♦♦♦♦♦♦♦♦♦
James's POV
Malapit na ang midterms namin, meaning, mababaliw na naman sa pagrereview 'yung mga nagrereview. Buti nalang hindi ako isa sa kanila, hindi talaga ako nagrereview kapag may mga quiz, examinations, etc. Pero kahit ganon, hindi naman pumapalyang makapasa, hindi ko rin alam kung bakit. Siguro nga ganon talaga ang mga whiz kids.
Kada mayroong integration day o araw na walang pasok bago ang midterm week, natutulog nalang ako at kung minsan ay nanonood nalang ng mga films or iba pang videos sa YouTube.
Kung magrereview man ako, siguro ilang minuto hanggang isang oras bago 'yung schedule ng exam ako magba-browse ng mga books, notebooks and other references para sa examination na provided ng college instructor namin per course or subject.
Ngayong araw ang integration day ngayong first sem at para maiba naman ang ginagawa ko sa nakaugalian, tinanggap ko ang invitation ni Dexter na mamasyal sa mall.
Wala kaming dalang sariling sasakyan kaya't nag-commute nalang kami papuntang SM City Pampanga.
Ano na nga ba ang mga pangyayari this few weeks after that incident?
Si Greg at si Alice ay nag-break na, pareho silang hindi naniniwala sa three-month rule kaya pagkatapos nilang magkahiwalay, pareho silang nagkaroon ng bagong mga karelasyon. Si Alice ay nagka-boyfriend na nag-aaral ng Aerospace Engineering sa Pampanga at si Greg naman...
Si Greg at si Brie naman ang magkarelasyon ngayon... mukhang wala naman kay Alice ang nangyaring ganon kahit mukhang hindi naniniwala si Brie na hindi dapat sinasalo ang ex ng bestfriend. Masaya naman si Alice for them, at masaya rin sila para kay Alice at sa boyfriend n'ya.
Maikli lang kasi ang lifespan ng mga relationship ni Greg, hindi ko rin alam kaya hindi ko masasabi kung bakit gan'on.
Si Julia naman, on hold pa rin kay Kevin, hindi n'ya alam kung bakit medyo hindi na gaanong patay na patay sa kan'ya 'yun, well, ako alam ko pero 'di ko sasabihin. 'Di ko dapat sabihin, baka kasi hindi na rin 'yon applicable knowing na mabilis rin magpalit ng taong gusto si Kevin.
Si Dexter, wala pang bagong dumarating o napapadaan sa radar n'ya kaya minabuti n'yang magbalik-loob sa pag-aaral at sa aming mga kaibigan n'ya. Pero simula nung nangyari ang insidente sa amin ni Kevin, hindi kami nagkakasama o nabubuong apat na magkakaibigan.
In fact, most of the time after that event, I'm keeping my distance from them. I want peace, I want my alone time... well, every time.
I haven't heard from Brix, pero what I know and have heard from his sister, Brie, is that he still wants me so bad. It's really unfortunate for him, hindi s'ya crush ng crush n'ya.
Wala rin akong balita kay Oxford.
Oxford?
S'ya 'yung may-ari nung ospital na may creepy mental institute facility sa isa sa mga wings nito and not to mention, 'yung may mukhang Nurse Joy na receptionist sa front desk ng lobby, complete with pink hair.
Palatandaan ko kapag malapit na sa Pampanga o kapag nasa Pampanga na is 'yung medyo vacant area na wala pang gaanong mga bahay o kung anong gusaling nakatayo. 'Yung may greenery pa. Nadadaanan 'yon 'pag nasa highway, siguro 'yung pinakahuling stop na kung saan may aakyat na tindero ng mga nilagang itlog ng pugo, buko pie at maning tigsa-sampung piso na malutong at bagong luto raw. May "raw", kasi 'pag nakain mo na, 'yung reality ng bagong luto is bagong luto nga s'ya pero isang linggo na ang nakakaraan at kaya s'ya mainit is because the outside temperature has heated it na.
Sorry nalang kung ganito ako makapanlait, ako na ang mapang-alipusta, mapang-mata. I'm just stating facts but it is not my motive to degrade other people.
Bago ko makalimutan, may isa pa palang nilalako na ikinagulat ko at hindi ako makapaniwalang nilalako na rin...
Mister Donut at Chao Fan ng Chowking.
Fucking shit? Hindi kaya masira 'yung donut dahil sa paglalako? I thought they were supposed to be kept in a cool temperature para di mag-moist at ma-spoil at mag-form ang mold?
Nakakapanibago talaga 'yon nung first time kong makita...
Lalo na 'yung Chao Fan, hindi kaya mapanis agad 'yon?
Pero 'di lang naman sa mga public utility vehicles and other land transportation vehicles nangyayari ang paglalako ng mga Pilipino. Pati sa mga airways, believe me, nangyayari rin. I'm just not sure kung sa airlines lang ng Pilipinas nangyayari ang paglalako ng Duty Free items available on board.
But this is not the time to talk about that, maybe some other time.
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Matapos kapkapan ng security guard at sundutin ang bag sa main entrance ng SM City Pampanga, nagbanyo muna si Dexter. Habang naghihintay, nakakita ako ng lotto outlet at lumapit dito.
Dito ko nalang hihintayin si Dexter, sana hindi s'ya magtagal, kundi, baka masimot ang wallet ko. Mahilig kasi ako sa Scratch-it cards, pero hindi pa naman ako nananalo ng ganoon kalaki.
"Miss, lucky pick nga po ng Grand Lotto 6/55." Sabi ko sa cashier.
"Magkano po?"
"100 po."
"Sige po. Sandali lang po." Kalmado s'yang nagtatata-tap sa computer screen at pareho naming hinintay 'yung lalabas na papel sa printer.
Paminsan-minsan lang ako tumataya, pero maramihan naman kung tumaya. Hindi naman marami ang lima 'di ba?
"Hoy, ano 'yan?!"
"Ay, 'tang 'na!" Sa sobrang gulat ko nabitawan ko ang ticket to a better future ko at nahulog sa sahig. Lumingon muna ako bago ko pinulot ang papel kasama ang resibo.
"Oxford? Nandito ka pala?"
"Hindi ko alam na mahilig ka palang tumaya sa lotto, James."
"Hindi ah, paminsan-minsan lang."
"Gaano ba kadalas ang minsan? Once? Twice? Thrice?"
Aba, ginamitan ako ng famous line!
"Alam mo ba, James? Most of the patients na nasa psychiatric ward ng ospital namin ay nabaliw dahil sa lotto?"
"Hindi nila kinaya 'yung dami ng perang napanalunan nila?" Tanong ko dito.
"Hindi. Hindi nila kinaya ang pagkabaon sa utang dahil naitaya na nila ang buong buhay nila, pero kahit minsan, hindi tumama ang inaalagaan nilang mga numero."
"Hindi naman ako mababaliw. Don't worry, never mo ulit akong makikita sa part na 'yon ng ospital n'yo. Kumusta naman sila Darna?"
"'Yun, hindi na s'ya Darna ngayon."
"Talaga? Gumaling na s'ya?"
"S'ya na ngayon si Wonder Woman! Oh, di ba? Pang-international na 'yung mga pasyente namin?"
"Gagi! Akala ko pa naman naka-recover na s'ya."
"James, pag ang isang tao ay nasiraan sa pag-iisip, mahirap i-handle 'yon. Mahirap nang makarecover at gumaling. Kadalasan, ang mga niri-release ng mga mental institute ay hindi tumatagal sa labas at ibinabalik ulit sa loob dahil nanumbalik 'yung iniinda nila."
Napatulala nalang ako at napaisip.
Paano kung hindi ko kayanin at sumobra ako sa pag-iisip, mababaliw rin ba ako at masisiraan ng ulo? Gagaling pa kaya ako if ever na magkaroon nga ako ng tama?
"James. James? James!"
"Oh?"
"Natulala ka na d'yan? 'Wag mong sabihin na..."
"Ano ka ba, wala akong sakit sa pag-iisip!"
"Unang stage 'yan, most of the patients na ipinapasuri sa mga psychologist at nagdi-deny sa umpisa. Mga kamag-anak at mga kaibigan ng pasyente ang nagri-recommend sa kanila na magpatingin na, minsan forced pa nga eh."
"Hindi ako nagdi-deny, Oxford. I tell you the truth, I am mentally healthy, I am currently free from any mental disease and from any mental disorders."
Kinuha n'ya mula sa aking pagkakahawak ang lotto ticket.
"Grabe, lima-lima ka pa pala kung tumaya. Addiction na 'to." Hinawakan n'ya ako na parang inaaresto n'ya ako, hawak n'ya ako sa kamay. "Sir, kailangan n'yo pong sumama sa akin, dadalhin ko na po kayo sa psychologists para ipa-therapy. Isa po kayong adik, kung hindi po kayo mairi-rehabilitate, baka maging susunod kayo na mapapabalitang na-EJK."
"Sira ka. Ikaw yata 'tong baliw eh!"
"Oo, baliw ako... sa'yo!"
"Nako, tigilan mo ako, ang corny naman non!"
"Bakit lima?"
"Hanggang lima lang ako pag tumataya, hindi lang isa, para more chances of winning."
"What are the chances ba?" Ibinalik na n'ya sa aking ang lotto ticket. "May mga inaalagaan ka bang mga numbers? 'Yung tipong dadasalan mo o 'di kaya pinapahulaan pa sa manghuhula?"
"Wala, lucky pick lang 'yan, talagang swertihan lang. At tsaka kadalasan ng mga nananalo nowadays ay 'yung nagla-lucky pick lang."
"Eh mga favourite numbers? Wala ka bang paboritong mga number?"
"Mga number? Hindi ba dapat isa lang ang paborito? Bakit marami at bakit mo naman naitanong?"
"Tatayaan ko sana, tyaka marami sana, para more chances of winning you."
"Ahhhh, ahhhhhhh~"
Napatingin kaming dalawa sa pinanggalingan ng ungol...
Si ateng nasa cashier ng lotto kiosk, nagno-nosebleed!
"Ay ate, 'wag kang titingala, hindi dapat ginagawa 'yan dahil hindi lalabas ang dugo sa'yo at possible na malunod ka sa sarili mong dugo at kung mag-clot, possible na mag-clog ang mga butas ng ilong mo at 'di ka makahinga through your nose." Binigyan n'ya ito ng tissue. "Yuko ka lang ate. May sakit ka ba na nagti-trigger ng pagno-nosebleed mo?"
"Ganito lang talaga ako kapag kinikilig mga beh!" Paliwanag ni ate.
"Grabe ka palang kiligin, ate. Pansin na pansin." Sabi ko. "Ikaw kasi, Oxford, pinapakilig mo si ate." Tiningnan ko ulit si ate, "ate? Kinikilig ka sa mga pinagsasabi nito?"
"Anong ako? Ikaw kaya 'yung may kasalanan nito, James! Kung ako lang rin si ate, baka dinugo na rin ako sa ka-cute-an mo!" Tiningnan rin n'ya si ateng cashier, "'di ba, ate?"
"Ate?!" Pareho kaming naalarma dahil hinimatay si ate in front of our eyes!
"Oxford, tulungan mo si ate, dali! Hahanap lang ako ng tulong, hahanap ako ng guard!"
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Tinulungan ni Oxford ang ateng cashier na na-nosebleed at hinimatay, hindi ko na alam ang iba pang nangyari nang masabi ko sa guard ang sitwasyon dahil tumawag sa aking cellphone si Dexter.
"James? Nasaan ka? Kanina pa kita hinahanap, hindi kita mahagilap?"
"Mamaya ko nalang ikukwento sa'yo, Dex."
"Sige, kain muna tayo?"
"Okay."
"Sige, magkita nalang tayo sa Tokyo Tokyo, gusto mo doon, 'di ba?"
"Itinatanong pa ba 'yan? Tara na!"
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Dalawang container ng sushi ang binili ko over the counter, iba pa ang inorder namin na bento. For me appetizer lang 'tong california maki rolls na binili ko.
Though sa lahat ng sushi dish, 'yung california maki roll 'yung least favourite ko, kasi it has the orange things na feeling ko pumuputok whenever I chew them. 'Yung favourite part ko naman ng sushi is the nori. I would eat the nori itself alone kung may mabibili ako dito.
"Dexter, bakit tatlo 'yung inorder mo na bento?" Itinuro ko ang isang extrang bento. "Para sa'kin rin ba 'yan? Thank you talaga! Alam mo na patay gutom akong kaibigan!"
"Nakalimutan mo na ba, James? Inaya kita para ipakilala sa'yo 'yung bago kong gusto!"
"Ay, oo nga pala. Eh alam na ba n'ya na may gusto ka sa kan'ya?"
"Oo."
"Okay lang sa kan'ya na may gusto ka sa kan'ya? May gusto rin ba s'ya sa'yo?"
"Oo, alam n'ya."
"How about my other question? Kung 'yung nararamdaman mo ay kayang ibalik sa'yo?"
"Dun ako hindi nakasisisguro, James. Pero I know na may kaunti naman s'yang pagtingin sa akin. Sapat na 'yon para sa akin, dahil I know lalago rin 'yon once I gave my all."
"Baka sa kabibigay mo ng todo at nag-uumapaw na effort at love, wala nang matira sa'yo, ah?"
"James, hindi mangyayari 'yon. Hindi ako mawawalang para sa sarili ko. Lagi namang may nakatabi para sa akin."
"Okay, sige. Ikaw na ang nagsabi, hindi na ako kokontra pa. Habang hinihintay naman natin s'ya, sisimulan ko na 'tong sushi, if you don't mind."
"Sure, pahingi nga!"
"Sige ba, eto try mo, wasabi!"
"Sira ka! Alam ko kung ano 'yan at kung anong paras meron 'yang tinutukoy mong wasabi na 'yan!"
Ewan ko bakit gustung-gusto ko ang Japanese cusine, hindi kaya Nipponjin ako nung past life ko? Nippon ha, hindi hipon!
Binitawan ni Dexter ang chopsticks n'ya, mukhang ayaw na n'ya ng sushi. P'wes, sa wakas, solo ko na 'tong natitirang isang order ng sushi!
"James, maiba tayo. Curious pa rin ako hanggang sa ngayon tungkol dun sa isang may gusto sa'yo. Pakita mo na sa akin 'yung picture."
"Sige, 'eto na. Wait lang." Naghanap ako ng picture sa facebook, naka-data ako dahil rich kid ako.
Nang makahanap na ako ng litrato ni Brix na maayus-ayos, ihinarap ko ang screen ng aking smartphone kay Dexter.
Nanlaki ang mga mata nito, hindi ko alam kung bakit. Parang gulat na gulat s'ya na nakakita ng maligno o kung anong engkantadong nilalang na nakakatakot ang panlabas na anyo. Pero hindi naman mukhang bakulaw o multo si Brix, kaya malamang sa may masasabi 'tong si Dexter tungkol sa kan'ya.
"James..."
Tinaasan ko s'ya ng kilay, sign na naguguluhan ako at wala akong clue sa gusto n'yang sabihin.
"James, s'ya si Brix... ang ex-boyfriend ko."
♦♦♦♦♦♦♦♦♦