaibigan mo, si Kevin ako."
"Tumigil ka!" Sigaw ni James. "Ursula, sino ba 'to? Ilayo mo nga s'ya sa akin!"
Lumingon ako kina Ursula at Julia na gulat na gulat rin sa mga pangyayari.
"James?" Ramdam ko ang pagtataka sa boses ni Ursula.
"Ilayo mo s'ya, please lang."
Sobrang sakit ng sinabi ni James, deserve ko siguro 'to. Deserve kong mangyari 'to. Deserve kong masaktan as a consequence.
Hinatak ako ni Ursula papalayo kay James, "hindi ka naman siguro bingi no? Layo!"
"Anong nangyayari? Bakit hindi maalala ni James si Kevin?" Nagtatakang tanong ni Julia.
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Ursula's POV
Kaloka ka friend!
"Is there something wrong with James?" Tanong ng babaitang si Julia.
Wait lang ate ghorl! Natataranta ako! Hindi ko alam ang gagawin ko! Hindi naman ako na-orient ng doctor tungkol dito!
"Ah, eh." Ang tanging lumabas sa aking kissable lips.
Teka, may binigay na papel kanina 'yung hottie na si Oxford.
*flips pages*
Binasa ko ang summary, este 'yung natatandaan kong sinabi kanina sa akin bago gumising si James, "normal naman s'ya, James can be discharged before the day ends."
"So kung ganon, bakit hindi n'ya maalala si Kevin?" Follow-up question ni Julia.
Hindi ako nainform na interview pala ito! Kaloka! 🥴💫😵
Tumingin ako kay James.
Nakatitig lang s'ya sa akin pero parang may nararamdaman ako sa titig n'ya.
Hindi SPG guys! Parang may gusto s'yang sabihin o gawin.
Ah! Okay! Gets ko koyah!
"Sabi sa akin ng doktor kanina, normal lang raw 'yan na may Alzheimer's."
"Ano?!" Gulat na sigaw ni James.
Sorry naman, taranta mode na ako eh!
"Ah, basta! May nangyari sa kan'ya kaya may mga details s'yang nakalimutan!"
"Selective Amnesia, parang katulad ng mga napapanood ko sa mga teleserye. Usually, nakakalimutan nila 'yung mga taong mahalaga sa kanila." Dakdak ng babaeng maraming alam.
Ikaw na matalino, girl! Sa'yo na ang korona. Gusto mo pati corona virus sa'yong-sa'yo na!
Gigil mo 'ko!
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Kevin's POV
Hindi p'wede 'to.
Hindi ako naaalala ni James?
Paano nangyari 'yon?
Eh matagal na kaming magkakilala!
"Paalisin mo na nga sila, Ursula! Gusto ko nang magpahinga!" Sigaw ni James.
Parang may iba kay James, hindi s'ya ganito. Hindi ito ang pagkakakilala ko sa kan'ya.
Siguro nakalimutan na nga n'ya talaga ako.
Pinalabas kami ni Ursula mula sa kwarto ni James. Natanaw ko si Oxford at akin itong nilapitan.
"Anong kailangan mo ha?" Maangas na tanong nito sa akin.
Hinawakan ko s'ya sa collar ng polo n'yang suot at pwersahang napasandal s'ya sa pader.
"Kevin! Ano ba?!" Sigaw ni Julia nang ako'y sinubukan n'yang ilayo kay Oxford ngunit pirmi pa rin akong nakahawak sa collar n'ya.
"Bakit hindi ako naaalala ni James? Anong ginawa mo sa kan'ya?" Tanong ko. Tanong ko na may kasamang galit at luha.
"Ha? Gago ka ba? Ano naman 'yang pinagsasasabi mo? Parang may kakayanan akong magbura ng memorya?" Tinulak ako ni Oxford gamit ang kan'yang kanang kamay at ako'y napaupo sa sahig. "Huwag ka ngang lumapit, social distancing naman, oh!"
Sinipa n'ya ng bahagya ang paa ko, "at pwede ba? 'Wag kang mag-eskandalo sa ospital namin?"
Naglakad s'ya sa direksyong patungo sa kwarto ni James. Huminto s'ya nang s'ya'y nakahawak na sa pinto ng kwarto, tumingin s'ya sa akin at nagsalita. "Deserve mong makalimutan ka ni James. Buti nga sa'yo. Sana 'di ka na n'ya maalala lalo na lahat ng ginawa mong kagaguhan sa kan'ya!"
Pagkatapos n'yang magsalita, pumasok na s'ya sa kwarto ni James.
Hindi lang sakit ng pwet ko dahil sa pagkakabagsak as sahig ang nararamdaman ko, pati na rin sakit ng damdamin at ramdam na ramdam ko na.
Maaalala mo rin ako, James.
Pinapangako ko sa'yo...at sa sarili ko...na hinding-hindi mo na ako makakalimutan pang muli.
♦♦♦♦♦♦♦♦♦