Chereads / Pusong Nahulog sa Tulay (Pinoy BL) / Chapter 2 - Erected Bridge

Chapter 2 - Erected Bridge

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV 😓

Malapit na kami sa library at nakita naming may mga kasama nga si Greg.

Si Greg, 17 years old, ang loverboy ng batch namin, buong batch. Kilala s'ya dahil isa s'yang rich kid na may puso at hindi matapobre. Minsan nga eh sinama kami sa isang outreach program para sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda. Dahil may pera, sagana rin siguro sa pampaputi ang kaibigan kong 'to, halos kumikislap na kasi s'ya 'pag nasisikatan ng araw.

"Girls, meet my friends, James and Kevin." Pinakilala n'ya kami sa tatlong magandang babaeng kasama n'ya.

Ipinakilala n'ya sa amin ay si Alice na girlfriend n'ya. Si Alice ay may dugong Amerikano kaya't matangkad at maputi s'ya. Kumukuha rin s'ya ng IT programme sa parehong university.

"Nice meet you in person, James and Kevin." Nakipagkamay s'ya sa aming dalawa. "Let me introduce my friends to you, sina Julia at Brie."

Nakipagkamay rin sila Julia at Brie sa amin ni Kevin. Pagkatapos, sila Ay bumalik ulit sa pwesto nila sa likod ni Alice. Wow, Alice must be a queen of a sorority and she has these fine girls as sisters.

Nagulat ako nang mayroong binulong si Kevin sa akin. "I need help, can you please try to know more about that Julia?"

Dafuq talaga, ano ako? Private investigator?

Hala, parang narinig ni Brie 'yung binulong sa akin ni Kevin at may ibinulong rin ito kay Alice. Bumulong ulit sa akin si Kevin, "mukhang type ka nung Brie, bro."

"Hindi siguro, baka narinig n'ya 'yung binulong mo. Ang lakas mo kayang bumulong." Bulong ko kay Kevin.

Pagkatapos s'yang bulungan, binulungan naman ni Alice si Julia.

At natapos silang magbulungang tatlo.

"Okay, we've considered things and we've decided to invite you two along with my boyfriend, Greg, to a birthday party!" Excited na sabi ni Alice sa amin. "Tonight, 8:30PM, our residence. Si Greg na ang bahala sa inyo about instructions."

"Susunduin ko nalang sila." Sabi naman ni Greg.

"Thank you sa invitation, kaso-" hihindian ko na sana ang imbitasyon ni Alice dahil may commitments ako sa campus publishing house at student council ngayong gabi pero sinapawan ako ni Kevin.

"We'll gladly accept your invitation!"

"Well then. See you mamayang gabi!" Paalam ni Alice. "Let's go girls, tara narin Greg."

"Guys, sunsuin ko nalang kayo mamaya." Sabi ni Greg. "Sa bahay mo,

James?"

"Sige, 7:30PM."

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Last class before dismissal. Time check! It's 3:55PM. Limang minuto nalang at makakaalis narin kami mula sa napakaboring na klase ng professor namin na walang ginawa kundi maglaro ng Candy Crush Saga.

"Greg, kailangan bang magdala ng gift? Tyaka, sino bang may birthday sa kanila?" Tinanong ko si Greg na kunwari ay nagsusulat ng notes.

"Alam mo, wala rin akong clue kung sinong family member nila ang may birthday." Sagot n'ya. "I don't think na required na may gift na ibibigay."

"Okay. Thanks, Greg. Basta tumawag ka nalang kapag malapit ka na sa bahay, okay?"

"Yeah, no problem."

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

6:05 na ng gabi kaya napagdesisyunan kong maligo na habang hindi pa dumarating si Kevin.

Pumasok ako ng banyo ng kwarto ko sa second floor ng bahay at inilapag ang tuwalya sa lababo. Pumasok na ako ng shower at nagsimulang maligo.

Patapos na akong magbanlaw, inilabas ko ang kaliwa kong kamay para abutin ang tuwalyang inilapag ko sa lababo habang nakatapat parin ang mukha ko sa shower.

Pero hindi ko makapa ang tuwalya kaya't pinatay ko ang shower at tiningnan ang labas ng shower.

WHAT

THE

ACTUAL

FUCK

Si Kevin, nasa loob rin ng banyo?!

"Gago ka talaga sobra forever, Kevin!" Binato ko s'ya ng bote ng shampoo. "Akin na 'yang towel ko!" Tumawa lang s'ya ng malakas bago ko s'ya binato ng conditioner.

"Bakit kasi hindi ka nagla-lock ng pintuan ng banyo? Ang galing mong kumanta ha? Pwede ka nang sumali sa The Voice!" Tumayo s'ya. Akala ko iaabot na n'ya sa akin ang towel ko, pero hindi.

"Kevin!"

Binuksan n'ya ang pintuan at inihagis palabas ang tuwalya ko.

"Tuwalya? Anong tuwalya? 'Yung nasa Kare-kare?" Painosenteng tanong niya.

"Bobo ka ba? 'Yung katatapon mo lang sa labas, tanga!"

"Hoy, hindi mo ako utusan! Lumabas ka d'yan at kuhanin mo ang towel mo!"

Tinitigan ko lang s'ya. "Hindi ka ba lalabas? Umalis ka nga!" Sigaw ko sa kan'ya, pero 'di s'ya tumitinag.

"Ano? Dali na! Lumabas ka na d'yan at kuhanin mo!"

Thank You, Lord at biniyayaan mo ako ng bimpo dito sa loob ng shower! Sapat na po 'to para itago mula sa kan'yang mata ang D ko!

"James, sa akin ka pa ba mahihiya? Nakita ko naman na ang katawan mo, ang kabuuan mo! Nakita mo naman na rin ako 'di ba? Pati narin-"

"Elementary palang tayo nung mga panahon na 'yon. So shut up ka nalang!" Lumabas ako ng shower na takip-takip si Junjun gamit ang bimpo na kakulay ng balat ko.

"Wow nakahanap s'ya ng panakip! At oo, elementary pa nga tayo noon. Pero fresh parin sa isip ko kung gaano kaliit ang sa'yo!"

"Hoy, mali naaalala mo! Mas maliit 'yung iyo!" Sigaw ko kay Kevin.

"Sige, noon 'yon! Iba na ngayon!"

"So ano ngayon gusto mong mangyari?" Tanong ko habang papalapit na sa pintuan ng banyo.

"Pakitaan tayo ngayon, oh! Nang magkaalaman na kung sino sa ating dalawa ang mas malaki!"

"Bakit, tuli ka na ba?" Tanong ko tapos sabay tawa nang malakas.

Nang nasa pintuan na ako, naramdaman n'ya yata ang plano kong pagpulot sa tuwalyang nasa labas ng banyo kaya nagmadali s'ya para subukang pigilan pa ako.

Tumalikod na ako sa kan'ya at pinulot ang tuwalya ko na nasa sahig. "Tigilan mo nga-"

Nadulas s'ya dahil basa ang sahig ng banyo at napadapa kami pareho sa sahig ng kwarto ko. Parang slow motion ang pagkabagsak naming dalawa habang naririnig ang pinatutugtog na Hala Mahulog ng kapitbahay.

Sakto na ang tuwalya ay nakalapat sa bewang ko kaya sinubukan kong umikot para mabalot ako ng tuwalya, pero hindi s'ya nakaalis agad-agad kaya nakaharap ako ngayon sa kan'ya at nagkatitigan kami.

♦♦♦♦♦♦♦♦♦