Chereads / Pusong Nahulog sa Tulay (Pinoy BL) / Chapter 4 - My Fair Lady

Chapter 4 - My Fair Lady

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV 😮

May isang napakalaking infinity pool sa garden nila. Mataas rin kasi ang kinatatayuan ng bahay at halos nasa coastline kaya may magandang view ng dagat. Sa tabi ng pool, may isang table na may 7 upuan sa palibot.

Sa ngayon, ako, si Kevin, si Greg, at si Alice lang ang tao dito sa garden.

"Feel free to go around and socialize." Sabi ni Alice.

Socialize? Sinong kakausapin dito? Akala ko ba kami nalang ang hinihintay? O may mga nilalang na s'ya lang ang nakakakita.

"Oh, I'm sorry. Were you crept out by what I said? Sorry talaga, baka nasa washroom lang sila, they'll be back soon."

"Ah, is that so? Akala ko kasi may nakikita ka na iba na tanging ikaw lang ang nakakakita." Sabi ko sa kan'ya.

"Sorry talaga. Pero this is an ancestral house, yeah? Hindi malayong meron ngang naninirahan na hindi tao dito." Sabi ni Alice na nakangisi.

Nananakot ba s'ya? I have to admit, creepy 'yung ngiti nitong babaeng 'to!

"We're so sorry, nandito na pala kayo." Nakayuko sila Julia at Brie na lumabas sa garden.

Iniabot ko sa kanila ang kanang kamay ko para makipagkamay sa kanila. "Nice to meet you nga pala ulit."

"There's still someone I'd like you to meet, James and Kevin. Pero hindi pa s'ya nakakarating. Pero, for now, simulan na natin ang pagse-celebrate!" Nagbukas si Alice ng isang champagne bottle.

Sila Julia at Brie naman ay binigyan kami ng mga basong lalagyan ni Alice ng champagne.

"Happy second monthsary to me and Greg!" Sigaw ni Alice. "Cheers!"

"Cheers!"

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Nakaupo ako sa gilid ng pool at ang dalawa kong paa ay nakalubog sa tubig. Sa kabilang side ng pool, naghaharutan ang magsyotang sila Greg at Alice. Si Kevin naman ay lumalangoy na akala mo ay kasali sa Olympics.

Madaling sabihin pero ang hirap kalimutan nung ginawa n'ya kanina sa bahay. 'Yung pakiramdam ko hinahalo lahat ng emosyon at damdamin na meron ako gamit ang blender, 'yung pang-heavy-duty na blender.

Bigla nalang may kumalabit sa akin. Pagkalingon ko, si Brie pala at may dalang juice. "Hello, I brought you a glass of apple juice."

Tinanggap ko naman ito. "Salamat! That drink was just the thing I needed to refresh my mind."

"Mind if I join you?" Tanong ni Brie sa akin.

"Sure, why not?"

Umupo s'ya sa tabi ko para makapag-usap kami ng maayos.

"So yeah, just in case you forgot, I'm Brie."

"In case you forgot, too. Ako naman si James." Ngumiti ako sa kan'ya at ngumiti naman rin s'ya. Naka-braces pala s'ya at 'yung kulay ay kasing blue ng buhok n'ya, sky blue. "Is that your natural hair color?"

"Nagbibiro ka ba? I haven't met anyone who has sky blue as their natural hair color!" Natawa lang s'ya sa napakatangang tanong ko. "I'm actually blonde. I'm also a half Filipino like Alice."

"Let me guess, you're British too?" Tanong ko kay Brie.

'Yun ang pumasok na lahi sa isip ko dahil sa accent n'ya.

"You've got it right!"

"So, Brie, may sasabihin ako, pero 'wag mong ipagsasabi sa iba." Hininaan ko ang boses ko dahil malapit lang ang iba sa amin. "Kevin likes Julia and he wants me to know more about her so he can make his move, can you help me?"

Ngumisi lang s'ya. "You've asked the right person for that, mate!"

Lord, thanks sa pinadala n'yong tulong!

"Thank you talaga, Brie."

"In one condition."

Dafuq is this shet? May kundisyon?

"Ano naman?" Tanong ko.

"We have to be friends first!"

"Hindi pa ba tayo friends?"

"Mate, what I mean by friends is that you have to add me on Facebook pa!" Sabi n'ya.

Kinuha ko ang phone ko at in-add s'ya sa Facebook.

"You also have to follow me on Instagram!"

Nag-follow narin ako sa Instagram n'ya.

"How about Twitter?"

Pati narin sa Twitter.

"And Tumblr!"

Talaga? Pati doon?

"Don't forget, YouTube! Subscribe to my make-up tutorial and beauty tips channel!"

"Do you seriously think I watch those kinds of videos?" Tanong ko. "Lalaki ako!"

"Well you should now, that's what friends do!"

Shet, pwede bang 'wag nalang akong makipagkaibigan sa'yo?

"Hey, subscribe na uy!"

At nag-subscribe ako sa channel n'ya. Wala namang mawawala.

"I also have a Vine account!"

"Aba, why not?" Nag-follow na rin ako sa Vine account n'ya.

Packing tape! Meron ba s'yang account sa lahat ng social media sites? Friendster, MySpace, ano pa? Grindr? Blued?

"Ang konti ah? Wala na bang iba? Baka may nakalimutan ka pa." Tanong ko.

"Actually, I have 3 accounts for each site. One is for dating and flirting, another for casual use, and the last is for reposting/sharing/retweeting useless things!" Sabi n'ya habang pinapakita sa akin mga screenshots ng mga accounts n'ya. "I only made you add and follow me in one of each. Dapat kang magpasalamat for that."

Wow, grabe s'ya!

"But anyways, friends na tayo!" Sabi n'ya at yumakap sa akin.

Biglang nag-ring ang cellphone n'ya, kumalas s'ya sa pagkakayakap sa akin at sinagot ang tawag.

"Hmmm, okay. Goodbye."

Tumayo s'ya at tumingin sa akin. "James, come with me."

"San tayo pupunta?" Tanong ko naman sa kan'ya.

Hindi s'ya sumagot at hinatak ako para tumayo.

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Pumasok kami sa hallway, hindi ko parin alam kung saan kami pupunta. Ba't 'di pa kasi sabihin?

Narinig namin ang tunog ng doorbell.

"Oh my god! I need to use the restroom! James, I'm sorry, pero pwede mo bang buksan 'yung main door ng bahay? May dumating kasi." Tumakbo s'ya papunta sa pinakamalapit ng banyo.

Tuloy lang sa pagtunog ang doorbell ng bahay.

Sure, ako nalang. Buksan lang ang pinto at papasukin ang dumating. Ba't parang biglang nawala ang mga kasambahay at mga butler sa lugar na 'to?

Naglakad nalang ako papalapit sa pintuan ng mansion na ito para gawin ang pinagagawa ni Brie.

Hindi talaga tumitigil 'yung pumipindot ng doorbell, nasiyahan yata sa pagpindot nito. Kaya mas lalo pa akong nagmadali sa paglalakad.

Nang malapit na ako sa pintuan, nakarinig ako ng malakas na katok na parang padabog na at sipa na ang ginagawa sa pinto. Hind kaya masamang tao ang nasa kabilang side ng pintuan ito?

Na-unlock ko na ang lock ng pintuan at dahan-dahan na binuksan ang pintuan. Pero parang nagkaroon ng pwersang nanggaling mula sa labas at nabuksan na ang pintuan.

Nagulat ako nang biglang nahulog sa akin ang taong kararating. Amoy alak ang lalaki at nagsasalita pa.

"Katulad ka lang ng ibang mga pa-fall!"

♦♦♦♦♦♦♦♦♦