♦♦♦♦♦♦♦♦♦
James's POV
Kasama ko ngayon si Kevin sa isang study shed na malapit sa aming susunod na papasukang kwarto. Nasabi ko na lahat ng nalaman ko tungkol kay Julia; nasabi ko na kung ano favourite color n'ya, favourite food, favourite movie, lahat ng favourite at maging ang mga dislikes n'ya tulad ng clown at stuff toys.
Takot s'ya sa stuffed toys.
Quest Complete! Tapos na ang ipinagutos ng mahal na hari, wala na ngang reward, may kasunod pa. Follow-up Quest?
"Sige na, James, tulungan mo akong mag-isip ng unique na gagawin ko sa panliligaw kay Julia!" Pagmamakaawa ni Kevin sa akin with matching luhod.
"Kaya mo na 'yan, Kevin. At pwede ba, hindi ako madaraan sa luhuran mong gan'yan!" Hinahatak ko s'ya patayo pero nagpapabigat talaga s'ya ng husto.
"Sigurado kang hindi ko madadaan 'to 'pag niluhuran kita?" Sabi n'ya sabay ngisi at kindat na mukhang may masama na namang bagay ang nasa kokote ng mokong na 'to.
"Tigilan mo nga ako sa kalibugan mo, Kevin! Fuck you ka talaga, alam mo 'yun? Ang dami mo nang pabor na hiningi sa akin, wala ka naman akong napapala!"
"Gusto mo ba ng reward?" Binulungan n'ya ako, bigla ko tuloy naalala 'yung binulong n'ya nung gabing natripan n'yang kuhanin ang tuwalya ko.
Tinulak ko s'ya at tinadyakan sa tagiliran.
"Loko ka! Baliw! Manyak! Kadiri ka!" Sigaw ko sa kan'ya habang namimilipit s'ya sa sakit. "Sa susunod na hindi ako makapagpigil, I will kick you in between your legs, you bastard!"
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Pagkatapos ng aming mga klase at nakapagpasya kami nila Greg at Kevin na pumasyal sa mall.
"Nagkita at nagkausap kayo ni Dexter?" Tanong ni Greg sa akin.
"Oo, miss na miss na raw n'ya tayo at ang pagkakaibigan nating apat."
"Eh, bakit ba s'ya biglang nawala at hindi nagparamdam? May nahanap siguro s'yang bagong mga kaibigan kaya iniwan n'ya tayo." Sabi naman ni Kevin.
Ayoko naman sanang sa akin manggaling lahat ng explanation. Gusto ko, si Dexter mismo ang humarap sa kanilang dalawa para sabihin lahat ng mga pangyayari ng walang dagdag o bawas.
"'Eto lang ang masasabi ko, may dahilan kung bakit s'ya lumayo sa atin noon. Hindi dapat sa akin manggaling ang dahilan kung bakit. I think it would be better if we meet up with him and talk."
Sumang-ayon lang naman silang dalawa.
"Let's change the topic. Ano na ba mga naiisip mong gawin, para kay Julia, Kevin?" Tanong ni Greg habang nakaakbay kay Kevin.
"How about I serenade her? Taking things nice and steady muna like a gentleman?"
"Kevin, nagawa mo na 'yan." Sabi ko.
"Huh? Talaga? With who?"
"Kay Anna!"
"Eh kung bigyan mo ng chocolates and roses?!" I-sina-ggest ni Greg.
"He did that for Karen." Sabi ko.
"Paano kung maging aggressive ako a bit? I'll take her on a date and kiss her?" Nakangiti si Kevin na para bang napakagaling ng naisip n'ya.
"Unique pa ba 'yun sa mga panahon ngayon? Nagawa mo na 'yan kay Nina!" I sighed, "Ngayon, don't tell me na magiging aggressive ka to the level where you're going to suggest a one-night-stand kind of thing but will end up as a relationship?"
"Wow, ang genius mo talaga! At paano mo nabasa nasa isip ko? I was thinking of the exact same thing!" Pumalakpak si Kevin.
"Nakakahawa kasi 'yung pagka-greenminded person mo na parang malubhang sakit. Araw-araw tayong magkasama kaya nahawa na ako dahil sa kadidikit mo sa akin!" Binatukan ko s'ya, 'yung malupit, 'yung tipong maaalog 'di lang utak n'ya kundi pati kaluluwa n'ya. "At tsaka nagawa mo na 'yun kay Victoria!"
"Bahala na nga kayo d'yan sa pagpaplano! Pupunta lang ako sa music shop para bumili ng guitar strings." Iniwan na kami ni Greg.
"Eh, ano naman ang gagawin ko?" Tanong ni Kevin.
"Wala, maging normal ka at daanin mo sa usapang matino. 'Yun ang hindi mo pa nagagawa sa lahat ng previous relationships mo, Kevin." Seryoso ako nang sabihin sa kanila 'to.
"That would be so boring, bro!"
"Bahala ka. Sinabi ko sa'yo na decent na tao si Julia, pero kung ipipilit mo talaga 'yung mga naiisip mo. Just as I said, ikaw na ang bahala." Tinalikuran ko s'ya. "Basta, take it easy. Masyadong malaki ang difference n'yong dalawa when it comes to attitudes."
"Teka, James." Hinawakan ako ni Kevin sa aking balikat.
"Gawin mo nalang 'yung gusto mong gawin. 'Wag ka nang manghingi ng ideas at advice kung may plano ka na." Tinanggal ko 'yung kamay n'ya mula sa balikat ko at naglakad na papunta sa pababang escalator.
♦♦♦♦♦♦♦♦♦