♦♦♦♦♦♦♦♦♦
James's POV
Hay, project na naman ang pinagagawa ng magaling na prof namin sa PHED. Two weeks ago, pinabili na kami ng anim na bola ng basketball, ngayon, anim ulit? San ba napupunta 'yung mga bola? Sinusubo ba n'ya ang balls kaya't naglalaho?
"Saan n'yo ba kasi binibili 'yung mga bola at parang sarap na sarap si sir magpabili sa atin?" Tanong ng babaeng pahirapan singilin sa tuwing may ambagan sa projects.
"Baka naman binibigyan n'ya ng balls ang mga like n'yang varsity players ng university natin kapalit ng balls nila!" Sabi naman ng babaeng walang inatupag kundi manood ng hentai buong buhay n'ya.
Sinenyasan ko ang mga officers at nagpa-meeting ako.
"Mag-meeting tayo tungkol sa balls ni sir!" Malakas Kong isinigaw nang making silang lahat. Tumawa naman sila, ibig sabihin, nakikinig.
"Hindi ko alam kung bakit ang hilig-hilig ni sir sa mga bola, pero kung gusto n'yong pumasa, sundin n'yo nalang. Mag-aambagan ulit tayo para bumili ng anim na bolang pam-basketball. Maliwanag ba?"
Nagsimula ang lahat sa kani-kanilang mga talakayan tungkol sa ball project. Reklamo, tawanan, reklamo, tawanan, akala mo naman nagsisipagbayad ng maayos! Pwe! FAQ King Shirt kayong lahat!
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Matapos ng meeting ay pumunta ako sa Jollibee na malapit sa university namin, nakakasawa narin kasi 'yung mga karinderya sa loob at labas ng university namin, bukod sa halos pare-pareho ang mga ulam, hindi pa sulit at kulang pa sa lasa. Umorder ako ng burger steak meal, s'yempre hindi mawawala ang side na fries at drink na float, this time pinagawa kong Sarsi instead na Coke.
Umupo ako sa pinakasuluk-sulukang pwesto sa branch na iyon, at hinintay dumating ang inorder kong pagkain.
Para hindi mainip, nag-check na muna ako ng Facebook at iba pang mga social media apps sa phone ko. Nagulat ako ng makita ang isang friend request galing sa isang Brandon Brilliantes.
Brandon Brilliantes?
Hindi ako nag-respond sa friend request n'ya, instead tiningnan ko kung sinu-sino ang mga mutual friends namin. Si Ursula Santos?
"James! Wow! Dito pa pala tayo magkikita ulit!" Lumapit sa akin si Ursula at binesuhan ako sa magkabilang pisngi ng tatlong beses.
"Tama na, nakakarami ka na." Pinaupo ko s'ya sa may tapat ko.
"Quota na ako! Ang gwapo talaga ng friend ko! Kamusta na?" Tanong n'ya sa akin.
"Okay lang naman, Ursula. Wala namang problemang pinagdaraanan." Bigla kong natandaan ang friend request kanina sa FB. "Ursula, may kilala ka bang Brandon?"
"S'yempre naman! Hindi ko makalilimutan ang best friend ko since birth! And to mention, ang jowa ng kuya Tommy ko!"
Ah so, best friend n'ya ang boyfriend ng kuya n'ya. What?!
"Teka? You mean na 'yung kuya mo at best friend mo-"
"Yes, they're together!" Biglang humina ang boses ni Ursula. "Kaso, medyo mahirap pinagdaraanan nila ngayon eh. Kakailanganin ni kuyang mamili kung ipagpapatuloy ba n'ya ang pagiging artista o ang relationship nila. Kasi marami nang naiintriga and nacucurious sa katotohanan, and you know, haters gonna hate."
"Ang saklap naman pala ng nangyayari sa kuya mo, nabalitaan ko nga sa TV last week na lalong rumami ang bashers ng kuya mo nang may napabalitang tungkol sa rumored relationship n'ya with someone of the same sex."
"Oo, mahirap talagang malagay sa kalagayan nila. Hindi pa fully na tanggap ng mundo ang mga relasyong gaya ng kanila." Sabi n'ya.
"Pero tingin ko may mga supporters naman sila, you know, 'yung tulad sa neighboring Asian countries natin na may malaking following and community ang mga tulad nilang couple. Like for example, in Thailand, may mga gumagawa nga ng ganon, pretending to be a real couple just for fame eh."
"Why don't we start a fanpage dedicated to their followers? Like an Instagram account? I have a lot of pictures na pwede nating i-upload, like mga sweet moments nila!" Excited ang tono ni Ursula at agad na kinuha ang iPad n'ya.
Wow, nasama ako sa planong ito? "Teka, Ursula. Shouldn't you let them know about this muna? And why are you dragging me into this? I will support them, pero I don't actually know if I could manage something like that. Wala naman akong pictures nila."
"That's unfortunate. Pero salamat sa idea, I'll just think about that 'telling them first' part. I really want them to be happy, bakit kasi ayaw nalang nilang tanggapin, dahil ba hindi artista si Brandon?" Huminto sa pagsasalita si Ursula, parang may naisip s'yang bigla.
"Ursula? Is there something wrong?" Tanong ko sa aking kausap na parang namaligno dahil parang na-shocked lang ang kan'yang mukha ngayon.
"Hindi kasi siguro artista si Brandon tulad ni kuya kaya 'di sila matanggap. Pero kung papalabasin lang na it's for a future project for a television series or movie... baka ma-excite pa ang lahat!" Pumalakpak si Ursula.
"So I guess, that's final and will be the move?" I asked her just to be sure na hindi na n'ya itutuloy 'yung paggawa ng account para sa kanila.
"Oo, friend! I shall contact producers from the network and hopefully they will answer and make it happen!" Tumayo si Ursula at nagpaalam. "Bye na, friend. Makiki-CR lang naman talaga ako dito, kaso nakita kita."
"O, sige. Bye."
Nagpatuloy ako sa pagchecheck ng mga social media accounts ko. Maya-maya ay may dumating na pamilyar na tao sa akin dala-dala ang pagkaing inorder ko.
"James?" Gulat n'yang tanong.
"Buhay ka pa pala?" Tanong ko sa kan'ya.
"Kailan ba ako namatay?"
"Ang tagal mo na kasing hindi nagpaparamdam sa amin nila Kevin at Greg!"
Inilapag na n'ya ang inorder ko sa table. "Teka lang, hintayin mo ako. Tapos na ang shift ko, sabay na tayong kumain." Pumasok s'ya sa office at pagkalabas n'ya ay naka-uniform na pang-eskwela na ito.
Pumunta s'ya sa may counter at nang bumalik ay may dala na ring pagkain.
"Sayang pala. Sana pala nalibre mo ako, Dexter!" Sabi ko sa kan'ya.
Si Dexter ay 18 years old na, isang taon ang tanda n'ya sa amin nila Kevin at Greg. S'ya ang tumatayong kuya namin sa grupo, kaso bigla nalang s'yang nawala at hindi na nagparamdam.
"Sa susunod nalang siguro. Kamusta na ba kayong tatlo?" Umupo s'ya sa tapat ko at ngumiti.
"Ayos lang naman kami, si Greg may girlfriend na mayaman tulad n'ya. Si Kevin naman may gusto sa isa sa mga kaibigan ng gf ni Greg."
"Eh ikaw?"
Ako?
"Ha?" Tiningnan ko lang s'ya na kunwari ay wala akong ideya kung ano ang tinutukoy n'ya.
"Ikaw? Kamusta naman ang love life mo?"
"Wala akong love life." Nagsimula na kaming kumain ni Dexter.
"Ha? Bakit naman wala? Wala ka bang nagugustuhang babae sa klase n'yo? Marami naman sa university natin na decent-looking ah?"
Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang tuloy ang pagsasalita n'ya.
"Wala bang babaeng nakakakuha ng atensyon mo? O hindi babae ang nakakakuha sa atensyon mo?"
Nasamid ako at agad akong uminom ng Sarsi float.
"Okay ka lang ba, James?" Tanong n'ya sa akin habang tumatawa.
"Okay lang ako." Sabi ko sabay pinunasan ang bibig gamit ang tissue. Sinubukan kong ibaling sa kan'ya ang usapan namin. "Ikaw naman. Kamusta ka? Bakit ka ba nawala."
Gusto kong malaman kung bakit s'ya bigla nalang nawala sa picture naming magkakaibigan.
"Mahabang kwento kasi, eh. Pero dahil tapos naman na ang chapter na 'yon ng buhay ko. Sasabihin ko na sa'yo." Napatigil s'ya sa pagkain at mukha n'ya'y naging seryoso.
"Sige lang, Dex. Sabihin mo lang, nakikinig ako."
"James, kasi... I had a boyfriend at we recently broke up." Hindi na s'ya makatingin sa akin ng diretso. Ramdam na ramdam ko ang pagkahiya n'ya tungkol sa sinabi n'ya. "Kaya ako lumayo, baka kasi ikahiya n'yo ang pagiging magkakaibigan natin at tingnan bilang isang nakakadiri at kamuhi-muhing tao."
I'm left without words and I don't know how I'll react in this situation.
"Alam ko ngayon na nandidiri ka, naiintindihan ko naman kung lalayuan mo ako pagkatapos nitong pag-uusap natin-"
"Dexter, tumigil ka nga. Wala kang dapat ipag-drama, okay lang sa akin. Walang problema sa akin kung anong nangyari sa'yo. Ang sakin lang, sana hindi naging dahilan 'yon para layuan mo kami. Dex, kaibigan ka namin at bilang kaibigan, dapat tanggapin natin ang isa't isa kahit ano pa man ang pagkakaiba natin."
Hindi pa rin s'ya makatingin sa akin at nakayuko pa rin. Gusto kong ipakita sa kan'ya na totoo ako sa sinasabi ko kaya't hinawakan ko ng mahigpit ang kamay n'ya.
"'Yun lang ba talaga, Dexter?" Tanong ko.
"Salamat sa lahat, James. Actually, hindi pa ako handa na harapin ka ngayon kaso nung nalaman kong sa'yo 'yung order kanina, naglakas loob na ako. Salamat at napagaan mo 'yung nararamdaman ko, hindi mo alam kung gaano kabigat ang naalis sa dinadala ko ngayon." Hinigpitan rin n'ya ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko ang ngumiti habang lumuluha.
"Cheer up! Kain na ulit tayo. Ngayon mabubuo na ulit tayong apat!" Bumitaw na ako at nagpatuloy sa pagkain.
Tumango lang s'ya, ngumiti at pinahiran ang luhang tuloy ang pagbagsak.
Buti nalang at malakas ang damdamin ko kaya't hindi pa ako naiiyak. Pero konti nalang bubuhos na 'to.
Biglang may babaeng umiyak at sumigaw sa may tabi ng pwesto namin. "AND CUT! PACK UP NA TAYO, GUYS!" Nandito pa nga pala si Ursula. "Nakakaiyak, sobra! Pwede nang pang primetime drama! Ikaw, Dexter ba pangalan mo?"
"Oo." Sagot ni Dexter na ngayon ay natatawa na at naguguluhan sa nangyayari.
"Ang babaw ng luha mo, pwede kang best dramatic actor!" Sigaw n'ya na sobrang excited. "Ikaw naman, James, pwede ka palang mag-underacting! I love it guys! Keep it up, baka kayo na ang susunod na mapapanood sa TV! Bye, I have to go now." Binuhat n'ya ang kan'yang shoulder bag at umalis.
"Sino 'yun?" Tanong ni Dexter sa akin na may halong pagtataka at parang nawi-weird-an.
"Haha, eh, si Ursula, kaibigan ko since highschool."
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Tapos na kaming kumain at palabas na kami ng Jollibee.
"Paalam po, sir. Come again! Mabuhay!" Bati sa amin ng guard habang palabas kami ng glass door.
Tumigil muna kami sa may tabi ng statue ni Jollibee na palaging nakangiti. Forever yata ang smile nito.
"Tingin mo ba okay lang kina Kevin at Greg kung malalaman nila 'yung tungkol sa'kin?" Tanong ni Dexter sa akin, blangko ang facial expression n'ya ngayon.
"Oo naman! Magkakaibigan tayo, I'm sure they'll understand!" Pag-a-assure ko sa kan'ya kahit maging ako ay hindi sure. "Magiging okay lang ang lahat."
Minsan, kailangan nating mag-assume na magiging okay ang lahat kahit mahirap isipin kung magiging okay nga ang lahat dahil sa nakikita nating hindi naman okay. Kaysa naman sa isipin natin ang masamang pwedeng nangyari, mas mabuting isipin ang magandang maaaring mangyari para magawan ng paraan upang maisakatotohanan.
♦♦♦♦♦♦♦♦♦