Chapter 5 - Tipsy

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV 😨

Na-unlock ko na ang lock ng pintuan at dahan-dahan na binuksan ito. Pero parang nagkaroon ng bigat o pwersang nanggaling mula sa labas at nabuksan ng buo ang pintuan.

Nagulat ako nang biglang nahulog sa akin ang taong kararating. Amoy alak ang lalaki at nagsasalita pa.

"Katulad ka lang ng ibang mga pa-fall!"

Anong pinagsasasabi nito?

Maya-maya ay nagsimula na itong dumuwal.

Ay shet, masusukahan pa yata ako ng lalaki na 'to.

Inihiga ko nalang ito sa sahig para makatayo ako nang biglang may sumigaw sa 'di kalayuan.

"Oh my god!" Si Brie pala ang sumugaw. "Brix, what happened to you!"

Agad n'ya akong tinulungang itayo si Brix. Tinanong ko s'ya, "'Eto ba 'yung kapatid mo?"

"Oo. Ano bang nangyari?"

"Pagkabukas ko ng pinto, bigla nalang s'yang nawalan ng malay! Nagsasalita pa nga eh."

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Inihiga namin si Brix sa kama ng isang kama sa isa sa 4 na guest rooms ng napakalaking mansion nila Alice.

"James, pwede bang ikaw muna magbantay kay Brix while I get some help?" Tanong n'ya sa akin.

No freaking way!

Bago pa ako makasagot ng hindi, nagsabi na agad s'ya ng mangyayari kapag humindi ako.

"If you say no, then I won't tell you things about Julia. Think about it, James."

Magaling, magaling. Magaling kang babaitang ka.

"Oo, sige. Babantayan ko lang kuya mo here."

"Thank you! James, you're such a good friend!" Niyakap n'ya ako. "Saglit lang 'to. Don't worry, mabait ang kapatid ko, kapag tulog."

"Mabait, kapag tulog. Tulog naman s'ya ngayon eh. So walang magiging problema!"

"Yes, tulog nga s'ya. Eh, ang kaso, lasing naman. Good luck nalang sa'yo, James. Sana okay ka pa rin 'pag balik ko." Lumabas na s'ya ng guest room at isinara ang pintuan pagkalabas n'ya.

Please, sana mabilis lang talaga s'yang makababalik! Imposible nga lang dahil sa laki ng bahay na 'to!

Umupo ako sa sofa sa tapat ng kama. Nakaharap ang sofa sa TV na nakasabit sa pader, binuksan ko ito.

Tahimik na tuloy ngayon sa kwarto.

Grabe, 'wag naman sanang abutin ng siyam-siyam si Brie sa paghahanap ng tulong! Nilapitan ko si Brix at ipinatong ang kamay ko sa kan'yang noo para pakiramdaman ang temperature n'ya.

The letter 'F'! Ang init n'ya, parang may lagnat!

Naghanap agad ako ng magagamit para maibsan ang init n'ya. Sa banyo ng guestroom ay mayroong maliit na batya, pinuno ko ito ng malamig na tubig at nilagyan ng alcohol, kumuha ng bimpo mula sa drawer sa kwarto.

Binalikan ko na si Brix at ipinatong sa kan'ya ang bimpo.

Nasaan na ba si Brie?

Feeling ko ako ang lalaking Nurse Joy kaso walang assistant na Pokémon.

Lumipas ang kalahating oras na pinabababa ko ang temperature ni Brix, wala pa ring bumabalik na Brie. Wala ring dumarating na kahit sino. Wala bang naghahanap sa akin?

Wala bang nagtataka sa kanila na wala ako sa garden?

Mukhang napababa ko na ang temperature n'ya at na s'ya masyadong mainit. Pinalitan ko na ang tubig ng batya para gamiting pamunas kay Brix.

Sinimulan kong punasan ang mga kamay ni Brix papunta sa balikat nito. Pagkatapos punasan ang kan'yang mukha't leeg, tinanggal ko sa pagkakabutones ang kan'yang polo.

Wow, naka-shirt pa s'ya sa loob ng polo! V-neck shirt!

At ang pinakamalupit, nakasando pa sa loob ng shirt!

Nang tinatanggal ko na ang shirt at sando n'ya, biglang may nagsalita na s'yang kinagulat ko.

"James? Anong ginagawa mo?"

Paglingon ko, si Kevin pala.

"Ano bang sa tingin mo?" Tanong ko naman sa kan'ya habang tinutuloy ko ang paghubad sa pang-itaas ni Brix.

"Bakit s'ya ginagan'yan mo? Bakit hindi mo ginagawa sa akin 'yan?"

"Ha? Eh may sakit 'tong tao, oh? Nilalagnat! Tinutulungan ko lang s'yang gumaling!" Sabi ko.

"Hindi 'yun ang tinutukoy ko!" Pumasok na s'ya ng kwarto at isinara ang pinto. "Bakit ako, hindi mo hinuhubaran."

Dafuq talaga s'ya sobra forever! Kinikilabutan ako sa mga pinagsasasabi n'yang mga 'yun.

"Tigilan mo nga ako, Kevin sa mga kalibugan mo!"

"May nalaman ka na ba tungkol kay Julia?" Tanong n'ya sa akin.

"Wala pa." Nilublob ko ang bimpo sa tubig tapos pinalipitan. "Tulungan mo ako dito." Inabot ko sa kan'ya ang bimpo at kinuha naman n'ya.

"Ano 'to?" Tanong n'ya.

"Tanga ka ba? Ngayon ka lang ba nakakita n'yan? Bimpo 'yan, Kevin!" Sabi ko naman, in a sarcastic way.

Sarcastic rin s'yang nagsalita tungkol sa sinabi ko, "oo, ganito 'yung pinangtakip mo kanina sa harapan mo nung nasa banyo tayo!"

"Manahimik ka nga! Akala ko ba kalilimutan na natin ang nangyari kanina? 'Yung kagagugahang ginawa mo!" Binatukan ko ang gunggong at napakamot s'ya sa ulo dahil sa sakit.

"Sige na, sige na! Pupunasan ko na 'yan!"

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Tapos na ang party, nasa labas na kaming lahat at hinihintay si Greg na kinuha ang sasakyan para ihatid kami ni Kevin.

"Thank you nga pala sa pag-asikaso sa kapatid ko, James!" Sabi ni Brie sa akin at yumakap.

"Thank you for coming, James. Kita-kita nalang tayo sa school." Sabi naman ni Alice.

"Si Julia? Nasaan si Julia?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Binabantayan si Brix." Sagot ni Brie. "Don't worry, may napag-usapan na tayo. Next time nalang ulit."

"Sure."

Beep! Beep!

"There's your ride! Ikaw na ang bahala kina Greg at Kevin, ha?" Sabi ni Alice at binesuhan ako.

"Bye, James!"

"Bye!"

Sumakay na ako sa kotse, sa likod ako sumakay dahil alam kong nasa passenger seat nakaupo si Kevin. Pero nang ikakabit ko na ang aking seatbelt, nalaman kong katabi ko pala s'ya.

Sa highway kami dumaan pauwi sa amin.

Biglaang lumipat ng lane si Greg dahil may mga humarurot na motor na muntikang sumalpok sa amin. Natumba sa akin si Kevin na tulog na tulog.

"James, pakikabit naman 'yung seatbelt ni Kevin, nakalimutan ko kanina eh." Sabi ni Greg.

"Dahan-dahan naman kasi, Greg!" Sabi ko habang ikinakabit ang seatbelt ni Kevin.

"Oo nga pala, tinawagan ko na parents ni Kevin, sabi nila wala sila sa bahay nila ngayon. Sabi ko sa kanila na lasing s'ya ngayon, ibilin ko nalang raw s'ya sa'yo."

Packing tape! Seryoso?

"Wala namang dapat ikabahala, 'di ba?" Tanong ni Greg. "Unless pagsasamantalahan mo si Kevin."

"Hoy, Greg! Hindi ako rapist! At mas lalong hindi ako kasing manyak n'yo ni Kevin!"

"Porket pagsasamantalahan, rape agad? Hindi ba pwedeng kumupit ka sa wallet n'ya o kuhanin mga mamahaling bagay na meron s'ya? Rape agad?"

"Ewan ko sa'yo! Shut up ka nalang at mag-drive!"

♦♦♦♦♦♦♦♦♦