♦♦♦♦♦♦♦♦♦
James's POV
Weekend na, hindi ako nakapasok ng school matapos nung pagkakapunta ko ng ospital. Buti nalang may medical certificate na binigay sa akin. Alam naman nating lahat na pag nag-absent ka, kailangan may letter o 'di kaya'y medical certificate.
'Pag namatay ba kailangan magpakita ng death certificate para 'di ka nila i-drop o ibagsak sa subject nila?
Paano ako nito? Baka marami akong na-miss na lessons, assignments at kung ano pang school-related things. We all know na isang araw ka lang ma-absent, patubg-patong na gawain ang bububgad sa'yo once na nakabalik ka na.
Too much stress!
Kay nino kaya ako magtatanong?
Hindi naman pwede kay Kevin, kasi hindi ko pa rin s'ya pinapansin. Wala naman akong maasahan kay Greg.
Alam ko na...
Tingnan ko nga sa group namin sa Facebook, baka may nagmalasakit mag-post tungkol sa mga ipapasa.
...
...
Wala?
...
...
Bakit wala?
...
...
Wala man lang nagpost kahit sino? Matanong na nga sila sa group chat...
Wow, 1000+ unread messages mula sa group chat namin. Concerned siguro silang lahat sa kung ano man nangyari sa akin at pinag-usapan nila ako. Salamat guys!
Nag-backread muna ako in hopes of finding anything about assignments.
"Magdiwang! Magbunyi! Walang assignments na ibinigay ang mga prof!"
"Talaga? Absent kasi ako eh."
"Ano kayang himala ang nangyari?"
"Hindi kaya end of the world na?"
"Baka may gumamit ng black magic para hindi magbigay ng assignments 'yung mga 'yon!"
"Hindi, baka kamo malapit na silang mawala sa world! May kasabihan ang mga matatanda na bumabait raw ang tao na malapit nang kuhanin ni Lord! Pak ganern!"
"Hay nako, bes. 'Wag nga kayong mag-ilusyon! Imortal ang mga 'yon!"
Okay, nagiging OA na...
Nag-type nalang ako ng tanong para i-send at sagutin nila. Pero bago ko mai-tap ang send button, may nag-doorbell.
"Sandali lang!" Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng aking kama at lumabas ng kwarto. Nang silipin ko kung sino ang kumakatok through the peephole of our main door, si Greg pala.
"James!"
"Ikaw lang pala, Greg. Akala ko kung sino na. Bakit ka naman napunta dito ng ganito kaaga?"
"Kasi... James..."
"Teka, bakit nga ba dito tayo nag-uusap? Tara sa loob." Pinapasok ko ng bahay si Greg pagkatapos kong isara ang pinto sa kan'yang pagpasok ay nagtungo kami sa sala. "Upo ka, may I offer you anything to drink? Like coffee, tea, or juice?"
"Okay lang ako sa kahit alin." Sabi n'ya.
"Sige, sandali lang. Just wait here and I'll get you something." Pumunta ako sa kitchen at nagtimpla ng kape at nag-toast ng brown bread. Yes, brown bread para healthy living lang kunwari.
Nang mailagay ko na sa serving tray ang lahat ng aking inihanda, narinig ko na may kausap sa cellphone si Greg na nakaupo sa sala.
"Oo nga, nandito na ako sa bahay ni James. Kumalma ka nga!"
Klaro na klaro ang pagkakarinig ko sa mga sinabi n'yang 'yon dahil malakas ang boses nitong kaibigan kong si Greg. Ang normal n'yang volume ng boses ay parang sumisigaw sa kausap na hindi lang nasa kabilang side ng bundok kung hindi ng planetang ito!
"Sige na, don't worry, man! I'm on it." Hinintay ko munang ibaba ni Greg ang tawag bago ako pumasok ng sala.
"Sino kausap mo?" Tinanong ko s'ya kahit hula kong si Kevin ang nasa kabilang line kanina.
"Wala, sarili ko." Nanginginig na sagot ni Greg.
"Nako! Nako, Greg. Don't me, 'wag ako ha. Nanginginig ka oh, kitang-kita kita. At tsaka p'wede ka bang umalis d'yan, baka maihian mo pa 'yung sofa sa takot mo!" Ibinaba ko ang tray sa coffee table at hinatak si Greg patayo mula sa kan'yang pagkakaupo sa sofa.
"Ba't naman ako matatakot?" Patuloy lang sa panginginig si Greg, naririnig na rin ito sa kan'yang pananalita. "Bakit ako matatakot, wala naman akong ginagawa na masama!"
Grabe, akala ko 'yung eksena na 'to sa tuwing papatayin ng isang serial killer ang inosenteng tao lang nangyayari pero ngayon, 'eto, nangyayari.
"Tumigil ka nga, Greg. Akala mo naman kung anong gagawin ko sa'yo! Hindi kita papatayin at babalutan ng tape o ng cardboard boxes! OA ka na! Tama na!" Hawak ko ngayon sa kan'yang dalawang balikat si Greg, sinusubukang pakalmahin ang OA ng lintik na hinayupak.
"Sa susunod kasi, hinaan mo 'yung boses mo o 'di kaya lumayo ng kaunti para 'di talaga marinig ng hindi dapat makarinig. Si Kevin ba 'yung kausap mo?" Unti-unting lumalayo si Greg sa akin at napasandal na s'ya sa pader habang ako'y lapit lang ng lapit.
Hay, nako. Kala mo kung sinong matapang, kulang nalang talaga maihi sa salawal.
Teka...
Parang...
Basa...
Parang nararamdaman ko na basa ang talampakan ko.
Dahan-dahan akong tumingin sa aking nilalakaran. Nang ma-realize ko na tugmang-tugma ang naiisip ko sa nakikita ko, ang sigaw ko lang na makabasag-eardrum ang maririnig sa buong sambayanan.
"WHAT!!!! THE!!!! FUCK?!?!"
"GREGORIO!"
♦♦♦♦♦♦♦♦♦