♦♦♦♦♦♦♦♦♦
James's POV
Lalabas ba ako ng bahay o hindi? Wait, mas specific...
Lalabas pa ba ako ng kwarto ko o dito nalang ako hanggang sa huling sandali ko dito sa mundo?
Feeling ko hindi ko kayang harapin ang mga nangyayari sa labas ng pintuan ng bahay ko. Parang ngayon lang kasi ako naka-encounter ng ganitong situation kaya hindi ko pa alam kung paano mag-react.
Pero from the conversation I had with Dexter yesterday, medyo naliwanagan naman ako ng bahagya kung bakit bigla nalang s'yang lumayo sa aming tatlo nila Greg at...
At ni Kevin...
Nako, naalala ko na naman tuloy 'yung ginawa n'ya. Napanaginipan ko na nga rin eh, kaya nung magising ako ng kalagitnaan ng gabi dahil doon, hindi na ako natulog pang muli...
Baka kasi pagpikit ko at pagnahimbing na ulit ako, 'yun na naman ang eksenang magpe-play sa isip at panaginip ko.
Para mawala at mailayo ang isip ko sa pangyayaring 'yon at iba pa, minabuti ko nalang manood ng Anime. Tinapos ko talaga 'yung isang buong series dahil nawala ang antok ko.
Na-LSS na tuloy ako sa opening theme song nung pinapanood kong anime na Yuri on Ice.
Hayst, hindi ko inaakalang maiiyak ako dahil sa isang anime. Naaalala ko lang is 'yung naiyak ako dahil namatay at naging bato pa si Ash sa isang movie ng Pokemon pero nabuhay naman ulit. Sayang 'yung luha, grabe.
Pinayuhan rin naman ako ni Dexter na manood ng mga bagay na may kaunting hint of yaoi or shonen-ai as introduction. This anime has lots of subliminal BL scenes. He suggested this anime for me to watch dahil kung Boku No Pico raw ang papanoorin ko for a start, baka ikamatay ko na raw.
Dahil I treasure my blessed life, sinunod ko nalang s'ya.
Hindi ko na-feel 'yung pandidiri habang nakikita ang mga nangyayaring paglalapit ng mga mukha, 'yung bagsakan ng lines na medyo may pagka-romantic, I guess. For me, it is like a normal thing now, seeing people of the same sex getting that close as if they have something mutual going on. Anong taon na ba ngayon?!
Siguro sa panahon ngayon, masasabing tanggap na ang same-sex couples, though marami pa ring against it and against same-sex marriage. I know for a fact na mahirap talagang matanggap ito lalo na kung ang tao ay parte ng pamilya, kaibigan o kakilala mo nang matagal.
Siguro mahirap lang talagang mag-adjust?
Though I came from a Christian family, individually, I have no problems or things against genders other than male and female. 'Di ba nga, "love thy neighbours as you love thyself." Kaso bakit may iba na may hatred pa rin towards them?
Most of the time, ang explanation ng mga religious leaders about it is that kaya raw pinarusahan ni God ang Sodom and Gomora is because of sodomy and great sins. Under that is homosexuality, we cannot deny that, kasi it is written. Pero there is more to it, ang lahat ng iyon ay ginagawa nila at hindi na sila tumitingin sa Diyos.
Maaaring tama ang interpretation ng word ng mga religious sects, pero maaari ring mali. Hindi lang pictures ang nagkukwento ng maraming kwento, ang isang salita rin ay maaaring magkaroon ng maraming kahulugan at hindi exception ang words from religious books.
Para sa akin, ang D'yos lang talaga ang makakapagbigay ng tamang kasagutan at kahulugan sa mga katanungan at kaguluhan tungkol sa mga issue na ito. Sana naman maibigay na n'ya ang kasagutan sa akin para hindi na magulo ang utak ko at windang na windang na ako.
Ipagdasal nalang nga ulit, ano pa nga ba. Ipagdasal na magkaroon ako ng kaliwanagan ukol sa mga bagay na ito, please.
Amen.
Hindi ko na kaya 'to. Hindi ko kaya ng ako lang talaga, kailangan ko ng payo.
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Ayokong mag-isip ng mag-isip, dahil gusto ko lahat ng magiging desisyon ko ay tama, I never want to let my parents down because of things like these and etc. Dahil s'yempre, drama malamang kapag napag-alaman nila na napariwara ang anak nila etc. etc.
Kaya minabuti ko nang pumunta sa simbahan, nakasalubong ko sa entrance ng simbahan ang classmate ko nung high school na si Faith.
"James? Wow, ang tagal na nating hindi nagkakakita ah? Kumusta ka naman?" Tanong nito sa akin, nararamdaman ko na parang naexcite s'ya na makita akong muli pagkaraan ng... ilang taon na ba? Isa? Dalawa?
"Ah, Faith. 'Eto, okay pa rin naman, kinakaya pa. Dapat kayanin." Sagot ko.
"Ano, James. Mukhang may pinu-prublema ka ah? Is something wrong? Is something going on in your mind?"
May pagka-mindreader yata 'tong si Faith.
Ano bang dapat kong sabihin? Hindi ko naman maitatago forever ang nangyayari sa buhay ko ngayon dahil walang forever.
"Faith, may itatanong ako." I sighed before starting the question, "paano kung may kaibigan ka na magkagusto sa isang tao of the same gender or sex?"
"James, mahirap masagot ang tanong na 'yan dahil lagi nalang pinagdedebatihan ang tungkol sa issue na 'yan. Pero, pareho nating alam na ang mga magulang ko ang preacher dito sa church... well, honestly. Let's put it like this nalang, I onced had a crush on a girl, myself. I asked my parents about it, and they said..."
"They said what?"
"Sinabi nila na wala naman raw mali na magkagusto ka sa same-sex. That's all." Nginitian n'ya ako, "sino ba 'tong kaibigan mo na 'to?" Nakatingin s'ya sa akin, pakiramdam ko ay nalalaman n'ya ang lahat ng nangyayari sa akin dahil feeling ko her eyes are looking through me. It was as if she was looking through my soul.
Pero agad naman rin n'yang iniba ang tanong n'ya, "I mean, sino ba itong kaibigan mo na nagkakagusto sa same sex?"
"Mahabang kwento kasi, Faith. Sa ibang panahon ko nalang siguro maikukwento sa'yo. For now, thank you so much sa answers."
Inaaya ako ni Faith na pumasok sa loob, "nasa loob ng church sila papa at mama, gusto mo ba silang makausap at matanong para magkaroon ka pa ng ibang kasagutan. Malay mo, may iba pa silang masabi other than that na sinabi nila sa akin noon."
"Hindi na, may kailangan pa akong puntahan. Napadaan lang ako, mangungumusta lang talaga ako."
"Sige, 'pag may time ka, punta ka lang. Bukas naman palagi 'tong church at bukas ang church para sa lahat."
"Sige, thank you ulit. Goodbye na, Faith."
"Yes, you're welcome at thank you rin. God bless you always, James."
"God bless you rin."
♦♦♦♦♦♦♦♦♦