Chereads / Pusong Nahulog sa Tulay (Pinoy BL) / Chapter 25 - Beastmode

Chapter 25 - Beastmode

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV

Nandito na naman ako sa library, hindi para magreview, kundi para magpalamig. Ang dami kayang mga naka-on na air conditioning unit dito sa library, mga 20. 😳 😂

Pero nakakapagtaka na kung kailan kaunti lang ang students, dun lang nila binubuksan. 'Pag marami na, pinapatay nila ulit. Ano 'to? 'Pag sila lang nasa library, bukas lahat? 'Pag 'yung mga students na na nagbabayad na ang nasa library, turn off na agad?! 😒

The frick is this?! 😐

Gusto ko tumatambay dito, simula nang naging iisa-isa nalang ako, this place is like my Fortress of Solitude.

Fortress of Solitude talaga nila Superman at Supergirl, dahil malamig. 🤧😷

Saglit akong umidlip... 😴

...

May tumapik sa aking ulo na ikinagising ko.

"Bawal pong matulog dito, sir."

Inayos ko ang aking sarili, tiningnan ko kung may muta ba ako o natuyong laway. Dugyot lang ng slight. 🤤

Nang medyo nahimasmasan na ako, nalaman kong si Brix pala 'yung gumising sa akin. 😱

Teka, how? Akala ko he's like... so old na he can be considered as a graduate already. Hey, I'm not saying that ang tanda n'ya tingnan. What I'm saying is that he looks so mature already. 🤔

Pero something's different about him right now, siguro because he's wearing the school uniform kaya mas bata ang tingin ko sa kan'ya ngayon.

"What? Ginulat ba kita with my presence? Or with my appearance?" Tanong n'ya.

"Both." 😐

Umupo s'ya sa aking tapat.

"Tell me the details, like what's your course, why are you here and how did you find me kung hinahanap mo talaga ako kasi stalker ka at obsessed pa sa akin. I'm just kidding ha! Don't take it seriously, 'wag mong masyadong isapuso ang mga pinagsasasabi ko." Sabi ko sa kan'ya. 🕵️

"I'm taking an undergraduate program that focuses on business and entrepreneurship. I'm a year level higher than you."

"Hindi mo naman sinagot 'yung last part. Bakit ka nandito at paano mo nalaman na nandito lang ako?"

"I saw one of your classmates sa canteen and he was talking about you, I overheard na this place is your favorite spot when taking a break."

"Sino naman s'ya?"

"It is not important, not significant at all."

"Sino nga kasi, kilala mo ba? Kilala ko ba?"

"Yes to both questions."

"Okay, sino?"

"Fine, I'll tell you who he is..."

Pero ang galing talaga ng timing ng cliffhanger...

Dumating si Julia. 💃

"James, pwede ba tayong mag-usap?"

"Ano 'yon, Julia?"

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"'Eto na, Julia, nag-uusap na tayo." 🤣

"Hindi, ibig kong sabihin, 'yung tayo lang ba." Tiningnan n'ya si Brix, agad namang tumayo at lumayo sa aming dalawa si Brix.

"Ano, yon, Julia? Ano kailangan mo? Ano maitutulong ko?" Tanong ko. Pinaupo ko s'ya dun sa kinakaupuan kanina ni Brix.

"Ano kasi, ..., uhm..." Parang nag-iisip pa s'ya kung sasabihin sa akin ang gusto n'yang sabihin.

"Julia, 'wag ka nang magpatumpik-tumpik pa, sabihin mo na agad ang gusto mong sabihin."

"Pwede bang tulungan mo ako kay Kevin?"

"Teka, bakit?! Anong nangyari kay Kevin? Nasaan ba s'ya? Okay lang ba s'ya?" 😱

"I'm sorry."

"Ha? Wait, what?!" Gulat ba gulat ako, 'di man lang kami nagkaayos bago s'ya naglakbay papunta sa kabilang buhay. 😭😭😭😭

Shhhhhhhhhhhhh!

Nakalimutan kong nasa loob nga pala kami ng library. Baka mapalayas at magkarecord pa ako nito kung hindi ko mapipigilan ang reaksyon ko.

Shhhhhhhhhhhh!

"No, wait. I'm sorry, he's fine. He's still alive." Pabulong nitong sinabi sa akin. "What I want to ask from you is..."

Lumapit ako sa kan'ya para marinig ang kan'yang ibinubulong, nakakapunyeta lang ng slight kasi hinihinaan pa n'ya lalo ang boses n'ya hanggang para bang wala nang tunog na maririnig mula sa kan'ya. 😤😤😤😤

"Julia, can you please repeat what you're saying and make it louder and clearer." Tinitigan ko s'ya. "Hindi tayo magkakaintindihan kung bubulong ka sa hangin. Kung may gusto kang sabihin o hingin mula sa akin, please, pakisabi ng maayos." 😡

Shhhhhhhhhhhh!

"I'm so sorry, nakakahiya kasi sobra 'yung iri-request kong gawin mo."

"I told you, Julia, gagawin ko as long as kaya kong gawin." 💁‍♂️🤷‍♂️🤦‍♂️

Shhhhhhhhhhhh!

"Sige, here it goes then." She sighed, siguro para ma-relax s'ya ng kaunti at makapag-gather ng confidence. "James, you know na I like Kevin, and we both know that he looks at me the same way."

Oo nga pala, pinaplano n'yang ligawan si Julia. May gusto nga pala si Kevin kay Julia, at may gusto rin si Julia sa kan'ya. 🌺🌺🌺🌺

Perfect.

Just perfect.

"So, where do I come in?" Tanong ko, kahit naiisip ko na ang maaari n'yang ipagawa sa akin.

"Pwede bang tulungan mo ako para maging kami ni Kevin?"

Inulit-ulit pa n'ya 'yung sinasabi n'yang iyon n'ya sa akin bilang favor.

"Please help me to be in a relationship with Kevin."

Shhhhhhhhhhhh!

Tumayo s'ya at lumuhod sa tabi ko.

"James, please... I'm begging you."

Shhhhhhhhhhhh!

♦♦♦♦♦♦♦♦♦