♦♦♦♦♦♦♦♦♦
James's POV
"Wait lang po. Chill lang sa pagkatok! Pagbubuksan naman!" Sigaw ko sa kumakatok ng napakatindi akala mo bubuwagin na n'ya ang buong kabahayan. Nagbe-bake kasi ako, hobby kasi eh.
Pagkatapos kong maisalang ang mga bine-bake ko, dali-dali na akong pumunta para tingnan kung sino ang kumakatok na mala-wrecking ball.
Pagsilip ko sa peephole ng main door, nakilala ko kahit nakatalikod ang taong nasa kabilang side ng pintuan. Ang bilis rumesponde ni Dexter, ilang oras palang ang nakalilipas nang tawagan ko, nandito na agad s'ya.
"Sorry ah, nagbe-bake kasi ako kaya 'di ko agad mabuksan 'yung pintuan." Sabi ko pagkatapos ibukas ang pinto. "Pasok ka." Aya ko dito.
"Okay lang, basta tayo uubos ng bine-bake mo!"
"Para sa'yo talaga 'yung bine-bake ko, Dexter, kasi ikaw lang ang kaibigang makakausap ko ngayon." Sabi ko.
Nagtaka si Dexter sa aking sinabi, "bakit ako lang? Sila Greg at Kevin, 'di ba sila pwede?"
"Kasi..." Isinara ko ang main door, "ano, uhm... umupo ka nalang muna d'yan sa sofa. Iche-check ko lang saglit 'yung ginagawa ko, baka 'di ko nai-set 'yung timer."
"Sige."
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Inihain ko sa coffee table namin ang aking French macarons na binake at green tea.
"Wow, yayamanin naman 'tong si-nerve mo sa aking treats." Sabi nito.
"Actually dapat hahayaan muna for one day 'yung freshly baked macarons, ganon talaga s'ya sineserve pero okay naman rin 'yung i-serve s'ya ngayon. Tapos kung gusto mo ng asukal para sa green tea, sabihin mo lang, I'll get it for you."
S'yempre, marunong akong tumangkilik ng sariling gawa kaya ako muna ang kumuha at kumain ng French macarons na gawa ko.
"So, ano ba 'yung gusto mong ikuwento at pag-usapan? Kanina mukhang worried na worried at problematic ang itsura mo nung pinagbuksan mo ako ng pintuan." Tanong nito sa akin.
"Okay, Dexter. 'Eto na, sisimulan ko sa umpisa...
Earlier this week, nalaman ko na mayroon palang nagkakagusto sa akin, kapatid s'ya nung kaibigan namin, elder brother. Tapos, wala naman talaga sa akin 'yon. Ngayong araw naman, nagpunta kami sa mall ni Kevin and nagkatagpo kami don. Napaalis ni Kevin 'yung lalaki then...
Then...
Tapos..."
Natigil sa pagkain ng French macarons si Dexter. "Tapos, ano?"
Tinuloy ko ang pagsalaysay kahit medyo nahihiya ako at natatakot sa magiging reaction ni Dexter.
"Tapos, sabi n'ya na alam raw n'ya na may gusto sa akin 'yun at hindi n'ya hahayaan na makuha n'ya ako mula sa kan'ya ng ganun-ganon lang.
At tsaka...
Bigla nalang n'ya akong...
Hinalikan."
Ibinaba ko ang hawak kong tasa ng green tea sa coffee table. Tiningnan ko si Dexter at nakita ko na nakangiti lamang s'ya sa akin. Nakatngisi lang s'ya sa aking kinuwento at napailing.
Parang hindi maganda 'yung magiging reaksyon n'ya, tatawa ba s'ya? Aalis na ba s'ya?
"James."
'Eto na, magsasalita na s'ya.
"Alin 'yung pag-uusapan natin? 'Yung nararamdaman mo para kay Kevin o 'yung naramdaman mo sa ginawa n'ya?"
"Ano ka ba, Dexter! Wala akong nararamdaman para kay Kevin, wala! Wala!"
"Akala mo lang wala, pero meron! Meron! Meron!"
Hindi ko alam kung ano ang isusumbat ko, kung meron ba akong maisusumbat. Hindi ako makapagsalita, sinasabi ng utak ko ay hindi, ngunit balikwas ang sinisigaw ng puso.
"Magkukwento nalang rin ako, James." Huminga ng malalim si Dexter.
"Nung nakaraang nagkakita tayo sa Jollibee, kakabreak lang namin ng boyfriend ko nun."
"Teka, Dexter... boyfriend?"
"Oo, James. Boyfriend."
Nang sagutin n'ya 'yon ay hindi na s'ya nakatingin sa aking mga mata.
"Kaya umiwas na ako sa grupo natin nila Kevin at Greg eh, alam ko na mag-iiba ang tingin n'yo sa akin 'pag nalaman n'yo na meron akong karelasyon. Pero, ngayon..."
"Ano?" Tanong ko. Oo, nacucurious na ako.
"Wala pala akong dapat ikatakot, kasi nga sa nangyari sa inyo ni Kevin!" Humagalpak ito na akala mo s'ya lang ang nakakaintindi sa isang joke.
"Nang-aasar ka ba?"
"Ehem, ehem." Umayos na ito sa pagkakaupo at nagpatuloy sa pagkukwento. "Matagal rin kaming mag-on nung ex ko na 'yon, maraming pinagdaanan, matindi ang pinagsamahan, pero sa kahit anong klase pala ng relasyon at tulad ng normal na relationship, may challenges at tukso rin pala."
"Anong nangyari? Anong dahilan ng pagbe-break n'yo?"
"James, may iba na raw pala s'yang gusto. May iba na s'yang napupusuan, may iba nang tinitibok ang puso n'ya. Meron nang mas higit pa sa akin." Nararamdaman ko na maluluha na si Dexter kaya tinabihan ko na ito at binigyan ng tissue. "Masakit at tsaka mahirap tanggapin, mahirap rin mag-move on. Hindi ko kayang i-let go 'yung bagay na matagal ko nang inalagaan at minahal."
"Ikaw yata 'yung nangangailangan ng kausap ngayon eh, Dexter. Kahit na magkaibang bagay ang pinagdaraanan natin ngayon, our problems fall under the same main topic."
"Sorry, nadala lang ng emosyon. Ba't kasi hindi mo ako pinigilang magkwento eh." Biro nito, "'yan tuloy, ang drama natin."
"Pakilala mo naman sa akin 'yung ex mo, para kahit papaano malaman ko kung anong klase ng tao 'yung dine-date ng kaibigan ko."
"Tsaka na, James. At hindi na dapat kinikilala ang mga gagong nananakit ng feelings ng iba tulad n'ya."
"Nung naging kami, I felt like I was floating, as if I were in cloud nine. Pero ngayon, ngayon na naghiwalay kami, ang taas ng pinagmulan ng pagbagsak ko, I felt so hurt now that the impact from the fall to the hard ground is still affecting me."
"Makakalimot ka rin, tara, iuuntog kita sa pader para magka-amnesia ka. Ganon naman palagi sa mga teleserye at telenovela, 'di ba?"
"Siraulo ka, James!"
♦♦♦♦♦♦♦♦♦