♦♦♦♦♦♦♦♦♦
James's POV
Unti-unting lumalayo si Greg sa akin at napasandal na s'ya sa pader habang ako'y lapit lang ng lapit.
Hay, nako. Kala mo kung sinong matapang, kulang nalang talaga maihi sa salawal.
Teka...
Parang...
Basa...
Parang nararamdaman ko na basa ang talampakan ko.
Dahan-dahan akong tumingin sa aking nilalakaran. Nang ma-realize ko na tugmang-tugma ang naiisip ko sa nakikita ko, ang sigaw ko lang na makabasag-eardrum ang maririnig sa buong sambayanan.
"WHAT!!!! THE!!!! FUCK?!?! GREGORIO!"
"It's not what you think it is!" Depensa agad ni Greg at itinuro ang nakabig kong baso ng juice.
"Wala naman akong sinasabi pa! At tsaka, if ever na naihi ka nga sa salawal, it would be trending right away!"
"James! Grabe s'ya!" Tinulungan n'ya akong linisin ang natapon na juice sa sahig.
"Hindi naman hahantong sa ganito 'to kung nagsalita ka ng katotohanan." Sabi ko.
"'Yung totoo ba talaga ang gusto mong malaman?" Natigil s'ya sa pagkuskos ng basahan sa sahig, "si Kevin, s'ya ang nagpapunta sa akin dito. Actually I have a date with Alice right now which I had to cancel for this."
"What do you mean by 'this'? Ano ba at pinapunta ka dito ni Kevin?" Tanong ko sa kan'ya.
"Kasi..."
Agad kong pinutol ang sasabihin ni Greg, "you know what, Greg? I think you should go on your date with Alice nalang instead of wasting your time following commands from someone who should be the one doing it."
"Pero..."
Binuksan ko ang pintuan at pinilit inilabas ng bahay si Greg.
"James!"
"Off you go, good bye! Pakisabi kay Kevin, 'wag ka n'yang gamitin at s'ya mismo lumapit para makipagbati." Isasara ko na sana ang pinto ngunit pinigilan ito ni Greg.
"One question." Hinayaan kong bukas ang pintuan upang marinig ang itatanong ni Greg.
Tumango ako senyas na okay ako na magtanong s'ya.
"Are you mad at him? Why?"
"Hindi ako nagagalit sa kan'ya, I just left because hindi ko na kayang ihandle 'yung gusto n'ya, nakita mo naman na naubusan na ako ng suggestion that time. You know na he's the kind of guy na most of the time na manghihingi ng opinions and suggestions tungkol sa isang plan o desisyon pero 'yung kan'ya pa rin ang susundin n'ya." Sagot ko sa kan'ya na mukhang naliwanagan naman na kahit papaano.
"Thank you for answering me. Just like what you've said earlier, s'ya ang pumunta dito para makipag-ayos. I won't tell him anything you've told me." Binitawan na n'ya ang pinto at nagpaalam.
Makapag-Starbucks nga!
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Greg's POV
Akala ko talaga kung ano nang mangyayari kanina, paano ba naman kasi ako hindi matatakot sa kan'ya, eh 'yung itsura n'ya kanina parang isang serial killer na mambibiktima. O 'di naman kaya isang wolf na mambibiktima ng isang inosenteng musmos tupa, pero hindi inosente kundi isang green-minded na tupa tulad ko.
Nang makasakay na ako sa aking kotse, kinuha ko agad-agad ang aking cellphone mula sa aking bulsa at tinwagan si Kevin.
Sumagot s'ya, "Greg! What's up? What happened? Any updates?"
"Kevin..."
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
James's POV
Mag-isa kong ine-enjoy ang aking favourite na Dark Mocha Frappé, dahil favourite na favourite ko talaga s'ya, s'yempre Venti size yung order ko.
Matapos ng hindi magandang pangyayari kanina, enjoyment naman ang daranasin ko for now!
Nakaupo ako sa isang table na malapit lamang sa counter pero may shelf na pinaglalagyan ng merchandises ng Starbucks ang nagsisilbing divider ng area kung nasaan ako at ang counter.
What else do you do and enjoy the most when you're in Starbucks? S'yempre 'yung free Wi-Fi! Dahil walang gaanong customers ngayon at ng ganitong oras ng hapon dito sa Starbucks sa amin, walang ibang makikipag-agawan sa connection.
Maya-maya, narinig kong pinagbuksan ng guard ang isang customer. Hindi lang ako nakatitiyak kung isa nga lang ba s'ya or marami sila.
"Good day, ma'am! Welcome to Starbucks, may I please take their order?" Napaka-energetic na bati ni kuyang nasa counter, hindi naman halatang katuturok lang ng caffeine sa kan'yang system at napaka-active at hyper n'ya. Hindi naman.
"Uhmmmm..." Mukhang tinitingnan pa nito ang menu at iniisip kung ano ang kan'yang gustong iorder.
Lumipas ang sampung segundo at s'ya pa rin ay naroroon at parang nag-iisip. "Parang" nalang kasi it feels like she meant to do that "thinking" sound to be a bitch.
Nagsimula na s'yang umorder, "I'll like to have a Grande Vanilla Bean Powder Cream-based Frappuccino with heavy cream, 0.5 shot of soy milk, lactaid milk, 0.14 shot of cream, serve it in a Venti cup, with no ice, no water, do add Stevia and Monk fruit extracts sweetener, honey, I'd like it with the extra coconut flakes, the extra caramel drizzle, the extra Greek yogurt, do add Matcha powder, I'd have it with room and foam, do add banana, strawberries, two scoops of protein powder, frappucinno chips, don't forget to use raw sugar on my drink, I don't want any whipped cream on my drink, I want no sweet cream too but add agave syrup, on top of it all, add blueberries as toppings, I almost forgot, 0.3 shot of almond milk and 0.152 shot of coconut milk because I heard it's really healthy and enhances the taste of the drink better, and last but not the least, I want it served at 34 degrees Fahrenheit! That might be all, please and thank you!"
What the actual fuck was that?!
Kung ako siguro 'yung nasa counter, magri-resign ako on-the-spot!
"Okay ma'am, so you ordered-"
Inulit pa ni kuya 'yung order nung babae, ang galing, ni isang detail, wala s'yang nakaligtaan kahit na napakarami ng demand ng babaeng umorder.
"That's right, now here's my Starbucks Card."
Okay, sobra na ang pakikinig ko sa transaction na 'yon. Balik sa pag-scroll down sa Facebook, pag-react sa mga post, et cetera, et cetera. Tuloy lang sa pagpapa-chill at pagre-relax. 'Pagkatapos nito, something with Green Tea naman ang oorderin ko. Yes, rich kid ako 'pag simula ng buwan, poor na 'pag kalagitnaan ng buwan kasi wala nang laman ang bulsa at bank account!
"Personalized drink for Ms. Brie!" sigaw ng barista.
Teka, nandito si Brie at sa kan'ya ang order na napakahaba at detailed?
Si Brie nga ang nakita kong kumuha ng kan'yang order, nakasuot s'ya ng little black dress with matching sunglasses kahit hindi naman nakakasilaw ang liwanag sa loob ng Starbucks.
Iniligid n'ya ang kan'yang mga mata, siguro upang maghanap ng mapupwestuhan. Nakita n'ya ako.
"James!" Lumapit s'ya sa aking table dala-dala ang tray. "Wow, I would never expect to see you here!"
"Teka, anong tingin mo sa akin, Brie? Grabe ka ah, you're not to only blessed human in this world, I can also afford stuff." Minamata yata ako nito akala ko kaibigan s'ya.
"Oh, I'm sorry, people say I'm too judgmental. Unfortunately, I guess they're right about that. Do you think the same?"
"To tell you frankly, Brie, I wasn't offended with what you have said. In fact, I am just concerned with your actions. Paano kung 'yung masabihan mo n'yan ay sensitive, magkakaroon ng away, 'di ba?" Sabi ko.
"You're right, maybe dapat na akong magbago at 'wag nang mag-underestimate ng mga tao." Sabi naman n'ya.
Narealize ko na nakatayo parin pala si Brie. Nakaligtaan kong paupuin s'ya kasama ko, medyo fail lang sa pagiging gentleman.
"Uhm, are you going to sit or not?" Tanong ko kay Brie na mukhang nangangawit na sa kan'yang pagkakahawak sa tray at pagkakatayo ng matagal.
"Are you going to let me? Is it okay with you if I will?"
"I don't mind at all." Tumayo ako at hinatak ang silya na katapat ng akin at pinaupo s'ya.
"Thank you, James." Pagpapasalamat nito sa aking ginawa.
Bumalik na ako sa aking upuan, "napaka haba nga pala nung order mo ah! Siguro kung ako 'yung barista or kahit 'yung kukuha ng order mo, malamang sa nag-quit na ako ng trabaho on-the-spot!" Biro ko dito.
Natawa naman s'ya, 'di ako sure kung dahil natamaan s'ya or natawa talaga s'ya.
"Siguro, because I'm just really that elaborate when it comes to those kind of things, orders. Anyways, nagkita naman na rin lang tayo, why don't we talk about stuff?"
"Sure, you have a point. Pag-usapan natin si-" hindi ako nabigyan ng chance tapusin ang aking suggested na taong pag-usapan dahil nagsimula na s'yang magkuwento.
"Let's talk about my brother, Brix."
♦♦♦♦♦♦♦♦♦