♦♦♦♦♦♦♦♦♦
James's POV
Hinainan ako ng breakfast ni Kevin, dalawang itlog at tsaka hotdog. Typical at easy na malutong breakfast. Pero what makes my stomach churn is 'yung pagkaka-plate nito.
"Enjoy you're aphrodisiac breakfast, sir." Sabi nito habang inilalapag ang plate sa table.
"Kevin, hindi automatic na kapag inihugis mo lang ang pagkain para maging kahawig ng private parts ng tao ay tatawagin na s'yang aphrodisiac!" Inilayo ko sa akin ang plato. "Ang libog mo talagang hinayupak ka!"
"Kaya tayo friends, this is what keeps our friendship going." Sabi n'ya.
"Baliw, tingin mo 'yun talaga?" Tumunog ang aking stomach. "Kung hindi lang ako gutom, hindi ko kakainin ang kalibugan mo!" Sinimulan ko nang kainin ang inihanda n'yang breakfast, sinimulan ko sa hotdog, isinabay ko sa slice ng tinapay.
Bumulong s'ya sa aking tainga, "dapat pala gutumin talaga kita para malaman ko kung paano mo kakainin ang kalibugan ko."
Nabulunan ako sa kan'yang sinabi at agad inabot ang baso ng gatas at ininom ito. "Walang hiya ka, Kevin! Punyeta, kadiri ka talaga, totoo, sobra!"
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Nagpasama sa mall si Kevin dahil may kailangan raw s'yang bilhin sa stationery, sa National Bookstore. Sumama ako, s'yempre, totoong kaibigan ako eh.
"Kevin, nagugutom na ako! 'Di pa ba tayo kakain?" Tanong ko kay Kevin na namimili ngayon ng bibilhing libro.
"Hindi ka pa ba nabusog sa hotdog at itlog ko at nag-aaya kang kumain ngayon?" Sagot nito.
Pinukpok ko s'ya sa ulo ng librong hawak ko, this book is titled Guiness Book of World Records 2017. We all know how hard and thick that book is.
I hit him, I hit him hard, as hard as I possibly could.
"Tang inumin mo, gago! Nakakapagsalita ka nang gan'yan sa public na lugar?! Wala ka talagang hiya, eh, no?" Ibinalik ko na sa shelf ang librong mabigat.
"Aray, medyo na-dislocate yata 'yung utak ko! Why'd you have to do that?"
"Para naman magtanda ka na hindi sa lahat ng oras mato-tolerate ko 'yang kagaguhan mo! Bwisit ka, alam mo, 'yon? Paano kung 'yung makarinig is kakilala o kaibigan ng nililigawan mong si Julia? Major turn-off 'yon, dude!" Sabi ko.
"Pero what if ganon pala 'yung type of guy na gusto n'ya, 'di ba? So that would be a major turn-on!"
"Kung gusto mo talagang makahanap ng makakatiis sa ginagawa mo at makakasakay sa mga trip mo, aba, don't look for a girl, maghanap ka ng lalaking kasing-horny mo! Or someone na makakatagal sa ka-horny-han mo!"
"Parang ikaw?"
"Oo, parang ako!"
Teka ano?
What the fudge?
"Pwe! Ano?" Paglilinaw ko, "tigilan mo nga ako. D'yan ka na nga! Baliw ka! Malibog! Manyakis!"
Lumabas nalang ako ng National Bookstore at iniwan s'ya don.
Umupo ako sa isang bench na 'di naman kalayuan mula sa kinaroroonan n'ya.
Parang ikaw?
Oo, parang ako!
What the fuck. 'Wag ko na nga lang isipin...
Lord naman oh, paki-wash away along with my sins 'tong nangyaring exchanges of words!
May kumalabit sa akin
"James?"
Nilingon ko ito, si Brix pala.
"Ay, kuya, nandito pala kayo? What are you doing here?" Tanong ko dito, medyo nauutal pa ako sa pagtatanong dahil hindi pa n'ya iniaalis ang kan'yang kamay sa aking balikat.
"Oh, nothing out of the ordinary. I'm just trying to forget some pain inflicted by someone who once was really special to me."
Hindi ba n'ya alam na hindi pa n'ya tinatanggal 'yung kamay n'ya sa balikat ko?
"By the way, you can drop the 'kuya' thing. Just call me Brix." Nakangiti s'ya sa akin, kulang nalang ay kumindat s'ya para makapatay na ng taong nagkakandarapa para sa kan'ya.
"Okay, Brix." Medyo nao-awkward-an kong sinabi dahil 'di na ako comfortable sa nangyayari.
"How about you? Ano naman ginagawa mo here?"
Bago pa ako makasagot, may sumagot na para sa akin.
"He's with me, kasama n'ya ako! Is there a problem?" Sabi ni Kevin.
Inalis ni Kevin mula sa pagkakapatong sa akong balikat ang kamay ni Brix. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang pagkadismaya at...
Selos?
Ang ngiti na sobrang liwanag kanina ay napalitan ng napaka-gloomy na poker face.
"Oh, I'm really sorry. I didn't know that you guys were-"
"Brix, no. We're just friends. Don't get that idea. It's fine. It's definitely fine!" Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Brix. I didn't want to crush his feelings naman though I really just can't reciprocate what he has for me as of now.
Isang tawa lamang ang reply ni Brix sa aking mga sinabi. Halata naman na pilit lamang ang mga tawang iyon na kan'yang pinakawalan. 'Di naman natin s'ya masisisi na napunta na kaming lahat sa napaka-awkward na situation on his behalf.
"Sige, I have to get going now na pala. It was nice chatting with you, though it was only for a brief amount of time. If you want, we could go over some coffee or if you fancy, some dinner, perhaps?"
Basta pagkain at libre 'di ko uurungan! Kaya ang ang isasagot ko sa kan'ya ay-
"No, you can't take him out for a date! You said you had to go, right? You may go, baka ma-fall behind schedule ka if you stay here longer." Sagot ni Kevin, pero 'di naman s'ya 'yung tinatanong...
I froze.
Ramdam na ramdam ko na ang sakit ng rejection na malamang na nararamdaman ngayon ni Brix dahil kay Kevin. Dahil sa pagtanggi n'ya para sa akin.
Hindi naman strict ang parents ko, kaibigan ko pala 'yung strict...
Si Kevin pala ang strict.
Umalis si Brix nang hindi ako nakapagsasalita pa.
"Kevin, anong ginawa mo?" Tanong ko kay Kevin.
"Ano? Ginawa ko lang naman 'yung tama para maprotektahan ka mula sa kan'ya ah?" Sagot naman nito.
"Sinong nagsabing gawin mo 'yon!? Sinabi ko bang protektahan mo ako mula sa kan'ya? Sinabi ko bang itaboy mo s'ya? Ha!?" Siniko ko s'ya, nasikmuraan sa tindi ng impact.
'Yan mamilipit ka sa sakit, hayop ka!
"Aray! Bakit mo ginawa 'yon!?" Tanong nito.
"Ang tanong ko ang sagutin mo! Bakit ikaw ang sumagot sa invitation n'ya? Ikaw ba 'yung inaaya? Ikaw ba si James?" Piningot ko naman ang tainga n'ya this time.
"Tama na! Sasagutin ko na, please! Stop! Tigil mo na!"
Itinigil ko na ang pananakit sa kan'ya at tumayo na s'ya ng maayos sa aking harapan.
"Sagot!" Sigaw ko.
"Kasi alam ko na may gusto s'ya sa'yo kaya ayoko lang na ganoon kadali ka n'yang makuha mula sa'kin! Okay!?"
♦♦♦♦♦♦♦♦♦