♦♦♦♦♦♦♦♦♦
James's POV 😷
Nagising ako sa loob ng kotse ni Greg, naiglip pala ako ng sandali. Si Kevin ay nakaupo sa passenger seat sa tabi ni Greg. Binuksan ni Kevin ang radio.
"Nagmahal ka lang, at walang mali doon. Napatunayan mo lang na sa pag-ibig, pantay-pantay at walang pinipili." Sabi ng lalaking host ng isang programa sa radyo tuwing gabi. "Lalaking itinago natin sa pangalang: Boy, narito na ang ni-request mong kanta."
Mahabang violin instrumental ang intro ng kanta.
Pare mahal mo raw ako
Yan ang sabi mo raw
Nang minsan ay malasing tayo
Hindi kita sinisisi galit ay wala ako
Pare pag-usapan natin to
"Kevin, favorite song mo oh! Ikaw ba si Boy?" Biro ni Greg.
"Hindi ah! Hindi ko paborito 'yang kantang 'yan! Baka si James!"
Dafuq talaga! Nagawa pa n'yang makipagbiruan nang ganun matapos ng ginawa n'ya kanina?
Hininaan ni Kevin ang radyo at tumingin sa akin. Agad naman akong nagtulug-tulugan.
Wala namang mababago
Sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede kong ialay sa iyo
At kung higit pa ron pasensya na
Di ko makakaya
Pare kaibigan lang kita
'Di ko na talaga makakaya! Mas lalong 'di ko kakayanin kung magpapatuloy pa 'tong kanta. Sorry talaga, pero I have nothing against it, wrong timing lang talaga.
Tinanggal ko mula sa pagkakakabit ng seatbelt ko para palitan ang pinakikinggang radio station.
Kasabay ng pagpalit ko ng radio station ay ang tangkang pagpigil n'ya sa akin.
He stopped me from further changing stations by holding me by my wrist with his warm left hand.
That time, bigla nalang nag-flash sa isip ko ang buong pangyayari kanina na parang nangyayari ulit ngayon.
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
JAMES'S FLASHBACK 😵
Tumalikod na ako sa kan'ya at pinulot ang tuwalya ko na nasa sahig. "Tigilan mo nga-"
Nadulas s'ya dahil basa ang sahig ng banyo at napadapa kami pareho sa sahig ng kwarto ko. Parang slow motion ang pagkabagsak naming dalawa habang naririnig ang pinatutugtog na Hala Mahulog ng kapitbahay.
Sakto na ang tuwalya ay nakalapat sa bewang ko kaya sinubukan kong umikot para mabalot ako ng tuwalya, pero hindi s'ya nakaalis agad-agad kaya nakaharap ako ngayon sa kan'ya at nagkatinginan kami.
"Kevin! Ano ka ba?!"
Wala s'yang imik at natatitig parin sa akin.
"Kevin!" Hinawi ko s'ya para mawala na s'ya sa pagkakadagan sa akin.
"Sorry, may naisip lang kasi ako." Sabi n'ya.
"Ano naman 'yang naisip mo?" Tanong ko naman habang nagbibihis ako ng mabilis.
"Kasi sa mga teleserye sa TV, kapag may nangyayaring ganun, nagkikiss sila. Tinignan ko lang kung nangyayari sa totoong buhay."
What on earth? Hindi naman ako kumakain o umiinom nung mga oras na 'yon pero nasamid ako.
"Ineexpect mo na hahalikan kita? Bro, ano ka ba! Tigilan mo nga ako sa kalandian mo! Ipunin mo 'yan para sa target mong si Julia mamaya ha?"
"Sorry, pilyo lang." Excuse n'ya. Is that excuse even legit?
"Anong pilyo? Baka ma-" bago ko matuloy ang sinasabi ko, nag-ring ang phone ko.
END OF JAMES'S FLASHBACK 🕦
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Hawak parin n'ya ang kamay ko at nakatingin sa akin.
Until out of the blue,
I'm feeling so true
Bigla nalang sinabi sa akin that
At nagsalita na rin s'ya pagkatapos ng napakatagal n'yang pagkakatitig sa akin. "James, bro. Sorry sa ginawa ko kanina. Sorry talaga at hindi ako nag-iisip before I act."
"Wala akong magagawa but to endure and understand you."
This guy's in love with you pare,
This guy's in love with you pare,
This guy's in love with you pare,
Bading na bading sayo
"Ayie, ang sweet naman ng mga best friends ko! Bagay 'yung kanta para sa inyong dalawa." Nakalimutan ko tuloy na kay Greg itong sinasakyan naming kotse at kasama namin s'ya at nagmamaneho. "Ba't 'di n'yo gawing theme song?"
Hinatak ko na ang kamay ko at nagsuot ulit ng seatbelt.
Pinatay ni Kevin ang radyo. "You know what, kalimutan nalang natin 'yung nangyari or at least keep it between us."
"Kasama ba ako sa 'us'?" Tanong ni Greg.
"Sure, kalimutan nalang natin." Sabi ko kay Kevin. "Malayo pa ba tayo, Greg?"
Sumagot naman si Greg, "malapit na. Why don't you guys tell me what happened? 'Wag n'yong hayaang gumana ang imagination ko!"
"No!"
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Tumigil kami sa harap ng isang bahay na mala-White House ang facade. Siguro napaka yaman ng pamilya ni Alice! Bumaba kaming tatlo at may sumalubong na nakasuot ng uniform ng isang butler.
"Good evening, Master Greg, the night is still young. Ako na po ang magpaparada ng sasakyan n'yo, Master Greg."
Iniabot ni Greg ang susi sa kan'yang kotse sa butler.
"Bago po kayo tumuloy, sino ho ang kasama ninyo?" Tanong nito kay Greg.
"Ako po si James, kaibigan po ni Greg."
"Good evening, Master James, it's an honor to meet you. Welcome to the humble abode of the Stones."
Stone ang family name nila Alice? Wow, okay.
"And I am, Bates. Kaibigan rin ni Greg." Pakilala ni Kevin sa sarili n'ya.
"Good evening, Master Bates. It is my pleasure to welcome you to the Stone Residence."
Bates? Nasaan 'yon sa pangalan n'ya?
Bates? Para maging Master Bates? Para sounds like masturbate?
Tiningnan ko si Kevin at mukhang nagpipigil ng tawa.
Nang umalis na ang butler para i-park ang kotse ni Greg. Tumawa si Kevin ng napakalakas. "Did you see what I did there?"
Tumawa rin si Greg at nag-high five silang dalawa.
Bumukas ang napakalaking pinto at bumungad ang dalawang kasambahay, kagaya ni manong butler, binati rin nila kami. "Magandang gabi po sa inyo, tuloy po kayo."
We then entered the enormous house.
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
"It's about time, let's get the party started!"
Bumaba si Alice mula sa isang staircase na hawig sa staircase na makikita sa Titanic, mas makintab nga lang ang nakikita namin ngayon.
"Hi, Alice! Thank you nga pala ulit sa invitation." Ngumiti naman s'ya nang marinig 'yon mula sa akin.
"Well, gusto ko lang namang makilala pa ng husto si Greg. You know what they say, makikilala mo ang isang tao through the people around him or her."
"Sino ba ang may birthday? Hindi kasi ako nagdala ng gift." Nahihiya kong sinabi kay Alice.
"'Wag kayong mahiya! I lied about the birthday, but not the party. You see, monthsary namin ni Greg! I'm 'it', ako muna ang gagastos kasi s'ya palagi ang nagbibigay tuwing weeksary namin."
Binuksan n'ya ang isang pintuan sa left side ng hallway, mukhang papunta sa garden dahil green ang kulay nito na may golden sunflower doorknob.
"Come, let's go! They're waiting." Anyaya n'ya sa amin. "Both Julia and Brie are dying to see you again tonight!"
♦♦♦♦♦♦♦♦♦