♦♦♦♦♦♦♦♦♦
James's POV
"Uhm, are you going to sit or not?" Tanong ko kay Brie na mukhang nangangawit na sa kan'yang pagkakahawak sa tray at pagkakatayo ng matagal.
"Are you going to let me? Is it okay with you if I will?"
"I don't mind at all." Tumayo ako at hinatak ang silya na katapat ng akin at pinaupo s'ya.
"Thank you, James." Pagpapasalamat nito sa aking ginawa.
Bumalik na ako sa aking upuan, "napaka haba nga pala nung order mo ah! Siguro kung ako 'yung barista or kahit 'yung kukuha ng order mo, malamang sa nag-quit na ako ng trabaho on-the-spot!" Biro ko dito.
Natawa naman s'ya, 'di ako sure kung dahil natamaan s'ya or natawa talaga s'ya.
"Siguro, because I'm just really that elaborate when it comes to those kind of things, orders. Anyways, nagkita naman na rin lang tayo, why don't we talk about stuff?"
"Sure, you have a point. Pag-usapan natin si-" hindi ako nabigyan ng chance tapusin ang aking suggested na taong pag-usapan dahil nagsimula na s'yang magkuwento.
"Let's talk about my brother, Brix."
"Okay, so... what about him?" Tanong ko.
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Brie's POV
Holy mother of god! Paano ko sasabihin? Nakakahiya!
"Brie? Ano?" My goodness, interesado na s'yang malaman! Ikaw talaga, Brie, napakadaldal mong creature!
Paano ko nga ba sasabihin kay James na may slight na pagtingin sa kan'ya 'yung kuya ko? Paano ko ba sisimulan?
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
James's POV
Pa-suspense naman si Brie masyado.
"Brie, ano ba? Sasabihin mo ba o sasabihin mo?" Medyo kinulitan ko na ang pagtatanong dahil nakaka-curious na nga s'ya.
"Uhm, James... uhm... open-minded ka ba?" Nauutal-utal n'yang sabi.
"Oo? Oo naman."
"Good, kasi... James... ano... uhm..." Takte, d'yan ako naiinis eh.
"Brie, you know what? Let's put it like this nalang ha? It is either you will tell me and go straight to the point or you don't tell me at all."
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Kevin's POV
Inaya ako ni Julia na gumala sa bagong bukas na mall along the highway. Hindi ko sukat-akalaing kasama rin pala si Alice sa planong ito. Pero dapat in-expect ko na dahil magkakaibigan sila. Ang ipinagtataka ko lang, bakit hindi kasama si Brie?
"Hey, Julia! Let's take a selfie dun sa may fountain sa labas later para mainggit si Brie!" Ang tinutukoy na fountain ni Alice ay ang typical na modern fountain na may ilaw sa mismong nilalabasan ng tubig at hindi na pool-type.
Oo, pool-type, 'di ko kasi alam ang tawag doon.
"Kung gusto mo talagang inggitin si Brie, I know where we should take 'THE SELFIE!'" Tumakbo si Julia sa harap ng vertical garden na nasa harapang bahagi rin ng mall malapit sa fountain at nag-selfie. "Alice, hindi ka ba na-orient at na-update? Puro kaya itong pader na 'to ang background nila sa mga bagong profile pictures nila!"
"Is that so?" Kitang-kita sa mukha ni Alice na naeengganyo rin s'ya para kuhanan ang sarili ng litrato. "Bring it on! #VistaMallBataan! #Blessed!"
Siguro mga 15 minutes silang nagkukuhanan ng picture sa harap ng vertical garden. Parang ngayon lang sila nakakita ng vertical garden eh sa kahabaan ng EDSA ba 'yon or wherever may vertical garden rin sa tunnels.
Nakakainip palang makasama ang mga babaeng 'to. Kung silang dalawa pa lang ngayon na kasama ko, inabot na ng 15 minutes, paano pa kaya kung kasama si Brie?
Nag-Snapchat, nag-Instagram My Story, nag-My Day sa Messenger. Hindi nila pinatawad pati Moments sa Twitter at Facebook Stories!
Kinuha ko nalang ang sarili kong smartphone, nope, hindi para makigaya sa ginagawa ng mga kasama kong sila Alice at Julia. Kinuha ko para tawagan si Greg, nasaan s'ya? Nandito girlfriend n'ya oh!
Utang na loob, Greg! Nasaan ka? Sagutin mo naman oh!
"Hello?" Parang kagigising lang n'ya nang sinagot n'ya ang tawag.
"Hoy, Greg! Ano? Kagigising mo lang? Andito na kami sa mall nila Julia at Alice, baka gusto mong magmadali?" Sa tono ko ba naman na 'to, 'di pa ba n'ya maiiisip na nabuburo na ako sa boredom?
"Hoy ka rin! Hindi naman ako sinabihan ni Alice na may gala ngayon no! And no, hindi ko kagigising lang. Gusto mong malaman kung anong ginagawa ko bago ka tumawag? Hindi pa nga tapos oh!" At s'ya pa ang naiinis ngayon? "Ikaw, istorbo ka ah!"
"Tang ina mo! Sana hindi mo nalang sinagot, 'di ba? Malay ko ba sa ginagawa mo na 'yan! Isa lang ang masasabi ko, bilisan mo, hindi ko alam kung paano ka nakakatagal na kasama sila!" Medyo ginalingan ko sa tonong galit para naman mawindang kahit papaano.
"Tang ina mo more! Nag-iisip ka ba? 'Pag binilisan ko'to, edi parang quickie lang? Hindi ka masisiyahan ng ganun-ganon lang, Kevin! Dapat matuto kang magtagal! Paano maliligayahan sa'yo si-" Too much information na at hindi ko na kayang sikmurain pa ang lecture ni Professor Greg.
"Gago, tarantado ka!" Tinapos ko na ang tawag at ibinulsa ang cellphone.
Abayga! Hindi pa rin nila pinagsasawaan ang vertical garden at ngayon may kasama pa silang isa pang lalaki! Kuya na Brie! Si Brix!
Buti nalang may mga upuan malapit sa vertical garden, minabuti ko munang umupo para hindi naman ako mangalay sa pagkakatayo ko ng matagal sa paghihintay matapos ang photoshoot nila.
Di ko namalayan na hindi na pala ako nag-iisang nakaupo sa bench. Si Brix pala'y kasama ko na.
"Hello." Bati nito sa akin. Tumango lang ako at ngumiti nang hindi humaharap sa kan'ya.
"Where's James?" Tanong nito.
"Hindi s'ya kasama, not that I know of. Pero if ever na imbitahin s'ya, 'di siguro s'ya sasama kung malalaman n'ya na kasama rin ako." Sabi ko. "Bakit mo s'ya hinahanap? Do you need anything from him? I can ask Greg to get it for you."
Tumayo s'ya at nagpaalam, "I remembered na may kailangan pa pala akong bilhin! I need to get going now, Kevin. Never mind what I've asked a while ago, it's really not that important."
"Let's go. Where is Brix going?" Tanong ni Alice.
"Hindi ko rin alam, pero bago s'ya umalis, he was asking about James." Sabi ko.
Hinawakan ni Julia ang balikat ko, "Kevin, don't be shocked sa mga susunod kong sasabihin, ha?"
"Okay, sobrang serious ba nito at napaka serious n'yong tingnan?" I started to feel uncomfortable nang medyo humigpit ang pagkakahawak ni Julia sa balikat ko.
Tumingin si Julia kay Alice na nakatayo sa likod n'ya. "Do the honors, Alice."
"Kevin, may gusto ang kuya ni Brie kay James."
"Ano?!" Napasigaw ako dahil sa sinabi ni Alice. "Totoo ba 'yan?!"
"Oo, Kevin. Totoo 'yung mga sinabi ni Alice, narinig namin mula kay Brix mismo nung magkausap sila ni Brie." Bigla-bigla nalang sumusulpot si Greg at nagsasalita.
Paano napunta dito si Greg? Kakatawag ko lang sa kan'ya?
"I have to tell you guys something, nag-message si Brie." Sabi ni Alice, "she's asking how can she tell James tungkol don, she's with him right now sa Starbucks."
"Hindi ba dapat si Brix ang magsasabi non kay James mismo?" Sabi ni Greg na nakatingin as akin.
"Greg's right, we should stay out of it. Tell her not to tell James about it and let her brother do that!" Sabi naman ni Julia.
"Kahit anong sabihin natin ngayon, it might be a little too late na?" Iniharap n'ya sa amin ang screen ng kan'yang iPhone.
♦♦♦♦♦♦♦♦♦